Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 38

www.bible.org.

ph
titlepage.indd 1 11/15/2013 4:46:40 PM
Color profile: Disabled
Composite Default screen

PAG-ASA sa gitna ng TRAHEDYA


Copyright 2006
by
PHILIPPINE BIBLE SOCIETY
890 United Nations Ave., 1000 Manila, Philippines
Tel: 521-5792/521-5785
Email: info@bible.org.ph
Visit PBS on the web at www.bible.org.ph

Printed in the Philippines


PBS 2013

Ang mga talata sa babasahing ito ay mula sa


Magandang Balita Biblia, 2005 Edition.

Imprimatur:

Most Rev. ARTURO M. BASTES, SVD, DD


Bishop of Sorsogon
Chairman, Episcopal Commission
for the Biblical Apostolate

C:\Documents and Settings\TD-CAPASSIST5\Desktop\CALAMITY\2009 PORTION CALAMITY\1. VP\tag_calamity_copyright_revised.vp


Friday, November 15, 2013 3:17:56 PM
Color profile: Generic CMYK printer profile
Composite Default screen

A ng Pilipinas ay nasa lugar na tinatawag na


“daanan ng apoy at bagyo sa karagatang
Pasipiko.” Dahil dito’y taun-taon itong hinahagupit
ng malalakas na bagyo at iba pang kalamidad. Ang
malalawak na dagat na nakapalibot sa Pilipinas ay
magandang daanan para sa pandaigdigang kalakal
at mapagkukunan ng masaganang yamang-tubig.
Gayunma’y sa mga dagat ding ito nabubuo at
nanggagaling ang mga mapanirang bagyo at unos.
Kaya’t saan mang bahagi ng bansa tayo nakatira ay
palaging may nakaambang panganib na maaari
nating harapin na dulot ng bagyo, baha, buhawi,
lindol, pagputok ng bulkan, tagtuyot at maging ng
mga pagkasalanta na gawa ng tao.
Sa mga panahong tulad nito, napakaraming
tanong na tila walang kasagutan:
“Bakit nangyari ito?”
“May lugar pa bang ligtas para sa aking mga mahal
sa buhay?”
“Mayroon pa bang pag-asa sa gitna ng mga
sakuna?”
Huwag kang mawalan ng pag-asa! Palagi nating
kasama ang Diyos — mahal niya tayo at hindi niya
tayo pababayaan, siya ang “handang saklolo kung may
kaguluhan” (Awit 46:1).
Ang babasahing ito ay naglalaman ng mga talata
mula sa Biblia na makapagbibigay ng kalakasan sa
atin habang tayo’y nakikibaka sa mga bagyo ng ating
buhay. Magtiwala tayo sa Diyos at bibigyan niya tayo
ng panibagong kalakasan. Ang Diyos ang ating
kanlungan!

-1-

C:\Documents and Settings\TD-CAPASSIST5\Desktop\CALAMITY\2009 PORTION CALAMITY\1. VP\tag_calamity.vp


Friday, November 15, 2013 5:04:51 PM
Color profile: Generic CMYK printer profile
Composite Default screen

C:\Documents and Settings\TD-CAPASSIST5\Desktop\CALAMITY\2009 PORTION CALAMITY\1. VP\tag_calamity.vp


Friday, November 15, 2013 5:04:59 PM
Color profile: Generic CMYK printer profile
Composite Default screen

gN auunawaan ng Diyos
ang Nadarama Mong
Takot at Galit

Maraming nakasulat sa Biblia na nagsasaad ng takot,


galit, kawalan ng pag-asa, at kalungkutan na maaaring
nararamdaman mo rin ngayon.

Bakit mo ako pinabayaan,


Panginoong Diyos?
Sa Diyos ako ay tumawag, at dumaing
nang malakas,
ganoon ang aking daing upang ako’y
dinggin agad.
Hinanap ko’y Panginoon sa panahong
may bagabag,
hindi ako napagod, dumalangin
na magdamag,
ngunit di ko nasumpungan ang aliw kong
hinahangad.
Nagunita ko ang Diyos, kaya ako ay dumaing,
ako’y nagdidili-dili ngunit ako’y bigo pa rin.
Hindi ako patulugin, waring ito ay parusa,
hindi ako makaimik, pagkat ako ay balisa.
Nagbalik sa gunita ko ang nagdaang mga araw,
nanariwa sa isip ko ang panahong nakaraan;
ako’y nagbubulay-bulay sa silid ko gabi-gabi,
ang diwa ko ay gising at tinatanong ang sarili:

-3-

C:\Documents and Settings\TD-CAPASSIST5\Desktop\CALAMITY\2009 PORTION CALAMITY\1. VP\tag_calamity.vp


Friday, November 15, 2013 5:04:59 PM
Color profile: Generic CMYK printer profile
Composite Default screen

“Ako baga, Panginoo’y lubusan mong


itatakwil?
Di mo na ba ibabalik sa akin ang iyong
pagtingin?
Ang iyo bang pagmamahal sa amin
ay nagwakas na?
Hindi na ba maaaring sa pangako mo’y
umasa?
Yaong kagandahang-loob mo ba
ay nakalimutan mo na?
Dahilan sa iyong galit, ang awa mo’y
wala na ba?”
Ganito ang aking sabi: “Ang sakit ng aking loob,
para bagang mahina na’t walang lakas
ang aking Diyos.”
AWIT 77:1-10

Parang awa mo na, Panginoon!


Gumising ka sana, Yahweh! Sa paghimlay
ay gumising.
Bumangon ka! Kailanma’y ’wag po kaming
itatakwil.
Kami’y huwag pagkublihan, pagtaguan
ay huwag din,
ang pangamba nami’t hirap, huwag mo pong
lilimutin.
Halos kami ay madurog nang bumagsak na
sa lupa;
sa bunton ng alikabok ay lupig na nabulagta.

-4-

C:\Documents and Settings\TD-CAPASSIST5\Desktop\CALAMITY\2009 PORTION CALAMITY\1. VP\tag_calamity.vp


Friday, November 15, 2013 5:04:59 PM
Color profile: Generic CMYK printer profile
Composite Default screen

Bumangon ka at tumulong, kami ngayon


ay iligtas,
dahilan sa pag-ibig mong kailanma’y
di kukupas!
AWIT 44:23-26

Panginoon, kahabagan mo po ako!


