Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Katedral ng San Jose, Hanoi

Mga koordinado: 21°1′43″N 105°50′56″E / 21.02861°N 105.84889°E / 21.02861; 105.84889
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Katedral ng San Jose
Nhà thờ Chính tòa Thánh Giuse
Cathédrale Saint-Joseph
21°1′43″N 105°50′56″E / 21.02861°N 105.84889°E / 21.02861; 105.84889
LokasyonKalye Nha Tho, Distrito ng Hoàn Kiếm, Hanoi
Bansa Vietnam
DenominasyonKatoliko Romano
Kasaysayan
DedikasyonSan Jose
ConsecratedDisyembre 24, 1886
Arkitektura
EstadoKatedral
Katayuang gumaganaAktibo
Pasinaya sa pagpapatayo
NataposDisyembre 1886
Pamamahala
ArkidiyosesisKatoliko Romanong Arkidiyosesis ng Hanoi
Klero
ArsobispoJoseph Vu Van Thien

Ang Katedral ng San Jose (Biyetnames: Nhà thờ Lớn Hà Nội, Nhà thờ Chính tòa Thánh Giuse; Pranses: Cathédrale Saint-Joseph) ay isang simbahan sa Kalye Nha Chung (Simbahan) sa Distrito ng Hoàn Kiếm ng Hanoi, Vietnam . Ito ay isang huling ika-19 na siglong estilong Neogotikong simbahan na nagsisilbing katedral ng Katoliko Romanong Arkidiyosesis ng Hanoi. Ang katedral ay ipinangalan kay Jose, ang patron ng Vietnam.

Nagsimula ang konstruksiyon noong 1886, na may estilong pang-arkitektura na inilarawan bilang kahawig ng Notre Dame de Paris. Ang simbahan ay isa sa unang estruktura na itinayo ng pamahalaang kolonyal ng Pransyia sa Indotsina nang buksan ito noong Disyembre 1886. Ito ang pinakamatandang simbahan sa Hanoi.[1]

Ang katedral ay nagsasagawa ng misa maraming beses sa araw. Para sa misa ng Linggo ng ika-6 n.g., maraming tao ang dumadaloy sa mga lansangan. Ang mga himno sa pagdarasal ay naisasahimpapawid at ang mga Katoliko na hindi makapasok sa katedral ay nagtipon sa lansangan at makinig ng mga himno.[2]

Matatagpuan ang katedral sa kanluran ng Lawa Hoàn Kiếm,[3] sa isang maliit na plaza sa loob ng Lumang Baryo. Sa malapit, may mga restawran at maliit na mga bloke ng apartamento.[4] Nasa sentrong kinalalagyan sa dulo ng Kalye Nha Tho (Simbahan) at kanto ng Pho Nha Chung,[5] ang katedral na din ang punong-tanggapan ng Arkidiyosesis ng Vietnam ay may kontrol sa 480 mga simbahan at kapilya, at 113 parokya, at nagsisilbi sa 400,000 katoliko.[6] Ang pangunahing tarangkahan sa katedral ay binubuksan kapag may misa at sa natitirang oras ang pagpasok ay sa pamamagitan lamang ng isang pintuan sa gilid ng pader ng compund ng Diyosesis. Mula sa puntong ito patungo sa katedral ay isang lakad sa pintuan sa gilid at pagkatapos ay maaaring patunugin ang batingaw upang makapasok sa katedral.[2]

Noong 1872, ang Pranses sa ilalim ni Jean Dupuis ay kumubkob sa Moog ng Hanoi, bago sakupin ni Francis Garnier ang natitirang lungsod. Isang dekada ang lumipas bago ganap na kontrolin ang Hanoi ng mga kolonyalista dahil sa insurhensiya ng mga rebelde.[7] Ang pagtatayo ng katedral ay marahil nagsimula matapos nito at nakumpleto ito noong Disyembre 1886,[8] isang taon bago maitatag ang pederasyon ng Indotsinang Pranses bilang bahagi ng imperyong kolonyal nito.[9] Itinayo ito ng misyonerong Pranses at apostolikong vicario ng Kanlurang Tonkin na si Paul-François Puginier na kumuha ng pahintulot mula sa kolonyal na administrasyon ng Pransiya noon.[6][10] Itinayo ito sa inabandonang lugar[11] ng Pagoda Bao Thien.[12] Ang lokasyon na ito ay bahagi ng isang "sentrong pampangangasiwa" ng Tonkin bago ang panahon ng kolonyal na Pranses.[13] Upang mapadali ang pagtatayo ng simbahan, ang mga labi ng pagoda, tinanggal ang lahat sa pook. Ang pagoda ay itinayo noong panahong ang lungsod ay itinatag sa panahon ng Dinastiyang Lý noong ika-11 siglo at gumuho noong 1542, at hindi na maayos.[12][14] Ang katedral ay ikinonsagrado noong Disyembre 24, 1886.[14]

