Amalia Fuentes
Maaaring hindi nakakatugon ang artikulong ito sa pangkalahatang gabay sa katanyagan.
Pakitulungang magbigay ng katunayan ng katanyagan sa pamamagitan ng pagdagdag ng mapagtitiwalaan, pangalawang mga sanggunian tungkol sa paksa. Kung hindi makapagbigay ng patunay ng katanyagan, malamang na isanib o burahin ang artikulo. (Nobyembre 2010) |
Walang sangguniang binanggit o isinaad ang talambuhay na ito patungkol sa isang buhay na tao. (Nobyembre 2010)
Makakatulong po kayo sa pagpapabuti nito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga maaasahan at mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na agad na tatanggalin ang mga kaduda-dudang materyales nang walang sanggunian o di kaya'y mahina ang pagkakasangguni. |
Amalia Fuentes | |
---|---|
Kapanganakan | Amalia Muhlach Agosto 27, 1940 |
Kamatayan | Oktubre 5, 2019 (gulang na 79) St. Luke's Medical Center-Global City, Taguig, Philippines |
Nasyonalidad | Filipino |
Trabaho | Artista |
Aktibong taon | 1956-2008; 2013-2017 |
Asawa | Romeo Vasquez |
Si Amalia Fuentes ay isang artistang Pilipino. Gumanap siya bilang suporta ni Gloria Romero sa pelikulang Señorita. Naging ganap na bituin sa pelikulang Rodora at naging ganap na bituin ng Sampaguita Pictures at naging palagiang katambal ni Juancho Gutierrez sa kanilang mga pelikula.
Taong 1957 ng gumawa siya ng pelikula sa Vera-Perez Pictures, isang sister company ng Sampaguita, kung saan itinambal siya kay Romeo Vasquez ang Pretty Boy.
Nagwagi siya ng Gawad FAMAS para sa pinakamahusay ng pagganap ng isang pangunahing aktres para sa pelikulang Ibulong Mo Sa Hangin noong 1966. Nominado din siya sa FAMAS bilang Best Actress para sa mga pelikulang Kulay Dugo ang Gabi (1964), Sapagkat Ikaw ay Akin (1965), O Pagsintang Labis (1967), Kapatid Ko ang Aking Ina (1969), Divina Bastarda (1971), Babae, Ikaw ang Dahilan (1972), Pag-Ibig Mo, Buhay Ko (1973) at Isang Gabi, Tatlong Babae (1974).
Anak niya si Liezl Martinez na isa ring artista sa Pilipinas.
Pelikula
- 1956 - Senorita
- 1956 - Rodora
- 1956 - Movie Fan
- 1956 - Inang Mahal
- 1957 - Ismol ba't Teribol
- 1957 - Bituing Marikit
- 1957 - Pretty Boy
- 1957 - Hahabul-Habol
- 1957 - Sonata
- 1958 - Ako ang Maysala!
- 1958 - Mga Reyna ng Vicks
- 1958 - Madaling Araw
- 1958 - Baby Bubut
- 1958 - Tawag ng Tanghalan
- 1958 - Ulilang Anghel
- 1958 - Bobby
- 1964 - Kulay Dugo ang Gabi
- 1965 - Sapagkat Ikaw ay Akin
- 1966 - Ibulong Mo sa Hangin
- 1967 - O Pagsintang Labis
- 1969 - Kapatid Ko ang Aking Ina
- 1971 - Divina Bastarda
- 1972 - Babae, Ikaw ang Dahilan
- 1973 - Pag-Ibig Mo, Buhay Ko
- 1974 - Isang Gabi, Tatlong Babae
- 1997 - Reputasyon
Trivia
- Nagtitinda ng kamatis sa Quinta Market si Fuentes noong hindi pa siya artista.
- Namatay ang kanyang ama noong panahon ng pananakop ng Hapones sa Pilipinas nang nakatapak ito ng bomba.
- Kapatid niya sina Alexander Muhlach at Alvaro Muhlach. Pamangkin niya sina Nino Muhlach, Aga Muhlach, at Arlene Muhlach.
- Si Joey Stevens ay malapit sa kanya.
Panlabas na kawil
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Artista ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.