Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Bundok Pulag
Elebasyon: 2,922 metro (9,586 talampakan)
Mga koordinayts: 16°35′.864″N 120°53′.930″E / 16.58357333°N 120.88359167°E / 16.58357333; 120.88359167
Lokasyon: Luzon, Pilipinas
Unang pagakyat: di-alam
Pinakamadaling ruta: lakad

Ang Bundok Pulag (o minsan na tinatawag na Bundok Pulog) ay ang ikatlong-pinakamataas na bundok sa Pilipinas. Matatagpuan ang mga hangganan ng mga lalawigan ng Benguet, Ifugao, at Nueva Vizcaya sa tuktok nito.

Bundok Pulag

Tropikal ang klima sa bundok na ito na may ulan sa malaking bahagi ng taon. Karaniwang nasa 4,489 mm bawat taon ang presipitasyon kasama ang Agosto sa pinakabasang buwan na may karaniwang presipitasyon na 1,135 mm.

Mayroon mga 528 na dinukumentong specie ng halaman ang bundok na ito. Dito ang likas na tirahan ng endemikong duwendeng kawayan, (Yushania niitakayamensis) at ang pinong Benguet (Pinus insularis). May mga 33 specie ng ibon ang matatagpuan dito kasama ang ilang mga nanganganib na mga mamalya tulad Filipinong usa (Philippine deer), malalaking mga daga at mahabang-buhok na paniki na kumakain ng prutas.

Noong Pebreo 20, 1987, naging Pambansang Liwasan ang malaking bahagi ng bundok sa bisa ng Proclamation No. 75. Nilalayon nito na panatilihin ang kapaligiran sa paligid ng bundok laban sa mga panganib ng pagsulong ng lugar katulad ng mga ginawang lupang sakahan, produksiyon ng batang (Filipino: troso), pangangaso at turismo.

Tinuturing na banal ang lugar na ito ng mga katutubo sa Benguet.

Sanggunian

baguhin


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.