Reviewer K at P 2
Reviewer K at P 2
Reviewer K at P 2
Ang wika ay maaring tumutukoy sa kakayahan ng tao na mag-angkin at gumamit ng mga komplikadong
sistemang pangkomunikasyon, o sa ispesipikong pagkakataon ng nasabing komplikadong sistemang pangkomunikasyon.
Bilang isang ispesipikong lingguwistik na konsepto, ang wika ay tumutukoy sa mga tiyak na lingguwistik na
Sistema na ang kabuuan ay pinangalanan ng tiyak na katawagan tulad ng Ingles, Pranses, Aleman, Nihonggo, Mandarin,
Filipino, at iba pa.
Ang salitang Ingles na language ay mula sa salitang Latin na lingua na ang ibig sabihin ay dila.
Ayon kay Webster (1974), ang wika ay isang sistema ng komunikasyon na pagitan ng mga tao sa pamamagitan
ng mga psulat o pasalitang simbolo.
Ayon naman kay Hill (sa Tumangan, et al., 2000) sa kanyang papel na What is Language?, wika ang pangunahin
at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao. Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na
nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at patern na lumilukha sa isang komplikado at simetrikal na
estraktura.
Halo ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
1. Ang wika ay masistemang balangkas. Ang wika ay isang masistemang balangkas, nangangahulugang bawat
wika sa daigdig ay sumusunod sa isang tiyak na estruktura. Ang estrukturang ito ay nakabatay sa tunog, na tinatawag na
ponema, at ang pag-aaral ng mga ponema ay tinatawag na ponolohiya. Ang pagsasama-sama ng mga ponema ay
bumubuo ng morpema, ang pinakamaliit na unit ng salita, at ang pag-aaral ng mga morpema ay bahagi ng morpolohiya.
Ang pagbuo ng mga pangungusap mula sa mga salita ay pinag-aaralan sa sintaksis. Kapag nagkaroon ng makahulugang
palitan ng mga pangung usap sa pagitan ng dalawa o higit pang tao, ito ay tinatawag na diskurso.
2. Ang wika ay sinasalitang tunog. Ang wika ay binubuo ng mga tunog na may kahulugan, at ang tunog na ito ay
nagmumula sa paggalaw ng hangin sa aparato sa pagsasalita ng tao. Ang tunog ay maaaring magbago ng kahulugan ng
mga salita o morpema sa isang wika. Sa Filipino, may 21 ponema na nahahati sa dalawang kategorya: mga ponemang
katinig at mga ponemang patinig. Ang mga ponemang katinig ay inilarawan batay sa kung saan at paano ito binibigkas, at
kung ito ay may tunog o wala. Ang mga ponemang patinig naman ay inilarawan ayon sa posisyon ng dila sa pagbigkas ng
mga tunog.
3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos. Ang wika ay pinipili at inaayos ayon sa pangangailangan ng komunikasyon.
Madalas, ang pagpili ng wika ay nangyayari sa subconscious na antas, ngunit minsan ay ginagawa natin ito ng conscious
na pag-iisip. Pinipili natin ang wika upang tayo'y magkaintindihan ng ating kausap. Kung ang wika na ginagamit ay hindi
nauunawaan ng isa sa atin, magkakaroon ng hadlang sa komunikasyon. Kaya't mahalaga ang pag-pili ng isang komong
wika na parehong mauunawaan at ang maayos na paggamit nito para sa epektibong komunikasyon.
4. Ang wika ay arbitraryo. Ayon kay Archibald A. Hill (sa Tumangan, et al., 2000), just that the sounds of speech
and their connection with entities of experience are passed on to all members of any community by older members of
that community. Ang wika ay panlipunan at natutunan sa loob ng komunidad; hindi matututo ang isang tao ng wika kung
wala siyang ugnayan sa isang komunidad. Bagaman bawat komunidad ay may sariling paraan ng paggamit ng wika, bawat
indibiduwal din ay nagkakaroon ng natatanging estilo sa pagsasalita na naiiba mula sa iba dahil sa kanilang mga personal
na katangian at kakayahan.
5. Ang wika ay ginagamit. Ang wika ay isang kasangkapan sa komunikasyon na kailangan ng patuloy na paggamit
upang mapanatili ang halaga nito. Kung hindi ito ginagamit, unti-unting mawawala at maaaring tuluyang mamatay.
6. Ang wika ay nakabatay sa kultura. Nagkaiba-iba ang mga wika sa daigdig dahil sa pagkakaiba-iba ng mga
kultura ng mga bansa at pangkat. Ang mga kaisipan o termino sa isang wika ay maaaring walang katumbas sa iba dahil
hindi ito bahagi ng kultura ng ibang wika.
7. Ang wika ay nagbabago. Dinamiko ang wika at hindi maiiwasang magbago. Maaaring magdagdag ng mga
bagong bokabularyo ang isang wika dahil sa malikhain na paggamit ng tao, tulad ng mga salitang balbal at pangkabataan.
Ang mga pag-unlad sa teknolohiya at siyensya ay nagdadala rin ng mga bagong salita. Bukod dito, may mga salitang
nawawala o nagkakaroon ng bagong kahulugan. Ang mga pagbabagong ito ay patunay ng patuloy na pag-unlad ng wika.
Bahagi ng metalingguwistik na pag-aaral ng wika ang pagkilala sa mga barayti nito. Ang teoryang
sosyolingguwistik ay nagpapaliwanag na ang wika ay heterogenous, o may iba-ibang anyo, dulot ng pagkakaiba-iba sa
mga indibiduwal at grupo (tirahan, interes, gawain, pinag-aralan, atbp.).
May dalawang dimensyon ng Baryabilidad ng Wika: Ang Heograpiko, na kung saan ipinapakita ang pagkakaiba sa
wika batay sa rehiyon o lugar at; Social na kung saan nakabatay sa pagkakaiba sa grupo o komunidad.
Ang dayalekto ay isang barayti ng wika na resulta ng heograpikal na dimensyon. Ayon kay Ernesto Constantino,
mayroong higit sa 400 na dayalekto sa Pilipinas.
Halimbawa sa Tagalog:
Ang sosyolek ay barayti ng wika na nakabatay sa dimensyong sosyal, na tumutukoy sa mga pangkat panlipunan (hal.
estudyante, matatanda, kababaihan, preso, bakla). Nakikilala ito sa pamamagitan ng mga partikular na rehistro para sa
bawat pangkat.
May sariling bokabularyo ang bawat propesyonal na grupo, tinatawag na jargon. Halimbawa ng legal jargon:
exhibit, hearing, court pleading. Ang mga terminong ito ay nagpapahiwatig ng trabahong legal.
JARGON AT IDYOLEK
- Ang mga terminong ito ay may espesyal na kahulugan sa larangan ng tennis kumpara sa kanilang karaniwang gamit.
Ang idyolek ay tumutukoy sa personal na estilo o paraan ng paggamit ng wika ng isang indibiduwal. Bagamat may
mga barayti ng wika na nakabatay sa heograpiya at sosyal na grupo, ang personal na katangian ng bawat tao ay
nagdudulot ng natatanging idyolek sa kanilang wika.
PIDGIN AT CREOLE
Ang Pidgin ay isang uri ng wika na nabubuo kapag ang mga taong may iba't ibang unang wika ay nagtatangkang
makipag-usap sa isa't isa gamit ang isang pinaghalong wika. Karaniwan, ang bokabularyo ng pidgin ay hango sa isang
wika, habang ang estruktura ay mula sa iba pang wika.
