Miss World 1976
Ang Miss World 1976 ay ang ika-26 na edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Royal Albert Hall sa Londres, Reyno Unido noong 18 Nobyembre 1976.
Miss World 1976 | |
---|---|
Petsa | 18 Nobyembre 1976 |
Presenters |
|
Pinagdausan | Royal Albert Hall, Londres, Reyno Unido |
Brodkaster | |
Lumahok | 60 |
Placements | 15 |
Bagong sali |
|
Hindi sumali |
|
Bumalik |
|
Nanalo | Cindy Breakspeare Hamayka |
Personality | Veronica Matsepe Timog Aprika |
Photogenic | Jakki Moore Irlanda |
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Wilnelia Merced ng Porto Riko si Cindy Breakspeare ng Hamayka bilang Miss World 1976.[1] Ito ang ikalawang tagumpay ng Hamayka sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Karen Jo Pini ng Australya, habang nagtapos bilang second runner-up si Diana Marie Duenas ng Guam.[2]
Animnapung kandidata mula sa limampu't-siyam na bansa at teritoryo ang kumalahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Ray Moore, Patrick Lichfield, at Sacha Distel ang kompetisyon.[3] Sa edisyon ring ito unang itinampok ang bagong korona ng Miss World na gawa ng alaherong Ingles na si Russel Stone, na siyang mayroong 1,259 na diyamante.[4]
Kasaysayan
baguhinPagpili ng mga kalahok
baguhinAnimnapung kandidata mula sa limampu't-siyam na bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Siyam na kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang mga bansa/teritoryo matapos maging runner-up sa kanilang pambansang kompetisyon, o napili sa isang casting process, at tatlong kandidata ang nailuklok matapos bumitiw ang orihinal na kalahok.
Isang bagong patakaran ang inimplementa ng Miss World sa edisyong ito. Simula sa edisyong ito, tatanggapin lamang ang isang kandidata kung ang kompetisyong pambansa kung saan nagwagi ang nasabing kandidata ay naganap sa bansang kanyang kinakatawan. Inimplimenta ang patakarang ito upang hindi na mangyari muli ang nangyari kay Maricela Maxie Clark na kumatawan sa Kuba bagama't siya ay ipinanganak sa Miami, Florida sa Estados Unidos.[5]
Mga pagpalit
baguhinDapat sanang lalahok ang first runner-up ng Miss Honduras 1976 na si Carmen Leticia Figueroa sa edisyong ito, ngunit siya ay hindi pinayagan ng mga organizer ng Miss Honduras sa paglahok sa Miss World dahil siya ay kasal na.[6] Dahil sa mga runner-up ang gustong pumalit kay Figueroa, iniluklok na lamang si Maribel Ayala, isa sa mga semi-finalist ng Miss Honduras 1976, upang kumatawan sa Honduras sa Miss World. Dapat sanang lalahok ang first runner-up ng Miss México 1976 na si Emilia Estefanía Smith, ngunit siya ay pinalitan ni Miss Mexico 1976 Carla Jean Evert dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.[7] Bagama't inangkin ng bagong Miss Italy na si Paola Bresciano ang kanyang karapatan na lumahok sa Miss World,[8] siya ay hindi pinansin ng nasabing organisasyon dahil ang opisyal na kandidata ng Italya sa edisyong ito ay si Antonella Lombrosi.[9]
Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong
baguhinLumahok sa unang pagkakataon ang mga bansang Guwatemala at ang Kapuluang Birhen ng Estados Unidos. Bumalik sa edisyong ito ang mga bansang Tahiti na huling sumali noong 1965, Tsile na huling sumali noong 1969, Paragway na huling sumali noong 1972, Tsipre na huling sumali noong 1973, at Ekwador, Espanya, at Hamayka na huling sumali noong 1974.
