Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Eksibisyonismo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Babaeng hubad sa isang kalye sa Budapest
Pampublikong hubad sa Praga.

Ang eksibisyonismo (Kastila: exhibicionismo; Ingles: exhibitionism; mula sa Latin: exhibere, na nangangahulugang "itanghal") ay tumutukoy sa kagustuhang magpakita o paglantad ng mga parte ng katawan—partikular na ang ari o puwitan ng babae o lalaki, o ang dibdib ng babae—sa isang pampubliko o semi-publikong pangyayari, sa mga grupo ng mga kaibigan o kakilala, o sa mga hindi kakilala[1]. Kapag nasangkot ang mga awtoridad, at ang kilos ay nakababanta o laban sa lipunan, ito ay maaaring tawaging "indecent exposure", depende sa tiyak na mga batas ng hurisdiksiyon na nasasangkot, at maaaring humantong sa pagkakakulong at prosekusyon ng nasasakdal.

Ang hindi nakababahalang eksibisyonismo ay maaaring pisikal na ipahayag sa dalawang paraan. Ang una, karaniwang tinatawag na "flashing", ay kabilang ang pagpapakita ng tao ng kanyang ari sa ibang tao o sa grupo ng mga tao, sa paraang hindi nakababahala, sa isang sitwasyon kung saan hindi ito karaniwang pinapakita, kagaya ng isang pagtitipon o sa pampublikong lugar. Ang pagsasagawa ng "flashing", lalo na ng mga babaeng pinapakita ang dibdib at pati na rin ang kanyang ari at puwitan, ay maaaring may kahit na parsiyal na intensiyong sekswal, i.e para udyukan ang sekswal na pagpukaw sa pinapakitaan, kung saan nama'y ang nagpapakita ay nabibigyan ng dagdag sa kaakuhan. Gayunman, ang "flashing" ay maaari ring ginawa para lamang akitin ang hindi napukaw na "atensiyon" ng iba, para sa pabuya, o panggulat. Ang ganitong uri ng exhibiionism ay maaari ring ipahayag sa konteksto ng grupong nag-iisip na pareho ang kagustuhang ipakita ang mga sarili nila sa isa't isa. Ito ay maaaring mangyari sa isang pormal o inpormal na kaganapan, gaya ng nudist clubs o sa maliliit na grupo na na naghahati sa isang palikuran o nagsi-"skinny dipping".

Ang eksibisyonismo ay hindi awtomatikong kompulsiyon, pero may mga taong mayroong natatanging sikolohikal na inklinasyon para ilahad ang sarili nila sa sekswal na pamamaraan, ito man ay para mag-"flash"(hindi nakababahala), o para gawin ang "indecent exposure" (nakababanta). Kapag ito ay kompulsiyon, ito ay kundisyon na minsan ay tinatawag na apodysophilia.

Ang pampublikong eksibisyonismo ng mga babae ay naitala na mula pa noong mga panahong klasiko, kadalasan sa konteksto ng mga babaeng ipinapahiya ang mga grupo ng lalaki para magsagawa, o buyuhin sila para magsagawa, ng isang pampublikong aksiyon.[2] Ang sinaunang Griyegong mananaysay na si Herodotus ay nagbigay ng salaysay tungkol dito noong ikalimang dantaon BC sa The Histories. Ayon sa kanya

When people travel to Bubastis for the festival, this is what they do. Every baris carrying them there overflows with people, a huge crowd of them, men and women together. Some of the women have clappers, while some of the men have pipes which they play throughout the voyage. The rest of the men and women sing and clap their hands. When in the course of their journey they reach a community - not the city of their destination, but somewhere else - they steer the bareis close to the bank. Some of the women carry on doing what I have already described them as doing, but others shout out scornful remarks to the women in the town, or dance, or stand and pull up their clothes to expose themselves. Every riverside community receives this treatment. [3]

na kung isalin:

Tuwing ang mga tao ay naglalakbay papuntang Bubastis para sa isang pagdiriwang, ito ang kanilang ginagawa. Ang bawat baris na nagdadala sa kanila roon ay umaapaw ng mga tao, sila'y isang malaking madla, mga kalalakihan at kababaihan na magkakasama. Ang ilan sa mga kababaihan ay may mga badaho, habang ang ilan sa mga kalalakihan ay may mga tipano na pinapatugtog nila sa buong paglalayag. Ang natitirang mga kalalakihan at kababaihan ay kumakanta at pumapalakpak. Kapag sa ruta ng kanilang paglalakbay ay naabot nila ang isang pamayanan - hindi ang lungsod na kanilang patutunguhan, ngunit sa iba pang lugar - sinasagwan nila ang baris malapit sa pampang. Ang ilan sa mga kababaihan ay nagpapatuloy sa pagkilos tulad ng inilarawan ko na kanina, ngunit ang iba naman ay sumisigaw ng mga supladong pahayag sa mga kababaihan ng bayan, o sumasayaw, o tumatayo at hinihila ang kanilang mga damit upang mahubaran ang kanilang sarili. Ang bawat komunidad sa tabing ilog ay nakakatanggap sa pagmamaltrato na ito.

Sa larangang klinikal, isang kaso ang unang naitalang nangyari sa Venicia noong 1550 ayon sa komisyon nito laban sa blaspemya.[4]

Ang pagusbong ng mga makabagong teknolohiya tulad ng mga selpon at tablet ay nagdudulot sa ilang mga ekshibisyonista na muling gawin ang kanilang mga pamamaraan tulad ng pagkuha ng mga selfie nang nakahubad.[5]

Aspetong pangkaisipan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Unang ginamit ni Charles Lasègue ang salitang exhibitionist o ekshibisyonista noong 1877

Ang eksibisyonismo bilang isang karamdaman ay unang inilarawan sa isang siyentipikong dyornal noong 1877 ng isang Pranses na manggagamot na si Charles Lasègue (1809–1883).

Ang eksibisyonismo ay maaaring tratuhin bilang isang sakit sa pag-iisip kapag ito ay nakaabala sa kalidad ng buhay o normal na paggalaw ng indibidwal. Ang eksibisyonismo ay nabanggit sa Diagnostic and Statistical Manual, 4th Edition (class 302.4). Maraming saykayatrikong depinisyon ng eksibisyonismo ay tinutukoy ito bilang "kalugurang sekswal, lampas sa mismong sekswal na gawain, na nakakamit ng peligrosong publikong gawaing sekswal at/o paglalantad ng katawan." Lampas sa paglalantad ng katawan, maaari rin ritong makabilang ang "pakikipagtalik kung saan maaaring may makakita o makadakip sa gumagawa."

May isang grupo ng mga mananaliksik ang nagtanong sa muwestra ng 185 na exhibitionist, "Ano ang gusto mong reaksiyon ng isang tao na papakitaan mo ng iyong ari?" Ang pinakakaraniwang sagot ay "Gugustuhing makipagtalik" (35.1%), na sinundan ng "Walang kailangang reaksiyon" (19.5%), "Ipakita rin ang kanilang ari" (15.1%), "Paghanga" (14.1%), at "Kahit anong reaksiyon" (11.9%). Kaunting mga exhibitionist lamang ang sumagot ng "Galit at pandidiri" (3.8%) at "Takot" (0.5%).

Mga uri ng paglalantad

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pagsagawa ng mga babae ng "flashing" sa isang pagdiriwang noong 2011.
Pagsasagawa ng mga estudyante ng Pamantasang Stanford ng "mooning" bilang protesta at bilang isang pagsubok sa pandaigdigang rekord.