Halimbawa: Ang pidgin sa Binondo ay gumagamit ng Tagalog na bokabularyo ngunit may estruktura mula sa
ibang wika. Sa New Guinea, ang Tok Pisin ay isang halimbawa ng pidgin.
Ang Creole naman ay isang wika na nagmula sa pidgin na unti-unting naging unang wika ng isang komunidad. Ito
ay mayroong nativized na estruktura at ginagamit bilang pangunahing wika ng mga tagapagsalita.
Halimbawa: Ang Chavacano ay isang halimbawa ng creole na may impluwensiya mula sa Kastila at
katutubong wika. May mga opinyon din na ang Tok Pisin ay naging creole na dahil sa pag-develop nito lampas sa orihinal
na tungkulin nito.
Karaniwang nalilinang ang creole sa mga dating kolonya o mga lugar na may alipin na populasyon, tulad ng
French Creole sa Haiti at Louisiana, at English Creole sa Jamaica at Sierra Leone.
C. ANTAS NG WIKA
Ang pagkakaroon ng antas ng wika ay isa pang mahalagang katangian nito. Tulad ng tao, ang wika ay nahahati rin
sa iba't ibang kategorya ayon sa kaantasan nito. Kung tutuusin, ang antas ng wikang madalas na ginagamit ng isang tao ay
isang mabisang palatandaan kung anong uri ng tao siya at kung sa aling antas-panlipunan siya nabibilang.
1. Pormal – Ito ang mga salitang standard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ny higit na nakararami lalo na
ng mga nakapag-aral ng wika.
a. Pambansa – ito ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika/ pambalarila sa
lahat ng mga paaralan. Ito rin ang wikang kadalasang ginagamit g pamahalaan at
itinuturo sa mga paaralan.
2. Impormal – Ito ang mga salitang karaniwan, palasak, pang-araw-araw na madalas nating gamitin sa pakikipag-
usap at pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan.
a. Lalawiganin – Ito ang mga bokabularyong dayalektal. Gamitin ang mga ito sa mga partikular na pook o
lalawigan lamang, maliban kung ang mga taal na gumagamit nito ay magkikita-kita sa ibang
lugar dahil natural na nila itong naibubulalas. Makikilala rin ito sa pagkakaroon ng kakaibang tono,
o ang tinatawag ng marami na punto.
c. Balbal – Ito ang tinatawag sa Ingles na slang. Samga pangkat-pangkat nagmumula ang mga ito upang ang
mga pangkat ay magkaroon ng sariling codes. Mababang antas ng wika ito, bagamat may mga dalubwikang
nagmumungkahi ng higit pang mababang antas, ang antas-bulgar (Halimbawa nito ay mga mura at mga
salitang may kabastusan.)
Sa lahat ng antas ng wika, ang balbal ang pinakadinamiko. Maaari kasing ang usong salitang balbal ngayon ay laos na
bukas. Nakatutuwa ring pag-aralan kung paano nabubuo ang mga salitang ito.
Pahina 39-43 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK
Dahil sa salita ng matuwid, ang bayan ay tumatatag, ngunit sa kasinungalingan ng masama, ang lunsod ay
nawawasak
- Kawikaan 11:11
Ang wika ay isang mahalagang instrumento sa komunikasyon, ginagamit ng tao sa pagpapahayag ng damdamin
at kaisipan. Sa Micro-level, ang wika ay tumutulong sa epektibong pakikipag-usap sa mga tao sa paligid natin, tulad ng
magkasintahan na nagpapanatili ng kanilang relasyon dahil dito. Ang hindi maayos na paggamit ng wika, sa kabilang
banda, ay maaaring magdulot ng miskomunikasyon at hidwaan. Sa Macro-level, ang wika ay nagsisilbing tulay sa
pakikipag-ugnayan ng mga bansa, kahit na magkaiba ang kanilang mga wika. Kung walang wika o hindi epektibo ang
paggamit nito, maaaring magdulot ito ng malalaking problema sa komunikasyon sa buong mundo.
Ang wika ay mahalaga sa pag-iingat at pagpapalaganap ng kaalaman. Halimbawa, ang mga nobela ni Rizal, kahit
na isinulat daan-daang taon na ang nakalipas, ay patuloy na nakikinabang dahil sa wikang nag-ingat dito. Gayundin, ang
mga kanluraning imbensyon ay umabot sa iba't ibang bahagi ng mundo dahil sa wika. Kung hindi nai-record o naipahayag
ang mga mahahalagang tuklas, tulad ng koryente ni Benjamin Franklin, maaaring hindi ito umabot sa atin. Ang wika ay
nagsisiguro na ang kaalaman ay hindi nalilibing sa pagkamatay ng mga lumikha o tagapagtuklas.
Ang wika ay may mahalagang papel sa pagbubuklod ng mga bansa. Sa Indonesia, ginamit ng mga nakipaglaban
sa mga Olandes ang slogan na "Satu Bangsa! Satu Bahasa! Satu Tanah Air!" upang magkaisa sa kanilang laban para sa
kalayaan. Sa Pilipinas, pinili ng mga Katipunero ang wikang Tagalog bilang simbolo ng pagkakaisa sa kanilang pakikibaka,
habang ginamit ang wikang Kastila sa La Solidaridad upang ipahayag ang makabayang diwa. Ang wika ay naging susi sa
pagbuo ng pagkakaisa at pakikibaka para sa Kalayaan.
Kapag nagbabasa tayo ng maikling kuwento, nobela, o nanonood ng pelikula, ang ating imahinasyon ay aktibong
bumubuo ng mga larawan at tagpo sa ating isipan, kaya't tayo'y nakakaranas ng iba't ibang emosyon tulad ng saya, takot,
o galit. Ang wikang ginamit sa teksto o pelikula ang nagtutulak sa ating isipan na mag-imagine, na humahantong sa pag-
unlad ng malikhaing pag-iisip at ang pagbuo ng mga ideya na maaaring pakinabangan ng sangkatauhan.
Ayon sa Wikipedia, ang wika ay isang sistema ng komunikasyon na nagpapahintulot sa mga tao na
makipagtulungan. Binibigyang-diin nito ang panlipunang gamit ng wika para sa pagpapahayag at manipulasyon ng
kapaligiran. Ang pananaw na ito ay konektado sa pag-aaral ng wika sa pamamagitan ng pragmatika, sosyo-lingguwistika,
at lingguwistika-antropolohiya, at madalas na nauugnay sa mga ideya ng mga pilosopo tulad nina Wittgenstein, Moore,
Grice, Searle, at Austin.
Mahalaga ang papel ng wika sa buhay ng tao, ngunit madalas itong hindi natin napapansin dahil sa pagiging
natural nito sa atin, katulad ng paghinga at paglakad. Ang wika ng tao ay natatangi kumpara sa komunikasyon ng mga
hayop. Ayon kay Salzmann (1993) sa kanyang akdang Language, Culture, and Society, ang wika ng tao ay mas malawak
ang saklaw at mas mataas ang kakayahang maituro sa iba kumpara sa komunikasyon ng mga hayop, na higit na nakatuon
sa kanilang survival.
Ang wika ng tao ay natatangi dahil kaya nitong lumikha ng walang katapusang pahayag mula sa limitadong
elemento at natutunan lamang sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa lipunan, ayon sa Wikipedia. Sa kaibahan, ang
komunikasyon ng mga hayop ay limitado sa isang tiyak na bilang ng pahayag at karaniwang namamana. Ang wika ng tao
ay may mas kumplikadong estruktura, na umuunlad upang matugunan ang mas malawak na tungkulin kumpara sa ibang
anyo ng komunikasyon.
