Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                

2ndSIM GEFIL1

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 43

UNIVERSITY OF MINDANAO

College of Arts and Sciences Education


Language Program

Physically Distanced but Academically Engaged

Self-Instructional Manual (SIM) for Self-Directed Learning (SDL)

Course/Subject: GEFIL 1/Panitikang Filipino

Name of Teacher:

THIS SIM/SDL MANUAL IS A DRAFT VERSION ONLY. THIS IS NOT FOR SALE
AND NOT FOR REPRODUCTION AND DISTRIBUTION OUTSIDE OF ITS
INTENDED USE. THIS IS INTENDED ONLY FOR THE USE OF THE STUDENTS
WHO ARE OFFICIALLY ENROLLED IN THE COURSE/SUBJECT.

EXPECT REVISIONS OF THE MANUAL.


College of Arts and Sciences Education
General Education - Language
2nd Floor, DPT Building, Matina Campus, Davao City
Phone No.: (082)300-5456/305-0647 Local 134

Talaan ng Nilalaman

Pahinang Preliminari
Course Outline 39
Course Outline Policy 39
Course Information 41
Linggo 4-6
Kabanata 3 Panahon ng Espanyol
Big Picture in Focus (ULOa) 43
Metalanguage 43-44
Essential Knowledge 45-48
Let’s Check Activities 1 50-52 BB’s quiz feature
Let’s Analyze Activities 1 53 BB’s assignment feature
Let’s Analyze Activities 2 53 BB’s assignment feature
Let’s Analyze Activities 3 53 BB’s assignment feature
In a Nutshell Activities 54 BB’s forum feature
QA List 55 BB’s discussion feature
Kabanata 4 Panahon ng Propaganda
Big Picture in Focus (ULOb) 56
Metalanguage 56
Metalanguage 56
Let’s Check Activities 60-62 BB’s quiz feature
Let’s Analyze Activities 1 63 BB’s forum feature
Let’s Analyze Activities 2 64 BB’s forum feature
In a Nutshell Activities 64 BB’s forum feature
QA List 65 BB’s forum feature
Kabanata 5 Panahon ng Himagsikan
Big Picture in Focus (ULOc) 66
Metalanguage 66
Essential Knowledge 66
Let’s Check Activities 1 68 BB’s quiz feature
Let’s Check Activities 2 69 BB’s quiz feature
Let’s Check Activities 3 72 BB’s quiz feature
Let’s Analyze Activities 72 BB’s assignment feature

37
College of Arts and Sciences Education
General Education - Language
2nd Floor, DPT Building, Matina Campus, Davao City
Phone No.: (082)300-5456/305-0647 Local 134

In a Nutshell Activities 73 BB’s forum feature


QA List 74 BB’s discussion feature
Online Code of Conduct 75
Second Examination Hunyo 26, 2020 BB’s quiz feature

38
College of Arts and Sciences Education
General Education - Language
2nd Floor, DPT Building, Matina Campus, Davao City
Phone No.: (082)300-5456/305-0647 Local 134

Course Outline: GEFIL 1 – Panitikang Filipino

Course Coordinator:
Email:
Student Consultation: Done by online (LMS) or thru text, call or email
Mobile:
Phone: (082) 3050647 loc. 118
Effectivity Date: June 2020
Mode of Delivery: Blended (On-Line with face to face or virtual sessions)
Time Frame: 54 Hours
Student Workload: Expected Self-Directed Learning
Requisites: None
Credit: 3
Attendance Requirements: A minimum of 95% attendance is required at all
scheduled Virtual or face to face sessions.

Course Outline Policy

Areas of Concern Details


Contact and Non-contact Hours This 3-unit course self-instructional manual is designed for
blended learning mode of instructional delivery with
scheduled face to face or virtual sessions. The expected
number of hours will be 54 including the face to face or
virtual sessions. The face to face sessions shall include
the summative assessment tasks (exams) since this
course is one of the general education subjects across
colleges.
Assessment Task Submission Submission of assessment tasks shall be on 3rd, 5th, 7th and
9th week of the term. The assessment paper shall be
attached with a cover page indicating the title of the
assessment task (if the task is performance), the name
of the course coordinator, date of submission and name of
the student. The document should be emailed to the
course coordinator. It is also expected that you already
paid your tuition and other fees before the submission of
the assessment task.

If the assessment task is done in real time through the


features in the Blackboard Learning Management System,
the schedule shall be arranged ahead of time by the
course coordinator.

Turnitin Submission (IF To ensure honesty and authenticity, all assessment tasks
NECESSARY) are required to be submitted through Turnitin with a
maximum similarity index of 30% allowed. This means that
if your paper goes beyond 30%, the students will either
opt to redo her/his paper or explain in writing addressed to
39

Policy and Procedural Information


College of Arts and Sciences Education
General Education - Language
2nd Floor, DPT Building, Matina Campus, Davao City
Phone No.: (082)300-5456/305-0647 Local 134

the course coordinator the reasons for the similarity. In


addition, if the paper has reached more than 30%
similarity index, the student may be called for a
disciplinary action in accordance with the University’s
OPM on Intellectual and Academic Honesty.

Please note that academic dishonesty such as cheating


and commissioning other students or people to complete
the task for you have severe punishments (reprimand,
warning, expulsion).
Penalties for Late The score for an assessment item submitted after the
Assignments/Assessments designated time on the due date, without an approved
extension of time, will be reduced by 5% of the possible
maximum score for that assessment item for each day or
part day that the assessment item is late.

However, if the late submission of assessment paper has


a valid reason, a letter of explanation should be submitted
and approved by the course coordinator. If necessary, you
will also be required to present/attach evidences.
Return of Assessment tasks will be returned to you two (2) weeks
Assignments/Assessments after the submission. This will be returned by email or via
Blackboard portal.

For group assessment tasks, the course coordinator will


require some or few of the students for online or virtual
sessions to ask clarificatory questions to validate the
originality of the assessment task submitted and to ensure
that all the group members are involved.
Assignment Resubmission You should request in writing addressed to the course
coordinator his/her intention to resubmit an assessment
task. The resubmission is premised on the student’s
failure to comply with the similarity index and other
reasonable grounds such as academic literacy standards
or other reasonable circumstances e.g. illness, accidents
financial constraints.
Re-marking of Assessment Papers You should request in writing addressed to the program
and Appeal coordinator your intention to appeal or contest the score
given to an assessment task. The letter should explicitly
explain the reasons/points to contest the grade. The
program coordinator shall communicate with the students
on the approval and disapproval of the request.

If disapproved by the course coordinator, you can elevate


your case to the program head or the dean with the
original letter of request. The final decision will come from
the dean of the college.
Grading System Course exercises – 30% (including BlackBoard forum)
1st exam – 10%
2nd exam – 10%
3rd exam – 10%
Final exam – 40%
Preferred Referencing Style (IF
APA 6th Edition
THE TASK REQUIRES)
40
College of Arts and Sciences Education
General Education - Language
2nd Floor, DPT Building, Matina Campus, Davao City
Phone No.: (082)300-5456/305-0647 Local 134

Student Communication You are required to create a umindanao email account


which is a requirement to access the BlackBoard portal.
Then, the course coordinator shall enroll the students to
have access to the materials and resources of the course.
All communication formats: chat, submission of
assessment tasks, requests etc. shall be through the
portal and other university recognized platforms.

You can also meet the course coordinator in person


through the scheduled face to face sessions to raise your
issues and concerns.

For students who have not created their student email,


please contact the course coordinator or program head.
Contact Details of the Dean Khristine Marie D. Concepcion. PhD
Email: khristinemarie_concepcion@umindanao.edu.ph
Phone: 082-3050647 local 134
Contact Details of the Program Edwin L. Nebria, EdD
Head Email: Edwin_nebria@yahoo.com
Phone: 082-3050647 local 134
Students with a Special Needs Students with special needs shall communicate with the
course coordinator about the nature of his or her special
needs. Depending on the nature of the need, the course
coordinator with the approval of the program coordinator
may provide alternative assessment tasks or extension of
the deadline of submission of assessment tasks. However,
the alternative assessment tasks should still be in the
service of achieving the desired course learning
outcomes.
Online Tutorial Registration (IF You are required to enroll in a specific tutorial time for this
NECESSARY) course via the www.case.edu.ph portal. You will attend
the tutotial sessions and take the pre and post test to
determine the progress. This can be done online or you
can call or text directly the course coordinator for
assistance if you do not have internet connection. Please
note that there is a deadline for enrollment to the tutorial.
Help Desk Contact Ronadora Deala
GSTC Head
Carizza Mari C. Tinanac
GSTC Facilitator
Email: crizzamari_tinanac@umindanao.edu.ph
Phone: 09778058911/09504665431/09058924090
Library Contact Brigida Bacani
HEAD- LIC
Norgel May I. Petinglay
Head-LIC
Email: library@umindanao.edu.ph
Phone 09513766681

Course Information – see/download course syllabus in the Black Board LMS

41
College of Arts and Sciences Education
General Education - Language
2nd Floor, DPT Building, Matina Campus, Davao City
Phone No.: (082)300-5456/305-0647 Local 134

CC’s Voice: Magandang buhay! Malugod ko kayong binabati para sa asignaturang


GEFIL 1: Panitikang Filipino na sumasaklaw sa pag-aaral ng iba’t ibang
anyo ng panitikan sa pamamagitan ng pagbasa sa ilang tekstong hango sa
iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas. Tatalakayin din ang mga mahahalagang
kaganapan sa iba’t ibang panahon ng kasaysayan ng panitikan sa
sambayanang Pilipino
Ang modyul na ito ay binuo upang magamit bilang sanggunian sa pag-aaral
ng Panitikang Filipino. Bagamat marami na ring aklat ang naisulat at
nalathala, naniniwala ang mga manunulat ng modyul na ito na
makatutulong pa rin ito sa pagtunghay ng mga mahahalagang
pangyayaring humabi sa kasaysayan ng lahing Pilipino na naging sanligan
ng ating kabihasnan at kalinangan.

CO: Sa pagtatapos ng kurso, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. Nakikilala ang kalinangang Pilipino at natatalos ang minanang yaman at taglay na
katalinuhan ng lahing ating pinagmulan.
b. Namumulat ang kamalayan at sensibilidad at natatamo ang magandang saloobin
at pagpapahalaga sa kagalingang hatid ng panitikan.
c. Naipapamalas ang pagpapahalaga sa akdang pampanitikan sa pamamagitan ng
madulang sabayang pagbigkas.

