Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                

LGBT

inisyal na nagsasamang tumutukoy sa mga taong "lesbiyana, gay, biseksuwal, at mga transgender"
(Idinirekta mula sa LGBTQ+)

Ang LGBT ay inisyal na nagsasamang tumutukoy sa mga taong "lesbiyana, gay, biseksuwal, at mga transgender" (tomboy, bakla, dalawang kasarian, at mga nagpalit ng kasarian). Ginagamit na ito simula pa noong dekada '90, na hango sa inisyal na "LGB", at upang palitan ang pariralang "pamayanan ng mga bakla", na ginamit noong dekada '80,[1] na kung saan marami sa napapaloob sa komunidad ang nadama na hindi ito ang tumpak na kumakatawan sa kanila o sa sinuman na tinutukoy nito.[2] Ang initialismong ito ang naging pangunahing marka na ginagamit ng karamihan ng na nababase sa seksuwalidad at kasarian ang pagkakakilanlan sa mga himpilan ng komunidad at medya sa Estados Unidos at sa ilang pang bansang gumagamit ng wikang Ingles.[3][4]

Ang katagang LGBT ay inilaan upang bigyang-diin ang pagkakaiba-iba ng pagkakakilanlan base sa seksuwalidad at pangkasariang kultura na kung minsan ay ginagamit upang tingnan ang kahit sino na hindi heterosekswal sa halip na eksklusibo sa mga tao na homoseksuwal, biseksuwal at transgender.[2][5] Upang makilala ito , isang popular na titik ang idinagdagdag, ang titik Q para sa mga kilala bilang queer at questioning o tinatanong kanilang sekswalidad na pagkakakilanlan (halimbawa, "LGBTQ" o "GLBTQ", na naitala mula noong 1996[6]).

Hindi lahat ay sang-ayon sa inisyalismong ito. Sa isang banda, ang ilang mga intersex na nagnanais na sumama sa grupo ng LGBT ay iminumungkahi ang pagdadagdag ng isa pang titik I sa inisyal "LGBTI" (naitala mula noong 1999 [7]).[8] Ang "LGBTI" ay ginagamit sa "The Activist's Guide" ng Yogyakarta Principles in Action. "LGBTIH" naman ang nakitang gamit sa India para sa hijra o ang ikatlong kasarian at kaugnay nitong kalinangan. Pinapanukala na rin ang paggamit ng "GSD" o gender and sexual diversity.

Pride Parade sa Bologna, Italya noong 2008.

Kasaysayan

baguhin
 
Ang bahagharing watawat na sumasagisag sa mga LGBT.

Bago magkaroon ng himagsikang seksuwal noong dekada '60, walang karaniwang magandang salita sa talasalitaan para sa mga taong hindi heteroseksuwal; ang pinakamalapit na salita noon ay "ikatlong kasarian", na nagsimula nang gamitin noon pang 1860 ngunit hindi nagkamit ng malawak na paggamit sa Estados Unidos.[9][10][11][12][13][14]