Sa Explorations in the Functions of Language ni M.A.K. Halliday (1973, ayon kay Gonzales-Garcia, 1989),
binigyang-diin ang pagkakategorya ng wika batay sa mga tungkuling ginagampanan nito sa buhay. Tinukoy ni Halliday ang
pitong tungkulin ng wika, na may mga halimbawang karaniwang ginagamit sa pasalita at pasulat na paraan.
Ang instrumental na tungkulin ng wika ay ginagamit para sa pakikiusap o pag-uutos upang matugunan ang mga
pangangailangan.
Mahalaga ang tunay na pagpapaunlad ng wikang pambansa upang mapbilis ang kolektibong partisipasyon ng
sambayanang Pilipino sa sosyo-ekonomikong pag-unlad at pagbubuo ng nasyon
-Wilfrido Villacorta
Ang Pilipinas ay may mahigit 400 iba't ibang dayalekto, na nagpapahirap sa pakikipag-ugnayan at pagkakaisa ng
bansa. Ang kakulangan sa isang pangkalahatang wika ay maaaring isa sa mga dahilan kung bakit tumagal ng higit sa
330 taon ang kolonisasyon. Dahil dito, pinagsikapan ng ating mga ninuno na magkaroon ng isang wikang pambansa,
at ang pag-unlad nito ay makikita sa mga batas at kautusang ipinasa ng pamahalaan.
Pag-aralan natin ang ilan sa mahahalagang batas kautusan, proklama o kautusang ito:
1935 – Sa Saligang Batas ng Pilipinas, nagtadhana ng tungkol sa wikang pambansa: “...ang Kongreso ay gagawa ng
mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na
katutubong wika." (Seksyon 3, Artikulo XIV)
1936 (Oktubre 27) - Itinagubilin ng Pangulong Manuel L. Quezon kanyang mensahe sa Asemblea Nasyonal
paglikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa na gagawa ng isang pag-aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas, sa
layuning makapagpaunlad at makapagpatibay ng isang wikang panlahat na batay sa isang wikang umiiral.
1936 (Nobyembre 13) - Pinagtibay ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na lumilikha ng isang Surian ng
Wikang Pambansa at itinatakda ang mga kapangyarihan at tungkulin niyon.
1.Pag-aaral ng mga pangunahing wika na ginagamit ng hindi bababa sa kalahating milyong Pilipino.
4.Pagpili ng katutubong wika na magiging batayan ng wikang pambansa, batay sa pagiging maunlad sa panitikan at
paggamit ng karamihan sa mga Pilipino.
1937 (Enero 12)- Hinirang ni Pangulong Manuel L. Quezon ang mga kagawad na bubuo ng Surian ng Wikang Pambansa
alinsunod sa tadhana ng Seksyon 1, Batas Komonwelt Blg. 184, sa pagkakasusog ng Batas Komonwelt Blg. 333.
Sa mga kagawad na hinirang ng Pangulo, dalawa ang di- nakaganap ng kanilang tungkulin, sina Hadji Butu at
Filemon Sotto. Ang una’y dahil sa pagpanaw at ang huli’y tumanggi dahil sa kanyang kapansanan. Sila’y pinalitan kaya’t
nagkaroon ng mga pagbabago sa kabuuan
Nang si Lope K. Santos ay nagbitiw sa kanyang tungkulin, si Iñigo Ed. Regalado ang ipinalit ni Pangulong Quezon
upang gumanap bilang kagawad ng SWP.
1937 (Hunyo 18) Pinagtibay ang Batas ng Komonwelt Blg. 333, na nagsususog sa ilang seksyon ng Batas ng
Komonwelt Blg. 184.
1937 (Nobyembre 9) Bunga ng ginawang pag-aaral at alinsunod sa tadhana ng Batas Komonwelt Blg. 184, ang
Surian ng Wikang Pambansa ay nagpatibay ng isang resolusyon na roo’y ipinahahayag na ang Tagalog ay siyang halos
lubos na nakatutugon sa mga hinihingi ng Batas ng Komonwelt Blg. 184, kayat itinagubilin niyon sa Pangulo ng Pilipinas
na iyon ay pagtibayin bilang saligan ng wikang pambansa.
1937 (Disyembre 30) Bilang pag-alinsunod sa tadhana ng Batas ng Komonwelt Blg. 184, sa pamamagitan ng
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ay ipinahayag ng Pangulong Quezon ang Wikang Pambansa ng Pilipinas na batay sa
Tagalog.
Pinili ang Tagalog bilang saligan ng Wikang Pambansa dahil ito'y may pagkakahawig sa maraming wika sa bansa,
kaya't mas madaling matutunan ng mga di-Tagalog. Ang Tagalog ay may mataas na pagkakatulad sa mga wika tulad ng
Kapampangan (59.6%), Cebuano (48.2%), Hiligaynon (46.6%), Bikol (39.5%), at Ilokano (31.3%).
Alinsunod pa sa taya, ang mga pangunahing wika natin (Cebuano, Hiligaynon, Samar, Leyte, Bikol, Ilokano,
Pangasinan at Kapampangan) ay may aabot na siyam hanggang sampung libong salitang magkakatulad at magkakahawig
sa bigkas, baybay at kahulugan.
Ang Tagalog ang piniling batayan ng Wikang Pambansa dahil sa pagkakahawig nito sa iba pang wika sa Pilipinas at
sa pagkakaroon ng humigit-kumulang 5,000 salitang hiram mula sa Kastila, 1,500 mula sa Ingles, 1,500 mula sa Intsik, at
3,000 mula sa Malay. Ang Tagalog ay itinuturing na mayaman dahil sa kakayahan nitong lumikha ng maraming salita sa
pamamagitan ng paglalapi at pagtatambal. Madali rin itong pag-aralan, tulad ng napatunayan ng maraming Pilipino at
dayuhan na madaling natututo at nauunawaan ang Tagalog.
1940 (Abril 12) – Pinalabas ng Kalihim Jorge Bocobo ng Pagtuturong Pambayan ang isang Kautusang
Pangkagawaran: ito’y sinundan ng Isang sirkular (Blg. 26, serye 1940) ng Patnugot ng Edukasyon Celedonio Salvador. Ang
pagtuturo ng wikang pambansa ay sinimulan muna sa mataas at paaralang normal.
1940 (Hunyo 7) – Pinagtibay ang Batas ng Komonwelt Blg. 570, na nagtatadhana, bukod sa iba pa, na ang
Pambansang Wika ay magiging isa na sa mga wikang opisyal ng Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1940.
1954 (Marso 26) - Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg. 186 na nagsusog sa Proklama
Blg. 12, serye ng 1954, na sa pamamagitan nito'y inililipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa
taon-taon simula sa ika-13 hanggang ika- 19 ng Agosto. Nakapaloob sa panahong saklaw ang pagdiriwang ng kaarawan ni
Quezon (Agosto 19).
1959 (Agosto 13) - Pinalalabas ng Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang
Pangkagawaran Blg. 7, na nagsasaad na kailan ma'y tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang PILIPINO ay siyang
gagamitin.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
* Sa SWS Survey noong 1993, lumalabas na 18 porsiyento lamang ng mga Pilipino ang may ganap na kahusayan sa
paggamit ng wikang Ingles at karamihan pa sa kanila'y isinilang at lumaki sa Amerika at bumalik lámang dito sa Pilipinas.