Matapos makontrol ng Vietnam Minh ang Hilagang Vietnam kasunod ng Kasunduang Geneva noong 1954, ang Simbahang Katolika ay dumanas ng mga dekada ng pag-uusig. Ang mga pari ang inaresto, at ang mga ari-arian ng simbahan ay seized at isinabansa.[15] Ang Katedral ng San Jose ay hindi nakaligtas at isinara ito hanggang sa Bisperas ng Pasko ng 1990, nang pinayagan ang misa na ipagdiwang muli roon.[16] Noong 2008, ang mga protesta na nauugnay sa mga simbolong pangrelihiyon ay nangyari sa lote sa tabi ng katedral.[17]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Nguyen, Luke (2011). Indochine: Hanoi. Murdoch Books. p. 261. ISBN 9781742668819.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Nick Ray; Yu-Mei Balasingamchow (15 Setyembre 2010). Vietnam. Lonely Planet. pp. 100–. ISBN 978-1-74220-389-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. The Rough Guide to Southeast Asia On A Budget. Rough Guides. 15 Nobyembre 2010. pp. 917–. ISBN 978-1-4053-8686-9. Nakuha noong 30 Mayo 2013.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Lucus, Paul (Hunyo 2011). Ho Chi Minh Noodles and the Trail Through Vietnam. AuthorHouse. pp. 13–. ISBN 978-1-4678-9098-4. Nakuha noong 30 Mayo 2013.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Downs, Tom (2007). Hanoi & Halong Bay. Lonely Planet. pp. 58–. ISBN 978-1-74179-092-4. Nakuha noong 30 Mayo 2013.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 James Sullivan (16 Pebrero 2010). National Geographic Traveler: Vietnam, 2nd Edition. National Geographic Society. p. 68. ISBN 978-1-4262-0522-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Downs, Tom (2007). Hanoi & Halong Bay. Lonely Planet. p. 203. ISBN 9781741790924.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Spano, Susan (Mayo 25, 2008). "French impressions". Los Angeles Times. p. 2. Nakuha noong Mayo 29, 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "History of Vietnam". Lonely Planet. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobiyembre 15, 2014. Nakuha noong May 29, 2013. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  10. Michaud, Jean (2004). "French Missionary Expansion in Colonial Upper Tonkin" (PDF). Journal of Southeast Asian Studies. 35 (2): 294. doi:10.1017/S0022463404000153. ISSN 0022-4634.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Padron:Chú thích web
  12. 12.0 12.1 Aygen, Zeynep (Marso 5, 2013). International Heritage and Historic Building Conservation: Saving the World's Past. Routledge. p. 75. ISBN 9780415888141.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Spano, Susan (Mayo 25, 2008). "French impressions". Los Angeles Times. p. 1. Nakuha noong Mayo 29, 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. 14.0 14.1 Boudarel, Georges; Nguyễn, Văn Ký (2002). Hanoi: City of the Rising Dragon. Rowman & Littlefield. pp. 49.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Tucker, Spencer C., pat. (Mayo 20, 2011). "Catholicism in Vietnam". The Encyclopedia of the Vietnam War: A Political, Social, and Military History. ABC-CLIO. ISBN 9781851099610. Nakuha noong Mayo 29, 2013.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Lewis, Mark; Dodd, Jan; Emmons, Ron (Oktubre 1, 2009). The Rough Guide to Vietnam. Rough Guides UK. ISBN 9781405380218.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Kurfurst, Sandra (2012). Redefining Public Space in Hanoi: Places, Practices and Meaning. LIT Verlag Münster. pp. 115–. ISBN 978-3-643-90271-9. Nakuha noong 30 Mayo 2013.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]