Hindi sumali sa edisyong ito ang mga bansang Barbados, Bulibya, Guernsey, Hayti, Indiya, Kuba, Malaysia, Mawrisyo, Nikaragwa, Pilipinas, Santa Lucia, Seykelas, Sri Lanka, Suwasilandiya, Tunisya, at Yugoslavia sa edisyong ito. Hindi sumali si Jewell Nightingale ng Barbados dahil sa kakulangan sa pondo para ipadala sa Londres at lumahok na lamang sa Miss Universe.[10] Hindi sumali sina Irene Matthews ng Guernsey at Ivania Navarro ng Nikaragwa dahil sa hindi isiniwalat na dahilan. Hindi rin sumali si Cynthia Elibox ng Santa Lucia dahil sa kakulangan sa badyet. Hindi sumali ang mga bansang Bulibya, Hayti, at Kuba sa edisyong ito matapos na mabigo ang kanilang organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok. Bumitiw naman sa kompetisyon sina Naina Balsavar ng Indiya,[11] Lorraine Wede Johnson ng Liberya, Che Puteh Che Naziauddin ng Malaysia, Anne-Lise Lesur ng Mawrisyo,[12] Josephine Conde ng Pilipinas,[13] Lynn Gobine ng Seykelas, Tamara Ingrid Subramanian ng Sri Lanka, Zanella Tutu Tshabalala ng Suwasilandiya, at Slavica Stefanović ng Yugoslavia bilang protesta laban sa paglahok ng dalawang kandidata mula sa Timog Aprika na siyang pinangunahan ng South African Non-Racial Olympic Committee o SANROC.[14][15] Bagama't inanunsyong lalahok sa Miss World, hindi lumahok si Yuliarti Rahayuningsih ng Indonesya dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.[16]
Dalawang kandidata ang hindi pinayagang lumahok sa edisyong ito. Una ay si Mandi Anathi Gulwa ng Transkei, na diniskwalipika ni Julia Morley dahil hindi kinikilala ng Reyno Unido ang kalayaan ng Transkei bagama't idineklara na ang kalayaan nito noong 26 Oktubre 1976.[17] Ang pangalawa ay si Jane Bird ng Rhodesia, na hindi pinayagan ni Morley na makasali dahil sa mga politikal na rason, at dahil hindi rin kinikilala ng Reyno Unido ang Rhodesia. Bukod pa rito, huli na nang makapunta si Bird sa Londres para makasali pa sa Miss World.[18]
Mga kontrobersiya
baguhinPagbitiw ng ilan sa mga kandidata bilang protesta sa paglahok ng Timog Aprika
baguhinNoong 10 Nobyembre 1976, pinakiusapan ng SANROC ang mga organizer ng Miss World upang pagbawalan ang paglahok ng dalawang kandidata mula sa Timog Aprika, isang itim at isang puti, dahil ito ay rasista at dapat ay isang kandidata lamang ang ipinapadala ng bawat bansang lumalahok sa Miss World.[19] Tinanggihan ni Julia Morley ang pakiusap at sinabing sa susunod na edisyon, isang kandidata na lang mula sa Timog Aprika ang lalahok at ang kompetisyon kung saan pipiliin ang kandidata ay multiracial.[20] Gayunpaman, nagdududa pa rin si Chris de Broglio, kalihim ng SANROC, na papayagan ng pamahalaan ng Timog Aprika na magkaroon ng isang kompetisyong multiracial ang Miss South Africa.[21] Ang pagtanggi sa pakiusap ng SANROC ang siyang nag-udyok sa SANROC na magpadala ng sulat sa apatnapung-limang embahada ng mga bansa sa Londres na nag-uudyok sa kanila na i-boykot ang Miss World,[19] tulad ng nangyari sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 1976 sa Montréal.[22]
Noong 14 Nobyembre, nakatanggap ng sulat mula sa kanilang mga pamahalaan sina Anne-Lise Lesur ng Mawrisyo at Zanella Tutu Tshabalala ng Suwasilandiya na bumitiw na sa kompetisyon bunsod ng delegasyon ng Timog Aprika sa edisyong ito.[23][24] Ang sulat ay nanggaling sa embahada ng Suwasilandiya at Mawrisyo sa Londres na kinailangan nilang sundin.[25] Noong 15 Nobyembre, inatasan ng Foreign Minister ng Liberya si Lorraine Wede Johnson na bumitiw na rin sa kompetisyon, at noong 16 Nobyembre ay bumitiw si Naina Balsavar ng Indiya sa utos ng kanyang pamahalaan.[26][27] Noong 17 Nobyembre ay bumitiw na rin sina Lynn Gobine ng Seykelas, Che Puteh Che Naziauddin ng Malaysia,[28] at Tamara Ingrid Subramanian ng Sri Lanka.[29][30]