Sa SWS Survey noong Disyembre 1995, lumabas ang sumusunod:
* Sa tanong na Gaano kahalaga ang pagsasalita ng Filipino?, 2 sa bawat 3 Pilipino ang nagsasabing mahalagang-
mahalaga ang pagsasalita nito.
* Lumabas din sa nasabing sarbey na 71 porsiyento ng nasa Luzon, 55 porsiyento ng nasa Bisaya, at 50 porsiyento ng
nasa Mindanao ang sumagot na mahalagang-mahalaga ang pagsasalita ng Filipino.
Sa sarbey ring ito nalaman ang pulso hingil sa wikang Filipino ng mga Pilipinong nasa uring ABC (mayayaman,
angat, at maykaya sa buhay), 73 porsiyento sa kanila ang nagsabing mahalagang-mahalaga ang pagsasalita ng Filipino.
Ibig sabihin, hindi lang sa mga D at E (mahihirap o hikahos sa buhay) mahalagang-mahalaga ang Filipino.
Sa SWS Survey noong Abril 8 hanggang 16, 1998, tinanong ang 1,500 na Pilipino sa iba't ibang panig ng Pilipinas
kung ano ang unang wika nila sa tahanan: 35 porsiyento ang nagsabi na Filipino, 24 porsiyento ang nagsabi na Cebuano,
11 porsiyento ay Ilonggo, 8 porsiyento ay Kapampangan, 5 porsiyento ay Ilokano, samantalang 1 porsiyento lamang sa
buong bansa ang nagsabing Ingles ang una nilang wika sa tahanan.
Maliban sa mga sarbey na ito, mabibigyang-din sa sinipi sa ibaba ang kalagayan at kahalagahan ng wikang Filipino
hindi lang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa man.
Ang sumusunod ay mula sa artikulong "12 Reasons to Save the National Language" ni David Micheal San Juan.
• Filipino is the national language and the language of political democratization as it is spoken by 99% of the population.
It is the most effective language of national public discourse. It is the soul of our country's identity and culture. Songs,
poems, speeches, essays, stories in Filipino unite us as a people. Giving our national cultural heritage some space in all
levels of education is a must. Obliterating it is obliterating ourselves and our collective identity. Filipino is a global
language taught in more than 80 schools, institutions, and universities abroad (in some cases, full bachelor's degree
and/or master's degree are also offered). Obliterating the space for Filipino and Philippine Studies at the tertiary level in
Philippine colleges and universities will certainly negatively affect the status of Filipino as a global language.
(www.rappler.com/move-ph/ispeak/65545-san-juan-save-national-language)
Malayo na ang nalakbay ng wikang Filipino. Nabasa mo sa mga nagdaang aralin ang mahabang kasaysayan ng
ating wika mula sa panahon ng ating mga ninuno, panahon ng mga Espanyol, ng rebolusyong Pilipino, ng mga Amerikano,
ng mga Hapones, ng pagsasarili, hanggang sa kasalukuyan. Sa mahabang kasaysayang ito ay nakita natin ang paglago,
pag-unlad, at pagbabago o pag-evolve ng ating wika. Malaki ang epekto ng ma pagbabagong dala ng panahon at ng
makabagong teknolohiya sa mga pagbabago rin sa kalagayan o sitwasyon ng ating wika. Nasaan na nga ba o ano na nga
ba ang kalagayan ng wikang Filipino sa ika-21 siglo sa iba't ibang larangan? Ating alamin.
May mangilan-ngilang news program sa wikang Ingles subalit ang mga ito'y hindi sa mga nangungunang estasyon
kundi sa ilang lokal na news TV at madalas ay inilalagay hindi sa primetime kundi sa gabi kung kailan tulog na ang
nakararami.
Ang pagdami ng palabas pantelebisyon partikular ang mga teleserye o telenobela at mga pantanghaling
programa o noontime show tulad ng Eat Bulaga at It's Showtime na sinusubaybayan ng milyon-milyong manonood ang
isa sa malalaking dahilan kung bakit ang halos lahat ng mamamayan sa bansa ay nakauunawa at nakapagsasalita ng
wikang Filipino. Malakas ang impluwensiya ng mga programang ito na gumagamit ng wikang Filipino sa mga manonood.
Hindi kasi uso ang mag-subtitle o mag-dub ng mga palabas sa mga wikang rehiyonal. Ang madalas na exposure sa
telebisyon ang isang malaking dahilan kung bakit sinasabing 99% ng mga mamamayan sa Pilipinas ang nakapagsasalita ng
Filipino at maraming kabataan ang namumulat sa wikang ito bilang kanilang unang wika maging sa lugar na hindi
kabilang sa Katagalugan. Sa mga probinsiya, kung saan rehiyonal na wika ang karaniwang gamit ay ramdam ang malakas
na implüwensiya ng wikang ginagamit sa telebisyon. Makikita sa mga paskil o babalang nasa paligid ng mga lugar na ito
ang paggamit ng wikang Filipino tulad ng "Bawal Pumarada Rito" o "Bawal Magtapon ng Basura Rito? Kapag nagtanong
ka ng direksiyon sa wikang Filipino ay sasagutin ka rin sa wikang ito. Patunay ang mga ito na habang dumarami ang
manonood ng telebisyon ay lalong lumalakas ang hatak ng midyum na ginagamit dito sa mga mamamayang Pilipino
saanmang dako ng bansa at maging ng mundo.
Katulad ng telebisyon, Filipino rin ang nangungunang wika sa radyo. Ang halos lahat ng mga estasyon ng radyo sa
AM man o sa FM ay gumagamit ng Filipino at iba't ibang barayti nito. May mga programa rin sa FM tulad ng Morning
Rush na gumagamit ng wikang Ingles sa pagbo-broadcast subalit nakararami pa rin ang gumagamit ng Filipino. May mga
estasyon ng radyo sa probinsiyang may ma programang gumagamit ng rehiyonal na wika pero kapag may kinapanayam
silá ay karaniwang sa wikang Filipino sila nakikipag-usap.
Sa mga diyaryo naman ay wikang Ingles ang ginagamit sa mga broadsheet at wikang Filipino sa ma tabloid
maliban sa People's Journal at Tempo na nakasulat din sa wikang Ingles. Subalit tabloid ang mas binibili ng masa o mga
karaniwang tao tulad ng mga drayber ng bus at dyip, mga tindera sa palengke, mga ordinaryong manggagawa, at iba pa
dahil sa mas mura at nakasulat sa wikang higit nilang naiintindihan, kaya naman masasabing mas malawak ang
impluwensiya ng mga Balital babasahing ito sa nakararaming Pilipino. Iyon nga lang, ang lebel ng Filipinong ginagamit sa
mga tabloid ay hindi ang pormal na wikang karaniwang ginagamit sa mga broadsheet. Nagtataglay ito ng malalaki at
nagsusumigaw na headline na naglalayong makaakit agad ng mambabasa. Ang nilalaman ay karaniwan ding sensasyonal
at litaw sa mga ito ang mga barayti ng wika kaysa sa pormal na Filipino.
Bagama't mas maraming banyaga kaysa lokal na pelikula ang naipalalabas sa ating tansa taon-taon, ang mga lokal
na pelikulang gumagamit ng midyum na Filipino at mga barayti nito ay mainit ding tinatangkilik ng mga manonood.
