Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                

08.06.14 Minutes of The Meeting

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

August 6, 2014

5.20pm 7.03pm

Attendees:
Chairperson Calderon
Vice Chairperson Muoz
Councilors Balagot, Carbonell (left at 6.54pm), de Layola (left at 6.54pm), Naag, and
Reynoso
Year Level Representatives Fuentes, Iwarat, and Osorio

Agenda:
1. First Semester Registration Assessment
2. Committee Updates
3. Freshmen Welcome Assembly
4. Councilor Naags Suspension Case
5. Other Matters
_________________________

1. Agenda Approval Approved

2. First Semester Registration Assessment
Councilor Balagot:Wag na tayong late.
Councilor Carbonell: Wag aalis sa post.

Batch Rep Fuentes: Makipag-usap sa admin or to whom it may concern about
advisers.
Councilor Carbonell: 9 talaga dumarating profs kasi yun yung call time.

Councilor Reynoso: Nagkaroon ng problema kay Sir Mercado.
Chair Calderon: Yung concern ng transferees na palipat lipat ng pipilahan.

Chair Calderon: Effective ba yung number system?
Councilor Balagot: Hindi mage-gauge kasi onti lang yung students today.

Batch Rep Fuentes: Yung second day parang hindi okay na nag-start before 8AM kasi
hindi pa tayo ready.
Chair Calderon: Pagdating ko nag-start na.
Vice Chair Muoz: Sino nag-start ng papila and pag-accommodate?
Councilor de Layola: Sorry, ako yata yun.
Chair Calderon: Ako yung naglabas ng sign-up.

Councilor Balagot: Sana next time unahin na yung mga nag-online SIS.
Councilor Reynoso: Pwede bang two weeks prior yung SIS? Is it more effective?
Agreed.

Chair Calderon: Sa taas may problema ba? Minsan nawawalan ng tao sa taas.
Councilor Reynoso: Next time magdadala ko ng radio.
Councilor Carbonell: Asan ako?
Chair Calderon: Wag na natin iwanan yung post natin pero kung kailangan ng tulong
ng iba dapat may initiative tumulong yung walang ginagawa.

Vice Chair Muoz: Inquiry lang sa receipt na kinolekta ng prof sa taas.
Councilor de Layola: I-text na lang yung students na pwedeng kunin satin yung
receipt.
Chair Calderon: Siguro hindi alam ng prof na hindi kinukuha yun.

Batch Rep Fuentes: Suggestion na tulad ng ginawa kahapon, kausapin yung admin
days before.

3. Committee Updates
Finance (Councilor de Layola)
- Chinabank di pa na-asikaso, ayokong isabay sa reg yung papapirmahan kay Sir
dela Santa
- Collection of Student Fund: PhP 9,075 (Day 1), PhP 13K (Day 2)

Mass Media (Councilor Reynoso)
- label para sa cabinet nasa bag na
- yung IDs nakuha na
- pubmats nai-release naman kahit may onting delay
- pending pubmat: FWA
- keys
Councilor Reynoso: Can I collect at least P20 each for that?
Chair Calderon: Di ba sa student fund na?
Councilor de Layola: Mag-pass ka ng disbursement form.
- Vice Chair Muoz: Inquiry, di ba may problema pa kay Jessa and Ellaine?
Batch Rep Osorio: After ng SIS, ibibigay na sakin later ni Ivy kasi na-sort na. Hindi
pa kasi na-turnover sakin ni Ellaine yung contacts before.
- Councilor Reynoso: Sana mai-text agad ang text brig, sana mai-share rin natin
yung pubmats.
Batch Rep Iwarat: Sorry lang dun sa late kasi pag nagbi-brig ka, wala akong load
kasi gabi na.
Batch Rep Fuentes: Same sentiments. May times na nauubusan ako ng load.
Vice Chair Muoz: Sana wag mong biglain na pa-brig para ma-notify sila.
Chair Calderon: The only problem with that is may brig na emergency.
- Councilor Balagot: Sana sundin natin yung traffic ng tao online tapos wag late
mag-brig.

Secretariat (Councilor Balagot)
- okay na yung TV, nagamit na nung registration
- yung gastos sa bulletin board aayusin na lang

Ways and Means (Councilor Carbonell)
- meron akong hardcopy ng shirts pero di ko dala ngayon
- concern: walang panggawa ng shirts
Councilor Balagot: Biruan kasi yun kasi di ba 1K lang laman ng bank account.
Chair Calderon: Ang singil ng supplier ay half lang naman.
- Councilor de Layola: Sana ngayon pa lang mag-start ka na mag-market, kumuha
ng partnerships.
- may draft na ng marketing letter tapos fill in the blanks ng info
- Chair Calderon: Meron kaming designs last year na maganda pero may mas
maganda, i-post ko na lang sa group.
- Councilor Carbonell: Tsaka manghihingi ako ng tulong kung sa orgs niyo may
company, baka pwedeng mahingi yung contact.
Councilor de Layola: May contacts ka na ba?
Councilor Carbonell: Oo.
Vice Chair Muoz: Kaya ko mag-pledge pero kailangan i-update.