Sa mga masunurin, si Yahweh’y isang
kaibigan,
ipinapaunawa niya sa kanila,
kanyang kasunduan.
Si Yahweh lang ang laging inaasahan,
na magliligtas sa akin sa kapahamakan.
Lingapin mo ako, at ako’y kahabagan,
pagkat nangungulila at nanlulupaypay.
Pagaanin mo ang aking mga pasanin,
mga gulo sa buhay ko’y iyong payapain.
Alalahanin mo ang hirap ko at suliranin,
at lahat ng sala ko ay iyong patawarin.
Tingnan mo’t napakarami ng aking kaaway,
at labis nila akong kinamumuhian!
Ipagtanggol mo ako’t iligtas ang aking buhay,
huwag tulutang ako’y malagay
sa kahihiyan,
pagkat kaligtasan ko’y sa iyo nakasalalay.
Iligtas nawa ako ng kabutihan ko’t katapatan,
sapagkat ikaw ang aking pinagtitiwalaan.
AWIT 25:14-21

-5-

C:\Documents and Settings\TD-CAPASSIST5\Desktop\CALAMITY\2009 PORTION CALAMITY\1. VP\tag_calamity.vp


Friday, November 15, 2013 5:04:59 PM
Color profile: Generic CMYK printer profile
Composite Default screen

Panginoon, gabayan mo po ako!


Patawarin mo ako sa aking mga kasalanan,
sa mga kamalian ko noong aking
kabataan;
ayon sa pag-ibig mong walang katapusan,
ako sana, Yahweh, ay huwag kalimutan!
Si Yahweh ay mabuti at siya’y makatarungan,
itinuturo niya sa makasalanan ang tamang
daan.
Sa mapagpakumbabá siya ang gumagabay,
sa kanyang kalooban kanyang inaakay.
Tapat ang pag-ibig, siya ang patnubay,
sa lahat ng mga taong sumusunod,
sa utos at tipan siya’ng sumusubaybay.
AWIT 25:7-10

Pupunuin ka ng Diyos ng pag-asa!


Kaya’t sinasabi ko, “Nawala na ang aking lakas
at ang aking pag-asa kay Yahweh.”
Simpait ng apdo ang alalahanin sa aking paghihirap
at kabiguan.
Lagi ko itong naaalaala, at ako’y labis na
napipighati.
Gayunma’y nanunumbalik ang aking pag-asa
kapag naalala kong:
Pag-ibig mo, Yahweh, ay hindi nagmamaliw;
kahabagan mo’y walang kapantay.

-6-

C:\Documents and Settings\TD-CAPASSIST5\Desktop\CALAMITY\2009 PORTION CALAMITY\1. VP\tag_calamity.vp


Friday, November 15, 2013 5:04:59 PM
Color profile: Generic CMYK printer profile
Composite Default screen

Ito ay laging sariwa bawat umaga;


katapatan mo’y napakadakila.
Si Yahweh ay akin, sa kanya ako
magtitiwala.
PANAGHOY 3:18-24

g
Mapagkakatiwalaang Pangako
Pag-ibig mo, Yahweh, ay hindi nagmamaliw;
kahabagan mo’y walang kapantay.
Ito ay laging sariwa bawat umaga;
katapatan mo’y napakadakila.
Si Yahweh ay akin, sa kanya ako
magtitiwala.
PANAGHOY 3:22-24

Ano ba ang mga kinatatakutan mo sa buhay? Ano ang


mga ipinapanalangin mo ngayon? Nararamdaman mo ba
ang pag-iingat ng Diyos? Kung tatanungin ka ngayon,
ano ang nakikita mong higit na kinakailangan mo at ng
iyong pamilya? Maluwag mo bang nasasabi sa Diyos ang
tunay mong nadarama kapag nananalangin ka?

-7-

C:\Documents and Settings\TD-CAPASSIST5\Desktop\CALAMITY\2009 PORTION CALAMITY\1. VP\tag_calamity.vp


Friday, November 15, 2013 5:04:59 PM
Color profile: Generic CMYK printer profile
Composite Default screen

-8-

C:\Documents and Settings\TD-CAPASSIST5\Desktop\CALAMITY\2009 PORTION CALAMITY\1. VP\tag_calamity.vp


Friday, November 15, 2013 5:05:06 PM
Color profile: Generic CMYK printer profile
Composite Default screen

gA ng Diyos ang
Mangangalaga sa Iyo

Sa gitna ng mga kaguluhan, alam ng Diyos ang ating mga


pangangailangan. Minsan, pinalakas ni Jesus ang loob ng
kanyang mga alagad. Sinabi niya,
“Kaya’t sinasabi ko sa inyo, huwag kayong
mabalisa tungkol sa inyong kakainin at sa inyong
iinumin upang kayo’y mabuhay o kaya’y tungkol sa
susuutin ng inyong katawan. Hindi ba’t ang buhay ay
higit na mahalaga kaysa pagkain at ang katawan
kaysa damit? Masdan ninyo ang mga ibon. Hindi sila
nagtatanim ni umaani man o kaya’y nagtitipon sa
kamalig, ngunit pinapakain sila ng inyong Ama na
nasa langit. Hindi ba’t higit kayong mahalaga kaysa
mga ibon? Sino sa inyo ang makakapagpahaba
ng kanyang buhay nang kahit isang oras sa pamama-
gitan ng kanyang pagkabalisa?
“At bakit kayo nababalisa tungkol sa pananamit?
Isipin ninyo kung paano tumutubo ang mga bulaklak
sa parang; hindi sila nagtatrabaho ni gumagawa
ng damit. Ngunit sinasabi ko sa inyo, kahit si So-
lomon na napakayaman ay hindi nakapagdamit ng
singganda ng isa sa mga bulaklak na ito. Kung
dinaramtan ng Diyos ang damo sa parang, na buháy
ngayon, at kinabukasan ay iginagatong sa kalan,
kayo pa kaya? Kay liit ng inyong pananampalataya sa
kanya!
“Kaya’t huwag kayong mag-alalang baka kayo
kapusin sa pagkain, inumin o damit. Hindi ba’t ang

-9-

C:\Documents and Settings\TD-CAPASSIST5\Desktop\CALAMITY\2009 PORTION CALAMITY\1. VP\tag_calamity.vp


