Karera
- Tungkol sa karera bilang isang kurso ang artikulong ito. Para sa karera bilang paligsahan, tignan ang pakikipagkarerahan.
Ang isang karera ay isang kurso ng sunod-sunod na katayuan na binubuo ng ilang gawain. Maaari na magkaroon ang isang tao ng karera sa palakasan o karera sa musika, ngunit pinakamalimit na tumutukoy ang "karera" sa ika-21 siglo bilang isang hanapbuhay: ang sunod-sunod na trabaho o posisyon na kung saan kumikita ang isang tao.
Sa halos tilang di nagbabagong lipunan bago ang modernismo, maraming mga manggagawa ang nagmamana o kumukuha ng isang pang-habangbuhay na posisyon (isang puwesto o papel), at may maliit o walang kahulugan ang kaisipan na nilaladlad ng karera. Kasama ang pagpalaganap noong panahon ng Kamulatan ng kaisipan ng progreso at ang mga paguugali ng indibiduwalismo na sariling-pagsulong, naging posible ang karera, kundi man inasahan.
Tinataya ng mga tagapayo sa karera ang mga interes, personalidad, pinahahalagahan at kakayahan upang tulungan ang isang tao na tuklasin ang mga mapipiling karera at saliksikin ang mga graduwado at propesyonal na mga paaralan.
Ang pagpapayo sa karera ay ang isa-isa o grupo na tulong propesyonal sa pagtuklas at paggawa ng mga pasya na may kaugnayan sa pagpili ng isang trabaho, mga pagpapalit sa loob ng mundo ng trabaho o mapagpatuloy pa ang mga propesyonal na pagsasanay. Napakalawak ng larangan at kinabibilangan ng Pagkakaroon ng Karera, Pagpaplano ng Karera, Mapag-aralan ang mga Stratehiya, Pagsulong ng Mag-aaral.
Sa huling bahagi ng ika-20 siglo, pinahintulot ng kalabisan ng mga pagpipilian (lalo na ang mga potensiyal na propesyon) at mas malawak na edukasyon na maging maka-moda ang balakin (o balangkasin) ang isang karera: sa ganitong paraan lumago ang karera ng mga tagapayo ng karera.
Para sa kayarian na "karera" bago ang modernismo, ikumpara ang cursus honorum.
Tignan din: pagsulong ng karera, pangangasiwa ng karera