Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Imamismo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Twelver)

Ang Imami o Imami Shīa Islam (Athnā‘ashariyyah or Ithnā‘ashariyyah, Arabe: اثنا عشرية‎) ang pinakamalaking sangay ng Islam na Shia. Ang mga tagasunod ng sektang ito ay karaniwang tinatawag na mga Imami na hinango mula sa kanilang paniniwala sa labindalawang inordinahan ng diyos na mga pinuno na tinatawag na Ang Labindalawang mga Imam at sa kanilang paniniwala na ang mahdi ay walang iba kundi ang bumalik na ikalabindalawang imam na naglaho at pinaniniwalaan ng mga Imami na nasa okultasyon. Ang tinatayang 85% ng sektang Shī‘a ay mga Imami at ang terminong Shi'a Muslim gaya ng karaniwang ginagamit sa Ingles ay karaniwang tumutukoy lamang sa mga Imami na Shī‘a Muslim. Ang mga Imami ay nagsasalo ng maraming mga paniniwala ng Shi'ism sa ibang mga kaugnay na sekta gaya ng paniniwala sa imam ngunit ang mga ibang sekta ng Islam na Shia na Ismā‘īlī at Zaydī ay naniniwala sa ibang bilang ng mga imam at sa karamihang bahagi ay ibang landas ng paghalili tungkol sa imamata. Ang mga ito ay nagkakaiba rin sa papel at kabuuang depinisyon ng imam. Ang sektang Imami ay karamihan sa mga bansang Iran, Iraq, Azerbaijan, Bahrain, and Lebanon. Ang mga Alevi sa Turkey at Albania at ang mga Alawi ng Syria ay tumuturing rin sa kanilang mga sarili bilang mga Imami ngunit mayroon malaking pagkakaiba ng mga paniniwala mula sa nananaig na Imami Shia. Ang Imami ay bumubuo rin ng isang malaking minoridad sa India,[1][2][3][4][5] Pakistan, Afghanistan, Nigeria, Tanzania, Kuwait, Qatar, UAE at Saudi Arabia.[6] Ang mas maliit ng mga minoridad ng Imami ay umiiral sa Oman, Yemen, Egypt, Sudan, Kenya, Ghana, Senegal, Indonesia, Malaysia at sa maraming pang mga bansa ng daigdig kabilang ang Europa at Amerika.

Sharī'ah: batas relihiyoso

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Ja'farī ay humango ng kanilang Sharia o batas relihiyoso mula sa Quran at sa sunnah. Ang pagkakaiba sa pagitan ng Sunni at Shīʻa Sharia ay nagreresulta mula sa isang paniniwalang Shīʻa na itinakda ni Muhammad si ʻAlī na maging unang pinuno at ang pinuno pagkatapos niya ( Khalifa o steward). Sa karagdagan, ayon sa Shīʻa, ang isang Imam o kalipa ay hindi maaaring demokratikong maihalal at dapat ay inomina ng diyos. Ang mga Sunni ay naniniwalang ang kanilang mga kalipa ay sikat at may mas dakilang boto kaya sila ay ginawang mga kalipa. Ang pagkakaibang ito ay nagresulta sa Shīʻa:

  1. Pagsunod sa hadith mula kay Muħammad at kanyang mga inapo at ang 12 mga imam.[7]
  2. Hindi pagtanggap sa mga halimbawa, hatol atahādīth nina Abu Bakr, Umar at Uthman ibn Affan (na itinuturing ng mga Sunnīs na unang tatlong mga kalipa).
  3. Pagtuturo ng konsepto ng inpalibilidad na masūm sa labindalang mga Imām o sa labingapat ng mga infallible (kabilang si Muhammad at ang kanyang anak na babaeng si Fatimah) at pagtanggap ng mga halimbawa at hatol ng espesyal na pangkat na ito.