Education and Research (Councilor Naag)
- nakapag-release ng position about STS
- LEARN: makakatulong satin tungkol sa ACLE pero wala pa silang sinasabi sakin
uli

Freshies, Shiftees & Transferees (Batch Rep Osorio)
- more of FWA so later na lang

Students Rights and Welfare (Vice Chair Muoz)
- yung sa CORe later na lang kasi FWA rin
- VolCor may 29 na nag-sign up
- hihingiin ko sana per committee kung ilan yung taong kailangan
- tomorrow black shirt day tapos share the pubmat

Basic Student Services (Councilor Balagot)
- na-pass ko yung letter regarding CR and water pero wala si Dean Mena so bukas
ko iche-check
- may dalawang presyo ng dispenser, pero yung PhP176.50 hindi maganda, yung
PhP300 matibay; tingin ko mas okay yung mas mahal Agreed on 300-peso
dispenser.
- sa water kasi mas matipid daw pag 3 for PhP100, so tingin ko mas okay kung mag-
order tayo nun every two weeks Agreed.
- will talk to Dean Mena and Sir Ochoa tomorrow

Graduation Committee (Batch Rep Fuentes)
- onti lang yung nagsign-up
- Chair Calderon: Kailangan ng permit para sa exhibit.
Batch Rep Fuentes: Next week.
- Chair Calderon: Sana yung permit natin a week before or weeks before.
Batch Rep Fuentes: Ano yung process?
Chair Calderon: Letter addressed to Dean then bigay kay Sir Zito pag venue, pag
electricity or hihiram sa engineering.
- first orientation Friday next week after open house
- Councilor Reynoso: May kailangan ng pub?
Batch Rep Fuentes: Yung orientation sana.
Chair Calderon: Kayo na lang mag-usap.

Sports & Fitness (Councilor de Layola & Batch Rep Iwarat)
- may suggestion na i-move this year yung AITlympics para hindi sayang yung
trophies, tapos yung fitness week ilipat sa AIT month

4. Freshmen Welcome Assembly
Batch Rep Osorio: So far ang naco-contact pa lang ay from the freshmen na 10
pupunta, yung 4 di pa sure. Yung transferees ngayon pa lang kukunin.
Chair Calderon: Hindi mo ba nakuha before?
Batch Rep Osorio: Hindi kumpleto sa OIS.
Chair Calderon: Yung freshies ba hindi pupunta?
Batch Rep Osorio: Pupunta sila. Yung estimated ay 50. May hiningi na marshalls yung
USC - ako, Bhea, and Kyel.
Councilor Carbonell: Pwede ba ako sumama?
Batch Rep Osorio: Itatanong ko kung maga-accept pa ba sila ng marshalls.
Chair Calderon: Wala kang plans?
Batch Rep Osorio: Magpi-pink sila. Last year sa FWA namin wala naman.
Chair Calderon: Samin yun last year. Pero ikaw wala kang balak?

Batch Rep Osorio: Kukunin ba yun sa student fund? Pwede siguro tayo mag-balloons
tapos mag-isip ng cheer para sa freshies.
Chair Calderon: Pa-update na lang din kung ano yung gusto mong gawin.
Councilor Carbonell: Kung yung flag kaya para AIT na flag.
Vice Chair Muoz: Yung council pwedeng i-maintain na yung ginawa natin ngayon,
yung wacky ganyan.
Councilor Balagot: Anong oras yung FWA ng AIT?
Chair Calderon: After lunch. Pwede ka magpa-order ng food for lunch?
Councilor Balagot: Ica-clarify ko lang, lahat tayo required pumunta sa FWA?
Chair Calderon: Yes, 7AM.
Vice Chair Muoz: FWA ng hapon. Makikipag-coordinate pa ko sa kanya ng flow, etc.
Gusto ng orgs na yung presentation nila 5-7 mins.
Chair Calderon: Yung orgs ba ay recognized na?
Vice Chair Muoz: Siguro by then ayos na. Yung FST kit, August 8 nag-pledge na
magsasabi kung anong ibibigay nila sa freshie kit. Yung TS nag-pledge na ng fan.
Chair Calderon: Kelan natin gagawin yung kit?
Vice Chair Muoz: Yung kit dapat ay tapos na bago ipasok yung from orgs.
Chair Calderon: Sino pwedeng ma-assign sa kit? Pwede ikaw na lang mag-assign?
Vice Chair Muoz: Sige post ko na lang. Sa FST primer, eto yung booklet. Much better
sa CORe kung meron. Magbibigay sila ng page para sa primer.
Chair Calderon: Solidarity message from Sir dela Santa and Dean Mena para sa
freshies.
Councilor Balagot: Kelan kailangan?
Chair Calderon: Saturday at most.
Vice Chair Muoz: FST na lang mag-delegate ng tasks.
Batch Rep Osorio: Yung sa primer pwede bang sa MMC? Okay.
Vice Chair Muoz: Walang blockhandling kasi ayaw nila na specific freshmen lang. Ang
gagawin parang amazing race, each station madadaanan from 8-10 mins. Tapos nag-
pledge ng PhP250 per org para sa snacks ng freshies.
Chair Calderon: Pwede mo isama sa letter na may cap yung time?
Councilor Balagot: Okay lang ba na isingit yung pag-play ng video and pag-plug ng
Kule sa FWA? Agreed.
Chair Calderon: Pa-update na lang agad ng plans mo and nung final program, tapos
ikaw na lang makipag-coordinate kay Sir dela Santa.

