Ika-2 dantaon BC
Milenyo: | ika-1 milenyo BCE |
---|---|
Mga siglo: | |
Mga dekada: | dekada 190 BCE dekada 180 BCE dekada 170 BCE dekada 160 BCE dekada 150 BCE dekada 140 BCE dekada 130 BCE dekada 120 BCE dekada 110 BCE dekada 100 BCE |
Nagsimula ang ika-2 dantaon BC noong unang araw ng 200 BC at nagtapos noong huling araw ng 101 BC. Tinuturing na bahagi ito ng Klasikong panahon, bagaman, depende sa rehiyon na pinag-aaralan, maaring mas angkop ang ibang katawagan. Tinuturing din ito bilang katapusan ng Aksyal na Panahon.[1] Sa konteksto ng Silangang Mediteranyo, tinutukoy ito bilang ang panahong Hellenistiko.
Sariwa pa mula sa mga tagumpay sa Ikalawang Digmaang Puniko, nagpatuloy na pagpapalawak ng Republikang Romano sa mga katabing teritoryo, sa kalaunan, sinanib ang Gresya at ang baybayin ng Hilagang Aprika, pagkatapos wasakin ang Kartago noong wakas ng Ikatlong Digmaang Puniko. Naramdaman ang impluwensya ng Roma sa Malapait na Silangan, habang ang pagguho ng mga Hellenistikong estado tulad ng Imperyong Seleucid ay napuwersang gumawa ng mga kasunduan sa kagustuhan ng Roma upang maiwasan ang paghaharap sa mga bagong amo ng kanluraning Mediteranyo. Nasaksihan ng dulo ng siglo ang reporma sa Hukbong Romano mula sa isang mamamayang hukbo tungo sa boluntaryong propesyunal na puwersa, sa loob ng gabay ng mga kilalang heneral at estadista na si Cayo Mario (Reporma ni Mario).
Sa Timog Asya, gumuho ang Imperyong Maurya sa Indya nang pinaslang si Brihadnatha, ang huling emperador, ni Pushyamitra Shunga, isang heneral na Maurya at tagapagtatag ng Imperyong Shunga.
Sa Silangang Asya, naabot ng Tsina ang pinakamataas na punto sa ilalim ng Dinastiyang Han. Pinalawak ng Imperyong Han ang mga hangganan nito mula Korea sa silangan hanggang sa Vietnam sa timog hanggang sa mga hangganan ng lugar na Kazakhstan na ngayon sa kanluran. Sa ika-2 siglo BC din, pinadala ng Han ang manggagalugad na si Zhang Qian upang galugarin ang mga lupain sa kanluran at upang buuin ang isang alyansa sa mga Yuezhi at labanan ang mga nomadikong tribo ng Xiongnu.[2]
Mga kaganapan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 187 BC: (Hulyo 3) Namatay ang Emperador ng Seleucid na si Antiochus III sa gulang na 53 at sinundan ng kanyang anak na si Seleucus IV Pilopator.
- 126 BC: Nasa kontrol muli ni Ptolemy VIII ang Alejandria
- 121 BC: Ang taksil na pagpaslang kay Cayo Sempronio Graco.
- 102 BC: Tinalo ni Cayo Mario ang Teutones sa Labanan ng Aquae Sextiae.
- 101 BC: Tinalo ni Cayo Mario ang Cimbri sa Labanan sa Vercellae, na tinatapos ang Digmaang Cimbria.
Mga mahahalagang tao
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Antioco IV Epipanes, ang huling epektibong pinunon ng Imperyong Seleucid
- Cayo Sempronio Graco, politikong Roman
- Cayo Mario, Romanong heneral at politiko
- Sila, Romanong heneral at politiko
- Tiberio Sempronio Graco, Romanogn politiko at estadista
- Emperador Wu ng Han (漢武帝,劉徹), ikapitong emperador ng Dinastiyang Han, na pinagsama at pinalawak ang kapangyarihang imperyal sa Tsina.
- Zhang Qian (張騫), diplomatikong Tsino at manggagalugad
Agham at pilosopiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Hiparco, astronomong Griyego
- Polibio, mananalaysay na Griyego
- Sima Qian (司馬遷), mananalaysay na Tsino
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Meister, Chad (2009). Introducing Philosophy of Religion (sa wikang Ingles). Abingdon: Routledge. pp. 10. ISBN 0-203-88002-1.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ C.Michael Hogan, Silk Road, North China, The Megalithic Portal, ed. A. Burnham (sa Ingles)