Friday, November 15, 2013 5:05:07 PM
Color profile: Generic CMYK printer profile
Composite Default screen

mga Hentil ang nababahala tungkol sa mga bagay na


iyan? Alam na ng inyong Ama na nasa langit na
kailangan ninyo ang lahat ng iyan. Ngunit higit sa
lahat ay pagsikapan ninyo na kayo’y pagharian
ng Diyos at mamuhay nang ayon sa kanyang ka-
looban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng inyong
pangangailangan.
“Kaya nga, huwag ninyong ikabalisa ang para sa
araw ng bukas; dahil ang bukas ang bahala sa sarili
nito. Sapat na ang inyong mga suliranin sa bawat
araw.”
MATEO 6:25-34

Palalakasin ka ng Diyos
Israel, bakit ka ba nagrereklamo
na tila hindi pansin ni Yahweh
ang kabalisahan mo,
o hindi inalalayan sa kaapihang naranasan?
Hindi ba ninyo nalalaman, di ba ninyo naririnig?
Na itong si Yahweh, ang walang hanggang Diyos,
ang siyang lumikha ng buong daigdig?
Hindi siya napapagod;
sa isipan niya’y walang makakaunawa.
Ang mahihina’t mga napapagod ay kanyang
pinapalakas.
Kahit na ang mga kabataan ay napapagod
at nanlulupaypay.
Ngunit muling lumalakas
at sumisigla ang nagtitiwala kay Yahweh.
Lilipad silang tulad ng mga agila.

- 10 -

C:\Documents and Settings\TD-CAPASSIST5\Desktop\CALAMITY\2009 PORTION CALAMITY\1. VP\tag_calamity.vp


Friday, November 15, 2013 5:05:07 PM
Color profile: Generic CMYK printer profile
Composite Default screen

Sila’y tatakbo ngunit hindi mapapagod,


sila’y lalakad ngunit hindi manghihina.
ISAIAS 40:27-31

Tutulungan ka ng Banal na Espiritu


Isinulat ni Apostol Pablo,
Para sa akin, ang mga pagtitiis natin sa kasa-
lukuyan ay hindi maihahambing sa kaluwalhatiang
mahahayag sa atin balang araw. Sapagkat nanabik
ang sangnilikha na ihayag ng Diyos ang kanyang
mga anak. Nabigo ang sangnilikha, hindi dahil sa
kagustuhan nito, kundi dahil itinulot iyon ng Diyos.
Gayunman, nagbigay rin siya ng pag-asa na ang lahat
ng nilikha ay pinalaya ng Diyos upang hindi na ito
mabulok, at upang makabahagi ito sa maluwalhating
kalayaan ng mga anak ng Diyos. Alam nating hang-
gang ngayo’y dumaraing ang sangnilikha dahil sa
matinding hirap na tulad ng isang nanganganak. At
hindi lamang ito, kundi tayong mga tumanggap na ng
Espiritu bilang unang kaloob ng Diyos ay dumaraing
din habang hinihintay natin ang paghahayag ng ating
pagiging mga anak ng Diyos at ang paglaya ng ating
mga katawan. Naligtas tayo dahil sa pag-asang ito.
Ngunit hindi iyon matatawag na pag-asa kung
nakikita na natin ang ating inaasahan. Sapagkat
sinong tao ang aasa pa kung ito’y nakikita na niya?
Ngunit kung umaasa tayo sa hindi natin nakikita,
hinihintay natin iyon nang buong tiyaga.
Gayundin naman, tinutulungan tayo ng Espiritu
sa ating kahinaan. Hindi tayo marunong manalangin
nang wasto, kaya’t ang Espiritu ang dumaraing para
sa atin, sa paraang di natin kayang sambitin. At ang

- 11 -

C:\Documents and Settings\TD-CAPASSIST5\Desktop\CALAMITY\2009 PORTION CALAMITY\1. VP\tag_calamity.vp


Friday, November 15, 2013 5:05:07 PM
Color profile: Generic CMYK printer profile
Composite Default screen

Diyos na siyang nakakasaliksik sa puso ng tao, ang


siyang nakakaalam kung ano ang kalooban ng
Espiritu, sapagkat ang Espiritu ang namamagitan
para sa mga hinirang, ayon sa kalooban ng Diyos.
Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang
Diyos para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa
kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin.
Sapagkat sa mula’t mula pa’y alam na ng Diyos kung
sino ang magiging kanya at ang mga ito’y pinili niya
upang maging tulad ng kanyang Anak. Sa gayon, ang
Anak ang naging panganay sa lahat ng maraming
magkakapatid. Ang mga pinili niya noon pang una ay
kanyang tinawag; at ang mga tinawag ay kanya ring
pinawalang-sala, at ang mga pinawalang-sala ay
kanyang binahaginan ng kanyang kaluwalhatian.
ROMA 8:18-30

Tuturuan ka ng Diyos na manalangin


at magtiwala sa kanya

Si Jesus ay nagturo ng tungkol sa pananalangin at


pagtitiwala sa Diyos para sa ating mga pang-araw-araw
na pangangailangan.
Sa pananalangin ninyo’y huwag kayong gagamit
ng maraming salitang walang kabuluhan, gaya ng
ginagawa ng mga Hentil. Ang akala nila’y pa-
pakinggan sila ng Diyos dahil sa haba ng kanilang
sinasabi. Huwag ninyo silang tutularan. Alam na ng
inyong Ama na nasa langit ang inyong kailangan
bago pa ninyo ito hingin sa kanya. Ganito kayo
mananalangin,
‘Ama naming nasa langit,
sambahin nawa ang iyong pangalan.

- 12 -

C:\Documents and Settings\TD-CAPASSIST5\Desktop\CALAMITY\2009 PORTION CALAMITY\1. VP\tag_calamity.vp


Friday, November 15, 2013 5:05:07 PM
Color profile: Generic CMYK printer profile
Composite Default screen

Nawa’y maghari ka sa amin.


Sundin nawa ang iyong kalooban
dito sa lupa tulad ng sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming pagkain
sa araw-araw;
at patawarin mo kami sa aming
mga kasalanan, tulad ng pagpapatawad
namin sa mga nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming hayaang matukso,
kundi iligtas mo kami sa Masama!’
MATEO 6:7-13

g
Mapagkakatiwalaang Pangako
Ngunit kung umaasa tayo sa hindi natin
nakikita, hinihintay natin iyon nang buong
tiyaga.
ROMA 8:25

- 13 -

C:\Documents and Settings\TD-CAPASSIST5\Desktop\CALAMITY\2009 PORTION CALAMITY\1. VP\tag_calamity.vp


Friday, November 15, 2013 5:05:07 PM
Color profile: Generic CMYK printer profile
Composite Default screen

- 14 -

C:\Documents and Settings\TD-CAPASSIST5\Desktop\CALAMITY\2009 PORTION CALAMITY\1. VP\tag_calamity.vp


Friday, November 15, 2013 5:05:14 PM
Color profile: Generic CMYK printer profile
Composite Default screen

gA ng Pag-ibig ng Diyos ay
Mapagkakatiwalaan

Marami sa mga Awit ay pagbibigay-puri at pasasalamat sa


katapatan ng pag-ibig ng Diyos.

