White & Black 2: Pagsasama: Claire
5/5
()
About this ebook
Sa pagdating nina Avery at Alen sa Bagong Awa, na nakita nila ang isang misteryosong lalaki sa antique shop, nagsunod-sunod na ang mga hindi nila maintindihang panaginip. Unti-unti rin nilang nakilala ang lugar kasabay ang dumarami namang hindi nila maintindihang nangyayari. Aksidente pa nilang nalaman na ang mga tauhan sa kanilang panaginip ay nasa realidad pala, gaya ng tree house na nalaman nilang nasa loob ng property ng mga Del Gracia.
Akala ni Avery, ang mga panaginip lang ang gugulo sa isip niya, hindi pala. Dumagdag pa ang mga bagay na nabili nila sa antique shop—ang white pencil at black book. Ang lapis na inakala niyang ordinaryo lang, sa minsang niyang pag-sketch, ginulat siya ng sumunod na eksena—nawala sa page ang sketch niya at naging totoo!
Sa pagpapakita ni Xantus, ang misteryosong lalaking nanggaling sa Isla Ilumina, nalinawan si Avery—na totoo ang alamat, ang mga sekreto, ang karahasan, ang mahika at ang pag-ibig.
Ang tanong na lang, hanggang saan nila kakayanin ni Alen na harapin ang lahat?
Read more from Victoria Amor
Gricko (Before Midnight): The Fedeos Rating: 5 out of 5 stars5/5Rush: Intruders Rating: 5 out of 5 stars5/5Scar's Kiss Rating: 5 out of 5 stars5/5Sweetest Days Rating: 5 out of 5 stars5/5Tala Rating: 5 out of 5 stars5/5Laging Ikaw Rating: 5 out of 5 stars5/5Rohn: Intruders Rating: 5 out of 5 stars5/5Ganti: Takipsilim Rating: 5 out of 5 stars5/5MD: Intruders Rating: 5 out of 5 stars5/5Unexpected You Rating: 5 out of 5 stars5/5Forever, Love Rating: 5 out of 5 stars5/5Marked: Heart Secrets Rating: 5 out of 5 stars5/5Vagabond's Home: Intruders Rating: 5 out of 5 stars5/5Unexpected Love: The Love Files: Tierra De Amor Rating: 5 out of 5 stars5/5Calle Amor Rating: 5 out of 5 stars5/5Sun & Moon: Sinag Rating: 5 out of 5 stars5/5Saved: Heart Secrets Rating: 5 out of 5 stars5/5Loving Ann Rating: 5 out of 5 stars5/5Antique Heart 1: Lihim: Claire Rating: 5 out of 5 stars5/5Caught Rating: 5 out of 5 stars5/5White & Black 1: Pagkikita: Claire Rating: 5 out of 5 stars5/5Antique Heart 2: Lakas: Claire Rating: 5 out of 5 stars5/5Hammock: Claire Rating: 5 out of 5 stars5/5Len's Love: The Love Files: Corazon Rating: 5 out of 5 stars5/5
Related to White & Black 2
Related categories
Reviews for White & Black 2
1 rating1 review
- Rating: 5 out of 5 stars5/5
Aug 12, 2024
Yung feels ni Van, same feels ni Alen ?
Daming keleg scene ?
Alen ready ka ba sa after 10yrs? ?
Grabeng magpakaba ang mahiwagang Isla. Ang daming aaabangan sa book 3.
Abangers po hanggang sa last page, Ms VA ??
Thank you po ❤️
Book preview
White & Black 2 - Victoria Amor
1
SUNSET time na nakabalik ng lumang bahay sina Avery. Pagkagaling sa bahay ni Kapitan Lau, tumuloy sila sa Purok tres ng Bagong Awa. Namili ng mga gulay at crops si Tita Zandy, turo ni Nana Mameng na doon sila bumili. Mga kakilala ni Nana Mameng ang sellers. Natagalan sila, napahaba ang chika ng matanda sa mga kakilala na hindi laging napupuntahan.
Si Tita Zandy, nahiya nang mag-aya nang makitang masayang nakikipagbalitaan si Nana Mameng sa mga kausap. Si Ate Bemmy, in-charge sa pagpili ng iba pang kailangan sa kusina. Si Valentino naman ang umaalalay kay Nana Mameng at Ate Bemmy. Hindi nito hinayaang magbitbit pa ng kahit ano ang matanda.