Katunayan, sa dalawampung nangungunang pelikulang ipinalabas noong 2014, batay sa kinita, lima sa mga ito
ang lokal na tinatampukan din ng mga lokal na artista. Iyon nga lang, Ingles ang karaniwang pamagat ng mga pelikulang
Pilipino tulad ng One More Chance, Starting Over Again, It Takes A Man and A Woman, Bride for Rent, You're My Boss,
You're Still the One, at iba pa. Ang wikang ginagamit ay Filipino, Taglish, at iba pang barayti ng wika.
Hindi na nga maitatatwang Filipino ang wika o lingua franca ng telebisyon, radyo, diyaryo, at pelikula. Maaaring
sabihing ang pangunahing layunin ng mga ito sa paggamit ng Filipino bilang midyum ay upang makaakit nang mas
maraming manonood, tagapaking, o mambabasang makauunawa at malilibang sa kanilang palabas, programa, at
babasahin upang kumita sila nang mas malaki. Subalit, hindi rin mapasusubalian ang katotohanang dahil sa malawak na
impluwensiya ng wikang ginagamit sa mass media ay mas maraming mamamayan sa bansa ngayon ang nakapagsasalita,
nakauunawa, at gumagamit ng wikang Filipino. Isang mabuting senyales para sa lalong pag-unlad at paglago ng ating
wikang pambansa.
Bagama't laganap na sa mass media, mapapansin pa rin na ang wikang Filipino ay madalas na ginagamit sa mga
programa sa radyo at telebisyon, sa tabloid, at sa pelikula kung saan ang nananaig na tono ay impormal, at waring hindi
gaanong estrikto ang pamantayan ng propesyonalismo. Sa maraming babasahin at palabas sa Filipino, ang tila
nangingibabaw na layunin ay mang-aliw, manlibang, at lumikha ng ugong o ingay ng kasayahan (Tiongson, 2012). Isang
pag-asam at hámon para sa mga taong nasa likod ng mass media at mga taong tumatangkilik sa mga ito na hindi lang
basta lumaganap ang Filipino kundi magamit din ito ng mga nasabing midyum upang higit na maitaas ang antas ng ating
wika.
Isa sa ma katangian ng wika ang pagiging malikhain. Sa patuloy na paglago ng wika ay umuusbong ang iba't ibang
paraan ng malikhaing paggamit dito dala na rin ng impluwensiya ng mga pagbabagong pinalalaganap ng media. Sa
kasalukuyan ay may iba't ibang nauusong paraan ng malikhaing pagpapahayag na gumagamit ng wikang Filipino at mga
barayti nito sa mga sitwasyong tulad ng sumusunod:
FlipTop - Ito' y pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap. Nahahawig ito sa balagtasan dahil ang ma bersong
nira-rap ay magkakatugma bagama't sa FlipTop ay hindi nakalahad o walang malinaw na paksang pagtatalunan. Kung ano
lang ang paksang sisimulan ng naunang kalahok ay siyang sasagutin ng kanyang katunggali. Di tulad ng balagtasan na
gumagamit ng pormal na wika sa pagtatalo, sa FlipTop ay walang nasusulat na iskrip kayâ karaniwang ang mga salitang
ibinabato ay di pormal at maibibilang sa iba't ibang barayti ng wika. Pangkaraniwan din ang paggamit ng mga salitang
nanlalait para mas makapuntos sa kalaban.
Laganap ang FlipTop sa kabataan. Katunayan, may malalaking samahan na silang nagsasagawa ng mga
kompetisyong tinatawag na Battle League. Ang bawat kompetisyong tinatampukan ng dalawang kalahok ay may tigatlong
round at ang panalo ay dinedesisyunan ng mga hurado. May mga FlipTop na isinasagawa sa wikang Ingles subalit ang
karamihan ay sa wikang Filipino lalo sa tinatawag nilang Filipino Conference Battle. Ang karaniwang paraan ng
paglaganap ng FlipTop ay sa pamamagitan ng YouTube. Milyon-milyon ang views ng mga kompetisyong ito. Sa ngayon ay
maraming paaralan na rin ang nagsasagawa ng FlipTop lalo na tuwing ginugunita ang Buwan ng Wika.
Pick-up Lines - May mga nagsasabing ang pick-up lines ay makabagong bugtong kung saan may tanong na
sinasagot ng isang bagay na madalas
TEA ka ba?
maiugnay sa pag-ibig at iba pang aspekto ng buhay. Sinasabing nagmula ito sa boladas ng mga binatang nanliligaw na
nagnanais, magpapansin, magpakilig, magpangiti, at magpa-ibig sa dalagang nililigawan. Kung may mga salitang angkop
na makapaglalarawan sa pick-up line, masasabing ito' y nakatutuwa, nakapagpapangiti, nakakikilig, cute, cheesy, at
masasabi ring corny. Madalas itong marinig sa usapan ng mga kabataang magkákáibigan o nagkakaibigan. Nakikita rin ito
sa mga Facebook wall, sa Twitter, at sa iba pang social media network. Ang wikang ginagamit sa mga pick-up lines ay
karaniwang Filipino at mga barayti nito subalit nagagamit din ang Ingles o Taglish dahil mga kabataan ang higit na
nagpapalitan ng mga ito.
Hugot Lines - Ang hugot lines, kaiba sa Pick-up Lines, ay tinatawag ding love lines o love quotes. Ito ay isa pang
patunay na ang wika nga ay malikhain. Hugot lines ang tawag sa mga linya ng pag-ibig na nakakikilig, nakatutuwa, cute,
cheesy, o minsa'y rin ng sarili nilang "hugot lines" ang mga tao depende sa damdamin o karanasang pinagdaraanan nila
sa kasalukuyan. Minsan ang mga ito'y nakasulat sa Filipino subalit madalas, Taglish ang gamit na salita sa mga ito.
Makikita sa kabilang pahina ang ilang halimbawa ng hugot lines.
"She loved me at my worst, You had me at my best, but binalewala mo lang ang lahat...And you chose to break my
heart."
"Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako, o kailangan mo ako kaya mahal mo ako?"
Lumaban ka!"
"Wala naman pala 'yun sa tagal ng relasyon. Kung hindi ka na n'ya mahal, hindi ka na n'ya mahal."
"Hindi. Na. Kita. Mahal. Makakaalis. Ka. Na. 7 words. Yung 8 years namin nagawa niyang tapusin in 7 words."
"Kung asukal ka, ako naman ay sago. Wala akong kuwenta kung wala ang tamis mo?"
"Kapag namatay na ako, huwag na huwag kang pupunta sa libingan ko, baka tumibok ulit ang puso ko."
Sitwasyong Pangwika sa Social Media at sa Internet - Sa panahong ito ay mabibilang na lang marahil sa daliri
ang tao lalo na ang kabataang wala ni isang social media account tulad ng Facebook, Instagram, Twitter, Pinterest,
Tumblr, at iba pa. Maging mga nakatatanda tulad ng mga lolo at lola ay kabilang na rin sa mga netizen na umaarangkada
ang social life sa pamamagitan ng social media. Marami ang nagtuturing ditong isang biyaya dahil nagiging daan ito ng
pagpapadali ng komunikasyon sa pagitan ng magkakaibigan o mga mahal sa buhay lalo na yong malalayo sa isa't isa o
matagal nang hindi nagkikita. Madaling makabalita sa mga nangyayari sa buhay sa pamamagitan ng mga naka-post na
impormasyon, larawan, at pagpapadala ng pribadong mensahe gamit ang mga ito.