Homoseksuwal ang unang katagang ginamit, ngunit sinasabing may negatibo itong konotasyon kaya't pinalitan ng homophile noong dekada 1950s at 1960s,[15] at sa kinalaunan ay ginamit ang salitang “gay” noong dekada 70.[9] Nang ang mga lesbyan ay lumabas para magkaroon ng isa pang pagkakakilanlan ang pariralang gay at lesbian ang naging mas karaniwang ginamit.[2] Ang Daughters of Bilitis ay nahati ng direksiyon noong 1970 sa pag-focus sa isyung peminismo o karapatang pang bakla.[16] Ang pagkakapantay-pantay ay isang pangunahing layunin para sa mga peminismong-lesbyan, pagkakaiba ng mga tungkulin ng lalaki at babae o Butch at femme ay tiningnan bilang patriyarkal. Ang mga peminismong-lesbyan ay tinutulan ang gender role play na lumalaganap sa mga bar, pati na rin ang pagtinging tsowinisma ng mga bakla. Maraming peminismong-lesbyan ang tumanggi sa pakikipag-trabaho sa mga bakla, o sa kanilang mga dahilan.[17] Ang mga lesbyan ang may pagtinging essenyalista na naniniwalang sila ay ipinanganak na homoseksuwal at ang salitang lesbyan ay kataga upang tukuyin lamang ang sekswal atraksiyon, madalas na itinuturing silang separatista, sinasabing ang mga opinyon ng peminismong-lesbyan ang pumipinsala sa mga panukala ng mga karapatang pang-bakla.[18] Ito ay sinundan ng pag-usbong ng mga biseksuwal, transgender na naghahanap din naman ng pagkakakilanlan sa komunidad.[2] Matapos ang unang euporia ng mga kaguluhan sa Stonewall, simula sa huli 1970s at unang bahagi ng 1980s, nagkaroon ng isang pagbabago sa pagtingin, ilang gays at lesbians ay naging mas mababa ang pagtanggap sa biseksuwal o transgender na tao.[19][20] Iniisip nila na ang transgender ay tinatakasan lamang ang stereotypes at ang mga biseksuwal ay simpleng bakla o tomboy na babae na takot lumabas at ihayag ang kanilang mga tutuong pagkakakilanlan.[19] Ang bawat komunidad ay sama-samang lumalaban upang bumuo ng kani-kaniyang sariling pagkakakilanlan kasama na kung, at kung paano, i-aangkop sa iba ang mga kasarian at sekswalidad base sa mga komunidad lalo na sa mga panahong isinasantabi ang iba pang maliliit na grupo, magpahanggang ngayon patuloy pa rin ang pakikibakang ito.[20]

Ang inisyalismong LGBT ay nakitang ginagamit paminsan-minsan sa Estados Unidos mula noong taong 1988.[21] Noong dekada 90 naging pangkaraniwan na itong kataga ng mga bakla, lesbyan, biseksuwal at transgender na may pantay na respeto sa kilusan.[20] Bagaman ang komunidad ng LGBT ay nakitaan ng maraming kontrobersiya tungkol sa unibersal na pagtanggap ng iba't ibang grupo na miyembro nito (bisexual at transgender na indibidwal na kung minsan ay tinitingnan bilang marginalisado sa mga mas malaking komunidad ng LGBT), ang mga kataga ng LGBT ay isang positibong simbolo ng pagsasama.[5][20] Sa kabila ng hindi nito pagsakop lahat ng mga indibidwal lalo na sa mas maliit na mga komunidad (tingnan ang mga uri sa ibaba), isinasama na rin dito ang mga hindi na tinukoy sa akronim.[5][20] Sa pangkalahatan, ang paggamit ng katagang LGBT sa paglipas ng panahon, higit sa lahat ay nakatulong mga marginalisadong indibidwal sa pangkalahatang komunidad.[5][20]

Tinawag ng transgender na aktres na si Candis Cayne noong 2009 ang komunidad ng LGBT na "ang huling dakilang minory"a, na sinabi nitong "Maaari pa rin kaming lantarang guluhin", at "matawag sa telebisyon".[22]

Uri at terminolohiya

baguhin
 
Isang Pride parade noong 2007 sa Buenos Aires na inorganisa ng Argentine Federacion ng mga LGBT na makikita ang akronim na LGBT sa mga watawat ng grupo (sa kanan na itaas ng tao sa larawan)

