Ika-3 dantaon BC
Milenyo: | ika-1 milenyo BCE |
---|---|
Mga siglo: | |
Mga dekada: | dekada 290 BCE dekada 280 BCE dekada 270 BCE dekada 260 BCE dekada 250 BCE dekada 240 BCE dekada 230 BCE dekada 220 BCE dekada 210 BCE dekada 200 BCE |
Ang ika-3 dantaon BC ay nagsimula noong unang araw ng 300 BC at nagtapos noong huling araw ng 201 BC. Tinuturing itong bahagi ng Sinaunang panahon, kapanahunan, o makasaysayang panahon.
Sa Palanggana ng Mediteranyo, ang unang ilang mga dekada ng siglong ito ay nakikilala sa pamamagitan ng isang balanse ng kapangyarihan sa pagitan ng mga Griyegong Hellenisitikong mga kaharian sa silangan, at ang dakilang kapangyarihan sa pangangalakal ng Kartago sa kanluran. Nabasag ang balanseng ito nang umusbong ang hidwaan sa pagitan ng mga sinaunang Kartago at ang Republikang Romano. Noong mga sumunod na dekada, ang Republikang Kartaginesa ay kinawawa noong una at winasak pagkatapos ng mga Romano noong Una at Ikalawang Digmaang Puniko. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Puniko, naging isang mahalagang kapangyarihan ang Roma sa kanluraning Mediteranyo.
Sa silangang Mediteranyo, lumaban ang Imperyong Seleucid at Kahariang Ptolomaiko, at mga estadong humalili sa imperyo ni Alejandrong Dakila sa isang serye ng mga Digmaang Siriyo para kontrolin ang Lebante. Sa kalupaang Gresya, ang dinastiyang Antipatrid ng Macedonia na may maikling buhay ay pinatalsik at napalitan ng dinastiyang Antigonid noong 294 BC, isang bahay maharlika na magdodomina sa mga ugnayan ng Hellenistikong Gresya sa halos isang dantaon hanggang noong Unang Macedonyong Digmaan (na walang natalo o nanalo) na lumaban sa mga Roma. Matatalo din ang Macedonia sa Digmaang Kretense laban sa Griyegong estadong-lungsod ng Rodas at ang mga kaalyansa nito.
Sa India, namuno si Ashoka sa Imperyong Maurya. Umusbong ang mga dinastiyang Pandya, Chola at Chera ng klasikong panahon sa sinaunang bansang Tamil.
Nagtapos na ang mga Nagdidigmaang Estado sa Tsina, sa pagsakop ni Qin Shi Huang sa iba pang estadong-bansa at itinatag ang dinastiyang Qin, ang unang imperyo ng Tsina, na sinundan sa parehong siglo ng pangmatagalang dinastiyang Han. Bagaman, nagkaroon ng panahon ng paghintong sandali at digmaang sibil sa pagitan ng the Qin at Han na kinalala bilang pagtatalong Chu-Han, na tumagal hanggang 202 BC sa pangwakas na tagumpay ni Liu Bang kay Xiang Yu.
Nagsimula ang Panahong Protohistoriko sa Tangway ng Korea. Sa sumunod na siglo, ang Tsinong dinastiyang Han ay sinakop ang kaharian ng Gojoseon sa hilagang Korea. Nasa rurok na ng kapangyarihan ang Xiongnu sa Mongolia. Natalo nila ang mga Tsinong Han sa Labanan sa Baideng noong 200 BC, na minarkahan ang simula ng pinuwersang Heqin na tributaryong kasunduan at alyansang kasal na tumagal ng ilang mga dekada.
Mga pangyayari
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Nagsimula ang Teotihuacán, Mehiko
- Sinakop ng Roma ang Espanya
- Naitatag ang Dinastiyang Han (202 BC - 8 AD).
- Nagawa ang Paro ng Alehandriya.
Mga mahahalagang tao
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Euclid, heometro (mga 365 - 275 BC).
- Archimedes ng Syracuse, matematiko, pisiko, at inhinyero (mga 287 - 212 BC).
- Sinulat ni Manetho, ang Kasaysayan ng Ehipto
Mga imbensyon, tuklas, at pagpakilala
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Tumpak na kinalkula ni Eratostenes ang kabilugan ng Daigdig at ipinakilala ang salaan ni Erastostenes, isang algoritmo na kinikilala ang mga pangunahing bilang.
- Mahusay na itinatag ang Weiqi sa Tsina, at maaring nagsimula noong ika-2 milenyo BC.
- Ang unang Romanong sundial o kuwadranteng pang-araw (293 BC).[1]
- Inimbento ni Archimedes ang turnilyong pantubig.
- Ang algoritmong Euclidiyano, ang pinakalumang algoritmo na ginagamit pa rin hanggang ngayon, ay ipinakilala ni Euclid.
- Iniluwas ang seda sa Europa mula sa Tsina.
- Inimbento ng mga Griyego ang umiikot na gilingan [2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Pliny Natural History 7.213 (sa Ingles)
- ↑ Yannopoulos, Stavros; Lyberatos, Gerasimos; Theodossiou, Nicolaos; Li, Wang; Valipour, Mohammad; Tamburrino, Aldo; Angelakis, Andreas (2015). "Evolution of Water Lifting Devices (Pumps) over the Centuries Worldwide". Water (sa wikang Ingles). 7 (9): 5031–5060. doi:10.3390/w7095031.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)