Ano-ano nga ba ang mga babasahín at impormasyong nasusulat sa wikang Filipino sa Internet? Mababasa rito
ang mga dokumentong pampamahalaan tulad ng ating saligang batas, mga kautusang pampamahalaan mula sa iba't
ibang kagawaran, mga impormasyon mula sa iba't ibang sangay ng pamahalaan, gayundin ang maraming akdang
pampanitikan, mga awiting nasusulat sa wikang Filipino maging ang mga lumang awiting-bayan na karaniwang laganap
lamang dati sa paraang pasalita, mga resipi, rebyu ng mga pelikulang Tagalog, mga balita mula sa iba't ibang pahayagang
online, diksiyonaryong Filipino, mga impormasyong pangwika, video ng mga broadcast, at samo't saring sulatin sa wikang
Filipino tulad ng mga blog, komento, at marami pang iba.
Sitwasyong Pangwika sa Kalakalan - Wikang Ingles ang higit na ginagamit sa mga boardroom ng malalaking
kompanya at korporasyon lalo na sa mga pag-aari o pinamuhunan ng mga dayuhan at tinatawag na multinational
companies. Ito rin ang wika sa mga Business Process Outsourcing (BPO) o mga call center lalo na iyong mga kompanyang
nakabase sa Pilipinas subalit ang sineserbisyuhan ay mga dayuhang customer. Ang mga dokumentong nakasulat tulad ng
memo, kautusan, kontrata, at iba pa ay gumagamit din ng wikang Ingles. Ang mga web site ng malalaking mangangalakal
na ito ay sa Ingles din nakasulat gayundin ang kanilang mga press release lalo na kung ito ay sa mga broadsheet o
magazine nalalathala.
Gayumpaman, nananatiling Filipino at iba't ibang barayti nito ang wika sa mga pagawaan o production line, mga
mall, mga restoran, mga pamilihan, mga palengke, at maging sa direct selling. Ito rin ang wikang ginagamit sa mga
komersiyal o patalastas pantelebisyon o panradyo na umaakit sa mga mamimili upang bilhin ang mga produkto o
tangkilikin ang mga serbisyo ng mga mangangalakal. Mas malawak at mas maraming mamimili kasi ang naaabot ng mga
impormasyong ito kung wikang nauunawaan ng nakararami ang gagamitin.
Sitwasyong Pangwika sa Pamahalaan - Sa bisa ng Atas Tagapagpaganap Blg. 335, serye ng 1988 na "nag-aatas sa
lahat ng mga kagawaran, kawanihan, opisina, ahensiya, at instrumentaliti ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang
na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga transaksiyon, komunikasyon, at korespondensiya,"
naging mas malawak ang paggamit ng wika sa iba't ibang antas at sangay ng pamahalaan. Ito ang malaking kontribusyon
ni dating Pangulong Cory Aquino sa paglaganap ng wikang Filipino sa pamahalaan dahil hanggang sa kasalukuyan ay
nananatili ang mga pinasimulan niyang mga inisyatibo sa paggamit ng wika.
Makabubuti ito para maintindihan ng ordinaryong mamamayan ang kanyang mga sinasabi. Ito rin ay nagbibigay
ng impresyon sa mga nakikinig na pinahahalagahan niya ang wikang ito. Maging sa mga opisyal na pagdinig sa
pamahalaan ay wikang Filipino rin ang ginagamit subalit hindi rin naiiwasan ang code switching lalo na sa mga salitang
teknikal na hindi agad naihahanap ng katumbas sa wikang Filipino.
Sitwasyong Pangwika sa Edukasyon - Sa mga naunang aralin ay ating nalaman ang kasalukuyang kalagayan ng
wikang Filipino sa mga silid-aralan ayon sa itinatadhana ng K to 12 Basic Education Curriculum. Sa mababang paaralan (K
hanggang Grade 3) ay unang wika ang gamit bilang wikang panturo at bilang hiwalay na asignatura, samantalang ang
wikang Filipino at Ingles naman ay itinuturo bilang magkahiwalay na asignaturang pangwika. Sa mas matataas na antas
ay nananatiling bilingguwal kung saan ginagamit ang wikang Ingles bilang mga wikang panturo. Bagama't marami pa ring
edukador ang hindi lubusang tumatanggap sa sitwasyong ito, ang pagkakaroon ng batas at pamantayang sinusunod ng
mga paaralan, pribado man o pampubliko ay nakatutulong nang malaki upang higit na malinang at lumaganap ang unang
wika ng mga mag-aaral, gayundin ang wikang Filipino, kasabay ng pagkatuto ng wikang Ingles at makatulong sa mga mag-
aaral upang higit nilang maunawaan at mapahalagahan ang kanilang mga paksang pinag-aaralan.
Register o Barayti ng Wikang Ginagamit sa Iba't Ibang Sitwasyon - Napag-aralan natin sa mga nagdaang aralin
ang tungkol sa iba't ibang barayti ng wika. Ang mga barayting ito ay nagagamit sa iba't ibang sitwasyong pangwikang
ating natalakay rito. Isa sa mga uri ng sosyolek ang nais bigyang-diin dito, ang paggamit ng mga jargon 0 mga terminong
kaugnay ng mga trabaho o iba't ibang hanapbuhay o larangan. Kapag narinig ang mga terminong ito ay matutukoy o
masasabi ang larangan o sitwasyong karaniwang ginagamitan ng mga ito.
Kongklusyon
Batay sa mga nailatag na sitwasyong pangwika sa iba't ibang larang, maliwanag na makikita ang kapangyarihan at
lawak ng paggamit ng wikang Filipino, ang itinuturing na wika ng masa sa kasalukuyang panahon. Makikita sa mga ito ang
lubos na pagtanggap ng karamihan sa mga mamamayan sa sarili nating wika.
Nasa atin nang kamalayan ang kahalagahan ng paggamit at pagpapalawig sa sarili nating wika upang ito'y lalong
maisulong at higit na maging matatag at malakas dahil ang tatag at lakas nito ay sasalamin din sa katatagan ng ating
pagka-Pilipino.
Wala namang masamâ kung matututo tayong magsalita ng mga wikang banyaga at maging multilingguwal subalit
higit sa lahat, kailangan nating patatagin ang ating sariling wika para sa sarili na rin nating kapakinabangan. Ang
pagkakaisang ito ay makapagdudulot ng pag-unlad. Walang makututulong sa Pilipino kundi ang kapwa rin Pilipino at
mangyayari iyan kung magkakaisa tayong iwaksi ang kaisipang kolonyal, makipag-ugnayan sa isa't isa, magtulungan,
magtalastasan gamit ang wikang nauunawaan ng lahat ng mga Pilipino dahil sabi nga ni Jose Rizal:
"Ang hindi magmahal sa kanyang salita, Mahigit sa hayop at malansang isda; Laya ang marapat pagyamaning
kusa Na tulad sa inang tunay na nagpala."
Ipakita natin ang pagmamahal sa sariling wika sa pamamagitan ng paggamit dito. "Nagiging plastik ang mga tao:
nagbibihis ng barong, nagsasayaw ng tinikling, kumakain ng pagkaing Pinoy, pero after nun wala na. Eh dapat araw-araw
'yan." (Naval: 2014) Totoo ang obserbasyong ito. Nararapat nga naman sa araw-araw ay gamitin natin at pagyamanin ang
ating sariling wika at hindi lang
Di gaya ng ibang mga lingguwistang tulad ni Noam Chomsky na ang interes sa pag-aaral ay abstrakto o
makadiwang paraan ng pagkatuto ng gramatika at iba pang kakayahang pangwika, si Dr. Hymes ay higit na naging
interesado sa simpleng tanong na "Paano ba nakikipagtalastasan ang isang tao?"