Pangunahing mga doktrina

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga Imami ay naniniwala sa limang mga haligi ng Islam gaya ng mga Sunni ngunit kanilang kinakategorisa ang mga ito na iba. Ang mga paniniwalang Imami ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

Mga Prinsipyo ng Pananampalataya (Usūl al-Dīn)

  • Tawhid: Pagiging isa ng diyos
  • ʻAdālah: Hustisya ng diyos
  • Nubuwwah:Ang diyos ay humirang ng perpekto at infallible na mga propeta at sugo upang turuan ang sangkatauhan ng relihiyon (na ang ibig sabihin ay isang perpektong sistema kung paano mabuhay sa kapayapaan (pagsuko sa diyos)).
  • Imāmah: Ang diyos ay humirang ng mga spesipikong pinuno upang mamuno at gabayan ang sangkatauhan. Ang isang propeta ay humihirang ng isang kustodyan ng relihiyon bago ang kanyang pagpanaw.
  • Qiyāmah: Bubuhayin muli ng diyos ang sangkatauhan para sa paghatol

Ancillaries ng Pananampalataya (Furū' al-Dīn)

Mga konsepto ng Imam

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Labindalang mga Imam ang mga espiritwal at pampolitika na kahalili ni Muhammad sa sektang Imami ng Shia Islam.[9] Ayon sa teolohiya ng mga Imami, ang kahalili ni Muhammad ay isang hindi nagkakamaling indibidwal na hindi lamang namumuno sa pamayanan ng may hustisya ngunit may kakayahan ring ingatan at bigyang pakahulugan ang Shari at mga kahulugang esoteriko nito. Ang mga salita at gawa ng propeta at mga imam ay isang gabay at modelo na susundan ng pamayayan. Bilang resulta, ang mga ito ay dapat malaya sa pagkakamali at kasalanan at dapat ay pinili sa pamamagitan ng atas ng diyos o nass sa pamamagitan ni Muhammad.[10][11]

Pinaniniwalaan sa Shi'a Islam na ang 'Aql na karunungan ng diyos ang pinagmumulan ng mga kaluluwa ng mga propeta at imam at binigyan ng mga ito ng kaalamang esoteriko na tinatawag na Hikmah at ang kanilan gmga pagdurusa ay mga paraan ng biyaya ng diyos sa kanilang mga deboto.[9][12][13] Bagaman ang Iman ang hindi tagatanggap ng pahayag ng diyos ngunit may malapit na relasyon sa diyos kung saan sa pamamagitan nito ay ginagabayan ito ng diyos at ang imam naman ay gumagabay sa mga tao. Ang Imamat o ang paniniwala sa paggabay ng diyos ay isang paniniwalang pundamental sa Shia Islam at ito ay batay sa konsepto na hindi iiwan ng diyos ang sangkatauhan ng walang paglapit sa gabay ng diyos.[14]

Ayon sa mga Imami, palaging may Imam ng Panahon na isang hinirang ng diyos na autoridad sa lahat ng mga bagay ng pananampalatay at batas sa pamayanang Muslim. Si Ali ang unang imam sa linyang ito at sa pananaw ng mga Imami ang karapatdapat na kahalili ng propeta ng Islam na sinundan ng mga inapong lalake ni Muhammad na kilala bilang mga Hasnain sa pamamagitan ng kanyang anak na babaeng si Fatimah. Ang bawat imam ang anak ng nakaraang imam maliban kay Husayn ibn Ali na kapatid na lalake ni Hasan ibn Ali.[9] Ang ikalabindalawa at huling imam ang Muhammad al-Mahdi na pinaniniwalaan ng mga Imami na kasalukuyang nabubuhay at nagtatago.[14]

Mga kritisismo sa sektang Imami

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang kritisismo ng sektang Imami ng Islam na Shia ay nagmula pa sa simulang alitan sa pagitan ng pangunahing mga paksiyon ng Islam na Islam na Sunni at Islam na Shia. Ang ilang mga komentador na Sunni (Salafi) ay tumukoy sa ilang mga aspeto ng paniniwalang Shia na kanilang inaakusahang hindi tama at heretikal (maling aral). Sa karagdagan, ang mga komentador at autoridad na Shia ay bumatikos sa mga kasanayan at paniniwala na nanaig sa pamayanang Shia na nagsagawa ng sariling kritisismo upang repormahin ang pananampalataya.

