Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                

Binondo

distrito ng Maynila, Pilipinas
(Idinirekta mula sa Binondo, Maynila)

Ang Binondo (Tsino: 岷倫洛; pinyin: Mínlúnluò; Pe̍h-ōe-jī: Bîn-lûn-lo̍h) ay isang distrito sa Maynila na pangunahing tinitirahan ng mga imigranteng Tsino sa Pilipinas. Umaabot ang impluwensiya nito hanggang sa mga karatig na lugar na Quiapo, Santa Cruz, San Nicolas at Tondo. Ito ang pinakamatandang Baryo Tsino o Chinatown sa buong mundo, na itinatag noong 1594[2][3][4][5] ng mga Kastila bilang pamayanan malapit sa Intramuros na sa kabila lang ng Ilog Pasig para sa mga Katolikong Tsino; nakaposisyon ito upang mabantayan nang mabuti ng administrasyong kolonyal ang kanilang mga migranteng sinakop.[6] Isa na itong sentro ng komersiyo ng mga Tsino bago pa man ang pananakop ng mga Kastila. Sentro ang Binondo ng komersiyo at kalakalan sa Maynila, kung saan umuunlad ang lahat ng uri ng negosyong pinapatakbo ng mga Pilipinong Tsino.

Binondo
Transkripsyong iba
 • Tsino岷倫洛區
Arko ng Pagkakaibigan ng mga Pilipino at Tsino
Arko ng Pagkakaibigan ng mga Pilipino at Tsino
Palayaw: 
Kinaroroonan ng Binondo sa Maynila
Kinaroroonan ng Binondo sa Maynila
BansaPilipinas
RehiyonPambansang Punong Rehiyon
LungsodMaynila
Distritong Pambatasika-3 distrito ng Maynila
Barangays10
Lawak
 • Kabuuan0.66 km2 (0.26 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2020[1])
 • Kabuuan20,491
 • Kapal31,000/km2 (79,000/milya kuwadrado)
Binondo
Tradisyunal na Tsino
Pinapayak na Tsino
Selebrasyon ng bagong taon ng mga Tsino sa Binondo

Kabilang sa mga tanyag na residente sina San Lorenzo Ruiz, ang Pilipinong protomartir, at Kagalang-galang na Madre Ignacia del Espiritu Santo, tagapagtatag ng Kongregasyon ng Relihiyoso ng Birheng Maria.

Etimolohiya

baguhin

Maraming teorya sa pinagmulan ng pangalang "Binondo", at ng "Tondo", ang karatig distrito nito, ang iniharap. Iminungkahi ng Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas na si Nick Joaquin na maaaring hango ang mga pangalan sa makalumang pagbaybay ng "binondoc" sa wikang Tagalog (modernong ortograpiya: binundok), na tumutukoy sa dating maburol na lupain ng Binondo.[7][8] Subalit iminungkahi naman ni Jean-Paul Potet, isang dalubwikang Pranses, na nagmula ito sa tundok", ang dating tawag sa tinduk-tindukan (Aegiceras corniculatum), na may unlaping 'Bi-" sa "Binondo" na nagpapahiwatig ng lokasyon ng Binondo mula sa Tondo.[9]

Galeriya

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Highlights of the National Capital Region (NCR) Population 2020 Census of Population and Housing (2020 CPH)" [Mga Haylayt ng Populasyon ng Pambansang Rehiyong Kapital (NCR) 2020 Senso ng Populasyon at Pabahay (2020 CPH)]. Philippine Statistics Authority (sa wikang Ingles). Nakuha noong 14 Nobyembre 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Geni Raitisoja (Hulyo 8, 2006). "Chinatown Manila: Oldest in the world" [Baryo Tsino ng Maynila: Pinakamatanda sa mundo] (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 27, 2012. Nakuha noong Enero 12, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Wherry, Frederick F. (2015-09-01). The SAGE Encyclopedia of Economics and Society [Ang Ensiklopedyang SAGE ng Ekonomika at Lipunan] (sa wikang Ingles). SAGE Publications, Inc. p. 355. ISBN 9781452226439. Nakuha noong 2020-08-04.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Umali, Justin (2019-02-04). "How Binondo Became the World's Oldest Chinatown" [Kung Paano Naging Pinakamatandang Baryo Tsino ng Mundo ang Binondo]. Esquire (sa wikang Ingles). Summit Media. Nakuha noong 2020-08-04.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Bernard P. Wong; Chee-Beng Tan (2013-03-21). Chinatowns around the World: Gilded Ghetto, Ethnopolis, and Cultural Diaspora [Mga Baryo Tsino sa Buong Mundo: Ginintuang Iskwateran, Etnopolis, at Kultural na Diaspora] (sa wikang Ingles). Brill Publishers. p. 272. ISBN 9789004255906. Nakuha noong 2020-08-04.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Simon Ostheimer (Setyembre 12, 2012). "World's best Chinatowns" [Ang mga pinakamagagandang Baryo Tsino sa mundo] (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 2, 2017. Nakuha noong Enero 12, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Joaqiun, Nick (1990). Manila, My Manila: A History for the Young [Maynila, Aking Maynila: Isang Kasaysayan para sa Mga Kabataan] (sa wikang Ingles). City of Manila: Anvil Publishing, Inc. ISBN 978-9715693134.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Ocampo, Ambeth (2012). Looking Back: Volume 1 [Pagbabalik-tanaw: Bolyum 1] (sa wikang Ingles). Anvil Publishing, Inc. ISBN 9789712736087.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Potet, Jean-Paul G. (2013). Arabic and Persian Loanwords in Tagalog [Mga Arabeng at Persang Salitang-hiram sa Tagalog] (sa wikang Ingles). Lulu.com. p. 444. ISBN 9781291457261.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)