Bagama't pitong kandidata na ang bumitiw sa kompetisyon dulot ng pag-boykot ng kanilang mga pamahalaan sa Miss World, napagdesisyunan pa rin ni Morley na ipagpatuloy ang kompetisyon. Nagpatuloy pa rin ang nalalabing animnapu't-dalawang kandidata sa kanilang dress rehearsal at ang pag-record ng parade of nations nang makatanggap ng dalawang sulat sina Morley tungkol sa pagbitiw ng mga kandidata mula sa Pilipinas at Yugoslavia na sina Josephine Conde at Slavica Stefanović.[31][32] Natanggap ni Morley ang sulat mula sa Pamahalaan ng Pilipinas ilang minuto bago magsimula ang pag-record ng parade of nations. Nang ipaalam kay Conde na iniutos ng pamahalaan ng Pilipinas na siya ay bumitiw, tumangis ang kandidata at tinangka nitong umapela sa Unang Ginang ng Pilipinas na si Imelda Marcos na siya ring sa Londres noong mga panahong iyon, ngunit nabigo ito.[33][34] Bagama't hindi na kabilang sa listahan ng kandidata, napagdesisyunan pa rin ni Conde na lumahok pa rin sa parade of nations. Bumitiw naman sa kompetisyon si Stefanović pagkatapos ma-record ang parade of nations. Ayon sa isang tagapagsalita mula sa BBC, dahil may background music ang ni-record na parade of nations sa Royal Albert Hall, hindi maaaring tanggalin sa video sina Conde at Stefanović, at sasabihin na lamang sa mga manonood ang nangyari sa final telecast.
Noong 18 Nobyembre, sa araw ng final telecast, isang kandidata pa ang inatasan ng kanilang pamahalaan na bumitiw, at ito ay si Patricia Anderson Leon ng Trinidad at Tobago. Bagama't natanggap ang sulat mula sa kanilang pamahalaan, hindi ito pinansin ni Anderson Leon at nagpatuloy pa rin ito sa paglahok. Kalaunan ay itinanghal si Anderson Leon bilang isa sa labinlimang mga semi-finalist. Bagama't may pangamba pa rin si Morley na may posibilidad na higit-kumulang dalawampu't-limang kandidata ang maaari pang bumitiw sa huling minuto, nagpatuloy ang kompetisyon at ang final telecast ayon sa plano.[35]
Mga resulta
baguhinMga pagkakalagay
baguhinPagkakalagay | Kandidata |
---|---|
Miss World 1976 | |
1st runner-up | |
2nd runner-up | |
3rd runner-up |
|
4th runner-up |
|
Top 7 | |
Top 15 |
|
Mga espesyal na parangal
baguhinParangal | Kandidata |
---|---|
Miss Photogenic |
|
Miss Personality |
|
Kompetisyon
baguhinPormat
baguhinTulad noong 1961, labinlimang semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon na ginanap sa araw ng pinal na kompetisyon na binubuo ng swimsuit at evening gown competition. Lumahok sa swimsuit competition at evening gown competition ang labinlimang mga semi-finalist, at kalaunan ay napili ang pitong pinalista na sumabak sa final interview.
Komite sa pagpili
baguhin- Barbara Bain – Amerikanang aktres
- Wentworth Christopher – National Director ng Bermuda
- Fred Demmond
- James Hunt – Ingles na racecar driver
- Curd Jürgens – Austriano-Aleman na aktor
- Michael Knotts – Ingles na pintor
- Wilnelia Merced – Miss World 1975 mula sa Porto Riko
- Doreen Miller
- Eric Morley – Pangulo ng Mecca at tagapagtatag ng Miss World
- Mary Peters – Ingles na atleta sa pentathlon
- Demis Roussos – Griyegong mang-aawit
- Yuki Torimaru – Hapones na fashion designer
Mga kandidata
baguhinAnimnapung kandidata ang lumahok para sa titulo.
