Wikang Asi
Ang Wikang Asi ay isang rehiyonal na wikang Bisaya na sinasalita, kasama ang mga wikang Romblomanon at Onhan, sa lalawigan ng Romblon, Pilipinas. Ang Asi ay nagmula sa pulo ng Banton, Romblon at kumalat sa mga karatig na pulo ng Sibale, Simara, at sa mga bayan ng Odiongan at Calatrava sa Pulo ng Tablas. Ang mga Asi na mananalita ay tinatawag na Odionganon sa Odiongan, Calatravanhon sa Calatrava, Sibalenhon sa Concepcion, Simaranhon sa Corcuera, at Bantoanon sa Banton.
Asi[1] | |
---|---|
Katutubo sa | Pilipinas |
Rehiyon | Romblon |
Mga natibong tagapagsalita | 75,000 (2011) |
Austronesyo
| |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-3 | bno |
Glottolog | bant1288 |
Mapa ng Wikang Asi base sa Ethnologue | |
Sa partikular, ito ay sinasalita sa mga sumusunod na mga pulo sa loob ng Romblon:
- Tablas: ang munisipalidad ng Odiongan at Calatrava, matatagpuan ayon sa pagkakabanggit sa kanluran at hilagang bahagi ng pulo. Ang dialektong Odiongan ay may higit na labas na impluwensya at mas malawak na ginagamit sa panitikan.[2]
- Banton: ang tanging munisipalidad ng pulo ng Banton.
- Simara: ang tanging munisipalidad ng pulo ng Corcuera.
- Maestre de Campo (kilala rin bilang Sibale): ang tanging munisipalidad ng pulo ng Concepcion.
Itinatala ng lingguwistang si David Zorc na ang mga Asing mananalita ay maaaring naging ang unang mga Bisayang mananalita sa rehiyon Romblon.
Mga tunog
baguhinMayroong labing-anim na katinig ang Asi: p, t, k, b, d, g, m, n, ng, s, h, w, l, r at y. May apat na patinig: a, i/e, at u/o.