Maraming uri na umiiral kasama na ang pagiba-iba ng ayos ng mga titik ng LGBT o GLBT ngunit ito ay ang pinaka-karaniwang kataga at karamihan sa mga madalas na makikita sa kasalukuyang paggamit.[20] Kahit na magkatulad sa kahulugan ang "LGBT", ito ay maaaring magkaroon ng mas peministang kahulugan kaysa "GLBT" bilang nauuna ang lugar ng "L" (para sa "lesbyan").[20] Kapag hindi napapabilang ang mga transgender minsan ito ay pinapaikli sa LGB.[20][23] Sa LGBT o GLBT maaari ring isama ang mga karagdagang "Q" s para sa "queer" or "questioning" (kung minsan ay may kasamang tandang pananong) (halimbawa, "LGBTQ", "LGBTQQ", o "GLBTQ ?").[24][25][26] Sa iba pang mga pag-uuri ay maaaring magdagdag ng "U" para sa "unsure"; "C" para sa "curious"; "I" para "intersex"; "T"para sa "transsexual" o "transvestite"; "T", "TS", o "2" para sa "Two-spirit person"; "A" o "SA" para sa "straight allies"; "A" para sa "asexual".[27][28][29][30][31] Ang ilan ay maaari ring magdagdag ng "P" para "pansexuality" o "polyamorous", at "O" para sa "others".[20][32] Ang ayos ng mga titik ay hindi alinsunod sa isang pamantayan, sa karagdagan sa mga pagkakaiba-iba sa pagitan ng mga posisyon ng unang titik na "L" o "G", ang mga nabanggit at mga hindi pangkaramiwang titik, kung gagamitin ay maaaring lumabas sa halos anumang order.[20] Ang ibang tuntunin ay hindi karaniwang kumakatawan sa pampolitika na pagkakaiba sa loob ng komunidad, ngunit nagmula lamang sa kagustuhan ng mga indibidwal at mga grupo.[33] Ang mga tuntuning panseksuwal, omniseksuwal, "fluid" at "queer-identified" ay kinilala at itinuturing na kabilang sa mga katagang biseksuwal.[34] Gayon din, ang mga tuntuning "transsexual" at "intersex" ay itinuturing ng ilang na kabilang sa katagang "transgender" bagaman maraming transeksual at intersex tao dito (para sa iba't ibang dahilan).[20]

"SGL" (i.e. "same gender loving") kung minsan ay napaboran ng mga kabilang sa Aprikano-Amerikano bilang isang paraan ng pagtangi ng kanilang sarili mula sa kung ano sila bilang white-dominated LGBT na komunidad.[35] "MSM" (i.e. "men who have sex with men" ) ay ginagamit clinically upang ilarawan ang mga taong nagkaroon ng sekswal na karanasan sa ibang tao na walang pagsangguni sa kanilang oryentasyong sekswal.[36][37]

Ang isang parirala ipinakilala noong 2000s, "minority sexual and gender identities" ("MSGI"), na ginagamit upang isama ang lahat ng mga titik at acronyms upang makahanap ng paraan sa karaniwang paggamit.[38] Ang magazine Anything That Moves ay lumikha ng akronim na FABGLITTER (mula sa salitang Fetish katulad ng BDSM lifestyle community, Allies or poly-Amorous , Bisexual, Gay, Lesbian, Intersexed, Transgender, Transsexual Engendering Revolution or inter-Racial attraction) , bagaman ang kataga na ito ay hindi lumaganap.[2]

Isa pang akronim ang umusbong, ito ay QUILTBAG, halaw sa salitang Queer/Questioning, Undecided, Intersex, Lesbian, Trans, Bisexual, Asexual, Gay. Muli, ito ay hindi pangkaraniwang termino.[39] Isa pang katulad nito, ang 'LGBTetc' o 'LGBTQetc' ay ginagamit na din sa ibang mga lugar upang isama ang lahat.[40][41][42]

Terminolohiya

baguhin
 
Ang anim na banda ng bahaghari na rumerepresenta sa komunidad ng LGBT
 
Ang bawat watawat na sumisimbolo sa LGBTQIA++.

Ang komunidad ng LGBT o LGBTQIAPP+ ay isang komunidad na bumubuo sa mga LGBT. Nabuo ang katagang LGBTQIA+ dekadang 2000's, ang mga seksuwal oryentasyon na naidagdag sa katagang LGBT. Ang (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Transexual, Queer, Questioning, Intersex, Ally (straight), Asexual, Pansexual.)[43]

Iba iba ang akronim na sumisimbolo sa kataga ng LGBT maari ring tawaging GLBT, GLTB o mga nadagdag na LGBTQIAAP+, Ang mga titik ay naihahanay sa mga kategoryang halimbawa: Heteroseksuwalidad (Straight ally, Asexual), Homoseksuwalidad (Lesbian, Gay), Biseksuwalidad (Bi, Poly, Omny, Pan sexuals) at Transeksuwalidad (Transgen, Transexual).[44]

