Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                

Benigno Aquino Jr.

Dating Senador at Gobernador ng Tarlac
(Idinirekta mula sa Benigno Aquino, Jr.)

Si Benigno Simeon "Ninoy" Aquino Jr.[2][3][4][5], mas kilala bilang Ninoy Aquino o Benigno S. Aquino Jr., ay isang Pilipinong senador na naging pangunahing kritiko ni Pangulong Ferdinand Marcos. Pinatay siya sa Paliparang Pandaigdig ng Maynila (na matapos ay ipinangalang Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino bilang parangal sa kanya) pagkauwi niya mula sa Estados Unidos, kung saan siya pinadala kasama ang kanyang pamilya upang ito ay ipagamot sa Amerika. Ang kanyang pagkamatay ang naging sanhi ng pagka-Pangulo ng kanyang maybahay, si Corazon Aquino, na pumalit sa 20-taong rehimeng Marcos. Ayon sa mga testigo, ang mga sundalong nag hatid sa kanya pababa ng eroplano ay may mga kinalaman sa kanyang pagkamatay. May mahigit dalawang milyon na sumama sa prusisyon para ihatid si Aquino sa kanyang huling hantungan. Ang mga naging sangkot sa kanyang pagkamatay ay napalaya na noong 2007 na tinutulan naman ng kanyang anak na si Noynoy Aquino. At siya ay isa rin sa mga bayani ng Pilipinas. Ang kanyang bantayog ay makikita sa Lungsod ng Makati.

Benigno Aquino Jr.
Senador ng Pilipinas
Nasa puwesto
30 Disyembre 1967 – 23 Setyembre 1972[1]
Presidential Adviser on Defense Affairs
Nasa puwesto
1949–1954
Gobernador ng Tarlac
Nasa puwesto
30 Disyembre 1961 – 30 Disyembre 1967
Pangalawang Gobernador ng Tarlac
Nasa puwesto
30 Disyembre 1959 – 30 Disyembre 1961
Alkalde ng Concepcion, Tarlac
Nasa puwesto
30 Disyembre 1955 – 30 Disyembre 1959
Personal na detalye
Isinilang27 Nobyembre 1932
Concepcion, Tarlac, Pilipinas
Yumao21 Agosto 1983(1983-08-21) (edad 50)
Paliparang Pandaigdig ng Maynila, Lungsod ng Parañaque, Kalakhang Maynila, Pilipinas
KabansaanPilipino
Partidong pampolitika
AsawaCorazon Aquino
TahananTimes Street, Lungsod Quezon
Alma materUnibersidad ng Pilipinas (hindi nagtapos)
Pamantasang Ateneo de Manila (hindi nagtapos)
Mataas na Paaralan ng San Beda (Nagtapos, 1948)
TrabahoMamamahayag, Politiko
PropesyonMamamahayag, sibil tagapaglingkod

Nang ideklara ang Batas Militar (Martial Law) ng diktadoryang Ferdinand Marcos, si Ninoy ay dinakip at nakulong ng maraming taon. Siya ay nagkaroon ng sakit sa puso at pinahintulutan naman na maoperahan sa Estados Unidos. Dahil sa pagnanasang maglingkod sa bayan at sambayanang Pilipino, bumalik si Ninoy sa Pilipinas. Subalit sa kanyang pagbabalik ay hindi na niya naisakatuparan ang kanyang mga adhikain sapagkat pagtuntong pa lang niya sa paliparan ng MIA, siya ay binaril. Ang kanyang brutal na pagkamatay noong 21 Agosto 1983 ang siyang nagmulat at gumising sa natutulog na damdamin ng taong-bayan.

Nag-alsa ang milyung-milyong Pilipino at ito ay tinaguriang "People Power." Napatalsik ang dektadoryang Pangulong Marcos at iniluklok ang maybahay ni Ninoy na si Corazon Aquino bilang pangulo ng bansa.

Talambuhay

baguhin

Maagang buhay

baguhin

Si Ninoy ay ipinanganak 27 Nobyembre 1932. Siya ay anak ng dating Assemblyman Benigno Aquino, Sr. at Aurora Aquino-Aquino ng Tarlac. Si Ninoy ay 17 taong gulang lamang ng matanyag sa pagiging isang korespondent ng digmaan sa Korea. Naging pinakabatang nahalal na punong-bayan sa Concepcion, Tarlac. Siya rin ay naging katidong teknikal ng mga pangulong sina Ramon Magsaysay at Carlos P. Garcia. Noong panahon ng panunungkulan ni Diosdado Macapagal si Ninoy ay umanib sa Partido Liberal. Siya ang naging pangkalahatang kalihim ng partido na naging daan upang siya ay mahalal na pinakabatang senador noong 1967.

