Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Valeriano Weyler

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Valeriano Wéyler)
Si Heneral Valeriano Weyler, c. 1878.

Si Valeriano Weyler Nicolau, marqués de Tenerife (17 Setyembre, 1838 - 20 Oktubre, 1930) ay isang sundalong Kastila. Siya ang komandante sa Cuba na binansagang "Mangangatay" o "Tagakatay" dahil sa kaniyang mapaniil na mga patakaran. Pinabalik siya sa Europa noong 1897.[1]

Isinilang si Weyler sa Palma de Majorca noong 17 Setyembre, 1838 sa isang Kastilang ina at Alemang ama, na isang duktor na militar, at tumanggap ng edukasyon sa Granada, Espanya. Dating mga Prusyano ang kaniyang pamilya, at naglingkod sa hukbong-katihan ng mga Kastila sa loob ng maraming mga salinlahi. Pumasok siya sa kolehiyong militar sa gulang na labing-anim sa Toledo, Espanya at, nang maging tenyente, nagtuloy sa kolehiyong pangtauhan, kung saan nanguna siya sa klase. Naging kapitan siya dalawang taon ang makalipas, at ipinadala sa Cuba sa sarili niyang kahilingan.

  1. Karnow, Stanley (1989). "Valeriano Weyler". "In Our Image, America's Empire in the Philippines", Random House, Inc., New York, ISBN 0345328167.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Bibliyograpiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Sinundan:
Federico Lobaton
Gobernador-Heneral ng Pilipinas
1888–1891
Susunod:
Eulogio Despujol

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.