42
College of Arts and Sciences Education
General Education - Language
2nd Floor, DPT Building, Matina Campus, Davao City
Phone No.: (082)300-5456/305-0647 Local 134

Week 4-6: Unit Learning Outcomes (ULO): Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-
aaral
ay inaasahang:

a. Masigasig na natatalakay ang mga mahahalagang kaganapan sa panahon ng


Espanyol na may kinalaman sa paglinang ng ating panitikan;
b. Nailalahad nang may katalinuhan ang mga taong kasangkot sa pagbuo ng
panitikan sa panahon ng Propaganda; at
c. Malayang nakasasangkot sa talakayan hinggil sa kontribusyon ng bawat
manunulat sa panahon ng Himagsikan.

Kabanata 3
PANAHON NG ESPANYOL

Big Picture in Focus:


ULOa. Masigasig na natatalakay ang mga mahahalagang kaganapan sa panahon ng
Espanyol na may kinalaman sa paglinang ng ating panitikan.

Metalanguage

Sa bahaging ito, ang pinakamahalagang terminolohiya na may kaugnayan sa pag-


aaral ng panitikan ng Pilipinas sa panahon ng Espanyol ay ilalahad upang magampanan
ang ULOa. Mga terminong ating mapag-uusapan ay ilalahad sa paraang malinaw at
madaling maintindihan.

1. Abecedario ito ang alpabetong Romano na binubuo ng 30 letra at binigbikas ng


paKastila.
2. ekspedisyon
3. Tandang Basiong Macunat ito’y sinulat ni Padre Miguel Lucio Bustamante,
isang paring Pransiskano. Hindi minabuti ng mga Pilipino ang akdang ito dahil sa
pamamaraan ng pagpapayo ng may-akda na isinabibig ng kurang tauhan sa
nobela. Ang matsing daw suotan man ng makisig na pananamit ay matsing pa
rin. Ang tinutukoy ay ang mga kabataang pinapag-aral sa Maynila ng mga
magulang na natututo raw ng masasamang bisyo at nakakalimutan ang mga
tungkulin ng isang mabuting Kristiyano. Ang naturang mga kabataan ay
mananatiling masama kaya’t hindi na nararapat pang papag-aralin. Ipinalagay ng
mga nakabasang Pilipino na ang tinutukoy ay ang mga tinatawag ng mga Kastila
na mga “Indio”.
4. Philipe de Jesus ipinalalagay na siya ang kauna-unahang tunay na makata.
Siya’y isinilang sa San Miguel, Bulacan.

43
College of Arts and Sciences Education
General Education - Language
2nd Floor, DPT Building, Matina Campus, Davao City
Phone No.: (082)300-5456/305-0647 Local 134

5. Arte Poetico Tagalog isang aklat na isinulat ni Padre Francisco Buencuchillo


noong 185
6. Miguel Lopez de Legaspi kauna-unahang Kastilang gobernador-heneral n
7. Mga Akdang Pangwika

Arte y Regla de la Lengua Tagala Ito ang kauna-unahang aklat na


pangwikang nalimbag sa Tagalog na sinulat isinulat ni Padre Francisco de San
Jose sa tulong ni Tomas Pinpin, ang kauna-unahang manlilimbag na Pilipino.

Vocabulario dela Lengua Tagala Aklat ng talasalitaang Tagalog, ang


kauna-unahang talasalitaan na sinulat ni Padre Pedro de San Buenaventura
noong taong 1613.

Vocabulario dela Lengua Iloka kauna-unahang balarilang Iloko na sinulat


ni Francisco Lopez.

Vocabulario dela Lengua Bicolana kauna-unahang aklat sa Bicol na


sinulat ni Padre Marcos Lisba noong taong 1754.

Vocabulario dela Lengua Pampango kauna-unahang aklat pambalarila


sa Pampango na sinulat ni Padre Diego Bergana noong taong 1732

8. Mga Akdang Panrelihiyon

Doctrina Christiana kauna-unahang aklat panrelihiyon, ang laman ay ang


sampung utos ng Diyos, utos ng Santa Iglesia Katoliko, Pitong kasalanan Mortal,
Pangungumpisal at katesismo. Nina Padre de Placencia at Padre Domingo Nieva
(1593). (bilinggwal na katesismo; aklat ng mga panalangin atbp.) Tatlong
kopyang orihinal lamang ang natitira sa aklat na ito na matatagpuan sa Batikano,
sa Museo ng Madrid at sa Kongreso ng Estados Unidos. Nagtataglay lamang ng
87 pahina ang akdang ito subalit nagkakahalaga naman ng $5,000.

Nuestra Senora del Rosario Ikalawang aklat na nalimbag sa Pilipinas.


Naglalaman ito ng talambuhay ng mga santo, nobena at mga tanong at sagot
tungkol sa relihiyong Kristianismo ni Padre Blancas de San Jose (novenario;
aklat ng nobena/debosyon sa Mahal na Birhen) noong 1602 at nalimbag sa
Imprenta ng Pamantasan ng Sto. Tomas sa tulong ni Juan de Vera na isang
mestisong Intsik.

Pasyon aklat na naglalaman ng buhay at pagpapakasakit ni Hesus.


Ito ang karaniwang binabasa o inaawit tuwing Mahal na Araw. Nagkaroon
ng apat na bersyon sa Tagalog ang akdang ito at ang bawat bersyon ay
ayon na rin sa pangalan ng mga nagsisulat. Ang mga ito ay ang Version de
Pilapil (Mariano Pilapil), Version de Belen (Gaspar Aquino de Belen),
Version de la Merced (Aniceto de la Merced), at Version de Guia (Luis de
Guia). Isinasaalang-alang na pinakapopular ang Version de Pilapil.
44
College of Arts and Sciences Education
General Education - Language
2nd Floor, DPT Building, Matina Campus, Davao City
Phone No.: (082)300-5456/305-0647 Local 134

***Mga bersiyon ng Pasyon***


Gaspar Aquino de Belen (1704);
Don Luis de Guian (1750)
Padre Mariano Pilapil (1814)
Aniceto dela Merced (1856)

Barlaan at Josaphat isang akda na sinulat ni Padre Antonio de Borja


noong 1712. Itinuring na kauna-unahang nalimbag na nobela sa Pilipinas.

Urbana at Feliza aklat na sinulat ni Padre Modesto de Castro (Ama ng


Klasikang Tuluyan sa Tagalog) pagsusulatan ng dalawang magkapatid, sina
Urbana at Felisa mangaral sa mga kabataan sa siyudad at sa lalawigan tungkol
sa mga pag-uugali, kilos at makabagong kabihasnan.

Essential Knowledge
Upang magampanan ang nasabing ULO’s
para sa ikaapat at ikalimang linggo ng asignaturang ito, kailangan mong maunawaan ang
sumusunod na Essential Knowledge
na ilalatag sa susunod na pahina. Alalahanin na hindi kayo pinagbabawalang gumamit
ng ibang batayang makikita sa ating silid aklatan gaya ng ebrary, search.proquest.com
at iba pa.

Kaligirang Kasaysayan

Panoorin ang isang video clip


https://drive.google.com/open?id=1c7UjvmRv-viaoykwZp91MhY9balqyRn_

Ilan sa mga aral na tinatalakay sa Urbana at Feliza:


1. Pakikipagkapwa tao – dapat laging kumilos nang may pagpakumbaba, paggalang, at
pag-ibig sa magulang at sa kapwa.
2. Pagpasok sa paaralan – dapat pabasbas ang bata sa magulang bago pumasok sa
paaralan. Dapat na tuloy-tuloy sa paaralan at huwag makialam sa away o kaguluhan
sa daan.
3. Pakikipag-kaibigan – dapat na taus-puso at hindi paimbabaw ang pagbibigay-puri sa
kaibigan.
4. Kahinhinan ng babae – huwag magdadamit ng manipis, maiksi, at maluwang ang
gupit sa leeg.
5. Kalinisan – ang pumanhik sa bahay nang may bahay ay dapat munang maglinis o
magpunas sa sapin ng paa bago pumanhik sa bahay.
6. Pag-iingat ng ina sa anak na babae – pinapayo ng pari na huwag hayaang mag-isa
ang anak na babae sa piling ng kasintahans

45
College of Arts and Sciences Education
General Education - Language
2nd Floor, DPT Building, Matina Campus, Davao City
Phone No.: (082)300-5456/305-0647 Local 134

Mga Kantahing Bayan

1. Leron-Leron Sinta (Tagalog)

2. Sarung Banggi (Bikol)

3. Pamulinawen (Iloko)

4. Dandansoy (Bisaya)

5. Atin Cu Pung Singsing. (Kapampangan)

Pakinggan ang mga kantahing bayan mula sa

https://www.youtube.com/watch?v=firHRhLsprc
https://www.youtube.com/watch?v=asdbvqbkfh0
https://www.youtube.com/watch?v=EqCea3s1UC4
https://www.youtube.com/watch?v=ZnZ9Qb4XgqU (Tagalog version)
https://www.youtube.com/watch?v=F3G5CKxen5U
https://www.youtube.com/watch?v=gVZgJGC8u2k

Mga Dulang Panrelihiyon

1. Karagatan hango sa isang alamat ng isang dalagang nahulog ang singsingsing sa


dagat, at ang sinumang binatang makakakita nito ay siyang pakakasalan ng dalaga.
2. Duplo ginagawa sa pamamagitan ng pagtatalo, nagpapakita ng kahusayan sa
paghahati ng taludtod
3. Juego de Prenda ginagawa bilang libangan habang naglalamay sa patay.
4. Karilyo (Puppet show) anino ng mga tau-tauhang gawa sa karton na nasa likod ng
puting tabing na iniilawan ng gasera/lamp sa likuran nito.
5. Tibag (ukol sa paghahanap ni Emperatris Santa Elena sa krus ni Kristo)
6. Salubong ginagawa tuwing Pasko ng Pagkabuhay
7. Panunuluyan (ukol sa paghahanap ng matutuluyan ng Banal na Mag-anak sa
panahong kagampan/manganganak na ang Birheng Maria)
8. Senakulo (ukol sa pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ng
Panginoong Hesukristo)
9. Panubong pagbigkas o pag-awit ng isang mahabang tula nagpaparangal sa isang
panauhin o may kaarawan na ginaganap sa tahanan ng taong paparangalan.
10. Alay o Flores de Mayo pag-aalay ng bulaklak kay Birhen Maria kasabay ng pag-
awit ng dalit o awit ng papuri.
11. Pangangaluluwa ginagawa sa gabi ng pista ng mga Patay o Todos los Santos
12. Moro-Moro/Komedya isang magarbong presentasyon na isinasagawa sa tanghalan
na itinayo sa lansangan. Ginamit na kasangkapan upang ipalaganap ang
Kristyanismo. Romantisista at may Kanluraning tagpuan/setting.
13. Zarzuela isang musikal o melodramang may 3 yugto at umiikot sa iba’t ibang paksa
gaya ng pag-big, paninibugho, paghihiganti

46
College of Arts and Sciences Education
General Education - Language
2nd Floor, DPT Building, Matina Campus, Davao City
Phone No.: (082)300-5456/305-0647 Local 134

Mga Patulang Pasalaysay

Awit at Korido kapwa patulang pasalaysay tungkol sa katapangan, kabayanihan,


kababalaghan, at pananampalataya ng mga tauhan. Ang mga paksa ay kadalasang hango sa
kaligiran o kulturang Europiano, magkaiba lamang ito sa bilang ng pantig bawat taludtud.