Politika

baguhin

Si Ninoy Aquino ay kasapi ng Partido Liberal at naging pinakabatang gobernador sa bansa at kalaunang pinakabatang senador sa Senado ng Pilipinas noong 1967. Ang kanyang asawang si Corazon Aquino ay nanatiling isang may bahay sa buong karera sa politika ng kanyang asawa. Si Ninoy ay naging isang nangungunang kritiko ni Pangulong Ferdinand Marcos. Si Ninoy ay pinaniniwalang malakas na kandidato laban kay Marcos sa halalan ng pagkapangulo noong 1973. Dahil ipinagbabawal sa Saligang batas ng Pilipinas ang ikatlong termino para kay Marcos, nagdeklara ng Martial Law sa Marcos noong 21 Setyembre 1972 at binuwag ang Saligang Batas ng 1935 na nagpatagal sa kanyang pagluklok sa pagkapangulo. Dahil sa Martial Law, si Ninoy ang isa sa mga bumabatikos na ipinabilanggo ni Marcos at hinatulan ng kamatayan. Noong 1978, nagpasyang tumakbo si Ninoy sa 1978 halalan ng Batasang Pambansa. Noong 1980, dahil sa pamamagitan ni Pangulong Jimmy Carter ng Estados Unidos, pinayagan ni Marcos si Ninoy na tumungo sa Estados Unidos kung saan siya nagpagamot para sa kanyang karamdaman sa puso habang nasa bilangguan. Ang pamilya Aquino ay tumira sa Boston. Noong 21 Agosto 1983, nagpasya si Ninoy na bumalik sa Pilipinas nang hindi kasama ang kanyang pamilya.

Pagpaslang kay Ninoy sa paliparan

baguhin
 
Pagpatay kay Ninoy Aquino

Ang pagpaslang kay Aquino noong 1983 ang kalaunang naging katalista na humantong sa pagpapatalsik kay Marcos. Ang partidong oposisyon ay sumisi kay Marcos ngunit ang iba ay sumisi sa militar at kay Imelda. Noong 21 Agosto 1983 pagkatapos ng isang tatlong taong pagkakatapon sa Estados Unidos, si Ninoy ay pinaslang habang bumababa sa isang pangkalakalan (commercial) na paglipad sa Manila International Airport na kalaunang pinangalanang Ninoy Aquino International Airport bilang pagpaparangal kay Ninoy.[6] Ang kanyang asasinasyon ay nagpagulat at nagpagalit sa maraming mga Pilipino na nawalan ng pagtitiwala sa administrasyon ni Marcos. Ang pangyayaring ito ay karagdagan pang humantong sa mga pagsusupetsa sa pamahalaan na nagtulak sa hindi pakikipagtulungan ng mga Pilipino na kalaunang humantong sa isang buong sibil na hindi pagsunod.[7] Ito ay nagpauga sa pamahalaan ni Marcos na lumalala na sa panahong ito dahil sa papalalang kalusugan ni Marcos. Ang asasinasyon ni Ninoy Aquino ay nagsanhi sa ekonomiya ng Pilipinas na karagdagang lumala at ang pamahalaan ng Pilipinas ay karagdagang lumubog sa pagkakautang. Sa wakas ng 1983, ang bansa ay naging bangkarote, ang piso ay dumanas ng debaluasyon ng 21% at ang ekonomiya ng Pilipinas ay umurong ng 6.8% noong 1984 at muling umurong ng 3.8% noong 1985. [8]

Imbestigasyon sa pagpatay kay Ninoy

baguhin

Noong 1984, si Marcos ay humirang ng isang komisyon na pinangunahan ni Chief Justice Enrique Fernando upang maglunsad ng isang imbestigasyon sa pagpatay kay Ninoy. Si Kardinal Sin ay inanyahan na sumali sa komisyon na ito ngunit tumanggi at naghayag ng kanyang mga pagdududa sa bersiyon ng militar na si Rolando Galman ang pumaslang at ang komisyong ito ay gumuho. Ang pamahalaan ni Marcos ay lumikha ng isang reenactment video ng kanilang bersiyon ng pangyayari na ipinalabas sa telebisyon na nagpapakitang si Galman ay nakatago sa ilalim ng hagdan at bumaril kay Ninoy sa tarmac at pagkatapos ay binaril naman ng mga sundalo si Galman.