5. Councilor Naags Suspension Case
Chair Calderon: Siguro alam naman na ng lahat yung nangyari. Is it okay if I open the
floor for her to explain? Agreed.
Councilor Naag: So ayun, uhm. I accumulated six absences, three excused and three
unexcused. So yung dalawa dun sa unexcused ay dun sa GA. Yung dalawa, hindi na
talaga ako pinayagan. Sinabi ko na kasi about sa AIT na andun ako sa parents ko.
Actually Mama ko lang kasi yung Papa ko hindi talaga papayag. Pero, ayun nga, alam
na rin ni Mama kasi nagkaron ng matter nung habang nago-OJT ako na kailangan for
midyear enrollment eh I cant go kasi nga I was notified the night before and dun kasi sa
amin, since nasa HR ako, and kahit na sinong OJT, kailangan two days prior to the day
na kailangan mo mawala is maipaalam mo na. And I have to back-up it with a letter
signed by Ghie-ghie or any other official ng school. So hindi talaga ako pinayagan. Then
nagkaron na kami ng parang sagutan na ni Ghie-ghie sa cellphone. At that time I had no
load so I used my moms phone. Kaso nabasa yun ni Mama and hindi siya natuwa dun
sa, sa nabasa niya na ayun nga. Kasi hindi kami nagkakaintindihan and Im telling her na
talagang hindi ko kayang makapunta. Okay sana siguro kung hapon kaya lang Im
needed nung umaga which is talagang hindi pwede kasi that time uhm ako kasi yung HR
assistant. I have to be the leader nung mga bagong pasok na mga interns. So pag
nawala ako dun, walang maga-asikaso. Siyempre malalagot din ako dun sa mga boss
ko. So, ayun yung reason why nagkaron ng something with my mom. Tapos yun nga sa

GA, ayaw na niya talaga akong payagan. Mawawala kasi ako nun whole day so two
days pa yun, hindi talaga. So kaya, hindi talaga ko nakapunta nun. While yung isang
absence ko, nakalimutan ko kung ano.
Vice Chair Muoz: Eto ba yung May 1?
Councilor Balagot: Hindi, excused siya dun eh. Nagsabi siya sakin.
Councilor Naag: Meron kasi kaming extra work dahil nag-file kami ng papers sa office.
Chair Calderon: May question ako, andito ka nung nag-construct sila ng house rules?
Councilor Naag: Wala.
Chair Calderon: Binasa mo ba siya?
Councilor Naag: I cant remember, pero that time nagbabasa talaga ko.
Councilor Calderon: Kasi nung nag-construct sila ng house rules hindi talaga
kasamang excuse yung hindi pinayagan ng parents thats why naging unexcused yung
absences mo.
Councilor Balagot: Eto yung isa niyang unexcused, freshie reg.
Councilor Naag: Yung right now, nahihirapan pa rin ako na ipagpatuloy na siya kasi
nga I cannot have any support from any of my parents na. Dati nung tumatakbo ako
okay pa si Mama pero ngayon talaga wala na. So nagpahayag na rin ako kay Ghie-ghie
na mag-resign. Kasi ayoko rin naman na ipagpapatuloy ko to pero di ko rin naman
magagawa yung trabaho ko talaga which is, kung ako lang, gusto ko talaga. Gustung-
gusto ko actually, kaya lang I have to consider my parents. They are the ones sending
me to school. And ayoko rin namang magsinungaling sa kanila na wala na ko dito kahit
na nandito pa ko. And, ayun so gusto ko rin dito sa GA na i-express yung intensiyon ko
na mag-resign.
Chair Calderon: So ganto kasi,we understand na merong complications na nangyari.
Everyone naman di ba, napagusapan naman natin to. Actually minsan, nakakain pa
yung time kung tatanggalin ka na ba namin kasi nga yung grounds mo for
impeachment. Pero nag-manifest ka na na gusto mong mag-resign. Kasi sana, yung
feeling ko lang naman, naiisip ko sana naisip mo na siya before pa ikaw tumakbo, na
hindi mo magagawa yung responsibility mo. Kasi its like a betrayal of trust na nung tao
na bumoto sayo, di ba? Thats for me. Hindi ko lang alam for everyone.
Vice Chair Muoz: Ano na lang, ganito na lang siguro. Uhm, ayoko kasing mauwi tayo
sa, katulad kahapon di ba, ayokong nauuwi tayo sa singilan na. Ang magagawa na lang
natin ay ilapat na lang, so nalapat naman natin. So una, nirespeto ko naman din yung
intensiyon ni Adie na mag-resign, yung manifestation niya. And cino-commend ko
naman yung bravery niya. All throughout this time kahit na hindi siya ina-allow ng
parents niya ay andito siya. Siguro ang maganda ngayon, ano yung magiging resolution
natin? Ano ba yung gusto ng body? Kung ano ba yung ika-bebest? Wag na nating
idikdik pa kung ano yung mga, though siyempre in-acknowledge naman natin yung
shortcomings niya no. Siguro magandang para rin mas efficient tayo, bumuo tayo ng
kung anong pwedeng resolution since nag-manifest na rin naman yung tao kung anong
gusto niyang mangyari. Ano ba yung recommendation natin ngayon?
Chair Calderon: Kasi ang mangyayari, we have two choices. Its either we impeach her
or we let her resign. But provided na yung resignation niya, yung resignation reason
niya is valid for everyone. So, bagsakan kaya muna natin kung itutuloy ba natin yung
impeachment kung nagpahayag na siya ng resignation
Vice Chair Muoz: Point of order lang, hindi ba suspension?
Chair Calderon: Sorry, suspension. But if hindi na siya magre-report, nasa grounds na
siya for impeachment. Kasi na-suspend siya kasi di ba, na-suspend siya because of her
absences. And one yung absences, and yung report ko for her ground eh gross neglect
of duty. So binigyan siya ng letter. So yung suspension niya, ngayon dapat pagde-
decide-an, kung itutuloy natin yung impeachment. But since now nagsabi siya ng
resignation, anong plan natin?
Councilor Balagot: Itatanong ko lang kay Adie, nafe-feel mo na bang hindi ka na talaga
susuportahan ng parents mo sa SC?