Si Dr. Hymes ay isinilang sa Portland, Oregon, United States noong Hunyo 7, 1927. Nagtapos siya ng Bachelor's
Degree in Literature and Anthropology sa Reed College noong 1950 at ng Ph.D. in Linguistics noong 1955. Naging
propesor siya sa University of Virginia mula 1987 hanggang magretiro siya noong 1998. Subalit bago ang posisyong ito,
siya ay nagturo rin sa sumusunod na malalaking paralan sa Amerika: Harvard University; University of California Berkeley,
at sa University of Pennsylvania king saan siya naging dekano ng Graduate School of Education. Siya ay yumao noong
Nobyembre 13, 2009 sa edad na 82 dahil sa mga komplikasyong dala ng sakit na Alzheimer's.
Kakayahang Dangkomunikatibo - Sa pagtuturo at pagkatuto ng wika, hindi sapat na matutuhan lang ang ma
tuntuning panggramatika. Ang pangunahing layunin sa pagtuturo ng wika ay magamit ito nang wasto sa mga angkop na
sitwasyon upang maging maayos ang komunikasyon, maipahatid ang tamang mensahe, at magkaunawaan nang lubos
ang dalawang taong nag-uusap. Kapag umabot na rito, masasabing ang taong ito ay nagtataglay na ng kakayahang
pangkomunikatibo o communicative competence at hindi na lang basta kakayahang lingguwistiko o gramatikal kaya
naman, siya ay maituturing na isa nang mabisang komyunikeytor.
Komunikasyong Di-Berbal
Ang di-berbal na komunikasyon ay mahalaga sa pragmatika, dahil nagbibigay ito ng mga tagong kahulugan na
hindi makikita sa mga salitang ginagamit. Tinatayang 70% ng interpersonal na komunikasyon ay binubuo ng di-berbal na
simbolo. Ang mga di-berbal na senyas ay kinabibilangan ng:
Presupposition
Ang presupposition ay tumutukoy sa mga bagay na ipinagpapalagay ng nagsasalita na totoo at alam ng nakikinig.
Mahalaga ang pag-unawa sa mga pagpapalagay na ito upang mas maging malinaw ang mensahe at maiwasan ang hindi
pagkakaintindihan. Upang maging mahusay sa pragmatika, mahalaga ang pag-unawa sa konsepto ng pagkamagalang, na
nauugnay sa "mukha" o public image ayon kay George Yule. Ang pagkamagalang ay pagpapakita ng pagpapahalaga sa
mukha ng ibang tao. Halimbawa, sa pahayag na "Akin na ang tubig," ipinapakita nito ang kapangyarihang sosyal at
maaaring magmula sa isang may mataas na katungkulan o edad. Sa pahayag na "Pakiabot nga (po) ang tubig,"
nagmumungkahi ito ng pakiusap na nagpapakita ng paggalang, na inaasahan sa kulturang Pilipino sa anumang katayuan
sa buhay. Ang paraan ng pakikipag-usap ay nag-iiba ayon sa kultura, kung saan may mga kulturang diretso at mayroon
namang indirect sa pagpapahayag. Ang pagkamagalang ay depende sa kultural na konteksto, at ang malawak na
kaalaman sa kultura ay tumutulong sa mas epektibong pakikibagay sa iba't ibang sitwasyon.
A.KAHULUGAN NG PANANALIKSIK
Ang pananaliksik ay may iba't ibang depinisyon na inaalok ng mga eksperto, ngunit may mga karaniwang
elemento ang kanilang mga paliwanag.
* Ayon kay Good (1963), ito ay isang maingat, kritikal, at disiplinadong pagsusuri upang malutas o linawin ang isang
suliranin.
* Maidaragdag din sa ating mga depinisyon ang kina E. Trece at J.W. Trece(1973) ay nagdagdag na ito ay isang
pagtatangka na makahanap ng solusyon sa mga suliranin sa isang kontroladong sitwasyon.
Bilang paglalagom sa mga naunang depinisyon, maaari nating magamit ang kasunod na sipi mula kina Calderon at
Gonzales (1993): Formulated in a more comprehensive form, research may be defined as a purposive, systematic and
scientific process of gathering, analyzing, classifying, organizing, presenting, and interpreting data for the solution of a
problem, for prediction, for invention, for the discovery of truth, or for the expansion or verification of existing
knowledge, all for the preservation and improvement of the quality of human life.
B. LAYUNIN NG PANANALIKSIK
Ayon kina Calderon at Gonzales (1993), ang pananaliksik ay may tiyak na mga layunin, kabilang ang:
1. Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid pang penomena.
2. Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral na metodo at
impormasyon.
3. Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadebelop ng mga bagong instrumento o produkto.
6. Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan at iba pang larangan.
Ang pananaliksik ay isang mahalagang akademikong gawain na kinakailangan sa lahat ng larangan dahil ito ay
naghahanda sa mga mag-aaral para sa kanilang napiling propesyon. Bukod dito, ito ay isang pagsasanay sa siyentipikong
paraan ng paglutas ng mga suliranin. Kaakibat ng pananaliksik ang pagsulat ng papel-pampananaliksik o pamanahong
papel, na nagpapakita ng kasanayan sa akademikong pagsulat. Gayunpaman, maraming Pilipinong mag-aaral at
propesyonal ang nahihirapan sa pagsulat ng mga akademikong ulat, kaya't mahalagang bigyang-pansin ang kasanayang
ito sa edukasyon.
1. Sistematiko - Sinusunod nito ang isang proseso na may magkakasunod na hakbang upang matuklasan ang
katotohanan o solusyon sa isang suliranin.
2. Kontrolado - Ang mga baryabol na sinusuri ay dapat manatiling konstant upang masiguro na ang anumang pagbabago
ay dulot ng eksperimental na baryabol, lalo na sa eksperimental na pananaliksik.
3. Empirikal: Ang mga pamamaraang ginagamit at datos na nakalap ay dapat katanggap-tanggap at maaaring ma-verify
ng iba.
4. Mapanuri: Ang mga datos ay dapat suriin nang kritikal upang maiwasan ang maling interpretasyon, madalas gamit ang
mga na-validate na estadistikal na pamamaraan.
5. Obhetibo, Lohikal, at Walang Pagkiling: Ang mga resulta at kongklusyon ay dapat nakabatay sa mga empirikal na
datos, walang personal na bias, at hindi binabago ang resulta.
6. Gumagamit ng Kwantetibo o Estadistikal na Metodo: Ang mga datos ay dapat ilahad sa pamamaraang numerikal at
masuri gamit ang estadistika.
7. Orihinal na Akda: Ang mga datos ay sariling tuklas ng mananaliksik, mula sa mga primaryang sorses, at hindi mula sa
ibang mga mananaliksik.
8. Akyureyt na Imbestigasyon, Obserbasyon, at Deskripsyon: Ang bawat aktibidad sa pananaliksik ay dapat tumpak
upang humantong sa mga siyentipikong paglalahat.
9. Matiyaga at Hindi Minamadali: Dapat pagtiyagaan ang bawat hakbang ng pananaliksik upang masiguro ang
katumpakan ng mga kongklusyon at paglalahat.
10. Pinagsisikapan. Walang pananaliksik na naisasagawa nang walang pagsisikap. Kailangan itong paglaanan ng panahon,
talino at sipag upang maging matagumpay.