Bansa/Teritoryo | Kandidata | Edad[a] | Bayan |
---|---|---|---|
Alemanya | Monika Schneeweiss[38] | 21 | Francfort del Meno |
Arhentina | Adriana Salguiero[39] | 19 | Tres Arroyos |
Aruba | Maureen Wever[40] | 20 | Oranjestad |
Australya | Karen Jo Pini[41] | 19 | Perth |
Austrya | Monika Mühlbauer[42] | 17 | Karlstetten |
Bagong Silandiya | Anne Clifford | 22 | Christchurch |
Bahamas | Mazorian Larona Miller[43] | 19 | Nassau |
Belhika | Yvette Aelbrecht[44] | 18 | Bruselas |
Beneswela | María Genoveva Rivero[45] | 19 | Caracas |
Bermuda | Vivienne Anne Hollis[46] | 19 | Smith's Parish |
Brasil | Adelaida Fraga de Oliveira Filha[47] | 18 | Brasília |
Curaçao | Viveca Marchena[48] | 18 | Willemstad |
Dinamarka | Susanne Juul Hansen | 18 | – |
Ekwador | Marie Clare Fontaine | 20 | Guayaquil |
El Salvador | Soraya Camondari | 17 | San Salvador |
Espanya | Luz María Polegre[49] | 18 | Tenerife |
Estados Unidos | Kimberly Foley[50] | 21 | Southfield |
Gresya | Rania Theofilou | 20 | Atenas |
Guam | Diana Marie Duenas[51] | 17 | Agana |
Guwatemala | Marta Elisa Tirado | 21 | Lungsod ng Guatemala |
Hamayka | Cindy Breakspeare[52] | 21 | Kingston |
Hapon | Noriko Asakuno | 19 | Tokyo |
Hibraltar | Rosemarie Parody | 19 | Hibraltar |
Honduras | Maribel Ayala | 18 | San Pedro Sula |
Hong Kong | Christine Leung | 22 | Hong Kong |
Irlanda | Jakki Moore[53] | 17 | Dublin |
Israel | Levana Abarbanel[54] | 17 | Tel-Abib |
Italya | Antonella Lombrosi[55] | 17 | Milan |
Jersey | Susan Hughes | 21 | St. Helier |
Kanada | Pamela Mercer[56] | 20 | Ancaster |
Kapuluang Birhen ng Estados Unidos | Denise La Franque[57] | 19 | Saint Croix |
Kolombya | María Loretta Celedón[58] | 19 | Valledupar |
Kosta Rika | Ligia María Ramos[59] | 23 | San Jose |
Libano | Suad Nachoul[60] | 21 | Beirut |
Luksemburgo | Monique Wilmes | 19 | Echternach |
Lupangyelo | Sigríður Olgeirsdóttir[61] | 19 | Reikiavik |
Malta | Jane Saliba | 18 | Żurrieq |
Mehiko | Carla Jean Evert[62] | 19 | Acapulco |
Noruwega | Nina Rønneberg | 21 | Oslo |
Olanda | Stephanie Flatow[63] | 23 | Rotterdam |
Paragway | María Cristina Fernández Samaniego | 21 | Asuncion |
Peru | Rocío Lazcano[64] | 21 | Lima |
Pinlandiya | Merja Tammi[65] | 21 | Helsinki |
Porto Riko | Ivette Rosado | 19 | Bayamón |
Pransiya | Monique Uldaric[66] | 22 | Paris |
Republikang Dominikano | Jennyfer del Carmen Corporán | 17 | Santo Domingo |
Reyno Unido | Carol Jean Grant[67] | 19 | Glasgow |
Singapura | Pauline Poh Neo Cheong[68] | 18 | Singapura |
Suwesya | Ann-Christine Gernandt | 19 | Estokolmo |
Suwisa | Ruth Crottet | 21 | Lugano |
Tahiti | Patricia Servonnat[69] | 18 | Papeete |
Taylandiya | Duangcheewan Komolsen | 20 | Bangkok |
Timog Aprika | Veronica Motsepe[b][70] | 21 | Pretoria |
Lynn Massyn[71] | 18 | Durban | |
Timog Korea | Shin Byoung-sook | 19 | Seoul |
Trinidad at Tobago | Patricia Anderson Leon[35] | 21 | San Fernando |
Tsile | María Cristina Granzow | 18 | Santiago |
Tsipre | Andri Tsangaridou | 20 | Famagusta |
Turkiya | Jale Bayhan[72] | 20 | Ankara |
Urugway | Sara Alaga[73] | 19 | Salto |
Mga tala
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ "Jamaica girl wins Miss World title". Gadsden Times (sa wikang Ingles). 19 Nobyembre 1976. p. 20. Nakuha noong 10 Mayo 2023.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Miss Jamaica wins dramatic world contest". The Windsor Star (sa wikang Ingles). 19 Nobyembre 1976. p. 18. Nakuha noong 4 Hunyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Miss World time". Evening Times (sa wikang Ingles). 18 Nobyembre 1976. p. 5. Nakuha noong 11 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Kroon voor Miss Wereld" [Crown for Miss World]. Nieuwsblad van het Noorden (sa wikang Olandes). 5 Nobyembre 1976. p. 3. Nakuha noong 10 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Miss 'Free Cuba' debunks protest". St. Petersburg Times (sa wikang Ingles). 28 Nobyembre 1975. p. 40. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gámez, Sabino (25 Abril 2008). "El Miss Honduras, una historia que contar". La Prensa (sa wikang Kastila). Nakuha noong 8 Disyembre 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Martin, E. (27 Nobyembre 2013). "Conmoción por muerte de Miss México Carla Jean Evert". Yahoo! Noticias (sa wikang Kastila). Nakuha noong 18 Enero 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Rome visit by soccer beauty". New Nation (sa wikang Ingles). 