Kategorya ng kasarian

baguhin
Seksuwalidad Deskripsyon Akronim
1. Lesbiyana
 
Ang babae ay naatrak sa kapwa babae. L
2. Gay
 
Ang lalaki ay naatrak sa kapwa lalaki. G
3. Biseksuwalidad
 
Na-aatrak sa kaparehong kasarian. B
4. Transeksuwalismo
 
Nagpalit ng kanyang kasarian. TG
5. Queer
 
Maraming pagkakakilanlan baryasyon. Q
6. Questioning/Fluid
 
Hindi pa sigurado sa kung ano ang kanyang oryentasyon. QF
7. Intersex
 
Ang isang indibidwal na iba ang chromosomes. I
8. Straight ally
 
Ang straight na indibidwal ay sumusuporta sa LGBT S,A
9. Asexualidad
 
isang hindi sekswal na naaakit sa ibang tao A
10. Panseksuwalidad
 
Ang isang indibidwal na nagkakagusto sa iba't ibang oryentasyon. P

Kritisismo

baguhin
 
Ang mga pamilyang LGBT, gaya nitong nasa pride parade noong 2007, ay hindi nais mabansagan ang kanilang sarili bilang mga hindi-heterosekswal subalit sinasama sila doon ng mga mananaliksik dahil sa iba't ibang mga kadahilanan.[45]

Ang mga termino ng LGBT o GLBT ay hindi sang-ayon sa lahat ng tao.[46] Halimbawa, ang ilan ay nagsasabing ang transgender at transekswal ay may layunin na hindi pareho sa layunin ng lesbian, gay, bisexual (LGB).[47] Ang argumentong ito ang sentro ng ideya na ang transgender at transsexuality may kinalaman sa pagkakakilanlan sa kasarian o unawa ng isang tao ng pagiging lalaki o babae ng walang pagtatangi sa kanilang sekswal na oryentasyon..[20] Ang isyung LGB ay makikita bilang isang bagay na may kinalaman sa sekswal na oryentasyon o atraksiyon.[20] Ang mga pagkakaiba ay ginawa sa kontekstong aksiyon pampolitika na kung saan ang mga layuning LGB ay maaaring tingnan na naiiba mula sa transgender at transekswal, tulad ng same-sex marriage na batas at karapatan ng tao sa trabaho na hindi sakop ng mga transgender at interseks.[20] Katulad nito, ilang interseks ang nagnanais na mapabilang sa grupo at ang LGBT na termino ay mas gusto nila bilang "LGBTI", datapwat ang iba ay iginigiit na sila ay hindi bahagi ng komunidad ng LGBT at sa halip ay hindi sila kasama bilang bahagi ng mga kataga.[8][48]

Kaiba sa nabanggit na sitwasyon, maliwanag sa mga paniniwalang "lesbian & gay separatism", na nagdidiin na ang mga lesbyan at bakla ay mga tao gumagawa (o ang dapat gumawa) ng isang komunidad na natatangi at hiwalay sa ibang mga grupo, karaniwang kasama na dito ang LGBTQ.[24][49] Habang hindi pa sapat ang bilang o organisasyon para matawag na isang kilusan, ang mga separatista ay isang mahalaga, bocal, at aktibong elemento ng komunidad ng LGBT.[49][50][51] Sa ilang mga kaso ng mga separatista, tinatanggi nila ang pagkakaroon o karapatan-sa-pagkakapantay-pantay ng mga may di-monosekswal na oryentasyo at ng transsexuality.[51] Ito ay maaaring pinalalawak pa sa pagkakaroon biphobia at transphobia.[49][51] Ang mga separatista ay malakas na kalaban - Peter Tatchell ng LGBT sa karapatang pantao, pangangatwiran ng OutRage! na ang pinaglalabang paghiwalay ng mga transgender sa kilusan ng LGB ay isang "political madness".[52]

 
Ang anim na banda ng bahaghari na rumerepresenta sa komunidad ng LGBT

Maraming tao ang naghanap ng iba pang pangkalahatang termino upang palitan ang mga umiiral na iba't ibang daglat.[51] Mga salita tulad ng queer at rainbow ay sinubukang gamitin ngunit hindi ito naipalaganap.[51][53] Ang "Queer" ay sinasabing maraming negatibong konotasyon kabilang na dito ang uyam at mga insulto ngunit patuloy pa rin ang paggamit sa katagang ito.[51][53] Maraming mga mas bata ang nakakaintindi sa salitang "queer" na mas politically-charged kaysa "LGBT".[51][53] Many younger people also understand "queer" to be more politically‐charged than "LGBT".[53][54] Ang salitang "rainbow" ay may konotasyon na pagpapabalik hippies, New Age movements, at mga organisasyon tulad ng Jesse Jackson's Rainbow / PUSH Coalition sa Estados Unidos.