Maraming klase ng pag-uugali ay tinuturing na eksibisyonismo, kabilang ang:

  • Anasyrma: ang pag-angat ng palda pag hindi nakasuot ng salawal para ipakita ang ari.
  • Flashing: karaniwang pagpapakita ng hubad na dibdib ng babae sa pamamagitan nga taas-babang pag-angat ng suot at/o bra. Maaari ring ibilang ang pagpapakkita ng ari ng babae o lalaki.
  • Martymachlia: uri ng paraphilia na kasangkot ang atraksiyong sekswal sa pagpapanood ng pagsasaawa ng isang sekswal na akto.
  • Mooning: ang pagpapakita ng hubad na puwitan sa pamamagitan ng paghubad ng pantalon at salawal.
  • Streaking: pagtakbo ng hubad sa isang pampublikong lugar.
  • Candaulism: ang paglalantad ng isang tao sa kanyang kasama sa paraang malinaw na sekswal.
  • Reflectoporn: ang paghubad at pagkuha ng litrato gamit ang isang bagay na maaninag kagaya ng salamin, at pagpahayag ng litrato sa Internet sa isang pampublikong pagtitipon. Halimbawa ay "imahe ng hubad na mga lalaki at babae na naaaninag sa takure, TV, toaster at kahit kutsilyo't tinidor". Ang pagkakataong ito ay pinaniniwalaang nagsimula sa isang lalaking nagtinda ng takure sa isang Australyanong subastahan kabilang ang isang litrato kung saan malinaw na nakikita ang hubad niyang katawan; maraming pagkakataong sumunod, at ang partikular na katagang "reflectoporn" ay ginawa ni Chris Stevens ng Internet Magazine.
  • Sexting: ang pagpapadala, pagtanggap, o pagpapasa ng mga tahasang sekswal na mensahe, litrato, o bidyo sa ibang tao.
  • Telephone scatologia - Pinahahayag ng ibang mananaliksik na ito ay isang uri ng eksibisyonismo, kahit walang pisikal na bahagi.

Sa Pilipinas, saklaw ng Revised Penal Code ang mga kaukulang limitasyon tungkol o may kaugnayan sa eksibisyonismo. Ipinagbabawal nito ang pampublikong pagpapakita ng anumang maselang parte ng katawan ng tao. Ang sinumang lalabag ay mapaparusahan ng pagkulong na arresto mayor.[6]

Art. 336. Acts of lasciviousness. — Any person who shall commit any act of lasciviousness upon other persons of either sex, under any of the circumstances mentioned in the preceding article, shall be punished by prision correccional. Art. 200. Grave scandal. — The penalties of arresto mayor and public censure shall be imposed upon any person who shall offend against decency or good customs by any highly scandalous conduct not expressly falling within any other article of this Code.

UPLB Oblation Run noong 2004

Isa sa mga halimbawa nito na nangyari sa Pilipinas ay ang kaso ni Mocha Uson noong 2010. Nag-upload siya ng kanyang larawang hubad sa Facebook na naging hudyat sa pagpapaliban ng kanyang akawnt.[7]

Isang taunang kaganapan ng Oblation Run ang isinasagawa sa Unibersidad ng Pilpinas na unang ginawa sa Unibersidad ng Pilpinas, Diliman noong 1977 bilang protesta sa pagsuspinde ng pelikulang Hubad na Bayani, na naglalarawan sa paglabag ng mga karapatang pantao noong panahon ng Batas Militar. Ang kaganapan ay nagpatuloy bilang aksyon ng pagprotesta at pakikibaka.[8]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Baunach, Dawn Michelle (2010). "Exhibitionism". Sex and Society. New York: Marshall Cavendish. p. 220. ISBN 978-0-7614-7906-2. Retrieved 22 May 2017.
  2. "Origin of the world". Rutgerspress.rutgers.edu. 1977-09-23. Archived from the original on 2012-11-20. Retrieved 2012-08-01.
  3. Herodotus. The Histories. Trans. R. Waterfield. Oxford: Oxford UP, 1998. Book Two, Chapter 60, Page 119.
  4. Bloch, Iwan (1914). "Fall von Exhibitionismus im 16. Jahrhundert". Zeitschrift für Sexualwissenschaft (Born): i.289.
  5. Hart, Matt. "Being naked on the internet: young people’s selfies as intimate edgework." Journal of Youth Studies (2016): 1-15.
  6. https://outragemag.com/extreme-exposure-journal-of-a-traveling-exhibitionist/
  7. https://philippinefails.blogspot.com/2017/10/mocha-uson-exhibitionist-and.html
  8. ""Nude runners on UP campus call for Arroyo ouster"" isinipi mula sa orihinal noong 2011-09-16