Si Nana Mameng na parang nag-enjoy na may kotse at driver, may mga dinaanan pang mga kaibigan habang pauwi sila. Nadaanan lang naman nila ang area kaya kailangan lang nilang huminto. Napapahaba lang talaga ang balitaan kaya inabot na sila ng sunset bago nakauwi sa lumang bahay.
Si Tita Zandy, napapangiti na lang na nag-spend sila ng mas mahabang oras sa paghihintay na matapos ang balitaan ng mga senior citizen. Halata sa mukha ni Nana Mameng ang tuwa. Nakarating sila sa lumang bahay nito na nakangiti pa rin ang matanda.
Pagdating sa bahay, sa room na tumuloy si Avery. Alam niyang magiging busy na sa kitchen si Ate Bemmy. Manonood siya sa pagluluto nito. Hindi nagbago ang isip niya. Pag-aaralan niya ang household chores. Hindi na niya gustong maging ‘excess baggage’ sa bakasyon ng ibang tao. Okay na ang sixteen years na wala siyang alam. Mag-start na siyang pag-aralang alagaan ang sarili.
Nag-dive muna siya sa kama. Ilang minuto na flat na higa lang. Hindi naman siya pagod, pinawisan lang talaga. Naligo siya nang mabilis bago bumaba. Sa kusina siya dumeretso, ini-expect na si Ate Bemmy ang busy. Nag-volunteer kasi ito mula nang dumating sila na palitan na muna sa kusina si Nana Mameng.
Hindi mag-isa si Ate Bemmy nang inabutan ni Avery. Naroon din si Valentino at ang isa pang teenager na helper ni Nana Mameng, si Jomar.
O, Aery? Gutom ka na?
si Ate Bemmy sa kanya. Naghuhugas ito ng mga gulay sa sink. Ang dalawang lalaki sa kusina, parang friends na agad. Nagtatawanan na. Busy ang dalawa sa kanya-kanyang ginagawa—si Valentino, naglalagay ng paminta sa isda. Si Jomar, naghihiwa naman ng sibuyas at naluluha na. Nagmo-monologue ng linyang pang-broken heart. Audience ang Valentino, tagatawa.
Mag-a-assist lang, Ate Bem,
sabi ni Avery. Tuturuan mo ako `di ba?
Manood ka na lang,
sabi agad ng helper. `Wag kang humawak muna ng kutsilyo. Alen, ikaw nang bahala kay Aery. `Pag nasugat `yan, dalawa tayong lagot sa Mama mo.
Nilingon nito si Jomar. Bili ka muna ng patis, Jom! Bike ka na lang para mabilis.
Sige, Ate.
Tinapos agad ni Jomar ang pagdikdik sa bawang at umalis na.
Luha mo, `tol!
pahabol ni Valentino. Tumawa lang si Jomar. Okay na `tong GG, Bem.
Takpan mo lang muna. Akong piprito niyan.
Ano pang gagawin ko?
Patatas, saging at mais, handa mo na!
Kumilos agad si Valentino. Halatang alam ang ginagawa sa kusina. Nainggit bigla si Avery. Sana siya rin. Kung alam siguro niyang gawin ang mga alam ni Valentino, hindi mag-aalala ang Mama niya na iwan siyang mag-isa sa bahay.
I’ll help you,
sabi niya nang bumalik si Valentino, inilapag nito sa mesa ang supot ng patatas. Mag-peel na lang ako niyan.
Ako na lang,
si Valentino sa kanya. Baka masugat ka pa. `Upo ka na lang dito.
Hinila nito ang isang upuan.
Hindi ako masusugat, okay? OA lang kayo ni Ate Bemmy. Gusto kong matuto sa kitchen para `di na ako nagiging excess baggage.
Excess baggage?
Natigil ito sa paglalabas ng patatas galing sa supot. Napatitig sa kanya bago tumingin kay Ate Bemmy.
Excess baggage raw siya sa bakasyon,
sabi ng helper. `Di maka-move on `yan sa feeling pabigat daw siya. Siya lang naman ang nag-iisip no’n.
Sa gaan mong iyan, pabigat ka?
baling ni Valentino sa kanya. Humila ito ng isa pang upuan sa tabi niya, doon umupo. Nagsimula nang magbalat ng patatas. Hugas at slice ka na lang. `Pag mali, may pitik sa ilong.
Sinilip pa ang mukha niya, naka-focus ang tingin sa ilong. Cute, ah.
At nag-practice pumitik sa ere. Masarap pitikin `yan.