Korido may walong pantig at binigkas nang mabilis. Ang akdang Don Juan Teñoso at
Ibong Adarna ay mga halimbawa nito. Samantalang ang awit ay may labindalawang pantig at
marahan naman ang pagbigkas. Ang Florante at Laura ang tiyak na halimbawa ng nito.

Naging kilala ang awit at korido dahil sa sumusunod na mga dahilan:

1. Kulang ang mga babasahin, libangan, at panoorin ang mga tao. Walang
nakapagbibigay ng interes sa kanila.

2. Tanging ang pinapayagang babasahin at panoorin lamang ng Komite de Sensura ay


yaong may kaugnayan sa pananampalataya at kagandahang-asal.

3. Ang iba pang panoorin gaya ng komedya at iba pang dula ay minsan lamang
napapanood gaya ng pista at taunang okasyon o selebrasyon.

4. Ginagamit din ng Simbahan ang awit at korido upang lalong mapabilis ang
pagpapalaganap ng Kristiyanismo dahil may kaugnayan ang mga ito sa
pananampalataya.

Jose dela Cruz nakilala sa bansag na Huseng Sisiw at kilalang Hari ng mga makata sa Tondo.
Siya ang sumulat ng Ibong adarna, Bernardo de Carpio, Doce pares de Francia, at iba pa.

Francisco Baltazar o Balagtas nakilala sa tawag na Kikong Balagtas. Ang akdang Florante at
Laura, Orosman at Zapira, La India Elegante y El Negrito Amante ay ilan sa mga sikat niyang
obra.

Sipi mula sa koridong Don Juan Tenoso

Dahil sa pinalaya ni Don Juan ang higanteng ikinulong ng kanyang ama sa kaharian
ng Valencia ay pinalayas siya nito. Dala-dala ang mahiwagang panyo na ibinigay ng higante
at habang siya’y nagbabalat-kayo bilang isang matandang sugatan ay nagpunta si Don Juan
sa kaharian ng Ungria kung saan ay kinupkop siya ng hardinero dito. Dumating ang araw ng
pagpili sa mapapangasawa ng apat na babaeng anak ng hari ng Ungria at si Don Juan ang
nakasalo ng Granada ni Flocerfida, subalit sa galit ni Haring Diego sila’y pinalayas at
nanirahan sa kubo ng hardinero. Isang araw ay nagkasakit ang hari at ang tanging lunas
lang ay ang gatas ng leon at dito’y naggayak ang prinsipeng si Don Juan at ibinigay ang
gatas sa tatlong manugang kapalit ng pagtatak na nagsasabing sila’y alipin nito. Sunod
naman ay ang paglusob ng mga moro at dito’y natalo ang mga manugang ngunit mabuti na
lamang at dumating ang mga higante at sila’y tinulungan kapalit ng granada ng kanilang mga
asawa.

47
College of Arts and Sciences Education
General Education - Language
2nd Floor, DPT Building, Matina Campus, Davao City
Phone No.: (082)300-5456/305-0647 Local 134

Sipi mula sa koridong Kabayong Tabla

Sa Kaharian ng Valencia may isang hari si Haring Mendoza. Mayroon siyang mabuti,
masunurin at makisig na anak na nagngangalang Don Juan. Matanda na siya kaya gusto na
niyang magpakasal na ang kaniyang anak. Subalit ayon sa anak wala pa siyang
napupusuan. Naglilibot ang hari sa buong kaharian, nakausap niya ang isang maningning na
tala, sinabi niya sa anak na may isang napakagandang dilag na nagngangalang Donya Maria
sa kahariang Asturia. Nasiyahan si Don Juan sa balita ng ama at humingi siya ng bendesyon
sa ama upang magtungo sa Asturia. Nagpagawa siya ng kabayong tabla para masasakyan
patungong Asturia.

Dumating si Don Juan sa Asturia. Nakituloy siya sa isang bahay, nagpanggap siyang
karaniwang tao lamang, pumunta siya sa palasyo at hinanap ang pintor ng kaharian
nagpagawa siya rito ng tatlong larawang ginagawa ng prinsisa gaya ng habang
naghihilamos, kumakain, at kung nasa silid. Nang matapos ang larawan, pinuntahan niya
ang prinsisa sa tore. Nagulat ang prinsisa, ikinukuwento niya ang kanyang pakay at sila’y
nagkaunawaan. Subalit nahuli silang dalawa at bilang parusa, sila ay ipapatay ng hari.
Subalit bago sila patayin, hiniling ni Don Juan na kung maari ay makita niya muna ang
kanyang kabayong tabla at ibinigay naman ang kahilingang ito, sa isang iglap sila ay
nakatakas.

Bumalik sila sa kaharian ng Valencia sakay ng kabayong tabla. Nang malapit na sila
sa palasyo, pinakiusapan ni Don Juan si Cleopardo na bantayan muna ang prinsisa at
titingnan muna niya ang kalagayan ng kanyang ama. Habang wala ang hari, nabighani si
Cleopardo sa kagandahan ng prinsisa. Siniraan niya ang prinsipe sa prinsisa at ito nama’y
naniwala. Nang dumating si Don Juan kasama ang amang hari nagulat siya nang makitang
wala na sina Prinsisa at Cleopardo. Sa pag-aakala ng ng ama na niloko lamang siya ng
kanyang anak, hinatuklan ng kamatayan si Don Juan subalit sa pakiusap ng kondeng si Don
Pedro, napalaya si Don Juan.

Samantala, masayang-masaya si Cleopardo dahil napasakanya na ang kagandahan


ng prinsisa. Nagpunta sila sa Navarra, sa isang liblib na pook. Nang wala na silang makain
ipinagbili ni Cleopardo ang prinsisa sa merkader. Nakatakas si Prinsisa Maria sa merkader
subalit nakasalubong naman niya ang tatlong prinsipe, sina Don Pedro, Don Guzman at Don
Roman. Nais siyang pagsamantalahan ng tatlo, subalit sinabi ni Prinsisa Maria na ang
unang makuha ng ibon sa dulo ng burol ay siya niyang sasamahan. Nakakuha ng
pagkakataon ang prinsisa na makatakas. Isinuot niya ang mga naiwang damit ng mga
prinsipe at ninakaw ang isa nilang kabayo. Sa kanyang paglalakbay nakarating siya sa
kaharian ng Granada na noon ay kamamatay lamang ng hari. Nagpulong-pulong ang mga
opisyal kung sino ang mamumuno sa kanilang kaharian. Nagpanggap si Prinsisa Maria na
siya ay si Don Mariano, dahil sa kasuotan at tikas ng kanyang tindig, siya ang hinirang na
maging hari ng kahariang Granada.

Isang araw nag-utos si Don Mariano na isabit sa labas ang tatlong larawang
ipinapinta ni Don Juan at ibinilin niya na ang sinumang makakilala sa larawan ay dalhin agad
sa kanya. Unang nakakita ay si Cleopardo. Nang makilala ng hari ang taong nagsamantala
sa kanya, inutos niyang siya ay sunugin. Sumunod ay ang tatlong prinsipe at sila’y pinapatay

48
College of Arts and Sciences Education
General Education - Language
2nd Floor, DPT Building, Matina Campus, Davao City
Phone No.: (082)300-5456/305-0647 Local 134

under
licensed
Author is
Unknown
din. by

Samantala sa kahahanap kay prinsisa Maria, nagmukhang payat at matanda si Don Juan
dahil sa kahabaan ng balbas. Sa kalalakad ay narating niya ang kaharian ng Granada.
Nakita niya ang larawan at dinala siya sa hari. Ipinagtatapat niya sa hari ang lahat ng
nangyari. Nabatid ni Don Mariano na si Don Juan ay nagsasabi ng totoo at naisip niya na ito
ang lalaking kanyang matagal na minahal. At dahil dito, inalis ni Don Mariano ang kanyang
balatkayo at nagbigla si Don Juan.

Nagtapos ang paghihirap ng dalawa, at nagkasundu-sundo ang kanilang mga


magulang. At sila’y namuhay nang maligaya at mapayapa.

