Republika (Platon)
Ang Republika (c. 380 bc.), ni Platon, ay isang diyalogong pilosopikal tungkol sa anyo ng hustisya at ang karatker ng mga taong nasa mga Estadong-Lungsod na may hustisya at mga taong nabubuhay na may hustisya.[1] Ang mga diyalogo, sa pamamagitan nila Socrates at iba't ibang taga-Athens at dayuhan, ay nagtatalakay sa kahulugan ng hustisya. Sinusuri din dito kung ang mga taong may hustisya ay mas masaya sa mga taong wala nitos sa pagbigay ng isang lipunang pinamamahalaan ng mga pilisopong-hari at mga tapagbantay. Dahil dito ang orihinal na pamagat ng Republika sa Sinaunang Griyego ay: Πολιτεία | Politeía (Pamamahala ng mga Estadong-Lungsod). Sa mga diyalogo, ang Klasikong Griyegong pilosopong Plato ay nagtalakay din ng teoriya ng mga anyo, ang immortalidad ng kaluluwa, at ang tungkulin ng mga pilosopo at tula sa lipunan.[2] Ang Republika, ang pinakakilalang gawa ni Plato, ay isa sa mga pinakaimplwensiyal na gawa sa larangan ng Pilosopiya at Teoriyang Pampolitika.[3][4]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Brickhouse, Thomas and Smith, Nicholas D. Plato (c.427-347 BCE), The Internet Encyclopedia of Philosophy, University of Tennessee, cf. Dating Plato's Dialogues.
- ↑ Baird, Forrest E.; Walter Kaufmann (2008). From Plato to Derrida. Upper Saddle River, New Jersey: Pearson Prentice Hall. ISBN 0-13-158591-6.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ National Public Radio (8 Agosto 2007). Plato's 'Republic' Still Influential, Author Says. Talk of the Nation.
- ↑ Plato: The Republic. Plato - His Philosophy and his life, allphilosophers.com