Ang pangkalahatang representasyon ng "komunidad ng LGBT " o "komunidad ng LGB" ay hindi gusto ng ilang mga lesbyan, bakla, biseksuwal, transgender, pati na rin ang mga ontologists.[24][55][56] Ang ilan ay hindi makasunod sa o aprubahan ng mga pampolitika at panlipunang pagkakaisa, at bisibilidad at karapatang pantaong kampanya na pangkaraniwang kasama sa mga pagdiriwang at martsa ng mga bakla.[55][56] Ilan sa kanila ay naniniwala na ang pakikisama sa mga grupo na wala namang heterosekswal na oryentasyon, ay paniniwala na nakapagpapanatili na ang pagiging gay / lesbian / biseksuwal ay isa lamang kakulangang kaiba sa mga pangkaraniwang tao.[24][55] Ang mga taong ito ay hindi madalas makita kung ihahambing sa mas mainstream gay o aktibistang LGBT.[55][56] Dahil dito mahirap silang makilala mula sa mga heteroseskwal, kaya naman ipinagpapalagay na ang lahat ng LGBT ay sumusuporta sa liberasyong LGBT at bisibilidad ng LGBT sa lipunan, kabilang na ang karapatang mabuhay sa ibang paraan mula sa karamihan.[55][56][57] Sa aklat na Anti-Gay, 1996, isang koleksiyon ng mga sanaysay na inedited ni Mark Simpson, ang konsepto ng isang 'one-size-fits-all' pagkakakilanlan batay sa LGBT stereotypes ay tinuligsa dahil sa mga katangiang inilabas nito na nakakapag-pababa ng individualismo ng isang LGBT .[58]

Maaari ring tingnan

baguhin
  • Asexual
  • Attraction to disability
  • Bisexual community
  • Closeted
  • Coming out
  • Fetish culture
  • Gay neighborhood
  • Kasarian
  • Katauhang pangkasarian
  • Gynephile
  • LGBT marketing
  • LGBT rights opposition
  • LGBT retirement issues
  • List of LGBT publications
  • List of LGBT-related organizations
  • List of transgender-related topics
  • Queer theology
  • Queer theory
  • Petisismong seksuwal
  • Transvestite o crossdressing