Sumunod na hinirang ni Marcos ang kanyang kaibigan at retiradong hukom na si Corazon Agrava upang mamuno sa isang may limang kasaping komisyon upang mag-imbestiga sa asasinasyon. Ang komisyong ito ay naglabas ng isang malaki at maliit na mga ulat noong Oktubre 1984. Ang parehong mga ulat ay umaayon na ang asasinasyon ni Ninoy ay isang pakikipagsabwatang militar. Gayunpaman, ang mga parehong mga ulat ay hindi umayon sa mga aktuwal na tao o mga bilang ng nasasangkot dito. Ang maliit na ulat ay nagpapawalang sala kay General Fabian Ver at nagpangalan lamang ng pitong mga kasangkot. Ang malaking ulat ay nagpangalan ng 26 kasangkot kabilang si Heneral Ver. Ang malaking ulat ay humantong sa mga pagkakaso sa mga pinangalanang kasabwat. Ang paglilitis ng mga ito ay nagsimula noong 22 Pebrero 1985 ngunit naging maliwanag na pinili ng tagapaglitis ng pamahalaan ni Marcos na hindi pansinin ang mga natuklasan ng komisyon ni Agrava at nagpapatuloy ayon sa kuwento ng militar. Dahil dito, may papalaking mga protesta at pagtawag sa pagbibitiw ni Marcos. Noong 2 Disyembre 1985, ang lahat ng mga nasakdal kabilang si Ver ay napawalang sala sa pagpatay kay Ninoy.[8] Noong 1990, ang isang bagong imbestigasyon ay binuksan at hinatulan ng Sandiganbayan ang isang heneral at 15 pang mga sundalo sa pagpatay kay Ninoy at Galman at hinatulan ng habang buhay na pagkabilanggo. Ang mga ito ay kabilang sa mga 1000 sundalong nagbigay seguridad kay Ninoy sa kanyang pagdating sa bansa.[9] Batay sa mga testigong sina Rebecca Quijano, Jessie Barcelona at iba pa, nakita nilang ang sundalong si C1C Rogelio Moreno na nasa likod ni Ninoy habang bumaba sa hagdan ng eroplano si Ninoy ang bumaril sa batok ni Ninoy. Ito ay umaayon sa autopsiya kay Ninoy na ang bala ay pumasok sa itaas ng mastoid ng bungo at lumabas sa mababang panga na nagpapakitang ang pagbaril ay ginawang mas mataas sa ulo ni Ninoy.

Ang tatlo sa mga nahatulan ay namatay sa bilangguan at ang dalawa pa ay naunang napalaya. Noong 2007, pinatawad at pinalaya ni Gloria Macapagal-Arroyo si M/Sgt. Pablo Martinez ng defunct Aviation Security Command. Noong 2 Marso 2009, pinatawad at pinalaya ni Gloria Macapagal-Arroyo ang natitirang 10 ng mga nahatulang sundalo: ex-Capt. Romeo Bautista, former 2nd Lt. Jesus Castro, former Sergeants Ruben Aquino, Arnulfo de Mesa, Rodolfo Desolong, Arnulfo Artates, Claro Lat, Ernesto Mateo and Filomeno Miranda at dating Constable 1st Class Rogelio Moreno.

Isinaad ni Sen. Benigno Aquino III na ang pagpapatawad ni Arroyo sa mga nahatulan ay inhustisya at isang politikal na vendetta ni Arroyo.

baguhin

Social media

baguhin

Ang #NinoyIsNotAHero (literal na salin: hindi bayani si Ninoy) ay isang hashtag na nauuso sa social media tuwing papalapit o sa mismong araw ng Agosto 21 kada taon kung kailan idinaraos ang Araw ni Ninoy Aquino. Layunin ng hashtag na tuligsain ang pagkakatalaga kay yumaong dating senador Ninoy Aquino bilang isang pambansang bayani at sa pagdeklara sa Agosto 21 bilang araw ng komemorasyon sa kaniyang pagkamatay sa Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino noong 1983.[10][11]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Ang orihinal na termino hanggang 30 Disyembre 1973 ay napatigil dahil sa pag-deklara ng Martial Law noong 23 Setyembre 1972.
  2. Encyclopedia of the developing world, Volume 1 (published 2006) - Thomas M. Leonard
  3. Assassinations and executions: an encyclopedia of political violence, 1865–1986 (published 1988) - Harris M. Lentz
  4. Encyclopædia Britannica - Benigno Simeon Aquino, Jr.
  5. An encyclopedic dictionary of conflict and conflict resolution, 1945–1996 (published 1998) by John E. Jessup
  6. Javate-De Dios, Aurora; atbp., mga pat. (1988), Dictatorship and Revolution: Roots of People's Power, Conspectus Foundation Incorporated, p. 132, ISBN [[Special:BookSources/9919108018|9919108018[[Kategorya:Mga artikulong mayroong hindi katanggap-tanggap na mga ISBN]][[Kategorya:Mga artikulong mayroong hindi katanggap-tanggap na mga ISBN]]]] {{citation}}: Check |isbn= value: invalid character (tulong); Explicit use of et al. in: |editor-first= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link).
  7. Schock, Kurt (2005), "People Power Unleashed: South Africa and the Philippines", Unarmed Insurrections: People Power Movements in Nondemocracies, University of Minnesota Press, p. 56, ISBN 0-8166-4192-7{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 "Lakas Ng Bayan: The People's Power/EDSA Revolution 1986". University of Alberta, Canada. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-04-19. Nakuha noong 2007-12-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. http://www.nytimes.com/1990/09/29/world/16-sentenced-to-life-for-killing-aquino.html
  10. https://www.gmanetwork.com/news/hashtag/content/752412/why-did-ninoyisnotahero-trend-on-ninoy-aquino-day/story/
  11. https://www.abante.com.ph/umalma-sa-ninoy-hindi-bayani-kris-palaban-di-patitibag-sa-mga-kalaban/