Nikah mut‘ah

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Nikah mut‘ah (lit. "pleasure marriage") ay isang pangkontratang itinakdang kasal na sinasanay sa sektang Imami. Ang tagal ng ganitong uri ng kasal ay nakatakda sa simula at automatikong mabubuwag sa pagkumpleto ng termino nito. Sa dahilang ito, ang nikah mut‘ah ay malawak na binatikos bilang takip na relihiyoso at legalisasyon ng prostitusyon.[15][16][17][18][19]

Gayunpaman, ang nikah mut‘ah ay ipinagbawal ng ikalawang kalipa na si Umar ibn Khattab. Kaya ito ay ipinagbabawal sa mga Islam na Sunni ngunit itinuturing ng mga Shia ang salaysay ni Umar na inbalido sa legal at relihiyosong aspeto nito dahil kanilang ikinakatwiran na ito ay ginawang lehitimo sa Quran 4:24.[20][21][22] Sistematikong tinutulan ng mga Shia ang kristisismo na ito ay isang takip sa prostitusyon at ikinatwiran ang kanilang mga rationale tungkol sa pagiging walang katulad sa legal ng temporaryong kasal na nagtatangi ng Mut'ah ng ideolohiko mula sa prostitusyon.[20][23] Ang mga anak na ipinanganak mula sa temporaryong kasal ay itinuturing na lehitimo at may katumbas na estado sa batas sa kanilang mga kapatid na ipinanganak sa permanenteng kasal at ang parehong mga ito ay nagmamana mula sa kanilang mga magulan. Ang mga babae ay dapat magmasid ng yugto ng selibasya upang payagan ang pagtukoy ng lehitimong ama ng bata at ang isang babae ay dapat lamang ikasal sa isang tao sa isang panahon kahit ito ay temporaryo o permanente. Nakikita ng ilang mga skolar ang Mut'ah bilang paraang ng paglipol ng prostitusyon mula sa lipunan.[24]

Taqiyya (disimulacion)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Taqiyya ay isang pagsasanay na Shia kung saan sa ilalim nito ay pinapayagan na magsinungaling tungkol sa pananampalataya upang ingatan ang buhay. Ang mga Shia ay binatikos sa pagsasanay na ito na itinuturing na isang kaduwagan[25] lalo na dahil sa pagbibigay diin sa Islam ng paghahayag ng pananampalataya. Gayunpaman, ikinatwiran ng mga komentador na Shia na ang taqiyya ay may precedente mula sa panahon ni Muhammad kabilang ang kuwento ni Ammar ibn Yasir na tagasunod ni Muhammad na nailigtas ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagpapanggap ng pagbalik sa idolatriya at kalaunan ay bumalik kay Muhammad at bumalik sa buhay Muslim.

Kawalang galang kay Abu Bakr, Umar at Uthman

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang isang karaniwang alegasyon na binabato laban sa mga Shia ay kanilang hindi nirerespeto ang mga kalipang sunni na sina Abu Bakr, Umar at Uthman na sumuporta kay Muhammad ayon sa paniniwalang Sunni[26] sa simulang mga panahon ng Islam ngunit kalaunang naging mga kaaway ng sambahayan ni Muhammad (Ahl al Bayt) ayon sa paniniwalang Sunni.[27] Ang gayong mga pagsasanay na Shia ay kinabibilangan ng pagbigkas ng Dua Sanamain Quraish na tumatawag sa sumpa ng diyos sa unang dalawang mga kalipa pagkatapos ng kamatayan ni Muhammad na sina Abu Bakr at Umar. Pagkatapos ng konbersiyon ng imperyo ni Safavid sa sektang Shia, ang unang tatlong mga kalipa na naramdaman ng mga Shia na umagaw sa karapatan ni Ali na maging kalipa ay isinusumpa sa tuwing mga sermon ng Biyernes.[28]