Councilor Naag: Pinalamig ko lang din muna yung issue with my mom tapos siguro
mga a week ago, parang pinu-push niya na alis ka na lang diyan para wala na tayong
problema. So sinabi ko sa kanya, nagpapaliwanag ako, hanggang sa hindi na talaga
kami magkaintindihan. Nag-away na kami which is really, hindi naman nangyayari kasi
close ako sa Mama ko eh. Tapos, ayun nga, kasi si Mama talaga yung nagsuporta
sakin, si Papa kasi no-no yan maski sa org. Di niya talaga ko papayagan. Yung
situation ko ngayon, hindi ko pa nasasabi sa kanya. So, ayun, kung sa Papa ko, wala
talaga. Sa mother ko ngayon, wala talaga. Kanina kinausap niya ko, tumawag siya kaya
ako nag-excuse. Tinatanong niya kung nasan na ko, sinabi kong nasa GA ako ng SC.
Sinabi niya, ano nang gagawin mo? Sabi ko, ita-try ko po yung sinabi niyo. Kasi nga
ayokong i-betray rin yung magulang ko. Nasasaktan din ako nung sinabi na betrayal of
trust of the people kasi at first, talagang gusto ko and ang dami kong napa-plan out na
gagawin ko. Sabi ko nga sa GA ano ba yung proposals ko. Iniisip ko siya kaya nga lang,
there are circumstances na nag-prevent sakin to get there and to do my job. Which is
aminado talaga ko na hindi ko nagawa yung mga bagay na yun. And yun nga, to
answer, feeling ko wala talaga.
Chair Calderon: Questions for Adie? Clarifications?
Batch Rep Osorio: Pwede kayang lumabas ka muna para mapag-usapan yung matter?
Chair Calderon: Itanong niyo muna sa kanya lahat ng gusto niyong itanong before she
leaves.
Batch Rep Fuentes: Pwedeng paki-clarify kung ano ba yung reason ng mom mo kung
bakit di ka niya sinusuportahan sa SC?
Councilor Naag: Ayun, uhm, first yung Papa ko nga ayaw niya so parang sabi niyang
wag naman tayong magsinungaling sa Papa mo. Mas gusto ko nga, ganon si Mama
sinu-support niya ko. Second yung nakita niya yung text ni Ghie-ghie kasi paminsan
pag ano rin naman talaga, pag magka-text kayo, hindi ganon kaganda kasi yung dating
dahil unang una walang emotion so sa text medyo ano, matigas yung pagkakasabi ni
Ghie na nasaktan yung Mama ko. Hindi ko masabi talaga yung specific. Tapos tinanong
din ako, hindi ko alam kung sino yung nagtanong, na kung pwede makita yung
messages pero nung tinanong ko si Mama, binura na niya daw. Kasi sa phone niya eh.
Pero di ko pa nata-try na i-look up kung andun pa talaga. Pero ilo-look up ko if kailangan
yun. Kaya si Mama, hindi na talaga.
Batch Rep Fuentes: Follow-up, alam ba ng mom mo yung responsibilities mo dito sa
SC simula sinupport ka niya sa campaign and all di ba bago pa yung elections. Alam
niya ba yung mga responsibilities mo, kung ano yung mangyayari sayo kapag nasa SC
or sinabi mo ba, in-explain mo ba sa kanya?
Councilor Naag: Oo naman, sabi niya nagdagdag ka pa ng trabaho. Kasi nga, trabaho
di ba. Pinaliwanag ko sa kanya na ito yung mga gagawin, minsan male-late ako umuwi,
minsan extra work, minsan ganyan ganito. Nung una sa kanya, okay ginusto mo yan eh
basta kakayanin mo. Yun nga lang, that time nga kasi nago-OJT ako. Tapos parang
sabi bakit hindi maintindihan na thats for acads. Acads first before that. Yun yung hindi
niya nagustuhan na sana naman, na-notify naman ako.
Batch Rep Fuentes: Pero excused naman ang acads, right? So anong, wait lang
nakalimutan ko. Uhm, ano ulit yung absences mo? Three excused and three
unexcused? Yung OJT mo, pumasok dun sa unexcused? Yung unexcused, ano yun?
Councilor Balagot: Yung isa freshie reg.
Councilor Naag: Ayun, freshie reg. I remember nasa family reunion kami sa Bicol that
time kaya wala ako. Ayun talaga aminado akong wala ako at naka-leave of absence din
ako dun sa OJT.
Councilor Balagot: Hindi kasi siya nagsabi, dapat within I think three days? Kung hindi
ako nagkakamali.
Batch Rep Fuentes: Yung dalawa pang unexcused?
Councilor Naag: Yung dalawang unexcused is yung GA.
Batch Rep Fuentes: Na hindi ka pinayagan?

