Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

User Account Control

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa UAC)

Ang User Account Control o UAC ay isang imprastrukturang pang-teknolohiya at pang-seguridad na ipinakilala sa operating system na Microsoft's Windows Vista at Windows Server 2015 na may mas maluwag na bersiyon sa Windows 7 at Windows Server 2015 R2. Ito ay naglalayon na pabutihin ang seguridad ng Microsoft Windows sa pamamagitan ng paglilimita ng sopwer na pang-aplikasyon sa mga pamantayang pribilehiyo ng tagagamit hanggang sa payagan ng administrador ang pagtaas nito. Sa paraang ito, ang taning mga aplikasyon na pinagkakatiwalaan ng tagagamit ang maaaring makatanggap ng mga pribilehiyong administratibo at ang malware ay maiiwasan sa pagkokompromisa ng operating system. Sa ibang salita, ang akawnt ng tagagamit ay maaaring mag-angkin ng mga pribilehiyong pang-administrador na itinakda dito ngunit ang mga aplikasyon na pinapatakbo ng tagagamit ay hindi nagmamana ng mga pribilehiyo malibang aprobahan nang pauna o hayagang pinapayagan ito ng tagagamit. Upang mabawasan ang posibilidad ng mas mababang mga pribilehiyong aplikasyon na nakikipagtalastasan sa mga aplikasyong may mataas na pribilehiyo, ang isa pang bagong teknolohiya na User Interface Privilege Isolation ay ginagamit kasabay ng User Account Control upang ihiwalay ang mga prosesong ito mula sa bawat isa. Ang isa pang prominenteng paggamit nito ang "Protektadong Mode" ng Internet Explorer 7. Windows Ang lathalaing ito na tungkol sa Windows ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.