Mga sanggunian

baguhin
  1. Acronyms, initialisms & abbreviations dictionary, Volume 1, Part 1 Gale Research Co., 1985, ISBN 978-0-8103-0683-7. Factsheet five, Issues 32–36, Mike Gunderloy, 1989
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 Swain, Keith W. (21 Hunyo 2007). "Gay Pride Needs New Direction". Denver Post. Nakuha noong 2008-07-05.
  3. The 2008 Community Center Survey Report: Assessing the Capacity and Programs of Lesbian, Gay, Bisexual, and Transgender Community Centers Naka-arkibo 2009-05-04 sa Wayback Machine. 29 Agosto 2008, Terry Stone, CenterLink (formerly The National Association of Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender Community Centers).Report link[patay na link]
  4. National Lesbian & Gay Journalists Association: Stylebook Supplement on LGBT Terminology, NLGJA 2008. Stylebook Supplement
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 Shankle, Michael D. (2006, ISBN 1-56023-496-2). The Handbook of Lesbian, Gay, Bisexual, and Transgender Public Health: A Practitioner's Guide To Service. Haworth Press. Nakuha noong 2008-07-05. {{cite book}}: Check date values in: |date= (tulong)
  6. The Santa Cruz County in-queery, Volume 9, Santa Cruz Lesbian, Gay, Bisexual & Transgendered Community Center, 1996. Books.google.com. 2008-11-01. Nakuha noong 2011-10-23.
  7. William L. Maurice, Marjorie A. Bowman, Sexual medicine in primary care, Mosby Year Book, 1999, ISBN 978-0-8151-2797-0
  8. 8.0 8.1 Aragon, Angela Pattatuchi (2006, ISBN 1-56023-645-0). Challenging Lesbian Norms: Intersex, Transgender, Intersectional, and Queer Perspectives. Haworth Press. Nakuha noong 2008-07-05. {{cite book}}: Check date values in: |date= (tulong)
  9. 9.0 9.1 Ross, E. Wayne (2006, ISBN 0-7914-6909-3). The Social Studies Curriculum: Purposes, Problems, and Possibilities. SUNY Press. Nakuha noong 2008-07-05. {{cite book}}: Check date values in: |date= (tulong)
  10. Kennedy, Hubert C. (1980) The "third sex" theory of Karl Heinrich Ulrichs, Journal of Homosexuality. 1980–1981 Fall–Winter; 6(1–2): pp. 103–1
  11. Hirschfeld, Magnus, 1904. Berlins Drittes Geschlecht ("Berlin's Third Sex")
  12. Ellis, Havelock and Symonds, J. A., 1897. Sexual Inversion.
  13. Carpenter, Edward, 1908. The Intermediate Sex: A Study of Some Transitional Types of Men and Women Naka-arkibo 2023-05-30 sa Wayback Machine..
  14. Duc, Aimée, 1901. Sind es Frauen? Roman über das dritte Geschlecht ("Are These Women? Novel about the Third Sex")
  15. Minton, Henry (2002). Departing from Deviance. University of Chicago Press. ISBN 0-226-53043-4. Nakuha noong 2009-01-01.
  16. Esterberg, Kristen (September, 1994). "From Accommodation to Liberation: A Social Movement Analysis of Lesbians in the Homophile Movement." Gender and Society, 8, (3) p. 424–443.
  17. Faderman, Lillian (1991). Odd Girls and Twilight Lovers: A History of Lesbian Life in Twentieth Century America, Penguin Books. ISBN 0-14-017122-3, p. 210–211.
  18. Faderman (1991), p. 217–218.
  19. 19.0 19.1 Leli, Ubaldo; Jack Drescher (2005, ISBN 0-7890-2576-0). Transgender Subjectivities: A Clinician's Guide. Haworth Press. Nakuha noong 2008-07-05. {{cite book}}: Check date values in: |date= (tulong)
  20. 20.00 20.01 20.02 20.03 20.04 20.05 20.06 20.07 20.08 20.09 20.10 20.11 20.12 20.13 20.14 Alexander, Jonathan; Karen Yescavage (2004, ISBN 1-56023-287-0). Bisexuality and Transgenderism: InterSEXions of The Others. Haworth Press. Nakuha noong 2008-07-05. {{cite book}}: Check date values in: |date= (tulong)
  21. Research, policy and practice: Annual meeting, American Educational Research Association Verlag AERA, 1988.
  22. "I Advocate...". The Advocate. Issue #1024. Marso 2009. p. 80. {{cite news}}: |access-date= requires |url= (tulong)
  23. Bohan, Janis S. (1996, ISBN 0-415-91514-7). Psychology and Sexual Orientation: Coming to Terms. Routledge. Nakuha noong 2008-07-05. {{cite book}}: Check date values in: |date= (tulong)