Ang Diyos ay sumasaiyo


Ang Diyos ang ating lakas at kanlungan,
at handang saklolo kung may kaguluhan.
Di dapat matakot, mundo’y mayanig man,
kahit na sa dagat ang bundok matangay;
kahit na magngalit yaong karagatan,
at ang mga burol mayanig, magimbal.
May ilog ng galak sa bayan ng Diyos,
sa banal na templo’y ligaya ang dulot.
Ang tahanang-lunsod ay di masisira;
ito ang tahanan ng Diyos na Dakila,
mula sa umaga ay kanyang alaga.
Nangingilabot din bansa’t kaharian,
sa tinig ng Diyos lupa’y napaparam.
Nasa atin ang Diyos na Makapangyarihan,
ang Diyos ni Jacob na ating kanlungan.
Anuman ang kanyang ginawa sa lupa,
sapat nang pagmasdan at ika’y hahanga!
Maging pagbabaka ay napatitigil,
sibat at palaso’y madaling sirain;
baluting sanggalang ay kayang tupukin!

- 15 -

C:\Documents and Settings\TD-CAPASSIST5\Desktop\CALAMITY\2009 PORTION CALAMITY\1. VP\tag_calamity.vp


Friday, November 15, 2013 5:05:14 PM
Color profile: Generic CMYK printer profile
Composite Default screen

Sinasabi niya, “Ihinto ang labanan,


ako ang Diyos, dapat ninyong malaman,
kataas-taasan sa lahat ng bansa,
sa buong sanlibuta’y pinakadakila.”
Nasa atin ang Diyos na Makapangyarihan;
ang Diyos ni Jacob na ating kanlungan!
AWIT 46

Iniingatan ka ng Diyos
Tanging sa Diyos lang ako umaasa;
ang aking pag-asa’y tanging nasa kanya.
Tanging siya lamang ang tagapagligtas,
tagapagtanggol ko at aking kalasag;
akin ang tagumpay sa lahat ng oras!
Ang kaligtasan ko’t aking karangalan
ay buhat sa Diyos, nasa kanya lamang.
Siya’y malakas kong tagapagsanggalang,
matibay na muog na aking kanlungan.
Mga kababayan, sa lahat ng oras magtiwala
sa Diyos; sa kanya ilagak
ang inyong pasaning ngayo’y dinaranas;
siya ang kublihang may dulot na lunas.
AWIT 62:5-8

Ang Diyos ang tutugon sa iyong


mga pangangailangan
Di ka bibiguin sa bawat pangako pagkat ang Diyos
ay tapat,
ang kanyang ginawa kahit ano ito ay mabuting
lahat.

- 16 -

C:\Documents and Settings\TD-CAPASSIST5\Desktop\CALAMITY\2009 PORTION CALAMITY\1. VP\tag_calamity.vp


Friday, November 15, 2013 5:05:14 PM
Color profile: Generic CMYK printer profile
Composite Default screen

Siya’y tumutulong sa lahat ng tao na may suliranin;


at sa pagkalugmok, sa panghihina ay kanyang
hahanguin.
Lahat ng mga buháy ay tanging si Yahweh
ang inaasahan,
siyang nagdudulot ng pagkain nilang
kinakailangan.
Binibigyan sila nang sapat na sapat,
hindi nagkukulang;
anupa’t ang lahat ay may tinatanggap
na ikabubuhay.
AWIT 145:13b-16

Tapat ang pag-ibig ng Diyos


Ang wagas na pag-ibig mo, O Yahweh,
ay walang hanggan,
at ang iyong katapatan ay abot sa kalangitan.
Matuwid at matatag ka na tulad ng kabundukan;
ang matuwid na hatol mo’y sinlalim
ng karagatan;
ang lahat ng mga tao’t mga hayop na nilalang,
sa tuwina’y kinukupkop ng mapagpala mong
kamay.
O Diyos, ang iyong pag-ibig mahalaga at matatag,
ang kalinga’y nadarama sa lilim ng iyong
pakpak.
Sa pagkain ay sagana sa sarili mong tahanan;
doon sila umiinom sa batis ng kabutihan.
Sa iyo rin nagmumula silang lahat na may buhay,

- 17 -

C:\Documents and Settings\TD-CAPASSIST5\Desktop\CALAMITY\2009 PORTION CALAMITY\1. VP\tag_calamity.vp


Friday, November 15, 2013 5:05:14 PM
Color profile: Generic CMYK printer profile
Composite Default screen

ang liwanag na taglay mo ang sa amin


ay umaakay.
AWIT 36:5-9

Walang makapaghihiwalay sa atin


sa pag-ibig ng Diyos
Ipinaalala ni Apostol Pablo sa lahat ng mga nakakaranas
ng hirap,
Kung ang Diyos ay panig sa atin, sino ang
makakalaban sa atin? Kung ang sarili niyang Anak ay
hindi niya ipinagkait, sa halip ay ibinigay para sa
ating lahat, hindi kaya niya ibibigay sa atin ang lahat
ng bagay? Sino ang makakapagharap ng paratang
laban sa mga hinirang ng Diyos, gayong ang Diyos
ang nagpapawalang-sala sa kanila? Sino ang hahatol
na sila’y parusahan? Si Cristo Jesus na pinatay,
ngunit higit sa lahat ay muling binuhay, ngayon ay
nasa kanan ng Diyos upang mamagitan para sa atin.
Sino ang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni
Cristo? Ang kaguluhan kaya, ang kapighatian,
pag-uusig, pagkagutom, kahirapan, panganib, o
kamatayan? Ayon sa nasusulat,
“Dahil po sa inyo’y buong araw kaming
pinapatay,
turing nila sa amin ay mga tupang
pangkatay.”
Hindi! Sa lahat ng mga ito, tayo’y siguradong mag-
tatagumpay sa pamamagitan niya na nagmamahal sa
atin. Sapagkat natitiyak kong walang makapag-
hihiwalay sa atin sa kanyang pag-ibig. Kahit ang
kamatayan, ang buhay, ang mga anghel, ang mga
pamunuan o ang mga kapangyarihan, ang kasa-

