EPIKO
EPIKO
EPIKO
kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala. Kuwento ito ng
kabayanihan na punung-puno ng mga kagila-gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may
maipagmamalaking epiko.
Sa mahigpit na kahulugang pampanitikan, ang epiko (may titik o sa huli, isang pandiwa)[1] ay isang paglalahad
na makabayani o bumabayani, samantalang ang epika (may titik a sa huli, isang pangngalan) [1] ay tulang-bayani, paglalahad na
patula hinggil sa bayani.
May mga epikong binibigkas at mayroong inaawit.
Ang mga epikong pilipino ay mas nararapat na tawaging ethno-epic dahil sa may mga epiko na kumakatawan sa bawat pangkat
etniko at tumatalakay sa mga bayani ng bawat rehiyon at tribo.
Bilang at Distribusyon
Umaabot sa 28 ang bilang ng mga epiko na kilala sa Pilipinas.
Karamihan sa mga natitirang epiko ay natagpuan sa grupo ng mga tao na hindi pa nagagalaw ng makabagong proseso ng
pagpapaunlad ng kultura tulad ng mga katutubo at etnikong grupo sa Mountain Province at sa Mindanao, sa grupo ng mga Muslim.
Ang mangilan-ngilan ay makikita sa mga mamamayang Kristiyano.
Haba
Ang haba ng mga epiko ay mula sa 1000 hanggang 55000 na linya.
Rendisyon
Tulad ng ibang mga alamat, ang mga epiko ay inihahayag ng pasalita patula o pakanta (sa iba't-ibang mga estilo); mula sa
memorya, mayroon o walang saliw ng ilang mga instrumentong pangmusika. Ito rin ay maaaring gawin nang nag-iisa o kaya naman
ay grupo ng mga tao na katulad ng isang chorus, na tumatakbo ng maraming araw at oras.
Katangiang Pampanitikan
Ang mga epiko ay nasa anyo ng berso o talata ngunit ito ay iba-iba at bukod-tangi sa bawat rehiyon at hindi maikukumpara sa mga
Kanluranin na epiko.
Ang ilang katangian ng ibang epiko ay:
kasaganaan ng mga imahe at metapora na makukuha sa pang-araw-araw na buhay at kalikasan (halaman, hayop, mga bagay
sa kalangitan, atbp).
kadalasang umiikot sa bayani, kasama ang kanyang mga sagupaan sa mga mahihiwagang nilalang, anting-anting, at ang
kanyang paghahanap sa kanyang minamahal o magulang; ito rin ay maaaring tungkol sa panliligaw o pag-aasawa.
Kahalagahan sa kultura
Ano ang ipinapakita ng epiko ng sinaunang kultura?
Kung magpopokus sa tatlong punto: ang paulit-ulit na paksa at tema, ang pagsasalarawan ng mga lalaking bayani, at ang mga
pangunahing babaeng karakter sa istorya; ating makikita kung paano naipapakita ng epiko ang kultura ng isang grupo ng tao.
pag-ibig at romansa
kamatayan at pagkabuhay
ugnayan ng magkakapamilya