Self-Help:
You can also refer to the sources below to help you further understand the
lesson:

*Argonza, M. V., Bongalon, Y. L., Gonzales, J.O., Tabirao, E. A. 2014. Tudla:Binagong edisyon.
Quezon City: Philippine Educational Publishers Association.
*Baldonado, Riza B. 2013. Readings from world literature:understanding people’s cultures
traditions and beliefs. Quezon City: Great Books Publishing.
*Cabasaan, W., Caranto, A. Magtibay, P. 2014. Appreciating Philippine contemporary
literature. Malabon City: Junezyville Publications.
*Espina, L., Plasencia, N., Ramos, V., & Villena, J. 2014. Literatura ng Iba’t ibang rehiyon ng
Pilipinas (Ikalawang edisyon). Manila: MINDSHAPERS CO., INC.
* Limpot, Marilou Y, Dela Salde, Marsan S., Napil, Melissa C., Oliva, Elleine Rose A., Bayani,
Rammel T.,Solatorio, Lilian B., Cuevas, Alma B. and Palma, Reita C. Cahucom, Gina G.
2018. Panitikang Filipino. Malabon City: MUTYA Publishing Co. Inc.
*Rodil, R. C. 2014. Heritage of world literature: poetry selection, Philippines. Mandaluyong
City: Books Atbp Publishing Corp.
https://drive.google.com/open?id=1c7UjvmRv-viaoykwZp91MhY9balqyRn_
https://drive.google.com/open?id=1Ck5FnP1d-oiwYTsOWpquoDP0x1R8C_Zl
Buod ng Haring Patay https://akire-418.livejournal.com/2008.html

49
College of Arts and Sciences Education
General Education - Language
2nd Floor, DPT Building, Matina Campus, Davao City
Phone No.: (082)300-5456/305-0647 Local 134

LET’S CHECK!
Pagsasanay 1. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag at sagutin ang hinihinig ng bawat
bilang. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Siya ang Ama ng Klasikang Tuluyang sa Tagalog.


a. Julian L. Aguilar
b. Jose dela Cruz
c. Modesto de Castro
d. Jose P. Rizal
2. Ito ang itinuring na kauna- unahang nobela nalimbag sa Pilipinas.
a. Barlaan at Josaphat
b. Urbana at Feliza
c. Ang pasyon
d. Ang Doctrina Cristiana
3. Ang kauna- unahang akdang panrelihiyonh nalimbag sa Pilipinas.
a. Barlaan at Josaphat
b. Urbana at Feliza
c. Ang pasyon
d. Ang Doctrina Cristiana
4. Ito ay patulang pagtatalo na binubuo ng mga belyako at belyaka.
a. Karilyo
b. Duplo
c. Panubong
d. Tibag
5. Siya ang kauna- unahang manlilimbag sa Pilipinas.
a. Francisco Baltzar
b. Jose dela Cruz
c. Modesto de Castro
d. Tomas Pinpin
6. Dulang nagpaparangal sa isang panauhin o may kaarawan.
a. Panubong
b. Karilyo
50
College of Arts and Sciences Education
General Education - Language
2nd Floor, DPT Building, Matina Campus, Davao City
Phone No.: (082)300-5456/305-0647 Local 134

c. Tibag
d. Zarzuela
7. Isang dulang musikal na naglalarawan ng pang- araw- araw na buhay ng mga Pilipino at
iba’t- ibang masisidhing damdamin.
a. Panubong
b. Karilyo
c. Tibag
d. Zarzuela
8. Isa siyang manunulat na nakikila sa bansag na Huseng Sisiw.
a. Francisco Baltazar
b. Jose Dela Cruz
c. Modesto de Castro
d. Tomas Pinpin
9. Ito ang dulang may kaugnayan sa pagpapagalaw ng mga kartong hugis- tao na itatanghal
sa likod ng puting kumot.
a. Panubong
b. Karilyo
c. Tibag
d. Zarsuela
10. Isang aklat na nagsasalaysay ng paghihirap at pagpapakasakit ni Hesukristo.
a. Pasyon
b. Karilyo
c. Tibag
d. Zarsuela
11. Siya ang sumulat ng Florante at Laura.
a. Francisco Baltazar
b. Jose dela Cruz
c. Modesto de Castro
d. Tomas Pinpin
12. Ito ang isang kwentong naglalaman ng liham ng dalawang magkaotid.
a. Barlaan at Josaphat
b. Urbana at Feliza
c. Ang pasyon
d. Ang Doctrina Cristiana
13. Ito ang isang dulang nagpapakita ng paglalabanan ng Kristiyano at Muslim.
a. Pasyon
b. Karilyo
c. Moro-moro
d. Zarzuela
14. Ang dulang tumutukoy sa paghahanap nina Reyna Elena at Haring Constantinosa
pinagpakuang krus ni Kristo.
a. Pasyon
b. Karilyo
c. Tibag
d. Zarzuela
15. Ito ang dulang isinasagawa tuwing Todos los Santos.
a. Pasyon
b. Karilyo

51
College of Arts and Sciences Education
General Education - Language
2nd Floor, DPT Building, Matina Campus, Davao City
Phone No.: (082)300-5456/305-0647 Local 134

c. Tibag
d. Pangangaluluwa
16. Nagbabalat kayo siyang matandang sugatin.
a. Don Juan
b. Negra
c. Don Diego
d. Don Pedro
17. Siya ang nagtatanggal ng kahuli- hulihang aliler sa ulo ng haring patay.
a. Don Juan Tenoso
b. Negra
c. Urbana at Feliza
d. Josaphat
18. Tinaguriang Prinsipe ng KAgubatan sa Koridong.
a. Don Juan Tenoso
b. Don Pedro
c. Don Gonzalo
d. Josaphat
19. Sino sa magkakapatid ang pumunta sa Maynila upang doon mag-aral.
a. Don Juan Tenoso
b. Negra
c. Urbana
d. Josaphat
20. Ano ang pamagat ng tekstong “Itinakas niya ang magandang prinsesa”.
a. Don Juan Tenoso
b. Kabayong Tabla
c. Urbana
d. Josaphat
21. Siya ang nagtakas sa magandang prinsesa.
a. Don Juan Tenoso
b. Kabayong Tabla
c. Cleofardo
d. Josaphat
22. Siya ay nakasaksi nang ang prinsesa ng kahariang Alejandria ay ipinakasal sa Haring
Patay.
a. Don Juan
b. Don Pedro
c. Cleofardo
d. Don Diego
23. Sino ang sumalo sa granadang inihagis ni Flocerpida?
a. Don Diego
b. Don Juan
c. Don Pedro
d. Don Gonzalo
24. Ito ang tinutukoy na magpapagaling sa sakit ng hari .
a. gatas ng baka
b. gatas ng kambing
c. gatas ng kalabaw
d. gatas ng leona

52
College of Arts and Sciences Education
General Education - Language
2nd Floor, DPT Building, Matina Campus, Davao City
Phone No.: (082)300-5456/305-0647 Local 134

25. Siya ang pinakamaganda sa apat na magkakapatid.


a. Donya Maria
b. Flocerpida
c. negra
d. Reyna Maria

Pagsasanay 2. Panuto : Sagutin ang tanong ng hindi bababa ng 100 salita.

Bakit pinagsikapang matutuhan ng mga Espanyol ang ating katutubong wika?

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

LET’S ANALYZE

Gawain 1. Ihambing ang ritwal na isinagawa ng mga unang Pilipino sa paraan ng paglalamay na
ginagawa natin sa kasalukuyan. Alin ang higit na kanais-nais na gawain? Bakit?

_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________

Gawain 2. Batay sa mga pangunahing tauhang kabilang sa akdang Urbana at Feliza, anong mga
kahalagahang pantao ang pangunahing binigyang-diin ng mga Espanyol na malinang sa mga
Pilipino?

_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

53
College of Arts and Sciences Education
General Education - Language
2nd Floor, DPT Building, Matina Campus, Davao City
Phone No.: (082)300-5456/305-0647 Local 134

Gawain 3. Sa kasalukuyan, ano ang pangunahing layunin ng isang taong humahawak ng


katungkulan?

_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

IN A NUTSHELL

Ating tandaan na ang pananakop ng mga Espanyol sa ating bansa anaging daan ng
maraming pagbabago sa buhay ng mga Pilipino. Nagbago ang paksa ng ating panitikan,
tinangkilik ang relihiyong katolisismo, may ilang Pilipino ang nakapag-aaral at nakakuha ng
kursong medisina, abukasya, agrikultura at pagiging maestro. Natutong magdiwang ng mga
kapistahan blang parangal sa mga santo.

Ano ang naging bunga ng pagnanais ng mga Espanyol na matutuhan ang mga wika sa
Pilipinas?

1. _______________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

2. _______________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

Q & A LIST

Mga Tanong/Isyu Sagot


54
College of Arts and Sciences Education
General Education - Language
2nd Floor, DPT Building, Matina Campus, Davao City
Phone No.: (082)300-5456/305-0647 Local 134

KEYWORD INDEX

Mga Akdang Pangwika Mga Akdang Panrelihiyon

 Arte y Regla de la Lengua Tagala Doctrina Christiana


Tagalog Nuestra Senora del Rosario
 Vocabulario dela Lengua Tagala Pasyon
 Vocabulario dela Lengua Iloka Mga bersiyon ng Pasyon
 Vocabulario dela Lengua Bicolana Gaspar Aquino de Belen (1704);
 Vocabulario dela Lengua Pampango Don Luis de Guian (1750 )
Padre Mariano Pilapil (1814)
Aniceto dela Merced (1856)
Mga Kantahing Bayan
Barlaan at Josaphat
Urbana at Feliza
 Leron-Leron Sinta (Tagalog)
 Sarung Banggi (Bikol)
 Pamulinawen (Iloko) Mga Dulang Panrelihiyon
 Dandansoy (Bisaya) Karagatan
 Atin Cu Pung Singsing. (Kapampangan)  Duplo
 Juego de Prenda.
 Karilyo (Puppet show)
 Tibag
 Salubong
 Panunuluyan

55
College of Arts and Sciences Education
General Education - Language
2nd Floor, DPT Building, Matina Campus, Davao City
Phone No.: (082)300-5456/305-0647 Local 134

 Senakulo
 Panubong
 Alay o Flores de Mayo
 Pangangaluluwa
 Moro-Moro/Komedya
 Zarzuela

Kabanata 4
PANAHON NG PROPAGANDA

Big Picture in Focus:


ULOb. Masigasig na natatalakay ang mga mahahalagang kaganapan sa panahon ng
Propaganda na may kinalaman sa paglinang ng ating panitikan.

Metalanguage

Sa bahaging ito, ang pinakamahalagang terminolohiya na may kaugnayan sa pag-aaral


ng panitikan ng Pilipinas sa panahon ng Propaganda ay ilalahad upang magampanan ang
ULOb. Mga terminong ating mapag-uusapan ay ilalahad sa paraang malinaw at madaling
maintindihan.