- 18 -

C:\Documents and Settings\TD-CAPASSIST5\Desktop\CALAMITY\2009 PORTION CALAMITY\1. VP\tag_calamity.vp


Friday, November 15, 2013 5:05:14 PM
Color profile: Generic CMYK printer profile
Composite Default screen

lukuyan o ang hinaharap, ang kataasan, ang kala-


liman, o alinmang nilalang ay hindi makapaghihi-
walay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na ipinagkaloob
sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating
Panginoon.
ROMA 8:31b-39

g
Mapagkakatiwalaang Pangako
Di ka bibiguin sa bawat pangako pagkat
ang Diyos ay tapat,
ang kanyang ginawa kahit ano ito
ay mabuting lahat.
Siya’y tumutulong sa lahat ng tao
na may suliranin;
at sa pagkalugmok, sa panghihina
ay kanyang hahanguin.
AWIT 145:13b-14

Pagbulay-bulayan mo ang lahat ng mga bagay na


naglalarawan sa Diyos at sa kanyang pag-ibig na
mababasa mo dito (tulad ng matibay na muog, isang
kayamanan) gayundin ang mga salitang naglalarawan
tungkol sa Diyos (tulad ng matapat, mapagmahal). Sa
palagay mo ba’y pinababayaan ka ng Diyos? Pakiram-
dam mo ba’y malayo sa iyo ang Diyos kung kailan mas
higit mo siyang kailangan? Ano ang masasabi mo sa mga
paglalarawang ito tungkol sa Diyos? Nadarama mo bang
tinutulungan ka niya ngayon? Sa paanong paraan? Sa
anong pagkakataon mo higit na nararamdamang malayo
ka sa Diyos? Mapanghahawakan mo ba ang pangako ng
Diyos na walang makapaghihiwalay sa iyo sa kanyang
pag-ibig?

- 19 -

C:\Documents and Settings\TD-CAPASSIST5\Desktop\CALAMITY\2009 PORTION CALAMITY\1. VP\tag_calamity.vp


Friday, November 15, 2013 5:05:14 PM
Color profile: Generic CMYK printer profile
Composite Default screen

- 20 -

C:\Documents and Settings\TD-CAPASSIST5\Desktop\CALAMITY\2009 PORTION CALAMITY\1. VP\tag_calamity.vp


Friday, November 15, 2013 5:05:22 PM
Color profile: Generic CMYK printer profile
Composite Default screen

gG inagawang Bago ng Diyos


ang Lahat ng mga Bagay

Gaya ng mga taga-Juda na nawalan ng kanilang mga


tahanan, maaari ka ring makaranas ng pag-asa at
kaaliwan mula sa Diyos. Sabi ni Propeta Isaias…
Masdan mo ang mga bagong bagay
Ito ang sabi niya:
“Ilibing mo na sa limot, at huwag nang
alalahanin pa,
ang mga nangyari noong unang panahon.
Masdan mo, ako ay gagawa ng isang bagong bagay;
ito’y nagaganap na, hindi mo pa ba makita?
Gagawa ako ng isang daanan sa gitna ng disyerto,
at magkakaroon ng ilog sa lugar na ito.
Pararangalan ako maging ng mababangis na hayop
gaya ng mga asong-gubat at mga ostrits,
sapagkat nagpabukal ako ng tubig sa disyerto,
upang may mainom ang mga taong hinirang ko.
Nilalang ko sila upang maging aking bayan,
upang ako’y kanilang laging papurihan!”
ISAIAS 43:18-21

Naghihintay sa iyo ang isang


bagong pag-asa
Ang sabi ni Yahweh:
“Ako ay lilikha ng isang bagong lupa at bagong
langit;

- 21 -

C:\Documents and Settings\TD-CAPASSIST5\Desktop\CALAMITY\2009 PORTION CALAMITY\1. VP\tag_calamity.vp


Friday, November 15, 2013 5:05:22 PM
Color profile: Generic CMYK printer profile
Composite Default screen

ang mga bakas ng nakaraan ay ganap ng


malilimutan.
Kaya naman kayo’y dapat na magalak sa aking
ginawa,
ang Jerusalem na aking nilikha ay mapupuno
ng saya,
at magiging masaya ang kanyang mamamayan.
Ako mismo’y magagalak
dahil sa Jerusalem at sa kanyang mamamayan.
Doo’y wala nang pagtangis o panaghoy man.
Ang mga sanggol ay hindi na mamamatay,
lahat ng titira roon ay mabubuhay nang
matagal.
Ituturing pa rin na isang kabataan ang taong
sandaang taon na,
at ang hindi umabot sa gulang na ito
ay ituturing na isinumpa.
Magtatayo sila ng mga tahanang kanilang titirhan,
magtatanim sila ng ubas at sila rin ang aani.
Hindi tulad noong una, sa bahay na ginawa’y
iba ang tumira.
Sa tanim na halama’y iba ang nakinabang.
Tulad ng punongkahoy hahaba ang buhay
ng aking mga hirang,
lubos nilang papakinabangan ang kanilang
pinagpaguran.
Anumang gawaing paghirapan nila’y
tiyak na magbubunga,
at hindi magdaranas ng mga sakuna
ang mga anak nila;
pagpapalain ko ang lahi nila,
at maging ang mga susunod pa.

- 22 -

C:\Documents and Settings\TD-CAPASSIST5\Desktop\CALAMITY\2009 PORTION CALAMITY\1. VP\tag_calamity.vp


Friday, November 15, 2013 5:05:22 PM
Color profile: Generic CMYK printer profile
Composite Default screen

Ang dalangin nila kahit hindi pa tapos


ay aking diringgin,
at ibibigay ko ang kanilang hinihiling.
Dito’y magsasalong parang magkapatid,
ang asong-gubat at tupa,
ang leon ay kakain ng damo tulad ng baka.
At ang ahas naman na ang pagkain ay alabok
kahit tapakan mo’y hindi ka mangangamba.
Magiging panatag at wala nang masama sa banal
na bundok.
Sa Bundok ng Zion ay walang makakapinsala
o anumang masama.”
ISAIAS 65:17-25

Aaliwin at pagagalingin ka ng Diyos


Magtiwala ka sa Diyos na pinagmumulan ng kaaliwan,
kagalingan, at lakas. At kung papaanong inaaliw ka ng
Diyos, maaari mo ring aliwin at tulungan ang mga taong
nakakaranas ng hirap. Maaari mo ring sabihin sa iba ang
iyong nararamdaman. Ang pagtanggap at pagbibigay ng
lakas ng loob sa iba ay makakatulong sa iyo. Makakaranas
din ng pag-asa, lakas ng loob, at tibay ng dibdib ang iyong
mga kababayan upang harapin ang lahat ng mga
pagsubok.
Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating
Panginoong Jesu-Cristo, ang mahabaging Ama at
Diyos na pinagmumulan ng lahat ng kaaliwan.
Inaaliw niya tayo sa ating mga kapighatian upang sa
pamamagitan ng kaaliwang tinanggap natin sa kanya
ay makatulong naman tayo sa mga nahahapis.

