Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Paruparo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Paru-paro)

Paruparo o Paru-paro
Temporal na saklaw: Palaeocene-Present, 56–0 Ma
Papilio machaon
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Arthropoda
Hati: Insecta
Orden: Lepidoptera
Suborden: Rhopalocera
Subgroups
Danaus Chrysippus Butterfly isang uri ng paruparo.
Swallowtail Butterfly isang uri ng Paruparo.
Paruparong nakadapo sa isang bulaklak.
Papilio machaon

Ang paruparo o paparo[1] (tinatawag din minsang mariposa na mula sa Wikang Kastila) ay isang lumilipad na insekto sa orden na Lepidoptera, at kabilang sa superpamilya Hesperioidea o Papilionoidea. Ibinibilang din ng ibang mga may-akda ang mga kasapi sa superpamilya Hedyloidea. Kung minsan, tinatawag ding paruparo ang ilang mga gamu-gamo na may magagandang pakpak.[1]

Ang paruparo ay isang uri ng insekto. Sila ay naninirahan sa mga "maiinit" na rehiyon ng mundo. Sila ay may dalawang pares ng pakpak na ginagamit sa paglipad. Ang kanilang mga pakpak ay makukulay at magaganda. Ginagamit ng mga paruparo ang kanilang makukulay na pakpak bilang panakot sa mga kaaway. Nagmumula sa maliliit na itlog ang mga higad o batang paruparo. Kadalasang kinakain ng mga higad ang dahon na kinalalagyan ng mga itlog. Pagkatapos ng ilang araw, binabalot nila ang sarili upang maging isang pupa o chrysalis. Lalabas sa pinagbalutan ang paruparo na may mga malalapad at makukulay na pakpak.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 English, Leo James, Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971-91055-0-X

Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.