Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Nadezhda von Meck

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Nadezhda von Meck
Si Nadezhda von Meck.
Kapanganakan29 Enero 1831 (Huliyano)
  • (Roslavlsky Uyezd, Smolensk Governorate, Imperyong Ruso)
Kamatayan13 Enero 1894
  • (Alpes-Maritimes, Provence-Alpes-Côte d'Azur, Metropolitan France, Pransiya)
MamamayanImperyong Ruso

Si Nadezhda Filaretovna von Meck (Ruso: Надежда Филаретовна фон Мекк) (10 Pebrero [Lumang Estilo 29 Enero] 1831 - 13 Enero [Lumang Estilo 1 Enero] 1894) ay isang mayamang negosyanteng Rusa. Inaalala siya sa ngayon dahil sa kaniyang pambihirang kaugnayan kay Pyotr Ilyich Tchaikovsky na isang tanyag na kumpositor. Sa loob ng maraming mga taon, binayaran ni von Meck si Tchaikovsky ng maraming salapi bawat buwan upang makapagsulat ang kumpositor ng musika. Nagsulatan ang dalawa ng makabagbag-pusong mga liham, subalit hindi kailanman talagang nagtagpo ang isa't isa. Nagbigay din si von Meck ng suportang pampananalapi sa iba pang mga tao na nasa larangan ng sining at ng musika, natatangi na ang mga kumpositor na sina Nikolai Rubinstein at Claude Debussy.


TalambuhayNegosyoRusya Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Negosyo at Rusya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.