1. Suez Canal isang artipisyal na ilog na 10 taong ginawa sa Ehipto na nag-uugnay sa


Dagat Mediterano at Red Sea
2. Gobernador Henral Carlos Ma. dela Tore sa kanyang pamumuno umusbong ang
diwang liberalismo ng mga Pilipino
3. Kilusang Propaganda isang kilusang binuo ng mga pangkat ng mga intelektuwal sa
gitnang uri tulad nina Jose Rizal, Marcelo H. del Pila, Graciano Lopez-Jaena, Antonio
Luna, Mariano Ponce, Jose Ma. Panganiban, Pedro Paterno
4. sekularisasyon pagbabago ng isang lipunan mula sa pinapahalagahang panrelihiyon
patungo sa mga pinapahalagahang hindi panrelihiyon at mga secular na institusyon
56
College of Arts and Sciences Education
General Education - Language
2nd Floor, DPT Building, Matina Campus, Davao City
Phone No.: (082)300-5456/305-0647 Local 134

5. asimilasyon proseso kung saan ang isang grupo tumatagal sa kultura ta iba pang
mga katangian ng isang mas malaking grupo.
6. kura paroko pinakamataas na pari sa isang simbahan at tagapangasiwa ng mga
gawain na may kinalaman sa simbahan
7. Maximo Viola pinagkalooban ni Rizal ng orihinal na manuskrito ng Noli Me Tangere.
8. Caiingat Cayo isang akdang sinulat ni Padre Rodriguez na tumuligsa sa lahat ng mga
Pilipino na bumasa ng akdang Noli Me Tangere
9. Diariong Tagalog pahayagang itinatag ni del Pilar na pinaglathalaan niya ng kanyang
mga puna at pansin sa hindi mabuting pamamalakad ng pamahalaan.
10. El Grito del Pueblo (Tinig ng Bayan) pahayaganag itinatag ni Pascual Poblete ng
makabalik pagkataos itapon sa Africa.

Essential Knowledge

Upang magampanan ang nasabing ULO’s para sa ikaapat at ikalimang linggo ng


asignaturang ito, kailangan mong maunawaan ang sumusunod na Essential Knowledge na
ilalatag sa susunod na pahina. Alalahanin na hindi kayo pinagababawalang gumamit ng ibang
batayang makikita sa ating silid aklatan gaya ng ebrary, search.proquest.com at iba pa.

Kaligirang Kasaysayan

Ang panitikan sa panahong ito ay karaniwang…

 Humuhubog ng sariling pagkakakilanlan ng mga Pilipino (pinauso ang pagtukoy


sa mamamayan ng Pilipinas na Filipino; ikinarangal ang pagiging indio)
 Nakasulat sa Espanyol (sapagkat nais nilang magbago ang mga Kastila; hindi Pa nila
nais na maging malaya ang Pilipinas)
 at lantarang humihingi ng pagbabago sa sistema ng pamamalakad

Tatlong haligi ng Panitikang Propagandista

***Jose Rizal***

1. Sa Aking mga Kababata


isang tulang nagpapakita ng pagmamahal ni Rizal sa sariling bayan
2. Noli Mi Tangere
isang nobelang hayagan ipinakita ang masamang pamamalakad ng mga
Espanol sa Pilipinas at ang maling kalakaran sa lipunan na para sa kanya ay
isang malubhang sakit na gaya ng sakit na kanser. Ang sakit na ito ng lipunan ay
kailangang agad malunasan dahil kung hindi ay baka maging malala at magdulot
pa ito ng malaking kapahamakan sa bayan at sa mga mamamayan nito, maging
sa mga namumuno nito.
3. El Filibusterismo
isang nobelang pampolitika na lantaran paglarawan at pagtuligsa sa mga
kasamaan at katiwalian sa pamahalaan, gayundin ng simbahan na nagtataglay rin
ng kapangyarihang mamuno sa bayan
4. Mi Ultimo Adios (Ang Huling Paalam)
57
College of Arts and Sciences Education
General Education - Language
2nd Floor, DPT Building, Matina Campus, Davao City
Phone No.: (082)300-5456/305-0647 Local 134

isang tulang isinulat ni Rizal habang nasa lobb ng Fort Santiago. Ang
tulang ito ay nakatago sa kusinilyang de alcohol na ibinigay niya kay Trinidad. Si
Padre Mariano Dacanay ang nagbigay ng pamagat na Mi Ultimo Adios.
5. A La Juventud Filipina (Sa Kabataang Pilipino)
isang tulang ito ay lahok ni Rizal sa isang timpalak sa UST. Binigyang-diin
niya sa tulang ito ang pagpapahalga ng mga kabataan sa edukasyon at ang
pagpapaunlad ng kanilang
6. Sobre La Indolencia de los Filipinos (Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino)
isang sanaysay na tumalakay sa mga kadahilanan ng palasak na turing sa
mga Pilipino na tamad. Sinabi niyang sadyang masisipag ang mga Pilipino at iyan
ay mapatutunayan sa pamamagitan ng magaganda at masasaganang pananim ng
mga Pilipino.
7. Filipinas Dentro De Cien Años (Ang Pilipinas sa Loob ng Sandaang Taon)
isang sanaysay na naglalaman ng mga hula o prediksyon sa Pilipinas sa
darating na panahon gaya ng pagkakaroon ng interes ng Amerika.
8. Karangalan nina Luna at Hidalgo
isang talumpating inalay ni Rizal bilang parangal sa mga Pilipinong
nagkamit ng karangalan sa pagpipinta sa Pambansang Ekspososyon sa Madrid
noong 1884.
9. Amor Patrio (Ang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa)
isang sanaysay na sinulat sa Spain at nagbibigay diin na walang ibang
bayan para sa mga Pilipino kundi ang Pilipinas.
10. Liham sa mga Kaana kat Kaibigan
masasalamin sa liham ni Rizal ang taimtim na pagmamahal sa
kanyang magulang at sa kanyang bayan, ang pagbabago ng kanyang mga
kasalanan, at ang kanyang mga pagpapasakit para sa kanyang mga mithiin
at layunin para sa bayan.
11. Pangitain ni Padre Rodriguez ( La Vision de Fray Rodriguez) at Por Telefono
akdang satariko na tumuligsa sa kasamaan at pagsasamatala ng mga
pryale sa mga Pilipino at ang paggamit ng relihiyon para sa kanilang pansariling
kapakanan.

12. Sa Mga Kababaihang Taga-Malolos


isang liham na bumabati sa mga kababaihan sa Malolos dahil sa kanilang
paninindigan nila matuto. Ipinaalaala niya ang mga tungkuling dapat gampanan ng
isang mabuting asawa at ina ng tahanan.

***Marcelo H del Pilar***

1. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa


isang salin sa tula ni Rizal na Amor Patrio na nalathala sa Diariong Tagalog
2. Caiigat Cayo
isang satirikong bersyon sa akdang sinulat ni Padre Jose Rodriguez na
Cainggat Cayo. Tinuligsa ni del Pilar ang sinabi ni Padre Rodriguez ang mga
Pilipinong nakabasa ng Noli Me Tangere ay nagkasala ng mortal at nagsabing ano
ang nagging batayan ni Padre Rodriguez ang mga pahayag na yaon.
58
College of Arts and Sciences Education
General Education - Language
2nd Floor, DPT Building, Matina Campus, Davao City
Phone No.: (082)300-5456/305-0647 Local 134

3. Dasalan at Tocsohan
kalipunan ng mga kahawig na dasal na itinuro ng mga prayle sa mga
Pilipino.

isa sa mga akdang laman ng Dasalan at Tocsohan

“Amain naming sumaconvento ka, sumpain ang ngalan mo, malayo sa amin, ang
kasakiman mo, quitlin ang liig mo dito sa lupa para nang sa langit. Saulan mo cami ngayon nan
gaming caning iyong inarao-arao at patawarin mo cami sa iyong pag-ungal para ng taua mo
kung kami’y nacucualtahan, at huwag mo caming ipahintulot sa inyong manunucso at iadya mo
cami sa masama mong dila. Amen.

4. Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas


isang tulang tugon sa tulang isinulat ni Herminigildo Flores Ang Hibik ng
Pilipinas sa Inang Espanya na binubuo ng 82 taludtod, naglalayong humingi ng
mga pagbabago sa Espanya ngunit ipinahayag na walang ano mang tulong na
maipagkaloob ito.
5. Cadaquilaan ng Dios
isang sanaysay na tumutuligsa sa mga prayle at nagpapakilala ng matibay
na pananalig sa Dios, sa Kanyang kadakilaan dahil sa biyayang dulot ng kalikasan
na ipinagkaloob niya sa atin. Siya ay isang Katoliko subalit hindi panatiko.

***Graciano Lopez
Jaena***

1. Fray Botod
isang maikling nobelang naglalarawan sa mga prayleng dumating sa
Pilipinas. Inilarawan ang mga bisyo ng mga prayle, binanggitrin ang
pagpapabayad ng mahal sa pagpapalibaing s mga patay, ang pagpapautang na
may malaking tubo at ang pagbiigay ng msamang huwaran sa mga mamamayang
Pilipino.
2. El Bandolerismo en Pilipinas
binigyang-diin sa akdang ito na ang mga bandido sa Pilipinas sa
panahong iyon ay ang mga prayle at ang mga taong nasa pamahalaan.
3. Sa Mga Pilipino
isang talumpating ang layunin ay mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino
4. La Hija del Fraile
isang akdang nang-uuyam sa masasama at mahahalay ng mga Gawain ng
mga prayle.

59
College of Arts and Sciences Education
General Education - Language
2nd Floor, DPT Building, Matina Campus, Davao City
Phone No.: (082)300-5456/305-0647 Local 134

Iba Pang Propagandista

*** Antonio Luna***

1. La Tertulia Pilipina (Sa Piging ng mga Pilipino)

isinasaad nito na higit na mabuti ang kaugaliang Pilipino

2. Noche Buena
ipanapakita rito ang tunay na buhay ng mga Pilipino na nasisiyahan habang
nagtitipon-tipon ang mga kaanak kapag may okasyon.

3. Por Madrid
tumutuligsa sa mga Espanyol na nagsasabing ang Pilipinas ay lalawigan ng
Espanya ngunit ipinalalagay na banyaga kapag sinsingilan ng selyo.