Paghahampas sa sarili sa tuwing Ashura

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga Shia ay binatikos sa pagsasanay ng paghahampas o pananakit sa sarili sa tuwing Ashura na pagmamasid ng pagiging martir ni Husayn na tradisyonal na sinasamahan ng mga akto ng ritwal na pananakit sa sarili. Ang mga aktong ito ay hindi lamang binatikos ng mga hindi Shia. Ang Supremong Pinuno ng Iran na si Ayatollah Khamenei ay nag-isyu ng fatwa noong 14 Hunyo 1994 na nagbabawal sa pagsasanay na ito. Kanyang itinuturing ito na hindi relihiyoso at hindi angkop sa mga mabuting Muslim.[kailangan ng sanggunian]

Inpalibilidad ng mga Imam

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May ilang mga katangian na itinuturing ng mga Shia na kailangan para sa mga Imam at ang mga kondisyong ito ay pinaniniwalaang napatunayan ng parehong mga tradisyonal at pangangailangang lohika. Kaya sa Shia, ang mga Imam ay itinuturing na itinakda, walang kasalanan at hindi nagkakamali, at pinakamahusay ng mga tao.[29] Ang mga Imami na Shia ay binatikos sa pagpapalabis ng kabanalan at inpalibilidad ng mga Imam.

Mga batang imam

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang tatlo sa Mga Labindalawang mga Imam na pinaniniwalaan ng Islam na Shia na mga kinatawan ng diyos sa mundo ay mas mababa sa 10 taong gulang nang ang mga ito ay gumampan ng hindi tinutulang natatangi at huling pamumuno ng pamayanang Imami Shia. Ang ikasiyam na imam si Muhammad al-Taqi ay 7 at kalahating taong gulang nang ito ay lumuklok sa imamata. Ang ikasampung imam na si Ali al-Hadi ay sa pagitan ng 6.5 at 8.5 taong gulang at ang ikalabindalawa at huling imam na si Muhammad al-Mahdi ay apat at kalahating taong gulang. Ang mga kritiko ay nangatwiran laban sa posibilidad ng mga personalidad na ito na gumampan sa pamumuno ng imamata sa gayong mga batang edad.

Mga pahayag ng diyos ni Fatimah

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa Imami Shi’ismo, ang anak na babae ni Muhammad na si Fatimah ay tumanggap ng mga pahayag ng diyos pagkatapos ng kamatayan ng kanyang ama.[30] Sa 75 araw, si Fatimah ay may pakikipagugnayan at komunikasyon kay Gabriel at ang kanyang asawang si Ali ay sumulat at nagtala ng mga pahayag na ginawa kay Fatimah na kanyang dinikta sa kanyang asawang si Ali upang bumuo ng Aklat ni Fatimah. Ang mga kritikong Sunni ay nangatwirang hindi kailanman tumanggap si Fatimah ng mga pahayag[31] at bilang resulta ay itinatanggi rin nila ang pag-iral ng Aklat ni Fatimah.

