Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                

Lalawigan ng Cuneo

Ang Cuneo (Italyano), o Coni (Piamontes), ay isang lalawigan sa timog-kanluran ng rehiyon ng Piamonte ng Italya. Sa kanluran ito ay may hangganan sa rehiyong Pranses ng Provence-Alpes-Côte d'Azur (mga departamento ng Alpes-Maritimes, Alpes-de-Haute-Provence, at Hautes-Alpes). Sa hilaga ito ay hangganan ng Kalakhang Lungsod ng Turin. Sa silangan ito ay hangganan ng lalawigan ng Asti. Sa timog ito ay hangganan ng mga lalawigan ng Liguria na Savona at Imperia. Kilala rin ito bilang La Provincia Granda, Piamontes para sa "Ang Malaking Lalawigan", dahil ito ang pang-apat na pinakamalaking lalawigan sa Italya (kasunod ng mga lalawigan ng Sassari, Timog Tirol, at Foggia) at ang pinakamalaki sa Piamonte.[1] Ang Briga Marittima at Tenda ay bahagi ng lalawigang ito bago ang pagpunta sa Pransiya noong 1947.[2]

Lalawigan ng Cuneo
Ang luklukang panlalawigan
Ang luklukang panlalawigan
Watawat ng Lalawigan ng Cuneo
Watawat
Eskudo de armas ng Lalawigan ng Cuneo
Eskudo de armas
Mapang nagpapakita ng kinaroroonan ng Lalawigan ng Cuneo sa Italya
Mapang nagpapakita ng kinaroroonan ng Lalawigan ng Cuneo sa Italya
BansaItalya
RehiyonPiamonte
KabeseraCuneo
Comune250
Pamahalaan
 • PanguloFederico Borgna
Lawak
 • Kabuuan6,902 km2 (2,665 milya kuwadrado)
Populasyon
 (30 Hunyo 2016)
 • Kabuuan590,309
 • Kapal86/km2 (220/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
Postal code
12100
Telephone prefix0171
Plaka ng sasakyanCN
ISTAT004
Websaytprovincia.cuneo.it

Pangangasiwa

baguhin

Ang kabesera nito ay ang lungsod ng Cuneo.[3] Sa 250 comune sa lalawigan, ang pinakamalaki ayon sa populasyon ay:

Comune Populasyon
Cuneo 56,201
Alba 31,346
Bra 29,593
Fossano 24,306
Mondovì 22,730
Savigliano 21,526
Saluzzo 16,971
Borgo San Dalmazzo 12,457
Busca 10,116
Racconigi 10,094
Boves 9,807
Cherasco 9,128
Barge 7,694
Dronero 7,065

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Bole 2011, p. 82.
  2. Construction de l'espace au Moyen Age: pratiques et représentations [Construction of space in the Middle Ages: practices and representations] (sa wikang Pranses). Publications de la Sorbonne. 2007. p. 391. ISBN 978-2-85944-587-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Kresl & Ietri 2010.

Mga pinagkuhanan

baguhin