Papa Eleuterio
Saint Eleuterus | |
---|---|
Nagsimula ang pagka-Papa | c. 174 |
Nagtapos ang pagka-Papa | c. 189 |
Hinalinhan | Soter |
Kahalili | Victor I |
Mga detalyeng personal | |
Pangalan sa kapanganakan | Eleuterus or Eleutherius |
Kapanganakan | ??? Nicopolis, Epirus, Greece |
Yumao | c. 189 Rome, Roman Empire |
Si Papa Eleuterio o Eleutherius, (Griyego: Ελευθέριος, "malaya") ang Obispo ng Roma mula 174 CE hanggang 189 CE(ayon sa Vatikano ay 171 CE o 177 CE hanggang 185 o 193 CE). Siya ay ipinanganak sa Nicopolis sa Epirus. Ayon sa kanyang kontemporayong si Hegesippus, siya ay isang deakono ng Simbahang Romano sa ilalim ni Papa Aniceto (c. 154–164), at nanatiling gayon sa ilalim sa ilalim ni Papa Sotero na kanyang hinalinhan noong mga 174 CE. Ang kilusang Montanista na nagmulasa Asya menor ay nakarating sa Roma at Gaul sa ikalawang kalahati ng ika-2 siglo CE noong mga pamumuno ni Eleuterio. Ang kalikasan nito ay hindi labis na lumihis mula sa ortodoksiya ng panahong ito upang simulang matawag na heresiya. Noong marahas na pag-uusig sa Lyon noong 177, ang mga lokal na nangumpisal mula sa kanilang bilangguan ukol sa bagong kilusan sa mga pamayanang Asyatiko at Phrygiano gayundin kay Papa Eleuterio. Ang may dala ng liham na ito ay ang presbiterong si Irenaeus na naging Obispo ng Lyon. Lumilitaw sa mga pahayag ni Eusebio tungkol sa mga liham na ito na ang Kristiyano sa Lyon bagaman sumalungat sa kilusang Montanista ay nagtaguyod ng pagtitiis at sumamo ng pag-iingat ng pagkakaisa ng simbahan. Ang eksaktong petsa na nagkaroon ng depinidong pagsalungat ang Simbahang Katoliko Romano laban sa Montanismo ay hindi alam nang may katiyakan. Mula sa salaysay ni Tertullian na ang obispo ng Roma ay nagpadala ng mga liham ng pagpalubag ngunit ayon kay Tertullian ay binawi. Malamang na kanyang tinutukoy si Eleuterio na matagal na nag-atubili ngunit pagkatapos ng isang maingat na pag-aaral ng sitwasyon ay pinagpalagay na nagdeklara laban sa mga Montanista. Sa Roma, ang mga Gnostiko at Marcionita ay patuloy na nangangaral sa Simbahang Katoliko. Itinuro ng Liber Pontificalis ang isang kautusan ni Eleuterio na walang pagkain na dapat kamuhian ng mga Kristiyano (Et hoc iterum firmavit ut nulla esca a Christianis repudiaretur, maxime fidelibus, quod Deus creavit, quæ tamen rationalis et humana est). Posibleng kanyang inilabas ang gayong kautusan laban sa mga Gnostiko at Montanista.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lathalaing ito na tungkol sa Katolisismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.