Bihud
Ang bihud[1] (Ingles: roe, fish eggs, hard roe) ay ang ganap nang hinog na masa ng mga itlog ng mga isda at ng ilang mga hayop-dagat tulad ng mga salungo , hipon, at tipay. Ito rin ang tawag sa obaryo ng isda, alimango, sugpo, o ulang na puno ng itlog.[2] Bilang pagkaing-dagat, ginagamit itong luto na sa mararaming ulam bilang sangkap. Ginagamit din itong hilaw. Kabyar (Ingles: caviar) ang termino para sa bihud na tinimplahan, inasnan, o pinasarap na mga itlog ng isda,[2] na kinakain bilang delikasiya. Ang malambot na bihud (soft roe), na tinatawag ding puting bihud (white roe), ang pluwidong seminal ng isdang lalaki.
Tumutukoy din ang salitang aligi o alige sa itlog o obaryo ng mga alimasag, alimango, hipon at alupihang dagat, o panloob na bahagi ng katawan ng mga hayop-tubig na ito, ngunit mas partikular na sa mga taba ng mga ito.[3][4]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Bihud, Fish eggs, Roe, MarketManila.com
- ↑ 2.0 2.1 Gaboy, Luciano L. Roe; caviar, kabyar - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ Leo James English, Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971-91055-0-X
- ↑ Blake, Matthew (2008). "Aligi, alige". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), nasa aligi, fat of shrimps and crabs Naka-arkibo 2012-11-16 sa Wayback Machine., Bansa.org
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.