Location via proxy:
[ UP ]
[Report a bug]
[Manage cookies]
No cookies
No scripts
No ads
No referrer
Show this form
Pumunta sa nilalaman
Pangunahing pagpipilian
Pangunahing pagpipilian
ilipat sa gilid
itago
Maglibot
Unang pahina
Mga nilalaman
Napiling nilalaman
Alinmang artikulo
Patungkol sa Wikipedia
Mga kaganapan
Pakikihalubilo
Pamayanan
Kapihan
Mga huling binago
Makipag-ugnayan
Tulong
Hanapin
Hanapin
Itsura
Donasyon
Gumawa ng account
Mag-login
Mga pansariling kagamitan
Donasyon
Mag-ambag
Gumawa ng account
Mag-login
Mga pahina para sa naka-logout na mga patnugot o editor
alamin pa
Usapan
Binabago ang
Ginintuang Horda
(seksiyon)
Magdagdag ng wika
Artikulo
Usapan
Tagalog
Basahin
Baguhin
Baguhin ang wikitext
Tingnan ang kasaysayan
Mga kagamitan
Mga kagamitan
ilipat sa gilid
itago
Mga aksyon
Basahin
Baguhin
Baguhin ang wikitext
Tingnan ang kasaysayan
Pangkalahatan
Mga nakaturo rito
Kaugnay na pagbabago
Mag-upload ng file
Natatanging pahina
Impormasyon ng pahina
Kumuha ng pinaikling URL
I-download ang QR code
Sa iba pang proyekto
Item na Wikidata
Itsura
ilipat sa gilid
itago
Babala
: Hindi ka naka-login. Ang iyong IP address ay maitatala sa kasaysayan ng pagbabago ng pahinang ito.
Pagtingin ng panlaban spam.
HUWAG
punuan ito!
==Pinagmulang Mongol (1225–1241)== Nang namatay si [[Genghis Khan]] noong 1227, hinati niya ang [[Imperyong Mongol]] sa kanyang apat na mga anak bilang mga ''appanage'' (lupaing binigay upang panustos sa kanyang kaanak), subalit nanatili ang Imperyo na nagkakaisa sa ilalim ng kataas-taasang kan. Panganay si Jochi ngunit namatay siya anim na buwan bago si Genghis. Ibinigay ang pinakakanlurang mga lupain na inokupa ng mga Mongol, na kabilang na kung saan [[Rusya]] at [[Kazakhstan]] na ngayon, sa mga panganay na lalaki ni Jochi, si Batu Khan, na sa kalaunan, naging pinuno ng Bughaw na Horda, at si Orda Khan, na naging pinuno ng Puting Horda.<ref>Edward L. Keenan, ''Encyclopedia Americana'' na artikulo (sa Ingles)</ref><ref>{{cite book |first1=B. D. |last1=Grekov |first2=A. Y. |last2=Yakubovski |title=The Golden Horde and its Downfall |location=Moscow |publisher=Bogorodskii Pechatnik |date=1998 |orig-year=1950 |isbn=978-5-8958-9005-9 |language=Russian}}</ref> Noong 1235, nagsimula si Batu kasama ang dakilang heneral na si Subutai ng isang pasalakay pakanluran, unang sinakop ang mga Bashkir at nagpatuloy tungo sa Bolga Bulgarya noong 1236. Mula doon, sinakop niya ang ilang katimugang kapatagan ng kasalukuyang [[Ukraine|Ukranya]] noong 1237, na pinuwersa ang maraming lokal na Cuman na umatras tungong kanluran. Nagsimula na ang kampanyang Mongol laban sa mga Kypchak at Cuman sa ilalim nina Jochi at Subutai noong 1216–1218 nang sumilong ang mga Merkit sa kanila. Noong 1239, napaalis ang isang malaking bahagi ng mga Cuman sa Tangway ng Krimeano, at ito ay naging isa sa mga ''appanage'' ng Imperyong Mongol.