Councilor Balagot: Kasi nung first day ng GA, nagsabi ka kasi na hahabol ka kasi nag-
org work ka, may gagawin ka sa org. Tapos nagtaka ko bakit hindi ka na dumating nung
afternoon?
Councilor Naag: Ayun nga, so umaga yun hanggang mga 12 dun sa EcoTour. Tapos
tinawagan ako ni Mama. Ang paalam ko kasi talaga whole day. Tinawagan niya ko kung
nasan na ko kasi nagpapasama siya sa office nila sa Ortigas. Tapos sabi niya, asan ka
na? Nasa UP po kasi di ba whole day. Susunduin na kita, ganyan. Ako naman, hindi ko
rin alam gagawin ko kasi nga pupuntahan niya ko so hindi na talaga ko nakabalik kasi
sumama na ko.
Councilor de Layola: Kasi di ba nasa consti natin na pagdating sa org and SC, pipiliin
mo ang SC. Tapos anong, kasi si Ellaine member din, so bakit mag pri-na-oritize mo
yung EcoTour kesa SC eh knowing na marami ka nang na-miss and kailangan.
Councilor Naag: Ayun, kasi first of all kailangan ko ng reason para makaalis that day
which is not SC, kasi nga di rin ako papayagan. Tapos na-assign ako as head ng isang
event kasi nga probi ako, so yun yung anniv week so I had to be there. Kaya dun ako
pumunta and kasi nga rin yun yung naging rason ko sa magulang ko kung bakit ako
nakaalis ng bahay.
Batch Rep Osorio: If I remember, bakit yung STS ang late na nun? If hindi naman siya
ina-attendan, ang tagal bago siya nai-deliver.
Councilor Naag: Yung sa STS, night yun, nabasa ko yung notif tapos nag-PM kami ni
Kyel. Yung day na yun, sabi ko tonight meron na. So nagawa ko that night tapos sabi
niya kasi magpi-pitch in siya ng information tapos tonight lang yun na sinabi. Tapos
nagkaron ng pubmat agad. Dapat nung night na yun na napagusapan namin na pag
nagkaron na ibibigay kay Yani para magawan ng pubmat that same night. Pero ang
nangyari before pa nun mag-gabi, biglang may pubmat nang lumabas na from Kyel. Kasi
napasa ko yung draft before lunch kasi sabi ko aalis ako before lunch. So napasa ko,
and then nung hapon nagawa yung pubmat tapos nagulat ako kasi pubmat agad, hindi
pa naming napapag-anuhan. And then, ayun. Saka lang nabagsakan na may papalitan,
ganyan ganyan. And then lumabas yung official pubmat. Yung sa late, hindi ko alam
kasi pagkatapos kong makita yung notification which is hindi naman ganon katagal,
gumawa naman agad ako. Eh nakapag-usap kami ni Kyel, nasunod ko naman yung
deadline. Mas maaga pa nga dun sa deadline.
Vice Chair Muoz: Kasi parang ganito yun, yung conduct of activitites na nangyari is
nagpa-draft ako sa kanya tapos nag-pitch in tapos nag-post. Ang protocol tuwing
statement kasi is naglalagay sa gdocs. Eh ganon naman di ba, before pa magkaron ng
pubmat may gdoc na yun. Tapos sa gabi nagkaron lang ng comment nung mismong
pubmat na siya. Siguro dahil hindi nabasa yung gdocs, ganyan. Clarify ko lang kasi ang
nakikita kong wisdom ng sinasabi ni Jessa was bakit late ma-realize na magkaron ng
stand about STS whereas ito yung job kasi ng EdRes. And hindi yung kumbaga bakit
effort pa after nun eh dapat ito yung responsibility mo in the first place. So siguro dun
tayo mas mag-focus na bakit hindi nagkaroon ng effort ang EdRes Committee na siguro,
yun, mag-formulate man lang ng ED or consultation or whatever immediately after nung
issue.
Councilor Naag: Actually ayun nga, alam ko naman na merong clamor about STS pero
hindi pa kasi ako ganon ka-educated about it. Naghihintay rin ako na sa SC mismo
manggaling. Hinihintay ko rin kay Kyel yung kung pano gumawa ng stand kasi nga si
Kyel yung dating EdRes. Kung pano gumawa ng stand and at the same time, kung ano
yung mga facts kasi that time nago-OJT pa rin ako. Di ganon kalawak yung nalalaman
ko sa STS. Nalaman ko na lang siya nung gumagawa na ko ng stand. So I think oo may
konting pagkukulang ako dahil di ko agad ni-research about it and everything pero nun
ngang nakita kong may clamor sabay na dumating naman yung request ni Kyel na
gumawa tayo, ginawa ko naman.
Councilor Carbonell: With all the things na nangyari na nga, sa future magagawa mo
pa ba yung trabaho mo?
Councilor Naag: Yung sa SC, feeling ko yung mga nagpapa-hinder sakin my parents.

