Instrumento Tungo Sa Kapayapaan: Modyul 2: Suring Titik
Instrumento Tungo Sa Kapayapaan: Modyul 2: Suring Titik
Bilang manunuri sa akdang ito, nahinuha ng taga-pagsuri na kahit ano man ang
pinaniniwalaan, estado o ipinaglalaban sa buhay bawat indibidwal ay walang ibang gusto
kundi mamuhay ng mapayapa’t matiwasay. Hindi ibig sabihin na rebelde sila ay gulo lang
talaga ang gusto nilang mangyari sa lipunan, tulad na lamang sa kwentong binasa ng
manunuri na noong nalaman ng kanyang mga kasamahan na may paparating na sundalo ay
nilisan nila ang lugar upang maiwasan ang gulo. Hindi rin ibig sabihin na wala ng pakialam
sa lipunan ang isang musmus na bata sapagkat kahit sa murang edad nito’y bukas ang mga
mata nito sa mga kaganapan sa kanyang kapaligiran.
“Bumanat uli siya ng takbo. Umalimbukay ang alikabok sa kanyang paanan, nag-init
ang kanyang ulo sa init ng araw at dumikit sa pawisang katawan ang kaniyang
kamiseta. Humihingal siya pagdating sa kanilang kubo”
Ang mga linya sa itaas na nagpapakita ng pagtakas ni Boy sa kaniyang klase upang
magtungo sa kanilang sityo at ipaalam sa kaniyang mga kasamahan ang posibleng giyera na
magaganap ang daan upang maiwasan o mapigilan ang di kaaya-ayang pangyayari mula sa
dalawang panig.
“Ang lupaing ito’y mahalaga para sa akin. Dito ko naitaguyod ang pag-aaral
ng aking mga anak. Kahit galo’t ipa na lamang ang anihin ko ngayon, hindi
ko pa rin ito iaalis sa akin”.
Ang akdang pinamagatang Wala Nang Lawin sa Bukid ni Tata Felipe na isinulat ni
Benigno R. Juan ay nagpapahayag ng pakiki-isa sa kalikasan ng pangunahing aktor sa
kwento. Ang mga katagang ito ang nagpapatunay na sinisimbolo ni Tata Felipe ang pagiging
maka-kalikasan sapagkat nagmamatigas siyang ibenta ang lupang minana niya sa kaniyang
mga ninuno. Mapapansin natin na mas gusto ni Tata Felipe na panatilihin ang kanyang lupa
sa bukid, kahit na hindi na marami ang kanyang ani dahil ang mga kemikal mula sa mga
pabrika na nakakaapekto sa kanyang mga pananim.
Sa aking pagsusuri sa akdang ito, naisip ko bigla yung sabi ng iba na noong nagsaboy
daw ng biyaya ang Diyos sa sanlibutan, isa ang Pilipinas sa mga sumalo nito kaya tinagurian
itong Pearl of the Orient Seas. Subalit base sa kwentong aking nabasa, mukhang nag-iba na
talaga ang ihip ng hangin kasabay ng modernisasyon at globalisasyon. Sa kabilang banda,
ang ginampanan ni Tata Felipe ay napakahalagang karakter sapagkat pinakita niya dito ang
pagmamahal sa kalikasan kahit na umabot sa punto na laging pagas ang kaniyang mga ani
buhat ng pabrikang pumagitna ng kaniyang lupain.
Sa ipinakitang pagtutol ni Tata Felipe na ipagbili ang kaniyang lupain kahit na anong
gawing panliligaw ni Ka Dama sa kanya ay nagpapatunay lamang ito nang kaniyang
pakikiisa sa kalikasan. Kahit na ang kaniyang kapaligiran ay nababalot na ng iba’t-ibang uri
ng pagbabago subalit nanatili pa rin ang kaniyang loob na alagaan ang kanyang lupain.
Ang desisyon ni Tata Felipe na panatilihin ang lupain nito’y napakalaking tulong para
sa pag preserba ng ating Inang Kalikasan sapagkat kahit papaano ay may tulong pa rin ito
upang mabalanse ang sariwang hangi’t polusyon.
MODYUL 2: SURING TITIK
Pangalan: Saladaga, Phea Nova
Kabuuang Iskor:
“Kung binabalak mong dumalaw sa Quiapo para mamili, tatlong bagay lang ang
pinakakailangan mong dalhin: pera, pasensya at disiplina.” “Sa tuwi-tuwinang
nakakaramdam ako ng kahit anong klaseng kahinaan, naaalala ko ang aking ina at
ang aming pakikipagsapalaran”.
Ang mga katagang ito ay nagmula sa isang maikling kwentong pinamagatang Alaala
ng Quiapo na isinulat ni Jamaica Jane Pascual taong 2005. Sinisimbolo ng akdang ito ang
kapayapaan na ginagampanan ng pangunahing karakter sa kwento sapagkat sa kabila ng
samo’t saring gulong kaniyang kinakaharap sa tuwing siyay nagtutungo sa Quiapo ay
natutunan niyang makibagay sa mga nagaganap sa kanyang paligid.