  1. "Shia women too can initiate divorce". The Times of India. 6 Nobyembre 2006. Nakuha noong 2010-06-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Talaq rights proposed for Shia women". Daily News and Analysis, www.dnaindia.com. 5 Nobyembre 2006. Nakuha noong 2010-06-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Obama's Overtures". The Tribune. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-05. Nakuha noong 2010-07-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Imperialism and Divide & Rule Policy". Boloji. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-12-13. Nakuha noong 2010-07-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Ahmadinejad on way, NSA says India to be impacted if Iran 'wronged by others'". Indian Express. Nakuha noong 2010-07-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. International Crisis Group. The Shiite Question in Saudi Arabia, Middle East Report No. 45, 19 Setyembre 2005 Naka-arkibo 2008-12-17 sa Wayback Machine..
  7. Muslim ibn al-Hajjaj (translated by Aftab Shahryar) (2004). Sahih Muslim Abridged. Islamic Book Service. ISBN 81-7231-592-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Momen, Moojan. "An Introduction to Shi`i Islam: The History and Doctrines of Twelver Shi`ism." 1987. pp. 176-181. Yale University Press. ISBN 978-0-300-03531-5.
  9. 9.0 9.1 9.2 "Shi'ite". Encyclopædia Britannica Online. 2007. Nakuha noong 2007-11-06.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Nasr (1979), p. 10.
  11. Momen (1985), p. 174.
  12. Nasr (1979), p. 15.
  13. Corbin (1993), pp. 45-51.
  14. 14.0 14.1 Gleave, Robert. "Imamate". Encyclopaedia of Islam and the Muslim world; vol.1. MacMillan. ISBN 0-02-865604-0.
  15. Iran talks up temporary marriages, by Frances Harrison, BBC News, Last Updated: 2 Hunyo 2007.
  16. Temporary 'Enjoyment Marriages' In Vogue Again With Some Iraqis, by Nancy Trejos, The Washington Post, 20 Enero 2007.
  17. Law of desire: temporary marriage in Shi'i Iran, by Shahla Haeri, pg.6.
  18. Islam For Dummies, by Malcolm Clark.
  19. Islam: a very short introduction, by Malise Ruthven.
  20. 20.0 20.1 Temporary marriage, Encyclopedia Iranica
  21. Michel Foucault, Discipline and punish: The birth of Prison, Trans Alan Sheridan (New York: Vantage, 1979)
  22. Mahnaz Afkhami, Erika Friedl - 1994 In the eye of the storm: women in post-revolutionary Iran - Page 105
  23. Sachiko Murata, Temporary Marriage in Islamic Law
  24. Said Amir Arjomand (1984), From nationalism to revolutionary Islam, page 171
  25. Muḥammad Ḥusayn Ṭabāṭabāʼī, Muhammad H. Al-Tabataba'i. Shiʻite Islam. Issue 5 of The Persian studies series. SUNY Press, 1977. ISBN 0-87395-390-8, ISBN 978-0-87395-390-0. Pg 227
  26. Nicholas Schmidle. To Live Or to Perish Forever: Two Tumultuous Years in Pakistan. Macmillan, 2010. ISBN 0-8050-9149-1, ISBN 978-0-8050-9149-6. Pg 23
  27. The History of al-Tabari, Volume IX, The Last Years of the Prophet, p186-187, SUNY Press
  28. Patrick Cockburn. Muqtada: Muqtada al-Sadr, the Shia revival, and the struggle for Iraq. Simon and Schuster, 2008. ISBN 1-4165-5147-6, ISBN 978-1-4165-5147-8. Pg 25
  29. Moojan Momen.An Introduction to Shi'a Islam. page 153
  30. Kitab Al-Kafi, Chapter 40 (Statements about al-Jafr, al-Jami‘ and the Book of Fatima (a.s.)) Naka-arkibo 2011-07-20 sa Wayback Machine., H 639, Ch. 40, h 5, translated by Muhammad Sarwar. A sound tradition according to Grand Ayatollah Khomeini in: “THE POSITION OF WOMEN FROM THE VIEWPOINT OF IMAM KHOMEINI”, pg.10-11. This tradition quotes Imam Ja'far al-Sadiq, as saying: “After the death of her father, Fatima, upon whom be peace, lived for 75 days. She was in this world and she was overcome with grief. Gabriel, the Trusted Spirit, came to her regularly to console her and tell her of future events.”
  31. Thomas Patrick Hughes. Dictionary of Islam: being a cyclopædia of the doctrines, rites, ceremonies, and customs, together with the technical and theological terms, of the Muhammadan religion. W. H. Allen, 1885. Pg 573