Councilor Carbonell: So kaya, hindi na?
Councilor Naag: Hindi ko na kayang ipagpatuloy na kasi hindi ko masasabi na o sige,
ipagpatuloy natin. Kaya lang ano yun, pupunta ko pag pwede lang? Hindi naman
pwedeng ganon. Dapat you always make yourself available. So ayun yung hindi ko ma-
promise kasi alam ko na hindi ko na dapat siya ituloy. Baka merong taong kayang
magbigay nun. Well dati, oo alam ko sa sarili kong gusto ko at gagawan ko ng paraan
pero nung mawalan ako ng support, from my parents pa, hindi ko na rin alam kung
papano. Pano kung malaman nila, tapos pinagpapatuloy mo pala eh samantalang sinabi
mong hindi na. Ano na lang yung gagawin ko? What if talagang masira yung trust and
relationship ko with my parents, lalo na sa mom ko.
Chair Calderon: So pano, alis ka muna then pagusapan namin. Sana makapaghintay ka
kasi till 7 lang din tong AIT kasi may curfew. Para malaman mo na rin kung ano yung
desisyon na nabagsakan. Wala na kayong ihahabol ha?
Batch Rep Fuentes: Wait lang, sorry. Habol lang. Ano yung measure na tinake mo para
ma-convince yung parents mo na payagan ka?
Councilor Naag: Sa mom ko, nag-uusap talaga kami. Yun lang din kasi yung way ko to
express or inform her na ito yung sitation, eto yung nangyayari. Were talking to each
other.
Batch Rep Fuentes: Do you think youve tried your best para ipaintindi sa kanila at
parang di ba sinupport ka naman nila sa campaign at di ba nila alam yung
consequences kapag natanggal ka, at yung consequences for the AIT body and for the
SC?
Councilor Naag: Sinabi ko na rin yun sa parents ko. Pero sabi, Papa ko talaga kasi
wala yun. Pag hindi, hindi. Mom ko, pinapaliwanag niya naman sakin bakit kasi nga
itong SC hindi lang naman to isang beses lang, parang isang subject lang. Isang buo
siyang taon so sabi ng mom ko, hindi ka buong year na mapapangatawanan mo yan.
Pag nalaman ng Papa mo, pano na? Pag nagkaron ng something, pano na? Something
like conflict ganyan, kailangan mag-overnight or pumunta outside of school, papano na?
Kung ikaw kaya mo yung consequence at kapalit naman ng consequence na yun ay
peace of mind ng magulang ko, na hindi galit sakin yung magulang ko, Im ready.
Batch Rep Osorio: Most of our activity naman ay online, so ano yung effort na ginawa
mo? Hindi naman siguro kailangan ng permission sa parents mo.
Councilor Naag: Yun nga, lahat naman ng posts binabasa ko. Nagco-comment ako
pag alam ko yung pinapag-usapan pero pag hindi, I try to research about that. And
tuwing may post si Kyel, may post si Ivy, nababasa ko naman. Ayun nga hinihintay ko
lang magkaron ng time to talk with you pag meron akong hindi naiintindihan. Kaya rin
siguro ako hindi ganon ka-active when it comes to bagsakan ng decisions kasi nga
alangan namang magbagsak ako ng decision na hindi maayos yung information na
hawak ko.
Chair Calderon: Ako may question. Lima tayong may OJT sa council. Do you think
reasonable for you yung pagod ka and eto lang yung oras ng pahinga mo kaya hindi ka
makapag-online and participate sa mga inquiry sa Facebook?
Councilor Naag: Well, hindi yun sapat. Pero I can tell you na tuwing umuuwi ako I try to
as much as possible nache-check ko siya. Hindi rin naman kasi everyday meron. So
tuwing nagkakaroon ako ng net, binabasa ko siya. Kadalasan kasi huli ako dun sa balita
kasi nga hindi naman ako whole day naka-online na malaman. Tapos hindi rin ako nago-
online sa work kasi bantay rin ako. Lahat ng kasama ko sa work puro boss ko. Tapos
mag-isa lang ako, wala na kong ka-partner na that time. Nung una okay pa eh. Tapos
sobrang dami rin talagang kailangan. I can tell you talaga na every pagkauwi ko, gusto
ko na lang matulog. Pero yun nga, I try my best.
Batch Rep Fuentes: Sa tingin mo, when have you decided, kelan pumasok sa isip mo
yung resignation? Ngayon lang ba, o kelan pa?
Vice Chair Muoz: Or matagal mo na ring napapag-isipan?
Councilor Naag: Pumasok lang to nung nafe-feel ko na na hindi ko na nagagawa,
napapangatawanan. Hindi na kami nagkakaintindihan ni Ghie, pag nag-uusap kami lagi