- 23 -

C:\Documents and Settings\TD-CAPASSIST5\Desktop\CALAMITY\2009 PORTION CALAMITY\1. VP\tag_calamity.vp


Friday, November 15, 2013 5:05:22 PM
Color profile: Generic CMYK printer profile
Composite Default screen

Sapagkat kung gaano karami ang aming paghihirap


dahil sa aming pakikipag-isa kay Cristo, gayundin
naman karami ang aming kaaliwan kay Cristo. Kung
naghihirap man kami, ito’y para sa ikaaaliw at
ikaliligtas ninyo. Kapag naaaliw kami, kayo ma’y
naaaliw rin at lumalakas upang inyong matiis ang
mga kapighatiang dinaranas ninyo tulad namin.
Kaya’t matibay ang aming pag-asa para sa inyo,
sapagkat alam naming kung paanong kahati kayo sa
aming kahirapan, magiging kahati rin kayo sa aming
kaaliwan.
2 CORINTO 1:3-7

g
Mapagkakatiwalaang Pangako
Ang sabi ni Yahweh:
“Ako ay lilikha ng isang bagong lupa
at bagong langit;
ang mga bakas ng nakaraan ay ganap ng
malilimutan.”
ISAIAS 65:17

May mga bagong bagay bang nagaganap sa iyong paligid?


Ano ang nagbibigay sa iyo ng pag-asa? Sa mga pagba-
bagong ito, nararamdaman mo bang malapit sa iyo ang
Diyos?

- 24 -

C:\Documents and Settings\TD-CAPASSIST5\Desktop\CALAMITY\2009 PORTION CALAMITY\1. VP\tag_calamity.vp


Friday, November 15, 2013 5:05:22 PM
Color profile: Generic CMYK printer profile
Composite Default screen

gM agtiwala ka sa Diyos
Ang Diyos ang ating Muog
Kay Yahweh ko isinalig ang aking kaligtasan,
kaya’t ang ganito’y huwag sabihin ninuman:
“Lumipad kang tulad ng ibon patungo
sa kabundukan,
sapagkat ang pana ng masasama ay laging
nakaumang,
upang tudlain ang taong matuwid mula sa
kadiliman.
Ang mabuting tao’y mayroon bang magagawa,
kapag ang mga pundasyon ng buhay ay nasira?”
Si Yahweh ay naroon sa kanyang banal na Templo,
doon sa kalangitan, nakaupo sa kanyang trono,
at buhat doo’y pinagmamasdan ang lahat ng tao,
walang maitatagong anuman sa gawa ng mga
ito.

- 25 -

C:\Documents and Settings\TD-CAPASSIST5\Desktop\CALAMITY\2009 PORTION CALAMITY\1. VP\tag_calamity.vp


Friday, November 15, 2013 5:05:24 PM
Color profile: Generic CMYK printer profile
Composite Default screen

Ang mabuti at masama ay kanyang sinusuri;


sa taong suwail siya’y lubos na namumuhi.
Pinauulanan niya ng apoy at asupre
ang masasamang tao;
at sa mainit na hangin sila’y kanyang pinapaso.
Si Yahweh ay matuwid at sa gawang mabuti’y
nalulugod;
sa piling niya’y mabubuhay ang sa kanya’y
sumusunod.
AWIT 11

Siyang naghahangad ng pagkupkop


ng Kataas-taasan,
at nananatili sa pagkalinga ng
Makapangyarihan,
ay makakapagsabi kay Yahweh:
“Muog ka’t kanlungan,
ikaw ang aking Diyos, ang Diyos
na tangi kong pinagtiwalaan.”
AWIT 91:1-2

- 26 -

C:\Documents and Settings\TD-CAPASSIST5\Desktop\CALAMITY\2009 PORTION CALAMITY\1. VP\tag_calamity.vp


Friday, November 15, 2013 5:05:24 PM
Color profile: Generic CMYK printer profile
Composite Default screen

- 27 -

C:\Documents and Settings\TD-CAPASSIST5\Desktop\CALAMITY\2009 PORTION CALAMITY\1. VP\tag_calamity.vp


Friday, November 15, 2013 5:05:30 PM
Color profile: Generic CMYK printer profile
Composite Default screen

Mga Paalala sa Panahon


ng Bagyo at Unos
Public Storm Signal # 1
Isang bagyo na may bilis na 30-60 kilometro
bawat oras (kph) ang hanging mararanasan at asa-
hang darating sa loob ng 36 na oras. Sa lakas na ito,
maglalaglagan ang mga dahon at mababali ang sanga
ng maliliit na mga puno. Maaaring mabuwal din ang
mga puno ng saging at ang mga maliliit na bahay.
Ang mga bulaklak ng palay ay siguradong magla-
laglagan.
Bilang pag-iingat, pinapayuhan ang lahat na ma-
kinig sa radyo o manood ng TV para sa pinakahuling
balita mula sa PAGASA. Ito ay ipapahayag tuwing
ika-anim na oras mula 5:00 am.
Kapag Signal # 1, ang mga mag-aaral sa pre-school
ay walang pasok. Subalit mainam na makinig sa
opisyal na pahayag ng DepEd o ng mga lokal na
pamahalaan. Tuloy pa rin ang negosyo, subalit kung
ang hangin ay patuloy na lalakas habang papalapit sa
kapuluan, maaaring itaas ang signal.
Public Storm Signal # 2
Isang malakas-lakas na bagyo na may bilis na
60-100 kph ang hanging mararanasan at asahang
darating sa loob ng 24 oras. Sa lakas na ito, ang mga
puno ng niyog ay maaaring yumuko o maputol at
mabuwal gayundin ang ilang malalaking puno. Ang
mga puno ng saging ay tiyak na masisira. Ang mga
malalaking bahay ay maaaring ibuwal ng bagyong ito,
at ang mga lumang yero ay maaaring liparin. Malaki
ang magiging sira sa palayan.
Bilang pag-iingat, mapanganib magbiyahe ang
mga maliliit na sasakyang-dagat kapag may bagyong