Natawa si Avery. Wala siyang alam sa kichen pero marunong naman siya ng simpleng pagbabalat lang ng patatas. Ayaw man lang siya bigyan ng chance ng dalawa. Game!
Nang mga sumunod na minuto, magka-team na sila ni Valentino sa paghahanda ng mga gulay na sahog sa nilaga. Si Ate Bemmy na nagpiprito na ng galunggong, tikhim nang tikhim. Deadma lang sila ni Valentino. Kanina pa siya natatawa sa ka-team, kung bantayan siya nito, para siyang batang unang beses nakahawak ng kutsilyo. I got this, okay? Alam kong gawin `to. Chill!
Pagkatapos ng duty niya sa pag-slice, nanood na si Avery kay Ate Bemmy. Siya na rin ang naging tagatikim ng nilaga. Nag-enjoy siyang maging assistant of the day sa kitchen. Pawis na pawis nga lang siya pagkatapos.
Sa halos isang oras niya sa kitchen, mas na-appreciate ni Avery ang pagod ni Ate Bemmy sa bawat matinong pagkain na naka-serve sa kanila—three times a day. Hindi pala madali.
Lumapit siya sa tabi ng helper. Ate Bemmy?
O?
Thanks.
Ha? Saan?
Sa love.
Tumawa ito. Para kang sira. Ang init init, nagda-drama ka?
Mas na-appreciate ko ang pagod mo sa kitchen. How can we live without you?
Ang dagdag na drama pa niya, nagpipigil ng ngiti.
Kaya kung mag-aasawa ka, okay lang na hindi na guwapo. Mabuting tao, matino, responsable at marunong sa bahay kahit paano, ayos na `yan. Hindi lang kasi dapat sa babae ang trabahong bahay. Maraming babae na ngayon ang may career din. Kaya dapat talaga, parehong may alam ang mag-asawa. Para naman hindi kayo magutom `pag walang katulong. Ang pagkain sa labas kasi, ang daming oil. Ang dami pang artipisyal na pampalasa `yan! Sa akin lang, ah? Hindi `yon maganda sa katawan. Mas may tiwala pa rin ako sa pagkaing gawa ko!
Ako rin,
singit naman ni Valentino. Iba pa rin ang lutong-bahay. Sa luto mo ang boto ko, Bem. Medyo maalat lang talaga ang timpla mo.
Sanay ka lang kasi sa matabang.
Bawal kay Tang ang maalat.
At huminga nang malalim. `Yong kusina namin, miss ko na. Hindi ko man lang siya naipagluto uli bago siya nawala.
O, `wag na iyan. Malulungkot tayo niyan! Do’n lang tayo sa masaya!
si Ate Bemmy na halatang hindi gustong malungkot si Valentino. Ikaw ba, anong gusto mo sa babae, Alen? Ayos lang sa `yo ang walang alam sa kusina?
Ayos lang,
sagot agad ni Valentino. Sasaluhin ko na ang kusina. Kung mahal ko, aalagaan ko araw araw, walang palya.
`Yon naman pala!
si Ate Bemmy na ang lapad ng ngisi. Kayo na lang ni Alen, Aery! Lalim magmahal nitong manok ko! `Di ka pababayaan nito. Ayos nang wala kang alam sa kusina. Siya na ang bahala do’n!
Napamaang siya sa helper. Pagkain at pagluluto ang topic, bakit napunta na naman sa kanila ni Valentino?
Lesson sa kitchen dapat `di ba? Bakit ako na naman ang topic? Aral muna ako ng household chores, `pag alam ko nang alagaan ang sarili ko—
At hindi ka na excess baggage?
agaw ni Ate Bemmy na ngingiti-ngiti. "Saka ka magjo-jowa?"
Saka ko pag-iisipan kung kaya ko na. Kung ready na ba ako sa relationship.
`Wag mong kalimutan si Alen no’n!
Napatingin tuloy si Avery sa pinu-push nitong ka-relationship niya—relax na relax na nakaupo sa hinila nitong upuan malapit sa kalan, parang audience na pinanonood silang mag-argue. Wala namang visible na emosyon sa mukha at mga mata. Parang natatawa na rin lang sa ideya na pinu-push ni Ate Bemmy.
Ang bango ng nilaga, Bem,
ang sinabi ni Valentino nang magtama ang mga mata nila. "Kami nang bahala sa pinipilit mong jowaan. Sa nilaga ka na lang," at ngumiti na. "`Balik ka na sa kuwarto mo, Aery. Pahinga ka na muna."
