Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                

Pagsusuring punsiyonal

(Idinirekta mula sa Functional analysis)

Ang pagsusuring pangtungkulin, pagsusuring gumagana o pagsusuring nagagamit na nakikilala sa Ingles bilang functional analysis, ay ang pamamaraan ng pagtasa o pagtaya sa asal na lumalayon na alamin ang tiyak na mga bagay o pangyayaring umiiral dati at mga kinahinatnan ng isang partikular na ugali.[1] Sa sikolohiyang pang-asal, ito ang paglalapat ng mga batas ng pagkukondisyong operante upang mapatunayan ang ugnayan sa pagitan ng mga estimulo at mga tugon. Upang mapagtibay ang tungkulin ng isang ugali, karaniwang sinusuri ang "four-term contingency" (anumang maaaring mangyari na mayroong apat na mga termino): una sa pamamagitan ng mga operasyong naggaganyak o nagbibigay ng motibo (Motivating Operations, EO o AO), na pagkatapos ay kikilalanin ang naunang pangyayari o sanhi ng mismong ugali kung paano ito gumana, at aalamin ang kinahinatnan ng asal na nagpapatuloy na panatilihin ito.

Sa analisis o pagsusuri ng ugali (behavior analysis), ang analisis na gumagana ay gumagamit ng mga prinsipyong hinango mula sa likas na agham ng pagsusuri ng asal upang mapag-alaman ang "dahilan", layunin o motibasyon para sa isang ugali. Ang pagsusuring pangtungkulin ng ugali ay nangangailangan na lipunin ang mga dato hinggil sa mga pagbabago sa isang nagsasariling baryable (ugali) na naganap bilang resulta ng tuwirang manipulasyon ng mga baryableng malalaya (mga antesedente at mga konsekuwensiya); kung gayon, ang analysis na punksiyonal ng ugali ay hindi dapat ikalito sa mga pamamaraan ng pagtatayang pangtungkulin na katulad ng mga pagtatayang ABC dahil hindi kinasasangkutan ang mga ito ng tuwirang pagmamanipula ng nagsasariling mga baryable (mga nagbabago) at ng paggamit ng mga disenyong ekserimental o sinusubukan pa lamang.[kailangan ng sanggunian]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Harmatz, Morton G. at Melinda A. Novak. Glossary, Human Sexuality, Harper & Row Publishers, New York, 1983, pahina 560.