4. Impressiones
inilalarawan ang labis na kahirapang dinaranas ng isang pamilyang aulila sa ama
na isang kawal.

***Pedro Paterno***

1. Ninay
kauna-nahang nobelang panlipunan sa Kastila na sinulat ng isang Pilipino
2. A Mi Madre (Sa Aking Ina)
ipinahayag niya ang kanyangpangungulila kung wal ang kanyang ina
3. Sampaguita y Poesias Varias kalipunan ng mga tula

***Pascual Poblete***

1. Ang Kagila-gilalas na Buhay ni Juan


2. Salin ng nobelang Ang Konte ng Monte Kristo ni Alexander Dumas
3. Salin ng Noli Me Tangere

60
College of Arts and Sciences Education
General Education - Language
2nd Floor, DPT Building, Matina Campus, Davao City
Phone No.: (082)300-5456/305-0647 Local 134

under
licensed
Author is
Unknown
by ***Jose Maria Panganiban***

1. Noche de Mambulao
2. A Nuestro Obispo
3. Lupang Tinubuan
4. El Pensamineto
5. La Universidad de Manila

***Pedro Serrano Laktaw***

1. Diccionario Hispano Tagalog nailathala noong 1889


2. Sobre La lengau Tagala
3. Studios Gramaticales

***Isabelo delos Reyes***

1. El Folklore Filipino nagtamo ng gantimpal sa Eksposisyon sa Madrid


2. Las Islas Visayas en La Epoca de la Conquista
3. Historia de Ilocos

Self-Help:
You can also refer to the sources below to help you further understand the
lesson:

*Argonza, M. V., Bongalon, Y. L., Gonzales, J.O., Tabirao, E. A. 2014. Tudla:Binagong edisyon.
Quezon City: Philippine Educational Publishers Association.
*Baldonado, Riza B. 2013. Readings from world literature:understanding people’s cultures
traditions and beliefs. Quezon City: Great Books Publishing.
*Cabasaan, W., Caranto, A. Magtibay, P. 2014. Appreciating Philippine contemporary
literature. Malabon City: Junezyville Publications.
*Espina, L., Plasencia, N., Ramos, V., & Villena, J. 2014. Literatura ng Iba’t ibang rehiyon ng
Pilipinas (Ikalawang edisyon). Manila: MINDSHAPERS CO., INC.
Limpot, Marilou Y, Dela Salde, Marsan S., Napil, Melissa C., Oliva, Elleine Rose A., Bayani,
Rammel T.,Solatorio, Lilian B., Cuevas, Alma B. and Palma, Reita C. Cahucom, Gina G.
2018. Panitikang Filipino. Malabon City: MUTYA Publishing Co. Inc.
*Rodil, R. C. 2014. Heritage of world literature: poetry selection, Philippines. Mandaluyong
City: Books Atbp Publishing Corp.

61
College of Arts and Sciences Education
General Education - Language
2nd Floor, DPT Building, Matina Campus, Davao City
Phone No.: (082)300-5456/305-0647 Local 134

https://drive.google.com/file/d/1hIRMspJd57cVZiblh7BI6xdA-PHUTuRf/view?usp=sharing

LET’S CHECK!

Pagsasanay 1. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag at sagutin ang


hinihingi ng bawat bilang.

1. Larawang nagkamit ng unang gatimpala sa pambansang Eksposisyon sa Madrid.


a. La Solidaridad
b. Spolarium
c. Propaganda
d. Mu Ultimo Adios
2. Opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda.
a. La Solidaridad
b. Spolarium
c. Propaganda
d. Mi Ultimo Adios
3. Tulang isinulat ni Rizal noong siya ay walong taon pa lamang.
a. Noli Me Tangere
b. El FIlibusterismo
c. Sa Aking mga Kababata
d. A La Juventud Filipino
4. Ang tinutukoy na lider sa tatsulok ng Kilusang Propaganda.
a. Marcelo H. del Pilar
b. Jose P. Rizal
c. Graciano Lopez JAena
d. Antonio Luna
5. Tula ni Rizal na tumatalakay sa pagpapahalaga ng mga kabtaan sa edukasyon at
pagpapaunlad ng kanilang magandang katangian.
a. Noli Me Tangere

62
College of Arts and Sciences Education
General Education - Language
2nd Floor, DPT Building, Matina Campus, Davao City
Phone No.: (082)300-5456/305-0647 Local 134

b. El FIlibusterismo
c. Sa Aking mga Kababata
d. A La Juventud Filipino
6. Isang manunulat na kilala sa sagisag- panulat na Jomapa.
a. Jose Maria Panganiban
b. Jose P. Rizal
c. Graciano Lopez Jaena
d. Antonio Luna
7. Siya ang itinuturing na “Ama ng Pahayagan”.
a. Jose Maria Panganiban
b. Jose P. Rizal
c. Graciano Lopez Jaena
d. Pascula Poblete
8. Gumamit siya ng sagisag-panulat ng Taga – ilog.
a. Jose Maria Panganiban
b. Jose P. Rizal
c. Antonio Luna
d. Pascual Poblete
9. Akda ni Rizal na masasaliamin ang kanyang taimtim na pagmamahal sa kanyang
magulang ay sa kanyang bayan.
a. Liham sa mga Kaanak at Kaibigan
b. El FIlibusterismo
c. Sa Aking mga Kababata
d. A La Juventud Filipino
10. Ang nagbigay ng pamagat na Mi Ultimo Adios sa tulang sinulat ni Rizal.
a. Padre Mariano Dacanay
b. Padre Damaso
c. Padre Jose Rodriguez
d. Padre Pedro Chirino
11. Siya ang sumulat ng akdang pinamagatang Caingat Cayo.
a. Antonio Luna
b. Marcelo H. del Pilar
c. Graciano Lopez Jaena
d. Jose P. Rizal
12. Siya ang sumulat sa kauna- unahang nobelang panlipunan.
a. Lope K. Santos
b. Pedro Serrano Laktaw
c. Pedro Paterno
d. Isabelo delos Reyes
13. Siya nag sumulat ng Diccionario Hispano- Tagalog.
a. Lope K. Santos
b. Pedro Serrano Laktaw
c. Pedro Paterno
d. Isabelo delos Reyes
14. Siya ang sumulat ng Historia de Ilocos.
a. Lope K. Santos
b. Pedro Serrano Laktaw
c. Pedro Paterno

63
College of Arts and Sciences Education
General Education - Language
2nd Floor, DPT Building, Matina Campus, Davao City
Phone No.: (082)300-5456/305-0647 Local 134

d. Isabelo Delos Reyes


15. Siya ang sumulat ng Dasalan at Tocsohan.
a. Antonio Luna
b. Marcelo H. Del Pilar
c. Graciano Lopez Jaena
d. Jose P. Rizal
16. Siya ang nagbalangkas ng balarila ng Wikang Pambansa.
a. Lope K. Santos
b. Pedro Serrano Laktaw
c. Pedro Paterno
d. Isabelo Delos Reyes
17. Isa sa mga akda niya ay ang A La Juventud Filipino.
a. Antonio Luna
b. Marcelo H. Del Pilar
c. Graciano Lopez Jaena
d. Jose P. Rizal
18. Siya ang may akda ng “Ang Kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ni Juan Soldado”.
a. Jose Maria Panganiban
b. Jose P. Rizal
c. Antonio Luna
d. Pascual Poblete
19. Siya ang sumulat ng akdang Fray Botod.
a. Antonio Luna
b. Marcelo H. Del Pilar
c. Graciano Lopez Jaena
d. Jose P. Rizal
20. Isa sa kanyang akda ay ang Noche Buena.
a. Antonio Luna
b. Marcelo H. del Pilar
c. Graciano Lopez Jaena
d. Jose P. Rizal

LET’S ANALYZE

Gawain 1. Gumawa ng isang talaan ng mga Pilipinong nagtaguyod ng Kilusang


Propaganda. Itala ang mga sagisag panulat na kanilang ginamit, ang mga taguri sa
kanila, ang mga akdang sinulat, gayundin ang iba pa nilang ambag sa kilusan. Gamitin
ang patnubay sa ibaba.

Propagandista Sagisag-Panulat Taguri Akdang Sinulat Iba pang ambag


sa kilusan

64
College of Arts and Sciences Education
General Education - Language
2nd Floor, DPT Building, Matina Campus, Davao City
Phone No.: (082)300-5456/305-0647 Local 134

Gawain 2. Maituturing bang tamad ang mga Pilipino sa kasalukuyang panahon?


Patunayan ang iyong sagot.
_______________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

IN A NUTSHELL

Nagising pagkatapos ng higit na tatlong daang taong pagkakahimlay ang mga


natutulog na damdamin ng mga Pilipino nang isangkot sa digmaan ang talong paring
martir na sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos, Padre Jacinto Zamora.
Naging lalong mahigpit ang pagbabanta ng mga Kastila subalit hindi nila nagawang
pigilan ang mapanlabang damdamin ng mga Pilipino.

1. Nabuo ang Kilusang Propaganda na may layuning


 Asimilasyon ng Pilipinas bilang lalawigan/probinsya ng Espanya
 Iba’t ibang karapatan para sa mga Pilipino na tinatamasa ng mga Espanyol sa
Espanya (malayang pamamahayag, pagpoprotesta, pagpupulong atbp.)
 Pilipinisasyon ng mga parokya
 Pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Cortes (ang tawag sa
parlamento/parliament ng Espanya)

2. Kinilalang haligi ng panitikang propaganda sina Jose Rizal, Marcelo H del Pila at
Graciano Lopez Jaena. Kasama pa ang iba pang propagandista gaya nina Antonio Luna,
Pedro Paterno, Jose Maria Panganiban, Isabelo delo Reyes.

3._____________________________________________________________________

_______________________________________________________________________
65
College of Arts and Sciences Education
General Education - Language
2nd Floor, DPT Building, Matina Campus, Davao City
Phone No.: (082)300-5456/305-0647 Local 134

_______________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

4._____________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

Q & A LIST

Mga Tanong/Isyu Sagot

KEYWORD INDEX

 Jose Rizal  Jose Maria Panganiban


 Antonio Luna  Caiigat Cayo
 Marcelo H. del Pilar  Isabelo Delos Reyes
66
College of Arts and Sciences Education
General Education - Language
2nd Floor, DPT Building, Matina Campus, Davao City
Phone No.: (082)300-5456/305-0647 Local 134

 Pedro Paterno  Pedro Serrano Laktaw


 Graciano Lopez Jaena  Dasalan at Tocsohan
 Pascual Poblete  Fray Botod

Kabanata 5
PANAHON NG HIMAGSIKAN

Big Picture in Focus:


ULOc. Malayang nakasasangkot sa talakayan hinggil sa kontribusyon ng bawat manunulat
sa panahon ng Himagsikan.
.

