Mistisismo
Ang mistisismo, mula sa Griyego na μυω (muo, "nakalihim") ay ang pagpapatuloy ng pagtamo ng komunyon o pagkilanlan sa, o ang kamalayan sa, pangwakas na realidad, ang banal, espirituwal na katotohanan, o Diyos sa pamamagitan ng direktang karanasan, intwisyon, o pansariling pananaw; at ang paniniwala sa ganoong karanasan ay isang mahalagang pinagkukunan ng kaalaman o kaunawaan. Maaaring masangkot ang isang paniniwala sa pagkakaroon ng mga realidad na hindi sakop ng madaliang perseptwal na aprehensiyon, o isang paniniwala ng totoong persepsiyon ng mundo na dumadako sa hindi sakop ng intelektwal na aprehensiyon, o na ang 'pagiging mayroon' ang gitna ng lahat ng persepsiyon.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pananampalataya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.