Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                

Mendoza, Arhentina

Ang Mendoza (local pagbigkas: [men'dosa]) ay ang kabisera ng lalawigan ng Mendoza sa Arhentina. Matatagpuan ito sa hilaga-gitnang bahagi ng lalawigan, sa rehiyon ng mga paanan at mataas na kapatagan, sa silangang gilid ng Andes. Ayon sa senso noong 2010, may kabuuang 115,041 katao ang lungsod at 1,055,679 katao ang kalakhang pook, kung kaya ang Malawakang Mendoza ay pang-apat na pinakamalaking kalakhang pook sa bansa batay sa populasyon.

Mendoza
Tanawin ng Mendoza noong Disyembre 2013.
Tanawin ng Mendoza noong Disyembre 2013.
Opisyal na sagisag ng Mendoza
Sagisag
Mendoza is located in Argentina
Mendoza
Mendoza
Lokasyon sa Arhentina
Mga koordinado: 32°53′00″S 68°49′00″W / 32.88333°S 68.81667°W / -32.88333; -68.81667
Bansa Argentina
LalawiganMendoza
DepartamentoCapital
Tinirhan1561; 463 taon ang nakalipas (1561)
NagtatágPedro del Castillo
Pamahalaan
 • Punong lungsodRodolfo Suarez (UCR)
Lawak
 • Lungsod54 km2 (21 milya kuwadrado)
Taas
746.5 m (2,449.1 tal)
Populasyon
 (2010)[1]
 • Lungsod115,041
 • Kapal2,055.4/km2 (5,323/milya kuwadrado)
 • Urban
1,055,679
 • Demonym
Mendoceneano (Mendocino/-a Spanish)
Sona ng orasUTC-3 (ART)
CPA Base
M 5500
Kodigo ng lugar+54 261
KlimaBWk
Websaytwww.ciudaddemendoza.gov.ar

Ang Ruta Nacional 7, ang pangunahing daang dumadaan sa pagitan ng Buenos Aires at Santiago, ay dumadaan sa Mendoza. Isang madalas na stopover ang lungsod para sa mga mamumundok na papuntang Aconcagua (ang pinakamataas na bundok sa Timog Amerika) at para sa mga nakikipagsapalarang manlalakbay na interesado sa pamumundok, mahabaang paglalakad, pagsakay sa kabayo, rafting at iba pang mga palakasan. Sa tag-lamig, dumadagsa ang mga nag-iiski sa lungsod dahil sa madaliang pagpasok sa Andes.

Dalawa sa mga pangunahing industriya sa lugar ng Mendoza ay ang paggawa ng langis ng oliba at Arhentinong alak. Ang rehiyon sa paligid ng Malawakang Mendoza ay ang pinakamalaking lugar ng paggawa ng alak sa Latinong Amerika. Dahil diyan, isa ang Mendoza sa siyam na Mga Dakilang Kabisera ng Alak (Great Wine Capitals),[2] at umuusbong ang lungsod bilang isang destinasyong enoturismo at panimula para sa paglalakbay ng mga daan-daang paggawaan ng mga alak sa rehiyon na matatagpuan sa kahabaan ng Argentina Wine Route.

Kasaysayan

baguhin
 
Mendoza noong 1858 (bago ang lindol noong 1861).

Itinatag ni Pedro del Castillo ang Mendoza noong 1561 at pinangalanan itong Ciudad de Mendoza del Nuevo Valle de La Rioja, mula sa gobernador ng Tsile na si Don García Hurtado de Mendoza.[3] Dito itinatag ni José de San Martín at ng ibang mga taong makabayang Arhentino at Tsileno ang hukbo na kung saan napanalunan niya ang kalayaan ng Tsile at Peru.[4]

Isang lindol ang tumama sa lungsod noong 1861 na ikinasawi ng hindi bababa sa 5,000 katao. Itinayo muli ang lungsod, at kalakip ang mga bagong disenyong urbano na kakaya sa mga lindol, na may malalaking mga liwasan (squares) at mas-malapad na mga kalye at bangketa kaysa ibang lungsod sa bansa.

Industriya ng alak

baguhin

Ang mga patok na alak ng Malbec sa Arhentina ay nagmumula sa mga matataas na rehiyong alak ng lungsod: Lujan de Cuyo at Lambak ng Uco. Matatagpuan ang mga rehiyong ito sa mga paanan ng mga bundok ng Andes sa pagitan ng 2,800 at 5,000 talampakan ng elebasyon.[5][6][7][8]

Si Nicolas Catena Zapata na isang tagagawa ng alak (vintner) ay itinuturing tagapanguna ng pagpapalaki ng mga ubas sa mataas na kataasan at ang unang nakatanim ng isang ubasan ng malbec sa 5,000 talampakan sa ibabaw ng lebel ng dagat sa rehiyon ng Mendoza noong 1994. Kinikilala rin ang kanyang pamilya sa paggawa ng mga uring pandaigdig na alak at sa pagbigay ng katayuan sa mga alak ng Arhentina.[9]

Edukasyon

baguhin

May mga ilang pamantasan ang Mendoza, kabilang na ang pangunahing Universidad Nacional de Cuyo, gayundin ang Unibersidad ng Mendoza, isang sangay ng Universidad Congreso, Aconcagua University, UTN (Universidad Tecnologica Nacional) at Champagnat University. Isang patok na lugar para mag-aral ng wikang Kastila ang Mendoza, at may mga paaralang nagtuturo ng wikang Kastila, kabilang na ang Intercultural, Green Fields and SIMA.[10]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Annual Estimates of the Censo 2008 - Resultados provinciales Mendoza". INDEC. 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-05-20. Nakuha noong 2008-03-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. - The Great Wine Capitals
  3. "welcomeargentina.com: Land of the good wine". welcomeargentina.com.
  4. "Morris Charles - The Hannibal of the Andes and the Freedom of Chile". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-06-10. Nakuha noong 2017-07-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Catena, Laura (Setyembre 2010). Vino Argentino, An Insiders Guide to the Wines and Wine Country of Argentina. Chronicle Books. ISBN 978-0-8118-7330-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Rolland, Michel (Enero 2006). Wines of Argentina. Mirroll. ISBN 978-987-20926-3-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "WINE TOURS: Argentina - Mendoza". Fly Fishing Patagonia. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-01-12. Nakuha noong 2017-07-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Wine Tip: Malbec Madness". Wine Spectator. 12 Abril 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Malbec wines have rich history and flavor[patay na link], "Argus leader"
  10. "SIMA: Spanish in Mendoza Argentina". Spanishinmendozaargentina.greenash.net.au. Nakuha noong 2013-03-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga pinagkunan

baguhin
  • V. Letelier, Apuntes sobre el terremoto de Mendoza (Santiago de Chile - 1907)
  • V. Blasco Ibánez, Argentina y sus Grandezas (Madrid - 1910)

Mga ugnay panlabas

baguhin