  24. 24.0 24.1 24.2 24.3 Bloodsworth-Lugo, Mary K. (2007, ISBN 0-7914-7221-3). In-Between Bodies: Sexual Difference, Race, and Sexuality. SUNY Press. Nakuha noong 2008-07-05. {{cite book}}: Check date values in: |date= (tulong)
  25. Alder, Christine; Anne Worrall (2004, ISBN 0-7914-6110-6). Girls' Violence: Myths and Realities. SUNY Press. Nakuha noong 2008-07-05. {{cite book}}: Check date values in: |date= (tulong)
  26. Cherland, Meredith Rogers; Helen J. Harper (2007, ISBN 0-8058-5056-2). Advocacy Research in Literacy Education: Seeking Higher Ground. Routledge. Nakuha noong 2008-07-05. {{cite book}}: Check date values in: |date= (tulong)
  27. Lebaron, Sarah; Jessica Pecsenye, Becerra Roland, Jon Skindzier (2005, ISBN 1-59658-092-5). Oberlin College: Oberlin, Ohio. College Prowler, Inc. Nakuha noong 2008-07-05. {{cite book}}: Check date values in: |date= (tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  28. Chen, Edith Wen-Chu; Glenn Omatsu (2006, ISBN 0-7425-5338-8). Teaching about Asian Pacific Americans: Effective Activities, Strategies, and Assignments for Classrooms and Communities (Critical Perspectives on Asian Pacific Americans). Rowman & Littlefield. Nakuha noong 2008-07-05. {{cite book}}: Check date values in: |date= (tulong)
  29. Babb, Florence E. (2001, ISBN 0-292-70900-5). After Revolution: Mapping Gender and Cultural Politics in Neoliberal Nicaragua. University of Texas Press. Nakuha noong 2008-07-05. {{cite book}}: Check date values in: |date= (tulong)
  30. Padilla, Yolanda C. (2003, ISBN 1-56023-275-7). Gay and Lesbian Rights Organizing: Community-based Strategies. Haworth Press. Nakuha noong 2008-07-05. {{cite book}}: Check date values in: |date= (tulong)
  31. Swigonski, Mary E.; Robin S. Mama, Kelly Ward, Matthew Shepard (2001, ISBN 1-56023-257-9). From Hate Crimes to Human Rights: A Tribute to Matthew Shepard. Haworth Press. Nakuha noong 2008-07-05. {{cite book}}: Check date values in: |date= (tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  32. O'Rourke, P. J. (2001, ISBN 0-8021-4198-6). Peace Kills: America's Fun New Imperialism. Grove Press. Nakuha noong 2008-07-05. {{cite book}}: Check date values in: |date= (tulong)
  33. Brown, Catrina; Tod Augusta-Scott (2006, ISBN 1-4129-0988-0). Narrative Therapy: Making Meaning, Making Lives. Sage Publications Inc. Nakuha noong 2008-07-05. {{cite book}}: Check date values in: |date= (tulong)
  34. Estraven We are all somewhere between straight and gay . . . . Naka-arkibo 2011-07-08 sa Wayback Machine. 20 Abril 2009 BiNet USA News and Opinions
  35. Rimmerman, Craig A.; Kenneth D. Wald, Clyde Wilcox (2006, ISBN 1-4129-0988-0). The Politics of Gay Rights. University of Chicago Press. Nakuha noong 2008-07-05. {{cite book}}: Check date values in: |date= (tulong)
  36. Young, R M & Meyer, I H (2005) The Trouble with "MSM" and "WSW": Erasure of the Sexual-Minority Person in Public Health Discourse American Journal of Public Health Hulyo 2005 Vol. 95 No. 7.
  37. Glick, M Muzyka, B C Salkin, L M Lurie, D (1994) Necrotizing ulcerative periodontitis: a marker for immune deterioration and a predictor for the diagnosis of AIDS Journal of Periodontology 1994 65 p. 393–397.
  38. "Welcome to the Bradford University Minority Sexual and Gender Identity Site!". Bradford Uni MSGI Society. 2008. Nakuha noong 2008-09-09.
  39. Smith, S. E. (17 Setyembre 2010). "Separate But Equal Is Still Unequal". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-09-23. Nakuha noong 2010-11-27.
  40. "Tom Claes | LGBTQ-etc Studies". Philosophy.ugent.be. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-04-02. Nakuha noong 2011-10-23.
  41. "Popular Lgbt Etc Books". Goodreads.com. Nakuha noong 2011-10-23.
  42. "Queer Basics « HUHC: The Conversation". Huhc.wordpress.com. 2011-03-23. Nakuha noong 2011-10-23.
