APGANISTAN
APGANISTAN
APGANISTAN
bansa sa Gitnang Asya. Ito ay pinalilibutan ng Iran sa kanluran, Pakistan sa timog at silangan, Turkmenistan, Uzbekistan at Tajikistan sa hilaga, atTsina sa pinakasilangang bahagi ng bansa. Ito ay isa sa pinakamahirap na bansa sa mundo. Ang kahulugan ng salitangApganistan ay Lupain ng mga Apgano. ALBANYA Ang Republika ng Albanya (Albanes: Republika e Shqipris; internasyonal: Republic of Albania) ay isang bansang Mediterranean sa timog-silangang Europa. Pinalilibutan ito ng Montengro sa hilaga, Serbia(Kosovo) sa hilagang-silangan, ang Dating Republikang Yugoslav ng Masedonya sa silangan at Gresyasa timog, at may baybayin sa Dagat Adriatic sa kanluran at Dagat Ionian sa timog-kanluran. Ang bansa ay isang umuusbong na demokrasya. ALHERYA Ang Republikang Demokratikong Popular ng Alherya (Arabe: , al-Jumhryah al-Jaziryah ad-Dmuqryah ash-Shabyah) ay isang bansa sa hilagang Afrika, ang pangalawang pinakamalaki sa kontinente. Hinahanggan ito ng Tunisia sa hilagang-silangan, Libya sa silangan, Niger sa timogsilangan, Mali at Mauritania sa timog-kanluran, at Morocco at Kanlurang Saharasa kanluran. ANDORA Ang Prinsipalya ng Andora o Prinsipalidad ng Andorra (Katalan: Principat d'Andorra) ay isang maliit na bansa at prinsipado sa timong-kanlurang Europa. Ito ay matatagpuan sa silangang Kabundukan ng Pyrenees sa pagitan ng Pransya at Espanya. ANGGOLA Ang Anggola ay isang bansa sa timog-kanlurang Aprika na napapaligiran ng Namibia, angDemokratikong Republika ng Congo, at Zambia, at may kanlurang pampang sa may Karagatang Atlantic. May hangganan ang panlabas na teritoryong (exclave) Cabinda sa Congo-Brazzaville. Isang dating kolonya ng Portugal, mayroon mga likas na yaman, isa na dito ang langis at diyamante. Isangdemokrasya ang bansa at pormal na pinapangalan bilang Republic of Angola o Republika ng Angola. ANTIGUA AT BARBUDA Ang Antigua at Barbuda ay isang bansa na matatagpuan sa silangang Dagat Carribean na may hangganan sa Karagatang Atlantiko. Bahagi ang Antigua at Barbuda ng kapuluan ng Lesser Antilles. Napapaligiran ang bansa ng mga pulo ng Guadeloupe sa timog, Montserrat sa timogkanluran, Saint Kitts at Nevis sa kanluran at Saint-Barthlemy sa hilagang-kanluran.
ARHENTINA Ang Arhentina[1] (Kastila at Ingles: Argentina) ay isang bansa sa timog Timog Amerika, ay matatagpuan sa pagitan ng Andes sa kanluran at ng timog Karagatang Atlantiko sa silangan. Hinahanggan ito ngParaguay at Bolivia sa hilaga, Brazil at Uruguay sa hilagang-silangan, at Chile sa kanluran. Pormal na tinatawag ang bansa na Repblica Argentina (Republikang Arhentino) habang ginagamit naman ang anyong Nacin Argentina (Bansang Arhentino) sa mga gawaing lehislatibo.
ARMENYA Ang Republika ng Armenya (Armenyano: , Hayastan, o Hayq, Ingles: Armenia) ay isa sa tatlong bansang sa katimugang Caucasus, sa pagitan ng Dagat Itim (Black Sea) at ng Dagat Caspian. Pinalilibutan ito ng Turkey sa kanluran, Georgya sa hilaga, Azerbaijan sa silangan, at ng Iran atNaxichevan (Naxvan), isang bahagi ng Azerbaijan, sa timog. Ang Armenya ay kasapi sa Council of Europe at ng Commonwealth of Independent States (CIS)Mga bansa na dating kasapi ng nabulwag na Unyong Sobyet. AUSTRALYA Ang Komonwelt ng Australiya o Australiya (Kastila: Australia) ay ang ikaanim na pinakamalaking bansa sa mundo, ang kaisa-isang bansa na sumasakop sa isang kontinente, at ang pinakamalaki sa rehiyon ng Australasia/Oceania. Kabilang din sa teritoryo nito ang ilang mga pulo, ang pinakamalaki dito ay ang Tasmania, na nagsisilbing isang estado ng Australia. Ang Australia ay isangfederasyon at pinamamahalaan bilang parliamentary constitutional monarchy. Kasama sa mga karatig bansa ng Australia ay ang Indonesia, East Timor, at Papua New Guinea sa hilaga, ang Pacific Islands sa hilagang-kanluran, at ang New Zealand sa timogsilangan. AUSTRIA Ang Republika ng Austria (bigkas: /striya/) ay isang bansa sa Gitnang Europa. Vienna ang kabisera nito. Napapaligiran ito ng mga bansang Alemanya at Czech Republic sa hilaga, Slovakia atHungary sa silangan, Slovenia at Italya at timog at Switzerland at Liechtenstein sa kanluran.