Metalanguage

Sa bahaging ito, ang pinakamahalagang terminolohiya na may kaugnayan sa pag-


aaral ng panitikan ng Pilipinas ay ilalahad upang magampanan ang ULOa. Mga
terminong ating mapag-uusapan ay ilalahad sa paraang malinaw at madaling
maintindihan.

1. Heraldo de la Revolucion isa sa mga pahayagan ng panahon ng himagsikan na


naglalathala ng mga dekreto ng pamahalaang mapanghimaksik, mga balita, at mga
akda sa Tagalog na pawing gumigising sa damdaming makabayan.
2. La Liga Filipina isang samahang sibiko na itinatag ni Rizal na pinaghihialaang
mapanghimagsik.
3. Kataas-taasang Kagalang-galangan Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK)
isang samahan na itinatag ni Bonifacio
4. Himno Nacional Filipino pinakadakilang ambag ni Jose Palma sa panitikan na
nilapatan ng ng musika ni Julian Felipe

67
College of Arts and Sciences Education
General Education - Language
2nd Floor, DPT Building, Matina Campus, Davao City
Phone No.: (082)300-5456/305-0647 Local 134

5. Jose Palma kilala bilang isang mandirigma na umaawit sa gitna ng labanan dahil
inaaliw niya ang mga sugatang kawal upang malimot kahit paano ang naramdamang
kirot at hapdi.
6. La Republica Filipina pahayagang itinatag ni Pedro Paterno
7. Memoria Fotografica isang katangiang taglay ni Jose Ma Panganiban na wala kay
Rizal

Essential Knowledge

Upang magampanan ang nasabing ULO’s para sa ikalima at ikaanim na linggo ng


asignaturang ito, kailangan mong maunawaan ang sumusunod na Essential Knowledge
na ilalatag sa susunod na pahina. Alalahanin na hindi kayo pinagababawalang gumamit
ng ibang batayang makikita sa ating silid aklatan gaya ng ebrary, search.proquest.com
at iba pa.

Kaligirang kasaysayan

Nanatiling bingi at bulag ang pamahalaan at simbahan sa kanilang mga karaingan,


nagpatuloy ang pang-aapi at pagsasamantala at lalong naging mahigpit ang mga
namumuno..Nasaid nang lahat ang pagtitimpi ng mga Pilipino kaya sumambulat ang galit na
matagal nang kinikimkim ng mga mamamayan.Naisip na wala nang ibang natitirang lunas pa sa
kanilang mga paghihirap kundi ang himagsikan, maging ito man ay sa paraang marahas o
madugo. Sa panahong ito, pinagsanib nila ang panitik at tabak (armas) bilang sandata ng
kanilang pakikipaglaban.Naging laban ng panitikan ang hayagang pagtuligsa sa samahan ng
simbahan at paghikayat sa mga Pilipino upang magkaisa at lumaban para matamo ang
minimithing kalayaan. (Pagkalinawan, et al,2006).

Bunsod ng pangyayaring ito, itinatag ni Andres Bonifacio at ng iba niyang kasama sa La


Liga Filipina, ang Kataas-taasan Kagalang-galang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (K.K.K.).
Nawalan na ng pag-asa ang mga sumanib sa pangkat na ito na makakamit nila sa mapayapang
paraan ang kanilang hinihiling at sa palagay nila ay wala nang natirang lunas kundi ang
paghihimagsik.

Mga Taluktok ng Tahasang Paghihimagsik

Kung sina Rizal, Del Pilar ,Ponce, at Jaena ang kinikilalang taluktok o pinakalider sa
panahon ng Propaganda, sa panahon ng himagsikan naman ay sina Andres Bonifacio, Emilio
Jacinto,at Apolinario Mabini.

1.1 Andres Bonifacio

Isinilang si Andres Bonifacio noong ika-30 ng Nobyembre 1863. Dahil sa kahirapan at


maagang pagkaulila, nahinto siya sa pag-aaral at napilitang maghanapbuhay para sa kanyang
mga kapatid.Bagama’thindi nakapag-aral, naging masigasig sa pagbabasa si Andres Bonifacio.
Nabasa niya ang mga nobela ni Jose Rizal, aklat tungkol sa mmga naging pangulo ng Unites
States ang Les Miserables ni Victor Hugo at ang himagsika ng French.

68
College of Arts and Sciences Education
General Education - Language
2nd Floor, DPT Building, Matina Campus, Davao City
Phone No.: (082)300-5456/305-0647 Local 134

Sa pamamagitan ng sariling edukasyon ay namulat ang mga mata ni Bonifacio sa


kalagayan ng lipunan sa kaniyang kapanahunan.Ngunit hindi niya sinasarili ang kaalamang
natutunan,manapa ay ibinahagi ito sa iba sa layuning gisingin ang kaniyang mga kababayan
para sa pagbabago ng bayan.Noong ika-31 ng Hulyo 1896,nang ipinatapon si Rizal sa Dapitan
itinatag niya ang isang lihim na samahan, ang Katipunan.Ginamit ni Bonifacio sa samahang ito
ang sagisag-panulatna Magdiwang. Siya rin ang unang namuno sa mararahas na himagsikan sa
panahong ito. Noong naganap ang Sigaw ng Balintawak o Pugad-lawin ,taong 1896 ng Agosto,
sabay-sabay napinunit ng mga Katipunero ang kanilang sedula tanda ng kanilang pagtutol at
hudyat ng pakikipaglaban sa pamahalaang Español. Kinilala siyang “ Ama o Supremo ng
Katipunan.”

Namatay si Andres Bonifacio noong Mayo 10, 1897 sa Bundok Bunti sa Maragondon,
Cavite.

Mga Akda

a. Huling Paalam
b. Katapusang Hibik ng
c. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
d. Katungkulang Gagawin ng mga Anak ng Bayan

1.2 Emilio Jacinto


Isinilang si Emilio Jacinto sa Trozo, Maynila noong ika-15 ng Disyembre 1875.
Dahil sa maagang pagyao ng kanyang amang si Mariano Jacito, kinupkop siya sa kanyang
amain at pinag-aral ng abogasya sa Universidad ng Sto. Tomas.Sumapi siya sa Katipunan sa
edad na 18.Ginamit niya ang pangalang Pingkian bilang sagisag-panulat sa Katipunan.Kinilala
siya bilang Utak ng Katipunan. Ang mga akda ni Jacinto ay pawang naglalaman ng mga
pagtuligsa sa pamahalaan at sa simbahan, panawagan sa mga Pilipino na magkaisa, at
ipaglaban ang minimithiing kalayaan. Namatay siya habang nagtatanggol sa bayan noong Abril
16,1899.

Mga Akda

a. Kartilya ng Katipunan.
b. Sa Anak ng Bayan
c. Liwanag at Dilim
d. A Mi Madre
e. A La Patria
f. Sa May nasang Makianib sa Katipunang Ito

1.3 Apolinario Mabini

Si Apolinario Mabini, ang kinikilalang “Utak ng Himagsikan” at“ Ang Dakilang


Lumpo” ay ipinanganak sa Talaga,Tanuan, Batangas noong ika-22 ng
Hulyo,1864.Bagama’t nagmula sa maralitang pamilya,nagsikap at nagtiyaga siya para
matapos ang kursong abogasya sa Universidad ng Santo Tomas. Dinapuan siya ng sakit
na polio sa panahong nagsasanay siya bilang abogado. Subalit hindi naging sagabal ito
upang huminto siya sa kanyang pakikipaglaban para sa kalayaan ng bayan. Dahil sa mga
akdang laban sa pamahalaang Amerikano, dinakip siya at ipinatapon sa Guam. Namatay
siya noong ika-10 ng Mayo 1903 sa sakit na kolera.

b. Himagsikang Pilipino
69
College of Arts and Sciences Education
General Education - Language
2nd Floor, DPT Building, Matina Campus, Davao City
Phone No.: (082)300-5456/305-0647 Local 134
under
licensed
is
Author
wn
c. El Desarollo y Caida de la Republika Filipinas
Unkno
by d. El Verdadero Decalogo

Self-Help:
You can also refer to the sources below to help you further understand the lesson:

Argonza, M. V., Bongalon, Y. L., Gonzales, J.O., Tabirao, E. A. 2014. Tudla:Binagongedisyon.


Quezon City: Philippine Educational Publishers Association.
Baldonado, Riza B. 2013. Readings from world literature:understanding people’s cultures
traditions and beliefs. Quezon City: Great Books Publishing.
Cabasaan, W., Caranto, A. Magtibay, P. 2014. Appreciating Philippine contemporary
literature. Malabon City: Junezyville Publications.
Espina, L., Plasencia, N., Ramos, V., &Villena, J. 2014. Literatura ng Iba’tibangrehiyon ng
Pilipinas (Ikalawangedisyon). Manila: MINDSHAPERS CO., INC.
Limpot, Marilou Y, Dela Salde, Marsan S., Napil, Melissa C., Oliva, Elleine Rose A., Bayani,
Rammel T.,Solatorio, Lilian B., Cuevas, Alma B., Cahucom, Gina G.and Palma, Reita C.
2018. Panitikang Filipino. Malabon City: MUTYA Publishing Co. Inc.
Rodil, R. C. 2014. Heritage of world literature: poetry selection, Philippines. Mandaluyong
City: Books Atbp Publishing Corp.
Pagkalinawan,Leticia C. Monreal Camba N., Dela Toree, Rodel I., Gonzales, Emmanuel S.,
Ungriano, Allan Roy M. (2006) “Panitikan sa Iba’t ibang Panahon” Malabon City,
Phulippines: Mutya Publishing House, Inc.
https://drive.google.com/drive/u/0/folders/1mlV3VMYJ_5vnaVV-I4UYoHS9Fsx3Jzhb

LET’S CHECK!

