Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                

AP Activity Sheet Ap5 Week2

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

VILLA VERDE ELEMENTARY SCHOOL

S. Y. 2022 – 2023
IKAAPAT NA MARKAHAN
AP 5 ACTIVITY SHEET-WEEK 2

Pangalan: __________________________________________ Baitang at Pangkat: ____________________


Layunin: Nasusuri ang mga pandaigdigang pangyayari na nakaimpluwensya sa kamalayang Pambansa ng mga
Pilipino (AP5-DBOW-Ika-apat na Markahan, Week 2)
Mga Pandaigdigang Pangayayari na Nakaimpluwensya sa Pag-usbong ng Kamalayang Pambansa
Ang mga pandaigdigang pangyayari na nakaimpluwensya sap ag-usbong ng nasyonalismong Pilipino ay ang mga:
1. Ang Age of Enlightenment o La Ilustracion – Panahon ng kaliwanagan kung saan hinubog nito ang
modernong kaisipan ng tao sa aspekto ng pamahalaan, demokrasya, edukasyon, ekonomiya, sining at
panitikan.
2. Cadiz Constitution ng 1812 – Binigyan halaga sa konstitusyon ito ang Karapatan bomoto ng mga
kalalakihan,pambansang soberanya, monarkiyang konstitusyonal, Kalayaan sa pamamahayag, reporma sa
lupa at malayang kalakalan.
3. Paglipas ng Merkantilismo – Ang merkantilismo ay ang sukatan ng yaman ng isang bansa ay nakabatay sa
dami ng ginto at pilak, ngunit pagsapit ng ika-19 siglo ay tuluyang nagwakas at napalitan ng kaisipang liberal,
ang malayang kalakalan.
4. Pagwawakas ng Kalalakalang Galyon- Ang kalakalang galyon ay napalitan ng malayang kalakalan.
5. Pagbubukas ng Suez Canal – Naging mabilis ang byahe at pag-aangkat ng mga kalakal at pagdating ng
kaisipang liberal sa iba’t ibang bahagi ng bansa kabilang ang Pilipinas.

Activity 1: Isulat ang masayang mukha ( ) kung ito ay pandaigdigang pangyayari na nakatulong sa
pag-usbong ng nasyonalimong Pilipino at malungkot na mukha ( ) kung hindi.

______1. Pagbubukas ng Suez Canal ______4. Age of Enlightenment o La Ilustracion


______2. Paglipas ng Merkantilismo ______5. Cadiz Constitution
______3. Sistemang Reduccion

Activity 2:Hanapin sa hanay B ang nagsasaad ng mga pangyayari na nagpausbong ng nasyonalismong


Pilipino.

1. Pagbubukas ng Suez Canal A. Pansamantalang tinuldukan ng mga


batas na ito ang mga mapang abusong
patakaran ng mga Espanyol.
2. Pagwawakas ng Kalakalang Galyon B. Panahon ng pag-angat ng antas ng isip
ng mga tao at ng kanilang pamumuhay.
3. Cadiz Constitution C. Napalitan ito ng malayang kalakalan.
4. La Ilustracion D. Nagwakas ang paghihirap ng mga
katutubo na sumali sa sapilitang
paggawa at gumawa ng barkong galyon
5. Paglipas ng Merkantilismo E. Pagbubukas ng daan na nagpabilis ng
pagpasok ng kaisipang liberal sa
Pilipinas.
Activity 3: Sipiin at punan ang concept map. Ibigay ang inyong ideya kung paano ito nakatulong sa pag-
usbong ng nasyonalismong Pilipino.

PAGDAIGDIGANG PANGYAYARI NA NAGPA-USBONG NG


NASYONALISMONG PILIPINO

LA ILUSTRACION PAGBUBUKAS PAGLIPAS NG PAGWAWAKAS NG


NG SUEZ CANAL MERKANTILISMO KALAKALANG GALYON
_____________ _____________ _____________ _____________
_____________ _____________ _____________ _____________
_____________ _____________ _____________ _____________
_____________ _____________ _____________ _____________
_____________ _____________ _____________ _____________
______
Activity 4: Isulat ang TAMA sa sagutang papel kung pangyayari ay nagpaliwanag sap ag-usbong ng
nayonalismong Pilipino at MALI naman hindi.

_______1. Ang pagbubukas ng Suez Canal ay nakatulong sa pagpasok ng kaisipang liberal sa bansa na
nagmulat sa mga Pilipino sa pang-aabusong ginawa ng mga mananakop.
_______2. Ang pagbitay sa tatlong paring martir ay nagpasidhi sa damdamin ng mga katutubong Pilipino na
makalaya sa mga Espanyol.
_______3. Maraming mga ilustrado ang nakapag-aral sa ibang bansa at nagkaroon ng kaisipang liberal na
nagbunga ng kanilang paghahangad na maging malaya ang Pilipinas.
_______4. Ang dinanas na diskriminasyon at pang-aapi ng mga paring sekular ay nagdulot ng pagkakatatag ng
samahang Sekularisasyon.
_______5. Pinahahalagahan ng Age of Englightenment ang mga konserbatibong kaisipan.

Activity 5: Basahin at unawain ang sitwasyon sa loob ng kahon. Sagutin ang tanong sa sagutang papel.
Ipaliwang ang sagot mula sa isa hanggang tatlong pangungusap lamang.

Ang pagmamahal sa bayan at pagmamalasakit sa kapwa ay pagpapakita ng diwang


nasyonalismo. Sa kasalukuyang panahon na nararamdaman ang sobrang init sa Pilipinas lalo na bawat
silid-aralan. Pinayagan ng pamahalaan na baguhin ang paraan ng pag-aaral ng mga bata upang maging
ligtas ang bawat isa. Ang aksyon na ito ng pamahalaan ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa at
pagmamahal sa bansa.Bilang isang bata, paano mo maipapakita na na ikaw rin ay may diwang
makabansa at pagmamalasakit sa kapwa?

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

You might also like