- 28 -

C:\Documents and Settings\TD-CAPASSIST5\Desktop\CALAMITY\2009 PORTION CALAMITY\1. VP\tag_calamity.vp


Friday, November 15, 2013 5:05:30 PM
Color profile: Generic CMYK printer profile
Composite Default screen

tulad nito. Kaya’t pinapayuhan ang mga mangingisda


na huwag pumunta sa laot. Iwasan din ang bumiyahe
sakay ng bangka, barko at eroplano. Sa halip, mana-
tili sa bahay at tiyaking ito’y maayos at matibay.
Kapag Signal # 2, ang mga mag-aaral sa pre-
school, elementarya at high school ay walang pasok.
Pinapayuhang alamin kung nasaan ang pinaka-
huling posisyon, direksyon at bilis ng galaw ng bagyo
upang makapaghanda.
Public Storm Signal # 3
Ito’y isang malakas na bagyo na may bilis na
100-185 kph ang hanging mararanasan at asahang
darating sa loob ng 18 oras. Sa lakas na ito, halos
lahat ng mga puno ng saging ay mabubuwal ga-
yundin ang maraming mga puno. Ang maliliit na
bahay ay maaaring magiba at maaaring makasira sa
iba pang mga gusali. Maaaring magkaroon din ng
malawakang pagkawala ng kuryente sanhi ng mga
posteng magbabagsakan. Tiyak na malaking pinsala
ang idudulot nito sa agrikultura at industriya. Ang
biyaheng-dagat at himpapawid ay napakadelikado.
Bilang pag-iingat, ang lahat ay pinapayuhang
lumikas o lumipat sa mga mas matitibay na gusali.
Lumayo sa mga dalampasigan at tabi ng mga ilog.
Walang klase sa lahat ng antas ng paaralan.
Public Storm Signal # 4
Ang bagyong ito ay may bilis na mahigit sa 185
kph, at asahang darating sa loob ng 12 oras. Ang mga
taniman ng niyog ay makakaranas ng matinding
pinsala. Maging ang mga malalaking puno ay ma-
bubunot at mabubuwal. Maaaring magkaroon ng
malawakang pagkawala ng kuryente sanhi ng pag-
kabuwal ng mga poste ng kuryente.
Bilang pag-iingat, huwag lumabas ng bahay o
evacuation center.
- 29 -

C:\Documents and Settings\TD-CAPASSIST5\Desktop\CALAMITY\2009 PORTION CALAMITY\1. VP\tag_calamity.vp


Friday, November 15, 2013 5:05:30 PM
Color profile: Generic CMYK printer profile
Composite Default screen

Mga Dapat Gawing Pag-iingat


kung may Bagyo
Bago Dumating ang Bagyo
Tiyaking sapat ang tibay ng inyong mga bahay.
Alamin ang mahahalagang impormasyon tungkol
sa bagyo, gaya ng mga sinyales at babala nito, epekto
at panganib na dala-dala nito. Alamin din ang mga
paraan kung paano magiging ligtas ang iyong pamilya
at mga ari-arian. Makakatulong din kung ipaaalam
ito sa mga kasambahay.
Silipin ang inyong bubungan at takpan ang mga
butas. Tiyakin ding matibay ang pagkakapako ng
mga yero at ang pagkakakapit ng mga pinagpakuan
sa biga ng inyong bahay.
Tiyaking may sapat na naimbak na pagkain at
tubig na maiinom. Ihanda ang flashlights na may
ekstrang baterya at gasera o kandila sakali mang
mawalan ng kuryente.
Habang Bumabagyo
Makinig ng radyo o manood ng TV upang
malaman ang mga pinakahuling ulat mula sa
PAGASA.
Manatili sa inyong mga tahanan, subalit iwasang
tumabi sa mga bintanang gawa sa salamin.
Pagkalampas ng “mata” ng bagyo sa inyong lugar,
maaaring magkaroon ng ilang minutong pana-
nahimik. Sa panahon ng pananahimik, maaaring
pansamantalang ayusin ang mga nasirang bahagi ng
inyong bahay kung talagang kinakailangan. Subalit
tandaang mabuti na biglaan ding bubugso ang bagyo
mula naman sa kabilang direksyon, na kadalasa’y
higit na malakas.
Putulin ang mga delikadong sanga ng puno kung
kinakailangan.
- 30 -

C:\Documents and Settings\TD-CAPASSIST5\Desktop\CALAMITY\2009 PORTION CALAMITY\1. VP\tag_calamity.vp


Friday, November 15, 2013 5:05:30 PM
Color profile: Generic CMYK printer profile
Composite Default screen

Habang bumabagyo, maaari ring bumaha. Lu-


mayo sa mga dalampasigan at tabi ng ilog.
Kung hindi nakatitiyak na ligtas ang inyong
bahay, lumipat agad sa mga itinalagang evacuation
centers hanggang sa tuluyang tumigil ang bagyo.
Maaaring buksan nang bahagya ang pinto o ang
bintana ng bahay na kabila ng pinagmumulan ng
hangin upang may kaunting lagusan ng hangin.
Maging mahinahon; makakatulong itong mag-
palakas ng loob ng iba.

Mga Bagay na Dapat Gawin


kung may Lindol
Bago ang Lindol
n Ang pinakasusi sa pag-iwas sa sakuna ay ang
magandang pagpaplano.
Alamin kung ang kinatitirikan ng inyong bahay ay
nasa “active fault line” o lugar na madaling gu-
muho. Tiyaking nasunod ang tamang disenyo sa
pagtatayo ng inyong bahay o anumang gusaling
nasasakupan ninyo.
n Tandaan ang mga pasukan at lagusan ng inyong
bahay at opisina.
Alamin kung saan ang mga matitibay na bahagi
gaya ng hamba ng mga pintuan, elevator shaft,
matitibay na mesa kung saan maaari kayong
magtago habang lumilindol. Pag-aralan din kung
paano ang tamang paggamit ng fire extinguisher,
first aid kit, alarms at mga emergency exits. Naka-
puwesto ang mga ito sa mga bahagi ng gusali na
madaling makita.