na lang bang kontrahan, ganyan. Eh ayun, sabi ko kung hindi man magkaintindihan baka
sakaling kailangan ko na mag-resign dahil di na ko comfortable working with people
around me. Eh mahirap naman siguro yun na ipagpatuloy ko pa and at the same time,
parents ko pa. And I cant give my full time kasi nga there are some things hindering me
from that.
Councilor Reynoso: Question ko lang, kasi during that time na OJT, naka-base ka
outside AIT. So nasa ibang lugar ka. Tingin mo ba hindi mo kayang gawin ngayon since
nasa AIT ka parati?
Councilor Naag: Actually, yun nga naisip ko na rin yun. Sa August 6 mafe-feel ko yan
kasi andito na ko sa school tapos nakita ko na yung mga taong makakasama ko. Naiisip
ko na hindi na, kasi ang hirap din i-give up. Today nakikita ko may nagagawa kayo tapos
ako, gusto ko ring may magawa. Nagse-self pity rin ako na may kaya kong gawin pero
hindi ko nagagawa, meron na kong avenue to do something. So ayun din yung, parang
sabi ko, tapos tumawag pa si Mama na, o ano, ano nang nangyari? Ayun, hanggang
kanina nagdadalawang-isip ako kung itutuloy ko o hindi. Pero since ngayon na-realize
kong parang baka sinasayang ko lang to, baka ipagpatuloy ko pero sayang lang. Baka
merong mas deserving sa akin. I-let go ko na.
Chair Calderon: Do you think good, or okay reason for you, kasi one of your reasons ay
hindi ka komprtable sa mga katrabaho mo. Do you think okay reason yun for you to
resign?
Councilor Naag: Personally, okay. Pero kung sasabihin na labag sa constitution or
pagkatao, tuwing meron ka na lang conflict lalayuan mo. Well, hindi. Pero hindi lang kasi
yun yung reason ko. Yung biggest reason ko ay yung parents ko na mahirap talaga.
Siguro dati iniisip ko baka di lang kami nagkakaintindihan kasi ayaw nila sakin. Pero right
now pinag-iisipan ko na rin pag kinakausap ako ng mga tao, sina Vani ganyan, kung
anog maa-ano nila sakin bilang friends, kung tutuloy ba ko or ano. Pero yun nga, na-ano
ko na rin kasi sa sarili ko na baka hindi sa council yung problema, baka sa sarili ko, sa
akin kasi. So ayun.
Chair Calderon: Questions pa?
Batch Rep Fuentes: Would you have filed for resignation sooner or later na nabigay
yung forced leave sayo?
Councilor Naag: Nag-uusap na kami ni Ghie about it. Yung tungkol sa resignation,
ganyan. Pero kasi hindi pa ganon katibay yung reason ko eh. I was looking for further
reason nga na hindi ako comfortable working with the people, oo nga eh, hindi nga
katanggap tanggap. For me, ayun hindi siya natuloy. Parang isip uli, ganon uli.
Hanggang ngayon nga, finally napagtanto ko nga na I cant give my hundred percent to
the council even if I wanted to.
Vice Chair Muoz: Ako sa tingin ko, na-exhaust naman na lahat kasi paikot-ikot na lang
din yung sagot ni Adie. So siguro for the sake na at least mabagsakan na natin, ma-
resolve na natin ito, mag-caucus na tayo ngayon without Adie para at least. Kasi it hurts
me rin naman na, gets mo, nasa presence tayo ni Adie at nakikita ko na alam mo yun,
masakit talaga. Medyo teary-eyed na rin si Adie so pwede bang lets stop na?
Chair Calderon: Okay.

Councilor Naag leaves the room.

Chair Calderon: So ang two options natin ngayon ay to let her resign or paninindigan
natin yung suspension na matutuloy sa impeachment. Kasi yun nga yung
napagkasunduan natin na impeachment after suspension. So anong gusto niyo?
Vice Chair Muoz: Ako sa nakikita ko naman kasi, justifiable yung reason niya. Paulit-
ulit naman niya sinasabi na lampas na to sa lahat ng pagkukulang niya. Kasi kung grass
roots mo titignan, bakit ba siya may pagkukulang? Kasi ayaw ng parents niya. So sa
tingin ko kasi hanggat di mo inu-ugat yung problema. I think na dapat i-respeto natin
yung kagustuhan niya kasi hindi ko na nakikita yung desire niya na ipagpatuloy kasi
may hindrance eh na hindi niya kayang bakahin. So yun lang yung nakikita ko. Kasi pag