  43. https://gaycenter.org/about/lgbtq
  44. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-09-11. Nakuha noong 2022-09-13.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link)
  45. Klesse, Christian (2007). The Spectre of Promiscuity: Gay Male and Bisexual Non-Monogamies and Polyamories. Ashgate Publishing, Ltd. ISBN 0-7546-4906-7. Nakuha noong 2008-07-24.
  46. Finnegan, Dana G. (2002, ISBN 1-56023-925-5, ISBN 978-1-56023-925-3). Counseling Lesbian, Gay, Bisexual, and Transgender Substance Abusers: Dual Identities. Haworth Press. Nakuha noong 2008-07-05. {{cite book}}: Check date values in: |date= (tulong); Unknown parameter |coauthor= ignored (|author= suggested) (tulong)
  47. Wilcox, Melissa M. (2003, ISBN 0-253-21619-2). Coming Out in Christianity: Religion, Identity, and Community. Indiana University Press. Nakuha noong 2008-07-05. {{cite book}}: Check date values in: |date= (tulong)
  48. Makadon, Harvey J.; Kenneth H. Mayer, Jennifer Potter, Hilary Goldhammer (2008, ISBN 1-930513-95-X). The Fenway Guide to Lesbian, Gay, Bisexual, and Transgender Health. ACP Press. Nakuha noong 2008-07-05. {{cite book}}: Check date values in: |date= (tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  49. 49.0 49.1 49.2 Mohr, Richard D. (1988, ISBN 0-231-06735-6). Gays/Justice: A Study of Ethics, Society, and Law. Columbia University Press. Nakuha noong 2008-07-05. {{cite book}}: Check date values in: |date= (tulong)
  50. Blasius, Mark (1994, ISBN 1-56639-173-3). Gay and Lesbian Politics: Sexuality and the Emergence of a New Ethic. Temple University Press. Nakuha noong 2008-07-05. {{cite book}}: Check date values in: |date= (tulong)
  51. 51.0 51.1 51.2 51.3 51.4 51.5 51.6 Blasius, Mark (2001, ISBN 0-691-05867-9). Sexual Identities, Queer Politics: Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender Politics. Princeton University Press. Nakuha noong 2008-07-05. {{cite book}}: Check date values in: |date= (tulong)
  52. Abrehart, David. "Lesbian, Gay, Bisexual — but Why Transgender?, Mothership Gay Dating". Nakuha noong 2009-06-24.
  53. 53.0 53.1 53.2 53.3 Armstrong, Elizabeth A. (2002, ISBN 0-226-02694-9). Forging Gay Identities: Organizing Sexuality in San Francisco, 1950–1994. University of Chicago Press. Nakuha noong 2008-07-05. {{cite book}}: Check date values in: |date= (tulong)
  54. Halpin, Mikki (2004, ISBN 0-689-87448-0). It's Your World--If You Don't Like It, Change It: Activism for Teenagers. Simon and Schuster. Nakuha noong 2008-07-05. {{cite book}}: Check date values in: |date= (tulong)
  55. 55.0 55.1 55.2 55.3 55.4 Sycamore, Matt Bernstein (2005, ISBN 1-932360-56-5). That's Revolting!: Queer Strategies for Resisting Assimilation. Soft Skull Press. Nakuha noong 2008-07-05. {{cite book}}: Check date values in: |date= (tulong)[patay na link]
  56. 56.0 56.1 56.2 56.3 Carlsson, Chris (2005, ISBN 1-931404-05-4). The Political Edge. City Lights Books. Nakuha noong 2008-07-05. {{cite book}}: Check date values in: |date= (tulong)
  57. Leondar-Wright, Betsy (2005, ISBN 0-86571-523-8). Class Matters: Cross-Class Alliance Building for Middle-Class Activists. New Society Publishers. Nakuha noong 2008-07-05. {{cite book}}: Check date values in: |date= (tulong)
  58. "Anti-Gay". Marksimpson.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-09-27. Nakuha noong 2011-10-23.

Pangkalahatang sanggunian

baguhin
  • The LibraryThing Blog. Tags again: GLBT vs. LGBT. Published online.
  • Safe Schools Coalition. Glossary. Published online.
  • Religious Institute. "Time to Seek" Definitions. Published online.
  • Stahl, S. Sorting the Alphabet Soup of Sexual Orientation and Identity: a Guide to LBGT Sources. Published online.
baguhin
 
Wiktionary
Tingnan ang LGBT sa
Wiktionary, ang malayang talahulugan.
 
May koleksyon ng mga sipi ang Wikiquote sa Ingles tungkol sa paksa ng artikulong ito.