<ref>{{cite web |title=History of Crimean Khanate |url=http://www.hansaray.org.ua/e_ist_orda.html |url-status=dead |archiveurl=https://web.archive.org/web/20090106135225/http://www.hansaray.org.ua/e_ist_orda.html |archivedate=2009-01-06 }}{{in lang|en}}</ref> Nakaligtas ang mga natirang Krimeanong Cuman sa bulubunduking Krimeano, at makikihalo din sila sa kalaunan sa ibang mga pangkat sa Krimea (kabilang ang mga Griyego, Godo, at Mongol) upang buuin ang Krimeanong Tartarong populasyon. Gumalaw tungo hilaga, nagsimula si Batu ng Mongol na pasalakay sa Rus' at ginugol ang tatlong taon upang pasukuin ang prinsipalidad ng dating Kievan Rus', habang gumalaw ang kanyang mga pinsan na sina Möngke, Kadan, at Güyük tungong timog sa Alania. [[File:Battle of Mohi 1241.PNG|thumb|left|Mapagpasyang tagumpay ng Ginintuang Horda sa Labanan ng Mohi]] Gamit ang pandarayuhan ng mga Cuman bilang kanilang ''casus belli'', nagpatuloy ang mga Mongol sa kanluran, na nilusob ang [[Polonya]] at [[Unggarya]], na humantong sa mga tagumpay ng Mongol sa mga labanan ng Legnica at Mohi. Bagaman noong 1241, namatay si [[Ögedei Khan]] sa kanyang tinubuang bayan na [[Mongolia]]. Tumalikod si Batu sa kanyang pagkubkob sa [[Vienna]] ngunit hindi nagbalik sa Mongolia, sa halip piniling manatili sa Ilog Bolga. Bumalik ang kanyang kapatid na si Orda upang makibahagi sa paghalili. Hindi na muling maglalakbay ang mga hukbong Mongol sa malayong kanluran. Noong 1242, pagkatapos umatras sa Unggarya, winasak ang Pest dulot nito, at pinasuko ang [[Bulgaria]],<ref name=Sinor>{{cite journal |first=Denis |last=Sinor |title=The Mongols in the West |journal=Journal of Asian History |publisher=Harrassowitz Verlag |date=1999 |volume=33 |issue=1 |pages=1–44 |jstor=41933117|language=en}}</ref> Itinatag ni Batu ang kabisera sa Sarai, na namuno sa mababang kahabaan ng Ilog Bolga, sa lugar ng kabisera ng Khazar na Atil. Daglian pagkatapos nito, nabigyan ang nakakabatang kapatid nina Batu at Orda, si Shiban, ng kanyang sariling malaking ''ulus'' sa silangan ng [[bulubundukin ng Ural]] sa mga ilog ng Ob at Irtysh. Habang walang duda na pangkalahatang ginagamit ang [[wikang Mongol]] sa korte ni Batu, kakaunting teksto na sinulat sa teritoryo ng Ginintuang Horda ang nakaligtas, marahil dahil sa laganap na pangkalahatang kawalan ng kakayahan ng bumasa at sumulat. Sang-ayon kay Grigor'ev, sinulat ang ''yarliq'' o mga atas ng mga Kan, sa Mongol, pagkatapos sinalin sa wikang Cuman. Ang pagkakaroon ng Arabe-Mongol at Persyano-Mongol na mga [[Talahuluganan|diksyunaryo]] na pinetsahan noong gitna ng [[ika-14 na siglo]] at hinanda para sa paggamit ng Ehipsiyanong Sultanatong Mamluk ay minumungkahi na mayroong isang praktikal na pangangailangan para sa ganoong mga gawa sa kansilleriya na nangangasiwa ng pagsusulatan sa Ginintuang Horda. Samakatuwid, ang mga sulat na natanggap ng mga Mamluk - kung hindi nila sinulat - ay dapat naging sa Mongol.<ref name=Sinor/>
Buod ng pagbabago:
(Maikling isalarawan ang pagbabagong ginawa mo.)
Sa pag-save sa mga pagbabago, sumasang-ayon ka sa
Kasunduan sa Paggamit
, at sumasang-ayon ka rin na ilalabas mo nang walang atrasan ang ambag mo sa ilalim ng
Lisensiyang CC BY-SA 4.0
at sa
GFDL
. Sumasang-ayon ka rin na sapat na ang isang hyperlink o URL bilang atribusyon sa ilalim ng lisensiyang Creative Commons.
Balewalain
Tulong sa pagbabago
(magbubukas ng panibagong bintana)
Kasapi ang pahinang ito sa 8 kategorya.
Kategorya:CS1 maint: date auto-translated
Kategorya:Harv and Sfn no-target errors
Kategorya:Mga artikulo na may wikang Ingles na pinagmulan (en)
Kategorya:Mga artikulong naglalaman ng Kasaho
Kategorya:Mga artikulong naglalaman ng Mongol
Kategorya:Mga artikulong naglalaman ng Tatar
Kategorya:Sangguniang CS1 sa wikang Ingles (en)
Kategorya:Sangguniang CS1 sa wikang Ruso (ru)