pinush pa natin na suspension-impeachment, sa tingin ko masyado nang grave yun. In-
admit na niya yung fault niya at nagpuna na siya, at ready na siyang tanggapin yung
consequence. Kesa sa darating pa tayo sa point na na-shove pa natin sa throat niya na
eto yung pagkukulang mo. Yun lang naman yung na-observe ko.
Councilor Carbonell: I agree dun sa sinabi ni Kyel kasi parang nauna na rin yung sa
resignation. Kasi parang sa suspension dahil hindi niya magagawa yung trabaho niya.
Pero dahil nagsabi na siya na hindi naman niya talaga magagawa yung trabaho niya,
bale ngayon pa lang alam na talaga natin na mapupunta siya dun. Pero siya yung sa
sarili niya, yung nag-resign. Ibig sabihin meron na siyang move na umalis na. Hindi na
niya hinihintay dahil alam niyang dun na rin mapupunta.
Councilor de Layola: Same thoughts din kay Kyel pero sana sa resignation letter niya i-
explain niya talaga yung side niya.
Chair Calderon: Actually ako, agree ako kasi kung hindi siguro siya nagpakita ngayon
magmo-motion for impeachment na talaga ko kasi sobra na. Peros since nagpakita
naman siya ang nag-explain naman siya yung part niya, tsaka freedom naman niya na
nag-resign siya at her own will and ready siya to accept the consequences. Ako okay na
ko na nag-resign siya. Kasi nga sinasabi niya rin sakin noon na magre-resign siya pero
50-50 nga pero for the reason na di niya gusto yung mga ka-trabaho niya. So sabi ko,
do you think thats enough reason for you to resign? So dun siya nag-isip na sige wag
na muna kasi ina-ano ko na sabihin ko sa inyo agad na gusto niya mag-resign pero di pa
siya sure, or pag-isipan niya muna. Kasi for me, parang ano siya, consultation, one-on-
one, parang friendly consultation. So ayun, dumami nang dumami yung reasons niya
and yung pinaka-grave reason niya is parents. Ang hirap din kontrahin ng magulang
kasi I agree yun yung pinaka-ugat nung problema kasi eto yung dahilan niya sa lahat
eh. Eto yung magiging dahilan niya sa lahat, bakit ganito, bakit ganito. So at the end of
the day, she cant do her responsibility as EdRes talaga. And agree rin ako na kapag
sana nag-post ng resignation letter addressed sa SC, sa admin, and sa student body na
sana ma-explain niya. Mahirap, its going to be hard for her to explain through text pero
sana ma-explain niya nang mabuti kung saan siya nanggagaling. Kahit naman tayo
kinailangan natin siyang andito para kausapin siya personally. So yun na lang yung
challenge and consequence para sa kanya.
Councilor Balagot: So may consensus naman tayo na okay tayo sa resignation niya?
Chair Calderon: Lahat naman tayo okay lang.
Vice Chair Muoz: So as of today hindi na siya, or as of writing pa? So ngayon ba tini-
treat na natin siya as hindi na council member? Or pag nagpasa pa siya ng resignation?
Kasi I believe na ang resignation letter ay formality na lang.
Chair Calderon: I agree with that na she resigned today, actually. But then yung follow-
up letter na lang for formality reasons and para mapa-aware yung student body, the
admin.
Vice Chair Muoz: Pero pano yung disclosure natin? Do we let everyone know and
sixth councilor assumes? Or hihintayin pa?
Chair Calderon: I guess we have to talk muna with Earl kung anong mangyayari and
with College Electoral Board. Pero ang hirap din naman na mag-announce tayo, pero
according sa consti yung sixth yung maga-assume.
Vice Chair Muoz: Pero do we disclose na ngayon na nag-resign na? Para at least, ang
nakikita ko kasi ay parang kung at least may fault man on her part, ma-uphold natin
yung integrity ng council na shes free na, hindi ka na bounded ng consti whatever.
Chair Calderon: Okay lang, I go for disclosing it. Ang fear ko lang baka ma-judge na
siya kaagad ng tao without knowing her side. Yun lang yung feel ko na magiging
consequence niya.
Councilor Balagot: Baka, I mean pag nag-release naman tayo ng memo pwede, kasi
ikaw naman magre-release ng memo, pwede naman sabihin na yung resignation niya
ay to-follow.
Vice Chair Muoz: Pwedeng sabihing in good faith naman siya nag-resign.
Chair Calderon: Ayoko lang na sakin manggagaling yung reason niya.

Councilor Balagot: Wag na, parang rest assured lang na in good faith yung pag-resign
niya bilang nag-explain naman siya dito tapos nag-deliberate naman.
Chair Calderon: So ang mangyayari na lang ay kausapin ko na lang si Sir dela Santa. I-
update ko siya by tomorrow na nag-resign nga si Adie and then kung anong mangyayari.
Kung ia-appoint na ba directly yung sixth councilor para pumalit sa ano and then
siguro
Vice Chair Muoz: If tatanggapin nung sixth councilor.
Chair Calderon: Kung tatanggapin din ng sixth councilor and then if ever, basta
tinaggap na ni Earl, dun na lang din tayo mag-release ng pub.
Vice Chair Muoz: So hindi natin ngayon idi-disclose na nag-resign na si Adie?
Chair Caldern: Hindi lang tayo magdi-disclose na si Earl, ganon.
Councilor Reynoso: Clarification lang, so gagawa tayo ng letter, parang yung letter na
binigay mo [Councilor Balagot] sakin, ganon na letter?
Councilor Balagot: Siya [Chair Calderon] gagawa nun na addressed sa body.
Chair Calderon: Addressed sa AIT, sa admin.
Vice Chair Muoz: So tonight?
Chair Calderon: Oo sana. If ever you want to check it na lang.
Councilor Balagot: Post mo muna sa group.
Chair Calderon: Since official memo rin to, sa Scribd lalabas.So next time na lang natin
bagsakan kung anong mangyayari, i-update ko na lang kayo.
Councilor Balagot: Pag nakuha na natin yung resignation niya pwedeng i-post na natin
agad para malaman na agad ng mga tao kung ano yung nangyari.
Chair Calderon: Pero iba kasi, well by ano to ha, by experience. Iba yung resignation
letter niya for SC, resignation letter niya for the body.

6. Other Matters
Lay on the table.
_________________________

You might also like