Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                

Si Franklin Pierce[1] (23 Nobyembre 1804 – 8 Oktubre 1869) ay isang Amerikanong politiko na naglingkod bilang pang-labing-apat na pangulo ng Estados Unidos, naglingkod mula 1853 to 1857. Sa kasalukuyan, siya pa lamang ang presidente ng Estados Unidos na nanggaling sa New Hampshire.

Franklin Pierce
Ika-14 na Pangulo ng Estados Unidos
Nasa puwesto
4 Marso 1853 – 4 Marso 1857
Pangalwang PanguloWilliam R. King (1853)
Wala (1853-1857)
Nakaraang sinundanMillard Fillmore
Sinundan niJames Buchanan
Senador ng Estados Unidos
mula sa New Hampshire
Nasa puwesto
4 Marso 1837 – 28 Pebrero 1842
Nakaraang sinundanJohn Page
Sinundan niLeonard Wilcox
Personal na detalye
Isinilang23 Nobyembre 1804(1804-11-23)
Hillsborough, New Hampshire
Yumao8 Oktobre 1869(1869-10-08) (edad 64)
Concord, New Hampshire
KabansaanEstados Unidos
Partidong pampolitikaDemokratiko
AsawaJane Appleton Pierce
Alma materKolehiyong Bowdoin
TrabahoManananggol
Pirma

Talambuhay

baguhin

Isinilang si Pierce sa Hillsborough County, New Hampshire noong 1804. Nagtapos siya ng pag-aaral mula sa Kolehiyong Bowdoin noong 1824. Natanggap siya sa "bar" ng mga abogado noong 1827. Mula 1829 hanggang 1833, naging kasapi siya ng lehislatura ng New Hampshire. Napangasawa niya si Jane Means Appleton noong 1834.[1]

Naglingkod siya sa Kabahayan ng mga Kinatawan ng Estados mula 1833 hanggang 1837, at bulang senador mula 1837 hanggang 1842. Noong 1847, humarap siya sa mga boluntaryong sundalo bilang isang heneral noong kapanahunan ng Digmaang Mehikano.[1]

Pinasinayahan si Pierce bilang pangulo noong 1853, sa edad na 48. Tinagurian siyang "Young Hickory" o Batang Hickory (si Andrew Jackson ang Matandang Hickory o "Old Hickory"), naging brigadero-heneral noong panahon ng Digmaang Mehikano, isang matagumpay na abogado, kongresista, at senador. Bilang presidente, hinarap niya ang isang krisis hinggil sa paksa ng pang-aalipin na naging sanhi ng pagkakaroon ng digmaan sa Kansas; siya ang nagbigay ng pangalang "nagdurugong Kansas" para sa Kansas.[1]

Nanilbihan siyang pangulo hanggang 1857. Namatay siya sa Concord, New Hampshire noong 1869.[1]

Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 "Franklin Pierce". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)