Sa panahong ito sa [[Tsina]], naitatag ang [[dinastiyang Song]]. Nakaranas ang mundong [[Muslim]] ng isang pangkalinangang taluktok, lalo na sa [[al-Andalus]] sa ilalim ng Kalipato ng Córdoba at sa [[Imperyong Samanid] sa ilalim ng [[Ismail Samani]]. Karagdagan dito, nagkaroon ng ng pangkalinangang pagyabong ng [[Imperyong Bisantino]] ang ng Unang Imperyong Bulagaryo.
Sinabi ng medibiyalista at dalubhasa sa kasaysayan ng teknolohiya na si Lynn White na "sa makabagong mata, ito ang halos na pinakamadilim sa [[Panahong Madilim]]," ngunit nagkaroon ng konklusyon na ". . . kung naging madilim ito, nasa sinapupunan ang kadiliman."<ref>Quoted in ''The Tenth Century: How Dark the Dark Ages?'', pinatnugot ni Robert Sabatino Lopez. Holt, Rinehart at Winston: 1959 (sa Ingles).</ref> Sa kaparehong opinyon, sinulat ni Helen Waddell na ang ikasampung siglo ay na kung saan "nasa pagtatalo ng aklat-aralin kasama ang [[ika-7 dantaon|ikapito]] sa masamang karangalan, ang pinakamababang lugar ng talino ng tao."<ref>''The Wandering Scholars''. Constable and Co: London, 1927. (sa Ingles)</ref> Noong [[ika-15 dantaon]], isinalarawan ni Lorenzo Valla ang ika-11 siglo bilang ang '''Dantaon ng Tingga at Bakal''' at sa kalaunan, sinabi ni Kardinal Baronius]] ito bilang ang '''Tininggang Siglo''' o '''Bakal na Siglo'''.