Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                

Ang Intsik ay salitang Tagalog na katunog ng salitang Hokkien na in-chek (kanyang tiyuhin).[1] Unang ginagamit ang salita noong panahon ng Kastila sa Pilipinas upang ipakilala ang isang baguhang tao mula sa Tsina.[1] Noong ika-19 na dantaon, matatagpuan ang unang reprerensya ng salita sa dokumentong nagngangalang Manual del Cabeza de Barangay na sinulat ni Rafael Moreno y Diez noong 1874.[2]

May mga tao na mula sa Tsina o may bahagi ng kanilang lahi ay mula sa Tsina ang nagsasabing nakakasakit o opensibo ang salita.[3][4] Bagaman, hindi ito nakakasakit noong unang ginamit noong panahon ng mga Kastila.[2] Hinihinalang nagkaroon ito ng masamang kahulugan dahil sa katagang "Intsik beho, tulo laway" na tumtutukoy sa mga matatandang Intsik na parokyano ng mga pugad ng opyo sa Binondo na tumutulo ang laway habang tuliro.[1][2] Dagdag pa dito, ang salitang Intsik ay katunog ng salitang Ingles na insect.[1] Ang salitang balbal na Tsekwa na mula sa Hokkien na "chek goa kang" (ang kanyang tiyuhin, nagtratrabaho ako) ay nakikitang mas opensibo.[1] Ngunit hindi lahat ay nakikitang opensibo ang mga katagang Intsik o Tsekwa.[1][2]

Ang ibang pang tawag sa mga tao mula sa Tsina o may bahagi ng kanilang lahi na mula sa Tsina noong panahon ng Kastila sa Pilipinas ay Sangley, Mestizo de Sangley at Chino.[1] Sa makabagong panahon, ang Chino ay naging Tsino.[1] Ang mga may bahagyang may lahing Tsino o Tsinong ipinanganak sa Pilipinas ay tinatawag na Chinoy o Tsinoy.[4] Ang katawagang Tsino ay tinuturing din ng ilan bilang bahagyang opensibo.[2]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 1.7 Ocampo, Ambeth R. (2020-08-19). "Reclaiming 'Intsik'". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 2020-10-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 Cabreza, Vincent (2014-01-31). "Is 'Intsik' a racial slur? Chinese-Filipino prof in US says it's not". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 2020-10-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  3. Tan, Michael L. (2011-01-28). "Intsik". www.pressreader.com (sa wikang Ingles). Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 2020-10-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Chow, Chino (2020-04-29). "Chow: Intsik? Tsekwa? Chinoy!". Sunstar (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-01-22. Nakuha noong 2020-10-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)