3 Nobyembre 1976. p. 6. Nakuha noong 7 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Miss World, your sponsor needs you!". New Nation (sa wikang Ingles). 21 Nobyembre 1976. p. 3. Nakuha noong 6 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Bellas bajo el sol". La Nacion (sa wikang Kastila). 29 Hunyo 1976. p. 1. Nakuha noong 19 Enero 2023.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "India orders withdrawal from pageant". Lubbock Avalanche-Journal (sa wikang Ingles). 17 Nobyembre 1976. p. 2. Nakuha noong 10 Mayo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Maria Allard, Miss Mauritius d?un décevant concours" [Maria Allard, Miss Mauritius in a disappointing competition]. L'express (sa wikang Pranses). 11 Hunyo 2004. Nakuha noong 24 Marso 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Burton-Titular, Joyce (1 Oktubre 2013). "From Vivien to Megan: The PH in Miss World history". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong 3 Hunyo 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Miss World contest affected by politics". The Emporia Gazette (sa wikang Ingles). 17 Nobyembre 1976. p. 10. Nakuha noong 10 Mayo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Beauties pull out of contest". The Charleston Daily Mail (sa wikang Ingles). 16 Nobyembre 1976. p. 20. Nakuha noong 10 Mayo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Beauty who had so little time for the newsmen..." The Straits Times (sa wikang Ingles). 5 Oktubre 1976. p. 13. Nakuha noong 7 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kamm, Henry (26 Oktubre 1976). "Transkei, a South African Black Area, Is Independent". The New York Times (sa wikang Ingles). ISSN 0362-4331. Nakuha noong 11 Abril 2024.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Miss Rhodesia flies in". Lawrence Journal-World (sa wikang Ingles). 17 Nobyembre 1976. pp. 9 Abril 2024. Nakuha noong 9 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 19.0 19.1 "Boycott Miss World contest call". New Nation (sa wikang Ingles). 10 Nobyembre 1976. p. 6. Nakuha noong 7 Abril 2024.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "2 countries withdraw from pageant". Lawrence Journal-World (sa wikang Ingles). 15 Nobyembre 1976. p. 2. Nakuha noong 9 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Miss World contest hot under the crown". The Montreal Gazette (sa wikang Ingles). 11 Nobyembre 1976. p. 46. Nakuha noong 9 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Miss World and Lysistrata". New Nation (sa wikang Ingles). 19 Nobyembre 1976. p. 8. Nakuha noong 7 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Two black beauties walk out of contest". New Nation (sa wikang Ingles). 15 Nobyembre 1976. p. 6. Nakuha noong 7 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Meet the beauties who quit". New Nation (sa wikang Ingles). 16 Nobyembre 1976. p. 6. Nakuha noong 7 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Countries withdrew from pageant". Corsicana Daily Sun (sa wikang Ingles). 15 Nobyembre 1976. p. 9. Nakuha noong 9 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Indian beauty told to quit". The Straits Times (sa wikang Ingles). 17 Nobyembre 1976. p. 24. Nakuha noong 6 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Miss Liberia withdraws from contest". The Calgary Herald (sa wikang Ingles). 16 Nobyembre 1976. p. 48. Nakuha noong 11 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Miss Malaysia withdraws". The Business Times (sa wikang Ingles). 18 Nobyembre 1976. p. 1. Nakuha noong 11 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Shocked and very disappointed". The Straits Times (sa wikang Ingles). 18 Nobyembre 1976. p. 12. Nakuha noong 8 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Racismo interfiere concurso". El Tiempo (sa wikang Kastila). 16 Nobyembre 1976. p. 9. Nakuha noong 10 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Jamaican entry wins Miss World contest". The Morning Record (sa wikang Ingles). 19 Nobyembre 1976. p. 15. Nakuha noong 9 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Jamaican teacher new Miss World". Pittsburgh Post-Gazette (sa wikang Ingles). 19 Nobyembre 1976. p. 3. Nakuha noong 9 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Googe News Archive.