11. Nangangailangan ng Tapang. Kailangan ang tapang ng isangmananaliksik sapagkat maaaring makaranas siya ng mga
hazaras at discomforts sa kanyang pananaliksik.
12. Maingat na Pagtatala at Pag-uulat. Ang mga nakalap na datos sa pananaliksik ay kailangang maingat na itala, dahil
kahit maliit na pagkakamali ay maaaring makaapekto sa resulta. Mahalaga rin ang tamang pag-uulat nito, sa anyo ng
papel-pampananaliksik para sa dokumentasyon, at kadalasan, sa pamamagitan ng oral presentation o defense.
Ang pananaliksik ay may iba't ibang uri na maaaring uriin batay sa layunin, antas ng imbestigasyon, tipo ng analisis, at iba
pang aspeto. Narito ang ilan sa mga uri ng pananaliksik:
1. *Analisis*: Kinakalap at pinag-aaralan ang iba't ibang uri ng datos upang makahanap ng patern na magsisilbing gabay
sa susunod na hakbang.
2. *Aral-Kaso o Case Study*: Inoobserbahan ang mga gawi at pagkilos ng isang subject sa isang partikular na sitwasyon,
pati na rin ang mga sanhi at tugon nito sa bagong kaligiran.
3. *Komparison*: Pinag-aaralan ang dalawa o higit pang sitwasyon o subject upang tukuyin ang kanilang pagkakatulad at
pagkakaiba.
4. Korelasyon-Predikasyon. Pagsusuri ng estadistikal na datos upang ipakita ang ugnayan ng mga baryabol at mahulaan
ang kanilang kalalabasan sa parehong o ibang sitwasyon.
5. *Ebalwasyon*: Sinusuri kung nasunod nang tama ang mga pamamaraan at kung naabot ang inaasahang resulta.
6. *Disenyo-Demonstrasyon*: Tinitingnan ang baliditi at reliyabilidad ng mga tuklas mula sa nakaraang pananaliksik.
7. *Sarbey-Kwestyoneyr*: Gumagamit ng talatanungan upang alamin at iinterpret ang mga gawi, pananaw, at
paniniwala ng iba't ibang grupo tungkol sa isang paksa.
8. *Istatus*: Masusing sinusuri ang isang piniling sampol upang matukoy ang mga natatanging katangian nito.
Ang mga katangian ng mabuting pananaliksik ay naglalantad din ng mga katangian na dapat taglayin ng isang
mananaliksik. Upang maging matagumpay, ang isang mananaliksik ay kinakailangang magkaroon ng limang esensyal na
katangian.
1. *Masipag*: Dapat ay masipag sa pangangalap at pagsusuri ng datos, at hindi dapat magdoktor ng resulta.
2. *Matiyaga*: Kailangan ng tiyaga sa pangangalap ng kumpletong datos, kahit pa maaaring imungkahi ang dagdag na
impormasyon mula sa iba’t ibang hanguan.
3. *Maingat*: Dapat maging maingat sa pagpili, paghimay, at dokumentasyon ng datos, pati na rin sa pagtiyak ng
balidasyon ng mga ideya.
5. *Kritikal o mapanuri*: Kailangan ng mapanuri at lohikal na pagsusuri ng mga impormasyon at datos upang matukoy
ang kanilang balido at kapaki-pakinabang.
mananaliksik. Ang katapatang ito ay kailangan niyang maipamalas sa pagkilala ng pinagkunan ng kanyang mga datos at
iba pang ideya o impormasyon sa kanyang pananaliksik. Nangangahulugan ito na:
4. hindi siya nagkukubling datos para lamang palakasin o pagtibayin ang kanyang argumento o para ikiling ang kanyang
pag-aaral sa isang partikular na pananaw (Atienza, et al., 1996).
Idinagdag pa nina Atienza, et al., (1996) ang isa pang napakahalagang pananagutan ng isang mananaliksik - ang pagtiyak
na mapaninindigan ng mananaliksik ang lahat ng interpretasyon na kanyang binuo batay sa kanyang masinop at maingat
na pagsusuri ng kanyang mga datos na nakalap.
Ang plagyarismo ay pangongopya ng datos, mga ideya, mga pangungusap, buod at balangkas ng isang akda,
programa, himig at iba pa, nang hindi kinikilala ang pinagmulan o kinopyahan. Ito ay isang uri ng pagnanakaw at
pagsisinungaling dahil inaangkin mo ang hindi iyo (Atienza, et al.,1996).
Sa pananaliksik, may mahigpit na etika na sinusunod, tulad ng mga code of ethics sa iba pang disiplina. Ang
plagyarismo ay itinuturing na isang malubhang kasalanan, na nagresulta sa pagbibitiw ng isang dekano, pagkakansela ng
digri ng doktorado, pagkawala ng kredibilidad ng isang iskolar, at mga legal na kaso. Kamakailan, isang senador ang
binatikos dahil sa pag-angkin ng isang blog at talumpati ng dating pangulo, at isang mag-aaral ang nabulgar dahil sa
pagsusumite ng larawang hindi kanya.
Sina Atienza, et al., (1996) ay nagtala ng ilang mga halimbawa ng plagyarismo at mga kaparusahang maaaring
ipataw sa isang plagyarista.
Ilan sa mga halimbawa ng plagyarismong kanilang itinala ay ang sumusunod:
1. kung ginamit ang orihinal na termino o mga salita, hindi ipinaloob sa panipi (o hindi gumamit ng tipong italicized) o
hindi itinala ang pinagkunan;
2. kung hiniram ang ideya o mga pangungusap at binago ang pagkapahayag, ngunit hindi kinilala ang pinagmulan;
3. kung namulot ng mga ideya o mga pangungusap mula sa ibá't ibang akda at pinagtagni-tagni ang mga ito ngunit hindi
kinilala ang mga pinagkunan;
4. kung isinalin ang mga termino, ideya. pahayag, at dahil nasa ibang wika na ay inangkin na at hindi tinala na salin ang
mga ito;
5. kung ninakaw ang bahagi ng isang disenyo, balangkas, himig at hindi kinilala ang pinagkunan ng "inspirasyon"; at
6. kung ginamit ng isang mananaliksik ang mga datos na pinaghirapan ng iba at pinalabas niyang siya ang nangalap ng
mga datos na ito.
Samantala, ang mga parusang maaaring ipataw sa isang plagyarista ay ang sumusunod:
1. pinakamagaang na parusa na para sa mga estudyante na mabigyan ng lagpak na marka para sa kurso;
2. kung mapatutunayan na matindi ang pagnanakaw na ginawa, maaaring patalsikin ang estudyante sa paaralan;
3. kahit nakagradweyt na ang estudyante at ilang taon na ang nakalipas, ngunit natuklasan na ang kanyang pananaliksik
ay kinopya, maaari siyang bawian ng diploma o digri;
4. maaari ring ihabla ang sino mang nangongopya batay saIntellectual Property Law at maaaring sentensyahan ng multa
o pagkabilanggo.
Bilang paglalagom sa mga naunang depinisyon, maaari nating magamit ang kasunod na sipi mula kina Calderon at
Gonzales (1993):Formulated in a more comprehensive form, research may be defined as a purposive, systematic and
scientific process of gathering, analyzing, classifying, organizing, presenting, and interpreting data for the solution of a
problem, for prediction, for invention, for the discovery of truth, or for the expansion or verification of existing
knowledge, all for the preservation and improvement of the quality of human life.