Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                

Mga Ghaznavid

(Idinirekta mula sa Ghaznavid)

Ang dinastiyang Ghaznavid (Persa: غزنویانġaznaviyān) ay isang Persyanisadong[1] dinastiyang Muslim na may pinagmulang Turkong mamluk,[2][a][3] sa kanilang pinakamalawak na lawak, pinamunuan ang malaking bahagi ng Iran, Afghanistan, at karamihan ng Transoxiana at ang hilagang-kanlurang subkontinenteng Indiyano mula 977 hanggang 1186.[4] Itinatag ang dinastiya ni Sabuktigin sa paghalili niya upang pamunuan ang Ghazna pagkatapos mamamatay ng kanyang biyenang si Alp Tigin, na isang dating heneral ng Imperyong Samanid mula sa Balkh, hilaga ng Hindu Kush sa Kalakhang Khorasan.

Bagaman nagmula ang dinastiya sa Gitnang Asya na Turko, lubusan itong na-Persyanisado na nakita sa wika, kalinangan, panitikan at ugali[b][5][c][6] at kaya dito, tinatawag itong "dinastyiang Persiyano."[7]

Idineklara ang kalayaan ng anak ni Sabuktigin na si Mahmud ng Ghazni mula sa Imperyong Samanid[8] at pinalawak ang Imperyong Ghaznavid sa Amu Darya, ang Ilog Indus at ang Karagatang Indiyano sa silangan at sa Rey at Hamadan sa kanluran. Sa ilalim ng pamumuno ni Mas'ud I, nagsimula nawala ang kontrol ng dinastiyang Ghaznavid sa mga kanlurang teritoryo nito sa dinastiyang Selyusida pagkatapos ng Labanan ng Dandanaqan, na nagresulta sa isang restriksyon ng mga ari-arian nito sa mga lugar sa ngayon na Afghanistan, at Pakistan (Punjab at Balochistan).[9][10] Noong 1151, nawala kay Sultan Bahram Shah ang Ghazni sa hari ng Ghurid na si Ala al-Din Husayn.

Pagbangon sa kapangyarihan

baguhin
 
Laban sa pagitan nina Mahmud ng Ghazni at Abu 'Ali Simjuri.

Bumangon ang dalawang pamilyang militar mula sa Turkong aliping-guwardiya ng Imperyong Samanid, ang mga Simjurid at mga Ghaznavid, na napatunayan sa huli na nakakapinsala sa mga Samanid. Nakatanggap ang mga Simjurid ng isang appanage (o lupaing ibinigay upang pakinabangan ng kaanak) sa rehiyong Kohistan ng silangang Khorasan. Nakipagkumpitensya ang mga heneral na Samanid na sina Alp Tigin at Abu al-Hasan Simjuri para sa pagiging gobernador ng Khorasan at kontrol ng Imperyong Samanid sa pamamagitan ng paglalagay sa trono ng mga emir na kanilang madodomina pagkatapos mamatay ni Abd al-Malik I noong 961. Nakalikha ng krisis sa paghalili ang kanyang kamatayan sa pagitan ng kanyang mga kapatid. Sinulsol ang isang partidong korte ng mga lalaki ng pang-eskribang uri — mga sibilyang ministro imbis na mga Turkong heneral — na tinanggihan ang kandidatura ni Alp Tigin para sa trono ng Samanid. Nailuklok si Mansur I sa halip, at maingat na nagretiro si Alp Tigin sa timog ng Hindu Kush, kung saan binihag niya ang Ghazna at naging pinuno ng lungsod bilang isang awtoridad na Samanid.[4] Natamasa ng mga Simjurid ang kontrol ng Khorasan sa timog ng Amu Darya pero pilit na pinipili ng isang pangatlong malaking dinastiyang Iraniyano, ang dinastiyang Buyid, at hindi nanatili sa pagbagsak ng mga Samanid at sa sumunod na pagbangon ng mga Ghaznavid.

Mga pananda

baguhin
  1. Ang mga Ghaznavid ay isang dinastiya ng Turkong aliping-sundalo...[2]
  2. "Namana ng mga Ghaznavid ang administratibo, pampolitika, at pangkalinangang tradisyon ng Samanid at nilatag ang pundasyon para sa isang estadong Persyanisado sa hilang Indya. ..."[5]
  3. Sinubok din Nizam al-Mulk ang iorganisa ang administrasyong Selyusida sang-ayon sa Persyanisadong modelong Ghaznavid.[6]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Arjomand 2012, p. 410-411.
  2. 2.0 2.1 Levi & Sela 2010, p. 83.
  3. Bosworth 1963, p. 4.
  4. 4.0 4.1 Bosworth 2006.
  5. 5.0 5.1 Ziad 2006, p. 294.
  6. 6.0 6.1 Meisami 1999, p. 143.
  7. Spuler 1970, p. 147.
  8. Bosworth 1975, p. 170.
  9. Amirsoleimani 1999, p. 243.
  10. Spuler 1991, p. 1051.