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Miss Jamaica wins dramatic Miss World contest". The Windsor Star (sa wikang Ingles). 19 Nobyembre 1976. p. 18. Nakuha noong 9 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ten withdraw in Miss World contest". Observer-Reporter (sa wikang Ingles). 19 Nobyembre 1976. p. 9. Nakuha noong 9 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 35.0 35.1 "10th girl to quit". The Straits (sa wikang Ingles). 19 Nobyembre 1976. p. 1. Nakuha noong 7 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 36.00 36.01 36.02 36.03 36.04 36.05 36.06 36.07 36.08 36.09 36.10 36.11 36.12 36.13 36.14 "Miss Jamaica is New Miss World". San Antonio Express (sa wikang Ingles). 19 Nobyembre 1976. p. 34. Nakuha noong 10 Mayo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 37.00 37.01 37.02 37.03 37.04 37.05 37.06 37.07 37.08 37.09 37.10 37.11 37.12 37.13 37.14 "Miss Jamaica beats them all..." The Straits Times (sa wikang Ingles). 20 Nobyembre 1976. p. 2. Nakuha noong 6 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Barth, Alexander (30 Agosto 2018). "Schönheit im Wandel der Zeit". WAZ (sa wikang Aleman). Nakuha noong 6 Abril 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Andisco, Pablo (7 Oktubre 2020). "Comunión fallida, su época de Miss Argentina y la "cintura ideal": las fotos desconocidas de Adriana Salgueiro" [Failed communion, her time as Miss Argentina and the "ideal waist": the unknown photos of Adriana Salgueiro]. Infobae (sa wikang Kastila). Nakuha noong 10 Mayo 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Untitled". Amigoe di Curacao (sa wikang Olandes). 18 Nobyembre 1976. p. 1. Nakuha noong 10 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Potts, Andrew (20 Oktubre 2016) [23 Setyembre 1976]. "Remember when: Karen Pini was named Miss Australia 1976 with Miss Universe Rina Messinger". Gold Coast Bulletin (sa wikang Ingles). Nakuha noong 10 Mayo 2023.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Oh, wat zijn we mooi!". De Telegraaf (sa wikang Olandes). 17 Nobyembre 1976. p. 4. Nakuha noong 10 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "More beauties stage walkout at Miss World". The Lewiston Daily Sun (sa wikang Ingles). 18 Nobyembre 1976. p. 4. Nakuha noong 9 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Erelijst Miss België". De Morgen (sa wikang Olandes). 11 Enero 2010. Nakuha noong 24 Disyembre 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "'Miss World' entrant has disappearing act". The Pocono Record (sa wikang Ingles). 15 Nobyembre 1976. p. 1. Nakuha noong 10 Mayo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "It's time for a bat..." New Nation (sa wikang Ingles). 1 Hulyo 1976. p. 6. Nakuha noong 9 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Beauties". The News-Dispatch (sa wikang Ingles). 15 Nobyembre 1976. p. 17. Nakuha noong 9 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Anneke Dijkhuizen Miss Curaçao 1976". Amigoe di Curacao (sa wikang Olandes). 8 Hunyo 1976. p. 3. Nakuha noong 31 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Una tinerfeña de 17 años, con medidas ideales, la nueva Miss España". El Imparcial (sa wikang Kastila). 1 Marso 2008. Nakuha noong 28 Enero 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Michigan woman wins crown". Ironwood Daily Globe (sa wikang Ingles). 30 Agosto 1976. p. 15. Nakuha noong 10 Mayo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ ""Miss World" is crowned". The Salina Journal (sa wikang Ingles). 19 Nobyembre 1976. p. 1. Nakuha noong 10 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Singh, Olivia (23 Pebrero 2024). "Who is Cindy Breakspeare? Everything to know about her relationship with Bob Marley and their son". Business Insider (sa wikang Ingles). Nakuha noong 10 Abril 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Finneran, Aoife (20 Setyembre 2017). "Five Miss Ireland winners reveal what life was really like after wearing crown". The Irish Sun (sa wikang Ingles). Nakuha noong 10 Abril 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Miss World sightseers". Spokane Daily Chronicle (sa wikang Ingles). 12 Nobyembre 1976. p. 27. Nakuha noong 9 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Anche l'italiana?" it. La Stampa. 17 Nobyembre 1976. p. 3. Nakuha noong 11 Abril 2024.