ASERBAYAN Ang Aserbayan (Aseri: Azrbaycan; Kastila: Azerbaiyn, [aseraj'an]; Inggles: Azerbaijan) ay isang bansa sa rehiyon ng Caucasus, sa daan na sumasabubong sa Europa at ang timog-kanlurang Asya, na may silangang baybayin sa Dagat Kaspiyo. Pinaliligiran ito ng Rusya sa hilaga, Heorhiya at Armenya sa kanluran, at Iran sa timog. Ang Nakhichevan Autonomous Republic (isang bahagi ng Azerbaijan) ay pinaliligiran ng Armenia sa hilaga, Iran sa timog, at Turkey sa kanluran. Ang bansa sa pormal ay binansagang na Republika ng Azerbaijan (Pandaigdig: Republic of Azerbaijan; Wikang Azerbaijani: Azrbaycan Respublikas).
BAHAMAS Ang Komonwelt ng Bahamas (Tagalog: Kabahamaan) ay isang bansa sa West Indies. Ito ay isangkapuluan na binubuo ng 700 pulo at cay (maliliit na pulo) na matatagpuan sa Karagatang Atlantiko, silangan ng Florida, hilaga ng Cuba at ng Dagat Carribean, at kanluran ng Turks and Caicos Islands.Nassau ang kabisera nito.
BAHREYN Ang Kaharian ng Bahrain, or Bahrain (Inggles: Kingdom of Bahrain at dating binabaybay na Bahrein;Arabo: ) ay isang walang hangganang pulong bansa sa Gulpo ng Persia (Timog-kanlurang Asya/Gitnang Silangang, Asya). Nasa kanluran ang Saudi Arabia at nakakabit sa Bahrain sa pamamagitan ng King Fahd Causeway, at nasa timog ang Qatar, sa ibayo ng Gulpo ng Persia. Nasa kasaluyukuyang plano ang Pagkakaibigang tulay ng Qatar Bahrain, na magkakabit sa Bahrain patungong Qatar at magiging pinakamahabang pagkakabit sa buong mundo. BANGGLADES Ang Banglades o Bangladesh (internasyunal: Republikang Popular ng Banglades; Ingles: People's Republic of Bangladesh; Bengali: , Gno Projtontr Bldesh) ay isang bansa sa Timog Asya na binubuo ng silangang bahagi ng lumang bahagi ng lumang rehiyon ng Bengal. Nangangahulugang literal ang Bangladesh ( ) bilang "Ang Bansa ng Bengal". Matatagpuan ito sa hilaga ng Look ng Bengal at napapaligiran ng India at Myanmar, at kalapit na kapitbahay ng Tsina, Nepalat Bhutan.
BARBADOS Ang Barbados ay isang pulong bansa na matatagpuan sa silangang bahagi ng Dagat Caribbean at sa kanluran nito ang Karagatang Atlantic, bahagi ng silangang mga pulo ng Lesser Antilles, kasama ang mga bansang Saint Lucia at Saint Vincent and the Grenadines bilang mga malalapit na mga kapitbahay. Nasa 430 km (166 milya kuadrado) ang sukat nito, at kapatagan ang karamihang bahagi, kasama ang ilang mga matataas na bahagi sa interyor ng pulo. Matatagpuan ito sa 13 hilaga ng Ekwador at 59 kanluran ng Prime Meridian, mga 434.5 km (270 milya) hilaga-silangan ng Venezuela. Namamayani ang mga coral at batong-apog (limestone) sa Barbados. Isang tropikal na may hindi nagbabagong mga nagpapalitang-hangin at may mga ilang basa at malambot na mga lupa (marsh) at mga latian ng bakawan. Mayroon din mga lupain ng mga tubo at naglalakihang mga pastulan sa ilang bahagi ng interyor ng pulo na may magandang pagkatanaw sa dagat. Isa ang Barbados sa may pinakamataas na mga pamantayan sa kabuhayan at antas ng karunungan sa pagbasa at pagsulat at sang-ayon sa UNDP ng Mga Nagkakaisang Bansa, ang kasalukuyang nasa una sa talaan ng sumusulong bansa sa daigdig.