`Punta akong rooftop. Tawagan ko si Mama.
Nilingon nito si Ate Bemmy. Date na muna kami, ikaw nang bahala sa kusina, Bem.
Sige lang,
sagot naman ng helper. Humayo kayo at magpakarami—
Ano’ng humayo at magpakarami, Bemmy?
Natigilan sila lahat sa boses ni Tita Zandy.
BIGLANG lingon si Avery, ganoon din si Valentino at Ate Bemmy. Galing pala sa sala si Tita Zandy. Kung saang banda sa usapan nila ang narinig nito, hindi niya alam. Nakalapit na ito sa kanila, naka-focus kay Ate Bemmy ang tingin.
Nagpigil ng tawa si Avery. Lagot ang advance mag-isip na helper. Huling huli sa akto!
Sa ilang beses na narinig ni Tita Zandy na tinutukso siya ni Ate Bemmy, tumatawa lang din ito. Pero nang sandaling iyon, nakakunot ang noo nito, naghihintay ng paliwanag ang tingin.
Tinuturuan mo bang maging irresponsible teen ang mga bata?
Walang galit sa tanong pero nawala ang ngiti ni Ate Bemmy. Nasa tingin yata ni Tita Zandy ang warning.
Si Valentino, nagseryoso rin agad. Nawala ang ngiti nito na ang lapad kanina lang. Siya naman, naghandang makinig lang.
Ay, hindi, Ate! Hindi naman gano’n. Nagkakabiruan lang kami nitong si Alen at Aery. Hindi ako nagtuturo ng masama.
Hindi magandang biro `yan, Bemmy.
Hindi na mauulit, Ate.
Alen?
Tahimik na tumingin si Valentino sa ina.
Baka nagiging uncomfortable na si Aery sa mga jokes n’yo ni Bemmy. Ikaw ang kasama niya ngayon, wala si Zi. Take care of her, son. May limit dapat ang mga joke. Wala namang nagbabawal, `wag lang sobra na, okay?
Tumango si Valentino. Naintindihan ko, Ma’am.
Aery, okay ka lang ba rito?
Yes po, Tita.
Hindi ka naman pinagtutulungan ng dalawang `to?
Napangiti si Avery. Kung bad girl siya, mabilis pala niyang mababaliktad ang dalawa at siya pa ang kakampihan ni Tita Zandy. No, Tita. We’re okay here po.
Bemmy?
Tumango si Ate Bemmy at nag-zip ng bibig. Dinner, Ate. Maghahanda na ako ng dinner natin.
Iniwan na sila ni Tita Zandy. Pagkaalis nito, inulit lang ni Ate Bemmy ang pag-zip ng bibig. Sumenyas na umalis na sila.
`Yan kasi,
si Avery na ngingiti-ngiti. "Teach-teach pa more! Teach me how to be jowable ba?"
Tse!
Sabay lang ang pagtawa nila ni Valentino. Magkasunod na silang umalis sa kusina. Sa kuwarto na tumuloy si Avery at kinuha ang cellphone. Sa rooftop na siya dumeretso. Kausap na niya ang ina nang maramdaman ni Avery na naroon na rin si Valentino.
AYAW mo sa mataas na place, `di ba?
si Avery na umupo sa isa sa tatlong wooden chair sa breakfast set sa rooftop. Nasa tapat niya si Valentino, relaxed na nakaupo at patingin-tingin sa kalawakan. Kung ang buwan ang inaabangan o iba, hindi na niya alam. Sabi ni Ate Bemmy, kaya nag-change mind si Tita Zandy sa dapat travel natin by air, ayaw mo raw sumakay sa plane?
Hindi ko pa nasubukan,
ang sinabi ni Valentino, nakatingin pa rin sa kalawakan na parang may hinihintay makita. Sa ganito nga,
tukoy nito sa rooftop, Hanggang dito lang ako. Do’n? `Di na ako makalapit.
Sa parte ng rooftop na makikita ang view sa ibaba ang sinasabi nito. Hindi ko kayang tumayo diyan.
Eh, bakit nandito ka? Phobia na ba `yan? Sa heights?
Para may kasama ka.
Natawa si Avery. Seriously? May aswang ba rito? Iniisip mong pipick-up-in na lang ako at gagawing dinner?
Gabi na, Aery. Sa rooftop man o hindi, mas ligtas kung may kasama ka. Mas maganda nang nag-iingat. Hindi tayo tagarito.
Well... you’re right,
si