{{cite news}}
: Invalid|script-title=
: missing prefix (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Fiesta visitor". Del Rio News Herald (sa wikang Ingles). 28 Setyembre 1976. p. 1. Nakuha noong 17 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Crucian seeks to win Miss World crown". The Virgin Islands Daily New (sa wikang Ingles). 29 Oktubre 1976. p. 7. Nakuha noong 9 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Bateria". El Tiempo (sa wikang Kastila). 16 Oktubre 1976. p. 9. Nakuha noong 10 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Candidata a Miss Mundo sale hoy hacia Londres". La Nacion (sa wikang Kastila). 6 Nobyembre 1976. p. 19. Nakuha noong 10 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "They're all set for big night". St. Joseph Gazette (sa wikang Ingles). 18 Nobyembre 1976. p. 8. Nakuha noong 9 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "„Átti olls ekki von ó því nð sigra"". Dagblaðið. 12 Abril 1976. p. 24. Nakuha noong 11 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Timarit.is.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Martin, E. (27 Nobyembre 2013). "Conmoción por muerte de Miss México Carla Jean Evert". Yahoo! Noticias (sa wikang Kastila). Nakuha noong 18 Enero 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "LUCIE VISSER DE NIEUWE MISS HOLLAND". Het Parool (sa wikang Olandes). 15 Mayo 1976. p. 5. Nakuha noong 10 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Fine feathered friend". Panama City News-Herald (sa wikang Ingles). 14 Nobyembre 1976. p. 2. Nakuha noong 10 Mayo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Korpela, Tanja (29 Agosto 2019). "Seura: Ex-missi Merja Tammi rakastui naapuriinsa ja erosi - kahden perheen uusperhe-elämä oli painajainen Eemeli-pojalle" [Company: Ex-miss Merja Tammi fell in love with her neighbor and divorced - the new family life of two families was a nightmare for the Eemeli boy]. Iltalehti (sa wikang Pinlandes). Nakuha noong 6 Abril 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Monique Uldaric est la première réunionnaise à être élue Miss France". Imaz Press Réunion (sa wikang Pranses). 26 Disyembre 2016. Nakuha noong 18 Enero 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Costumed beauties". Observer-Reporter. 15 Nobyembre 1976. p. 5. Nakuha noong 10 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Just like they said". New Nation (sa wikang Ingles). 18 Setyembre 1976. p. 4. Nakuha noong 7 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "60 ans de Miss Tahiti : (re)découvrez toutes les lauréates du concours" [60 years of Miss Tahiti: (re)discover all the winners of the competition]. Polynésie la 1ère (sa wikang Pranses). 27 Abril 2021. Nakuha noong 10 Abril 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Blignaut, Maryn (29 Mayo 2018). "SA's black queens: Ramaphosa's sister-in-law was one of the Miss SA winners during Apartheid". Briefly (sa wikang Ingles). Nakuha noong 10 Mayo 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "LONDEN — De 21-jarige Veronica Rozette Motsepe (Unks) en de 18-jarige Lynn Massyn (rechts) zullen volgende week Zuid-Afrika vertegenwoordigen op de Miss World verkiezingen in Londen. Samen met Miss Duitsland, Monica Schneeweies (21), genieten zij hier voor het Britannia hotel van de herfstzon". Leeuwarder courant (sa wikang Olandes). 10 Nobyembre 1976. p. 7. Nakuha noong 10 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Miss Turkey listesi, geçmişten günümüze Miss Turkey birincileri" [All past Miss Turkey winners]. Habertürk (sa wikang Turko). 22 Setyembre 2017. Nakuha noong 12 Marso 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "La belleza salteña coronada a nivel nacional e internacional". Diario El Pueblo (sa wikang Kastila). 28 Mayo 2017. Nakuha noong 10 Abril 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)