Pagsasanay 1: Panuto: Piliin saloob ng kahon kung sino ang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat sa
patlang ang titik ng iyong sagot.

A. Mabini B.Jacinto C.Bonifacio D. Ponce

_______ 1. Siya ay ipinanganak sa Tanuan Batangas noong ika-22 ng Hulyo 1864.


_______2. Siya ay kilala sa tawag na “Dakilang Lumpo.”
_______3. Isinulat niya ang“Himagsikang Pilipino” na naglalaman ng mga tala tungkol sa
pakikipagdigma ng mga Pilipino para sa mga Amerikano.
_______4. Ginamit niya ang pangalan na Pingkian bilang sagisag-panulat sa Katipunan.
_______5. Itinatag niya ang isang lihim na samahan, ang Katipunan.
_______6. Siya ang unang namuno sa mararahas na himagsikan sa panahong ito gayang
Sigaw ng Balintawak o Pugad-lawin.
70
College of Arts and Sciences Education
General Education - Language
2nd Floor, DPT Building, Matina Campus, Davao City
Phone No.: (082)300-5456/305-0647 Local 134

_______7. Kinilala siyang “Ama ng Demokrasyang Pilipino”at Ama o Supremo ng Katipunan.”


_______8. Kinilala siya bilang “Utak ng Katipunan.”
_______9. Tinaguriang “Utak ng Himagsikan.”
______10. Dinakip siya ng mga Español dahil sa pag-anib niya sa grupo ng Katipunan.

Pagsasanay 2. Basahin at unawain ang sumusunod na mga katanungan. Bilugan ang titik ng
iyong napiling sagot.

11.
“Pinipintuho kong Bayan ay paalam
lupang iniirog ng sikat ng araw,
mutyang mahalaga sa dagat Silangan
kaluwalhatiang sa ami’y pumanaw”

Ang taludtod na ito ay piling sipi mula sa tulang ito.

a. Katapusang Hibik ng Pilipinas c. Paalam Bayan


b. Dilim at Ningning d. Huling Paalam
12. Ang akdang ito ay naglalaman ng kabuuang kasaysayan ng Pilipinas bago dumating ang mga
Español at hinimok din ang mga Pilipino na magkaisa tungo sa paghahanap ng tunay na
kalayaan.
a. Ang mga Anak ng Bayan c. Ang Pagbabalik
b. Huling Paalam d. Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog

13.Sumulat ng Kartilya ng Katipunan


a. Apolinario Mabini c. Andres Bonifacio
b.Emilio Jacinto d. Jose Rizal

14. Alin ang hindi kabilang sa sampung utos na isinulat Apolinario Mabini.

a. Ibigin mo ang Diyos at ang iyong karangalan ng higit sa lahat.Ang Diyos ang batis ng
lahat ng katotohanan, karunungan at lahat ng gawain.

b. Ang karangalan ang nag-uutos upang maging matapat, mabait, at masipag ang isang
tao.Sambahin ang Diyos sa paraang minamarapat ng iyong budhi.

c. Linangin mo ang mga kaloob sa iyo ng Diyos.

d. Ang buhay na hindi ginugugol sa isang matayog at banal na layunin ay punong walang
lilim, kung hindi man ay nakakalasong damo.

Maitim man o maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao'y magkakapantay; mangyayaring ang
isa'y hihigitan sa dunong, sa yaman, sa ganda; ngunit di mahihigitan sa pagkatao

Ang piling sipi na ito ay mula sa akdang ito na isinulat ni Emilio Jacinto.
a. Katipunan ng Anak ng Bayan c. Kartilya ng Katipunan

71
College of Arts and Sciences Education
General Education - Language
2nd Floor, DPT Building, Matina Campus, Davao City
Phone No.: (082)300-5456/305-0647 Local 134

b. Tinubuang Lupa d.Ang Anak ng Katipunan

16. Ang akdang ito ay naglalaman ng tuntuning dapat sundin ang mga kasapi ng Katipunan.
a. Katungkulang Gagawin ng mga anak ng Bayan
b. Kartilya ng Lipunan
c. Tinubuang Lupa
d. Katapusang Hibik ng Pilipinas
17. Sa akdang ito, nais ni Apolinario Mabini na ihasik ang diwang nasyonalismo sa mga Pilipino.
a.Huling Paalam c. El Desarllo y Caida dela Republika Filipinas
b. El Verdadero Decalogo d. Nena at Neneng
18. Ipinapahiwatig sa akdang ito na handa nang lumaban ang mga Pilipino sa mga Amerikano.
a. Ang Himagsikang Pilipino c. Katapusang Hibik ng Pilipinas
b. Huling Paalam d. Ang Pagbabalik
19.Isang makabagbag-damdaming tulang nagpapahayag ng pagmamahal sa kanyang mga
kababayan.
a. Ang Himagsikang Pilipino c. Kartilya ng Katipunan
b. Ang Pagbabalik d. Ang Anak ng Bayan
20.Binigyang-diin sa akdang ito a ng paliwanag sa pagtaas at pagbagsak ng Pilipinas.
a.Ang Himagsikang Pilipio c. El Desarollo y Caida de la Republika Filipinas
b. Ang Anak ng Bayan d. Huling Paalam

Pagsasanay 3. Panuto:

Tingnan ang LMS para sa detalye ng pagsasakatuparan sa gawaing ito.


I-click ang link sa ibaba upang makita ang mga babasahing tinutukoy

https://drive.google.com/drive/u/0/folders/1mlV3VMYJ_5vnaVV-I4UYoHS9Fsx3Jzhb

Taluktok ng
Tahasang Isulat ang iyong sariling
Paghihimagsik Mga Akda Tema ng
opinyon/reaksyon sa akda

72
College of Arts and Sciences Education
General Education - Language
2nd Floor, DPT Building, Matina Campus, Davao City
Phone No.: (082)300-5456/305-0647 Local 134

73
College of Arts and Sciences Education
General Education - Language
2nd Floor, DPT Building, Matina Campus, Davao City
Phone No.: (082)300-5456/305-0647 Local 134

LET’S ANALYZE

Gawain 1.

1. Pumili ng isang aral na matatagpuan sa kartilyang sinulat ni Emilio Jacinto para sa


Katipunan. Ibigay ang kahalagahan nito sa sitwasyon namamayani sa ating kapaligiran.

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

Gawain 2. Bigyang-kahulugan ang paghahambing na ginawa ni Jacinto sa Ningning at


Liwanag.

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

Gawain 3. Bilang kabataan ng bagong henerasyon, marapat bang makialam sa mga


nangyayari sa kapaligiran? Patunayan ang inyong sagot.

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________
74
College of Arts and Sciences Education
General Education - Language
2nd Floor, DPT Building, Matina Campus, Davao City
Phone No.: (082)300-5456/305-0647 Local 134

IN A NUTSHELL

Nagiging marahas ang mga kaganapan sa panahong ito, marami ang nakikipaglaban
upang mapalaya ang ating bansa. Kaya upang higit na mabigyang-diin ang mga kabatirang
iyong napag-alaman, gawin ang mga nakatala sa ibaba:

1. Bilang kabataan ng bagong henerasyon, marapat bang makialam sa mga nangyayari sa


kapaligiran? Patunayan ang inyong sagot

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

2. Basahin ang kautusang nakapaloob sa sa akdang El Verdadero Decalogo. Ano ang


dalawang uri ng pag-ibig ang napapaloob sa kabuuan ng kautusan?

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

75
College of Arts and Sciences Education
General Education - Language
2nd Floor, DPT Building, Matina Campus, Davao City
Phone No.: (082)300-5456/305-0647 Local 134

Q & A LIST

Mga Tanong/Isyu Sagot

KEYWORD INDEX

 Andres Bonifacio  Sa Mga Anak ng Bayan


 Katapusang Hibik ng  Huling Paalam
Pilipinas  Liwanag At Dilim
 Huling Paalam  La Patria
 La Patria  Ang Dapat Mabatid ng mga
 Apolinario Mabini Tagalog
 Kartilya ng Katipunan  Emilio Jacinto

76
College of Arts and Sciences Education
General Education - Language
2nd Floor, DPT Building, Matina Campus, Davao City
Phone No.: (082)300-5456/305-0647 Local 134

ONLINE CODE OF CONDUCT

(1) All teachers/course facilitators and students are expected to abide by an


honor code of conduct, and thus everyone and all are exhorted to exercise
self-management and self-regulation.
(2) All students are guided by professional conduct as learners in attending OBD
or DED courses. Any breach and violation shall be dealt with properly under
existing guidelines, specifically in Section 7 (Student Discipline) in the Student
Handbook.
(3) Professional conduct refers to the embodiment and exercise of the
University’s Core Values, specifically in the adherence to intellectual honesty
and integrity; academic excellence by giving due diligence in virtual class
participation in all lectures and activities, as well as fidelity in doing and
submitting performance tasks and assignments; personal discipline in
complying with all deadlines; and observance of data privacy.
(4) Plagiarism is a serious intellectual crime and shall be dealt with accordingly.
The University shall institute monitoring mechanisms online to detect and
penalize plagiarism.
(5) Students shall independently and honestly take examinations and do
assignments, unless collaboration is clearly required or permitted. Students
shall not resort to dishonesty to improve the result of their assessments (e.g.
examinations, assignments).
(6) Students shall not allow anyone else to access their personal LMS account.
Students shall not post or share their answers, assignment or examinations to
others to further academic fraudulence online.
(7) By enrolling in OBD or DED courses, students agree and abide by all the
provisions of the Online Code of Conduct, as well as all the requirements and
protocols in handling online courses.

77
College of Arts and Sciences Education
General Education - Language
2nd Floor, DPT Building, Matina Campus, Davao City
Phone No.: (082)300-5456/305-0647 Local 134

Course prepared by:

MELISSA C. NAPIL, Ed.D MARILOU Y. LIMPOT, Ed.D


Faculty, Language Discipline Faculty, Language Discipline

ALMA B. CUEVAS, Ed.D GINA G. CAHUCOM, Ed.D


Faculty, Language Discipline Faculty, Language Discipline

Reviewed by:

EDWIN L. NEBRIA, Ed.D.


Chair, Languages Discipline

Approved by:

KHRISTINE MARIE D. CONCEPCION, Ph.D.


Dean, College of Arts and Sciences Education

78

You might also like