Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Ning Zetao

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ning Zetao
Personal na impormasyon
Buong pangalanNing Zetao
宁泽涛
Kapanganakan (1993-03-06) 6 Marso 1993 (edad 31)
Zhengzhou, Henan, Tsina
Tangkad6 tal 3 pul (1.91 m)
Timbang179 lb (81 kg)
Isport
IsportPaglangoy
Mga StrokesFreestyle
ClubPLA Navy team
Isa itong pangalang Tsino; ang apelyido ay Ning.
Ning Zetao
Pinapayak na Tsino宁泽涛

Si Ning Zetao (ipinanganak Marso 6, 1993 sa Zhengzhou, Henan, Tsina) ay isang manlalangoy na Tsino sa paglangoy ng sprint freestyle. Noong 2015 ''World Aquatics Championships'' sa Kazan, Rusya, nanalo siya ng gintong medalya sa 100-metre freestyle. Sa 2014 Asian Games na ginanap sa Incheon, Timog Korea, napanalunan niya ang mga gintong medalya sa 50-metre freestyle, 100-metre freestyle, 4 × 100-meter freestyle relay at 4 × 100-meter medley relay.[1][2][3]

Ipinanganak si Ning Zetao sa Zhengzhou, punong lungsod ng Henan; siya ang nag-iisang anak nila Ning Feng (ama) at Liu Wenhong (ina). Ang kanyang amang si Ning Feng ay naglingkod ng apat na taon sa hukbong panghimpapawid bago napunta sa kompanyang pangtransmisyong pang-estado;[4] ang kaniyang inang si Liu Wenhong[5] ay naglingkod sa Hukbong Kapulisang Armado ng Madlang Tsino; naglingkod din sa militar Tsino ang kanyang lolo't lola sa parehong panig ng kaniyang mga magulang.[6] Nagsimulang lumangoy si Ning sa edad na 8. Dinala siya ng kaniyang mga magulang paraalang panlanguyan upang matulungan siyang labanan ang kaniyang takot sa tubig at mapabuti ang kaniyang kalusugang pisikal. Napansin ng lokal na tagasanay na si Guo Hongyan ang mga mabilis na pagkatuto ni Ning sa iba't ibang strokes at pamamaraan. Hinikayat niya ang mga magulang ni Ning na isanay si Ning sa ilalim ng kaniyang pagsubaybay. Sa gulang na 11, naging kasapi si Ning Zetao ng panglalawigang koponan sa paglangoy. Sa gulang na 14, natanggap si Ning sa koponang panlangoy ng PLA Navy; nagsimula siya ng pagsasanay sa ilalim ng pagsubaybay ni Ye Jin, ang kilalang tagasanay na nananatili pa ring tagasanay ni Ning hanggang ngayon. Sa simula, nagsanay siya para sa 200-metro at 400-metro na pang-isahang medley races. Dahil nagkaroon siya ng matagalang kalsipikasyon ng buto sa kaniyang kanang tuhod, lumipat siya mula individual medley sa sprint freestyle.[7]

Bilang pagsunod sa karanasang pangmilitar ng pamilya, naglingkod si Ning bilang tenyente ng Hukbong Pandagat na Tsino.[8]

Sa gulang na 16, lumahok si Ning sa paligsahan sa kaniyang kauna-unahang Pambansang Palaro. Umabante siya sa 400-metro na medley final at nagtapos sa ika-8 puwesto.[9]

Abril 2011, Chinese National Swimming Championships, Wuhan, Hubei, Tsina

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ito ang kaniyang unang pagkakataong nakipag-paligsahan sa isang ebentong sprint freestyle. Umabante siya sa 100-metro na free final at nagtapos sa ika-4 na puwesto sa mayroong tagal lang na 50.05.[10]

  1. "Men's 100m Freestyle Results". Incheon 2014 Asian Games. Nakuha noong 27 Setyembre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "China Sets Asian Record in 400 Free Relay to Close Night". Swimming World Magazine. 24 Setyembre 2014. Nakuha noong 27 Setyembre 2014. {{cite news}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Ning Zetao". Incheon 2014 Asian Games. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Septiyembre 2014. Nakuha noong 25 September 2014. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  4. “After Winning 100 m, Ning Zetao Wins 50 m Free”. Jinbao News, Sep 11, 2013. http://www.jinbw.com.cn/jinbw/xwzx/tyxw/201309119920.htm Naka-arkibo 2015-02-25 sa Wayback Machine.. Retrieved Feb 24, 2015.
  5. PLA Daily: "Flying Fish, Life of Army Swimmer Ning Zetao" Oct 12, 2014. http://military.workercn.cn/279/201410/12/141012072936366.shtml Naka-arkibo 2016-03-04 sa Wayback Machine.. Retrieved Feb, 28 2015.
  6. China CCTV 7 Nov 23, 2014 Interview.
  7. “Ning Zetao”. LifeWeeks Magazine. Jan 7, 2015. http://news.hexun.com/2015-01-07/172121802.html Naka-arkibo 2016-03-04 sa Wayback Machine.. Retrieved Feb 24, 2015.
  8. "Navy lieutenant wins gold". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-02-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. “Zhengzhou Fellow, Ning Zetao, From Flying Fish to Idol”. Zhengzhou Evening Newspaper Digital Edition. Sep 26, 2014. http://zzwb.zynews.com/html/2014-09/26/content_604108.htm Naka-arkibo 2015-04-02 sa Wayback Machine.. Retrieved Feb 27, 2015.
  10. “2011 04 04 China National Swimming Championship” clips from Ning Zetao Media Resources. http://www.tudou.com/programs/view/RLu4wtMQfP0/ Naka-arkibo 2016-08-08 sa Wayback Machine.. Retrieved Feb 27, 2015.

Kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.