Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Panahong Jōmon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Jomon)
Mga panitik o karakter na Hapones para sa Jomon na nangangahulugang "bakas ng lubid".
Isang paso mula sa Panahong Jomon (14,000-8000 BK), nasa Pambansang Museo ng Tokyo, Hapon.

Ang panahong Jomon ay panahong Neolitiko sa Hapon na kung saan ang ibig sabihing ng katagang ito sa Tagalog ay "bakas ng lubid." Nakuha ang pangalang ito sa mga natagpuang mga banga at palayok ng na merong mga bakas ng lubid bilang disenyo.

Ang mga tao noong panahong Jomon sa Hapon ay hindi na gaanong lumalaboy bagkus nagkukumpol-kumpol na sila sa mga tirahang hinukay na bumabakod sa isang pabilog na espasyo. Ang pangunahing pinagkukunan nila ng pagkain ay pangingisda at pangangaso at pamimitas ng mga damong ligaw.

Lahat ng mga palayok na galing sa panahong Jomon ay yari lahat sa kamay, hindi ito ginamitan ng mga hulmahan at gulong na karaniwang makikita sa paggawa ng mga banga, bagkus ito ay dinadahang buuin sa pagtutumpok-tumpok ng mga malambot na putik hanggang sa mabuo ang gusto nilang hugis ng lalagyan.

Tulad ng mga karaniwang kulturang Neolitiko, mga babae ang karaniwang gumagawa ng mga palayok at banga na ito. Ang putik ay hinahaluan nila ng mica, tingga, mga hibla at mga dinurog na talukap ng kabibi (apog). Kapag nahulma na ang mga palayok, pinapakinis ng mga ito ang labas at loob ng nahulmang putik at papahanginan para matuyo. At kapag tumigas na ito, sisigaan ito sa temperaturang hindi umaabot ang sa 900 antas Sentigrado.

Dahil napakahaba ng panahong Jomon (magmula 10,500 BK hanggang 300 BK), karaniwang hinahati ng mga historyador at mga arkiyologo ang Panahong Jomon sa anim na bahagi:

Namumuong Jomon (bandang 10,500–8000 BK)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang halimbawa ng kultura ng Namumuong Jomon ay matatagpuan sa Kweba ng Fukui Naka-arkibo 2008-12-02 sa Wayback Machine. sa bayan ng Yoshii sa Prepektura ng Nagasaki sa isla ng Kyushu. Natagpuan ito noong dekada 60 nina Serizawa Chosuke at Kamaki Yoshima.

Ito ang panahong nag-uugnay sa buhay-paleolitiko at buhay-neolitiko. Mga ebidensyang nakalap ng mga arkiyologo ay nagsasabing nabuhay ang mga tao dito sa pamamagitan ng pangangaso at pangangalap ng pagkain. Gumawa ng mga mga palayok at lalagyang yari sa putik na patulis ang puwitan na may mga bakas ng hibla. Masasabi itong pinakalumang halimbawa ng mga palayok sa buong mundo.

Paunang Jomon(bandang 8000–5000 BK)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang halimbawa ng kulturang paunang Jomon ay natagpuan sa Natsushima Naka-arkibo 2008-09-14 sa Wayback Machine. sa isang maliit na isla sa Look ng Tokyo sa lalawigan ng Kanagawa.

Sa panahong ito, nagkaroon ng mga unti-unting pagbabago ang klima. Uminit ang kapaligiran na siya ring nagpataas ng mga tubig kung kaya’t ang mga Katimugang bahagi ng mga isla ng Shikoku at Kyushu ay nahiwalay sa punong isla ng Honshu. Sa pag-init ng panahon, dumami din ang suplay ng pagkain sa tubig, lupa, at pagtatanim. Sa panahong ito ay matatagpuan makikita ang paggamit ng mga batong kasangkapan gaya ng gilingang-bato, mga patalim at mga palakol.

Maagang Jomon(bandang 5000–2500 BK)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Halimbawa ng kultura ng Maagang Jomon ay makikita sa Sannai Maruyama[patay na link] sa Prepektura ng Aomori.

Sa mga natagpuang malalaking punso ng kabibi, masasabing ang pagkain ng mga tao ay galing sa karagatan. Masasabi na ding meron ng kalakalan sa pagitan ng isla ng Hapon at Korea dahil sa pagkakahalintulad ng mga palayok at banga na matatagpuan dito. Ang mga naninirahan na sa panahong ito ay nakatira na mga kwadradong hinukay na bahay na nasa isang maliit na pamayanan o baryo. Nariyan pa din ang mga palayok at banga na merong mga bakat ng lubid, hinabing mga bakol (basket), karayom na yari sa buto ng hayop, at mga kagamitang bato,

Gitnang Jomon(bandang 2500 – 1500 BK)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang halimbawa ng kultura ng Gitnang Jomon ay sa Usujiri sa Prepektura ng Aomori.

Sa panahong ito ang pinakarurok ng kulturang Jomon dahil sa pagdami ng bilang ng tao at produksiyon ng mga likhang kamay. Tumaas din ang temperatura ng panahong ito kung kayat napilitang mag-alsa balutan ang marami at lumipat sa mga bulubunduking bahagi. Namumuhay na ang mga tao sa panahong ito sa mas malalaking pamayanan. Nangingisda sila at nangangaso ng usa, oso, kuneho, mga pato at nangangalap ng mga buto, kabute at mga halamang-gulay. May mga sumubok na ding magtanim. Dumami sa panahong ito ang mga pigurin na anyong babae at nagsasagawa na sila ng paglilibing sa mga punso na yari sa kabibi. Ibig sabihin nito umuusbong na ang mga kaugaliang ritwal.

Huling Jomon(bandang 1500 – 1000 BK)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Narito ang halimbawa ng Huling Jomon Kamegoaka Naka-arkibo 2008-11-20 sa Wayback Machine. sa Lungsod ng Tsugaru, sa Prepektura ng Aoyama.

Nang lumamig ng muli ang klima, nagsilikas ang mga tao mula sa kabunduka at nagsimula na silang mamuhay sa paligid ng mga baybayin lalo na sa silangang baybayin ng Honshu. Dahil umaasa talaga ang karamihan sa lamang-dagat, nahimok ang marami na magkaroon ng mga panibagong pamamaraan ng paghuli ng isda. Nagsimula na ding mauso ang pangingisda sa laot. Mas lalo pang dumami ang mga mga pigurin sa panahong ito na pagtuloy na sumusuporta sa pag-angat at mga kaugaliang ritwal.

Pinakaultimong Jomon(bandang 1000 – 300 BK)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nang lalo pang lumamig ang klima sa panahong ito, lalo ding humina ang suplay ng pagkain na siyang naging dahilan ng pagbagsak ng mga dami ng bilang ng tao. Dahil nakabuklod lang ang mga tao sa mga maliliit na grupo, halatado na ang mga pagkakaiba ng bawat rehiyon. Tulay ang panahong ito sa panahong Yayoi na kung saan pinaniniwalaang alam na ng mga tao ang pagtatanim ng palay sa mga latian at patag na lupa.