Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Sant'Onofrio, Roma

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sant'Onofrio.

Ang Sant'Onofrio al Gianicolo ay isang simbahang titulo sa Trastevere, Roma. Ito ang opisyal na simbahan ng ordeng Kabalyerong papal ng Orden ng Banal na Sepulturero. Isang kapilya sa gilid ay alay sa Orden at isang dating engrandeng maestro, si Nicola Canali ay nakalibing doon. Ito ay alay kay San Onofre at matatagpuan sa Janiculum.

Ito ay itinayo noong 1439 sa lugar ng isang sinaunang ermita, bilang bahagi ng isang klaustrong monasteryo ng mga Hieronymite na umiiral na rito mula noong ika-15 hanggang ika-16 na siglo. Ang nakalakip na klaustro ay idinagdag noong kalagitnaan ng ika-15 siglo.

Ang isang kasapi ng Kolehiyo ng mga Kardinal ay minsan binibigyan ng titulo sa simbahan, iyon ay bilang itinalagang kardinal diyakono o kardinal pari ng Sant'Onofrio. Ang huling humawak ng titulo ay si Kardinal Carlo Furno mula 1994 hanggang 2015.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]