Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Bakuna sa trangkaso

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Bakuna para sa trangkaso)
Halimbawa ng mga bakuna sa trangkaso.

Ang Bakuna sa trangkaso, bakuna laban sa trangkaso o bakunang pangtrangkaso (Ingles: Influenza vaccine, Flu vaccine) ay isang uri ng bakuna na panlaban sa pagkakaroon ng sakit na trangkaso. Nagbabago ang laman ng bakunang ito sa bawat taon dahil nakabatay ito sa karaniwang uri ng birus na nakapagdurulot ng trangkaso. Bagaman hindi nakakapigil sa lahat ng uri ng trangkaso ang bakunang ito, napatunayan na ito ay nakakabawas sa pagkakaroon ng trangkaso. Dahil nga pabagu-bago ang laman ng bakuna, taunan din ang pangangailangan na magpabakuna ng ganitong uri ng bakuna.[1] Ang bakuna na panlaban sa trangkaso ay hindi panlaban sa sakit na nakukuha mula sa iba pang mga birus, at kasama sa mga hindi nahahadlangan nito ay ang mga birus ng trangkaso na hindi nakalagay sa bakunang tinanggap na taong binakunahan. Ang proteksiyon mula sa bakuna ay nagiging mabisa pagkaraan ng dalawang mga linggo pagkatapos na mabakunahan, at ang katalaban ay tumatagal nang isang taon.[2]

Ang pagpapabakuna ng bakuna laban sa trangkaso ay mahalaga sapagkat nakapagbibigay ito ng proteksiyon ng sarili laban sa pagkakaroon ng sakit na trangkaso. Isa pang nakakatulong na epekto nito ay ang maiwasan na mahawahan o maikalat ang trangkaso sa ibang mga tao.[2]

Mayroong dalawang uri ng bakuna na panlaban sa trangkaso: ang bakunang mayroong pinatay na birus ng trangkaso at ang bakunang may buhay at pinahinang birus ng trangkaso.[2]

Bakunang may pinatay na birus

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang bakunang may pinatay na birus ng trangkaso, na tinatawag ding iniksiyon sa trangkaso ay ang bakuna sa trangkaso na mayroong birus na ginawang hindi masigla o hindi masigla. Ibinibigay ito sa isang tao sa pamamagitan ng pag-iiniksiyon. Mayroong ganitong uri ng bakuna na nagtataglay ng preserbatibong thimerosal.[2]

Bakunang may buhay at pinahinang birus

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang bakunang may buhay ngunit pinahinang birus ng trangkaso ay ang bakuna sa trangkaso na mayroong birus na binawasan ang lakas. Ang isang mataas na dosis nito ay karaniwang ibinibigay sa mga taong may edad na 65 mga taon pataas.[2]

Mga dapat magpabakuna

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kabilang sa mga dapat magpabakuna ng bakunang laban sa trangkaso ang mga taong may edad na buwan ang gulang at mas nakatatanda. Mahalaga ang bakuna sa trangkaso para sa mga taong nasa loob ng kategorya na may mataas na panganib na matrangkaso, pati na ang kanilang mga kamag-anakan o malapit na kaugnayan; kasama sa mga ito ang mga tauhan na nangangalaga sa kalusugan ng ibang mga tao, at ang mga malapit na nakakasalamuha ng mga taong may edad na mababa kaysa sa 6 na mga buwan.[2]

Pangalang trades

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Afluria
  • Fluarix
  • Fluzone

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]