Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                

Silangang Timor

(Idinirekta mula sa East Timor)

Ang Demokratikong Republika ng Timor-Leste, o Silangang Timor, ay isang bansa sa Timog-Silangang Asya. Binubuo ito ng silangang hati ng pulo ng Timor, ng mga kalapit na pulo ng Atauro at Jaco, at Oecusso-Ambeno, isang enclave ng kanlurang Timor sa kanlurang bahagi ng pulo, pinaliligiran ng Kanlurang Timor.

Demokratikong Republika ng Silangang Timor
Repúblika Demokrátika Timór-Leste
República Democrática de Timor Leste
Watawat ng East Timor
Watawat
Eskudo ng East Timor
Eskudo
Salawikain: Unidade, Acção, Progresso
(Portuges: "Pagkakaisa, Pagkilos, Kaunlaran")
Awiting Pambansa: Pátria (Portuges)
'Bayan"
Location of East Timor
Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Dili
Wikang opisyalTetum at Portuges[1]
KatawaganEast Timorese, Taga-Silangang Timor
PamahalaanUnitaryong pamahalaang pamamaraang semi-presidensyal
• Pangulo
José Ramos-Horta
Xanana Gusmão
Kalayaan 
mula sa Portugal[2]
• Ipinahayag
28 Nobyembre 1975
• Kinilala
20 Mayo 2002
Lawak
• Kabuuan
14,950 km2 (5,770 mi kuw) (ika-154)
• Katubigan (%)
walang gaano
Populasyon
• Pagtataya sa 2024
1,354,662 (ika-153)
• Senso ng 2022
1,341,737
• Densidad
89.7/km2 (232.3/mi kuw) (ika-137)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Decrease$5 bilyon (173)
• Bawat kapita
Decrease$3,747 (157)
KDP (nominal)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Decrease$2 billion (183)
• Bawat kapita
Decrease$1,497 (151)
Gini (2014)28.7
mababa
TKP (2022)0.566
katamtaman · ika-155
SalapiDolyara Sentimo ng Silangang Timor ([[ISO 4217|USD]])
Sona ng orasUTC+9
Gilid ng pagmamanehokaliwa
Kodigong pantelepono+670
Kodigo sa ISO 3166[[ISO 3166-2:TL|TL]]
Internet TLD.tl[3]
Websayt
timor-leste.gov.tl
  1. Ginagamit din ang baryang sentimo

Sakop noong ika-16 dantaon ng Portugal ang Silangang Timor, at tinatawag bilang Portuges na Timor hanggang sa matapos ang papanakop nito. Noong huling bahagi ng 1975, inihayag ng Silangang Timor ang kanilang kalayaan, subalit sinakop ng karatig bansang Indonesia at inihayag bilang kanilang ika-27 lalawigan nang sumunod na taon. Ang Silangang Timor ay humiwalay noong 1999 at nakamit nito ang ganap na kalayaan noong 20 Mayo 2002. Nang sumali ang Silangang Timor sa Mga Nagkakaisang Bansa noong 2002, napagpasyahan nilang gamiting opisyal ang pangalan nito sa Portuges na Timor-Leste, at hindi ang pangalan nito sa Ingles na “East Timor”. Isa sa dalawang bansa sa buong Asya ang Silangang Timor na may nakakahihigit na bilang ng Katoliko, sunod sa Pilipinas.

Mga teritoryong pampangasiwaan

baguhin
  1. Pulo ng Atauro[4] (1 Enero 2022)

Talababa

baguhin
  1. Kinikilala ng Saligang Batas ang Indones at Ingles bilang mga "wikang panghanapbuhay".
  2. Sinakop ng Indonesia ang Silangang Timor noong 7 Disyembre 1975 at umalis noong 1999.
  3. Nasa ilalim na ng phased outing ang .tp.
  4. https://www.hatutan.com/2022/04/01/domingos-soares-simu-posse-nuudar-administrador-munisipiu-atauro/.