- 31 -

C:\Documents and Settings\TD-CAPASSIST5\Desktop\CALAMITY\2009 PORTION CALAMITY\1. VP\tag_calamity.vp


Friday, November 15, 2013 5:05:30 PM
Color profile: Generic CMYK printer profile
Composite Default screen

n Ihanda ang inyong opisina at bahay kung sakali


mang lumindol.
Itali ang mabibigat na kagamitan o kabinet sa mga
dingding upang hindi mabuwal ang mga ito. Ang
mga babasaging bagay, nakakasakit na mga ke-
mikal at mga bagay na madaling masunog ay dapat
itago sa pinakaibabang kahon ng kabinet at
tiyaking ang mga ito’y nakasarang mabuti. Ugaliin
ding palaging isara ang mga tangke ng gas kapag
hindi ito ginagamit.
n Ang pinakadahilan ng maraming pinsala kung
may lindol ay ang mga naglalaglagang bagay.
Ang mabibigat na bagay ay dapat nakapirmi sa
mga pinakaibabang kahon ng kabinet. Silipin ang
pagkakalagay o pagkakasabit ng mga nakabiting
bagay gaya ng electric fan, mga bumbilya, atbp.
Makakatulong din kung may nakahandang earth-
quake survival kit na naglalaman ng radyong de
baterya, flashlight, first aid kit, maiinom na tubig,
kandila, pagkain, silbato, at dust mask.
Habang Lumilindol
n Kung ikaw ay nasa loob ng isang matatag na
gusali, manatili ka sa loob! Ingatan mo ang iyong
sarili laban sa mga nagbabagsakang bagay sa
pamamagitan ng pagtatago sa ilalim ng matitibay
na mesa at mga hamba ng pintuan.
n Kung ikaw ay nasa labas ng bahay o gusali,
pumunta ka sa mga malawak na lugar o hawan.
Lumayo sa mga linya ng kuryente, malalaking ba-
kod, at iba pang istruktura na maaaring bumagsak.
Lumayo din sa mga gusaling may mga bintanang
salamin.

- 32 -

C:\Documents and Settings\TD-CAPASSIST5\Desktop\CALAMITY\2009 PORTION CALAMITY\1. VP\tag_calamity.vp


Friday, November 15, 2013 5:05:30 PM
Color profile: Generic CMYK printer profile
Composite Default screen

n Kung ikaw ay nasa bundok o sa paanan ng burol,


lumayo sa mga maaaring daanan ng pagguho ng
lupa.
n Kung ikaw ay nagmamaneho, itigil at itabi ang
iyong sasakyan. Huwag kang pumarada sa ibabaw
at ilalim ng mga tulay, overpass, sa tabi ng poste, at
iba pang mga lugar na maaaring bumagsak sa iyong
sasakyan. Manatili ka sa loob ng iyong sasakyan.
n Kung ikaw ay nasa tabi ng dagat at naramdaman
mong lumilindol nang malakas na halos para bang
hindi ka makatayo, pumunta ka sa mga mas ma-
taas na lugar na malayo sa dalampasigan. Maaaring
magkaroon ng tsunami o mga higanteng alon.
n Huwag kang maniwala sa mga usap-usapan
lang. Sundin ang payo ng mga awtoridad.
Pagkatapos ng Lindol
n Kung ikaw ay nasa loob ng isang luma at ma-
hinang gusali, hanapin ang pinakamabilis na
lagusan papalabas, ngunit huwag mataranta. Lu-
mabas nang mahinahon. Huwag gumamit ng mga
elevator pababa, gamitin ang hagdanan. Tingnan
kung mayroon kang pinsala o ang iyong mga ka-
samahan.
n Siyasatin ang iyong paligid. Linisin ang mga na-
kakalat na mga kemikal, nakakalason at nasu-
sunog na mga bagay. Kung sakali mang may
nasusunog, patayin agad ito. Mainam na siyasatin
agad ang mga linya ng kuryente at tubig, at patayin
ang kuryente o valve ng tubig kung may nakitang
sira.
n Tumulong na mabawasan ang mga sakuna ng
lindol. Huwag nang pumasok sa mga bahagyang
nasirang gusali; maaaring ito’y bumagsak kapag
nagkaroon ng aftershock. Subaybayan ang balita sa

- 33 -

C:\Documents and Settings\TD-CAPASSIST5\Desktop\CALAMITY\2009 PORTION CALAMITY\1. VP\tag_calamity.vp


Friday, November 15, 2013 5:05:30 PM
Color profile: Generic CMYK printer profile
Composite Default screen

radyo o TV at sundin kung ano ang ipapayo ng


mga awtoridad.
n Kung hindi rin lang emergency, huwag ninyong
gamitin ang mga telepono upang tumawag sa mga
kamag-anak at kaibigan. Kakailanganin ito ng mga
awtoridad para sa mga emergency communications.
Ipahiram ang inyong mga cellphones kung kina-
kailangan. Huwag magmaneho sa mga nasalan-
tang lugar. Kailangan ng mga rescue at relief
operation workers ang maluwag na madadaanan sa
kalsada.
n Kung kayo ay lilikas, mag-iwan ng mensahe kung
saan kayo pupunta. Dalhin ninyo ang inyong earth-
quake survival kit para sa inyong proteksyon.

- 34 -

C:\Documents and Settings\TD-CAPASSIST5\Desktop\CALAMITY\2009 PORTION CALAMITY\1. VP\tag_calamity.vp


Friday, November 15, 2013 5:05:31 PM
Color profile: Generic CMYK printer profile
Composite Default screen

Ang Mga Sumusunod ay Mahihingan ng Tulong


kapag may Kalamidad

National Disaster Risk Reduction and Management


Council (NDRRMC)
( Manila: (02) 9111406 / (02) 9122665
(02) 9125668
( Cebu: (032) 2538730
( Leyte: (053) 3238453
( ARMM: (064) 4310547 / (064) 4250330
( Davao: (082) 2332022 / (082) 2330611

Philippine National Red Cross


( Manila: (02) 5270000
( Cebu: (032) 4124140 / 09209294645
( Davao: (082) 2276650 / (082) 2273949

Department of Social Welfare and Development (DSWD)


( Central Office: (02) 9318101 to 07
( Manila: (02) 7344116
( Cebu: (032) 2312172
( Davao: (082) 2262857

C:\Documents and Settings\TD-CAPASSIST5\Desktop\CALAMITY\2009 PORTION CALAMITY\1. VP\tag_calamity.vp


Friday, November 15, 2013 5:05:31 PM

You might also like