Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                

Summative Q1-1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pangalan: Seksyon

1. Anong rehiyon ng Asya kabilang ang bansang Pilipinas?


A. Silangang Asya
B. Hilagang Asya
C. Kanlurang Asya
D. Timog Silangang Asya
2. Alin sa mga sumusunod ang tiyak o absolute na lokasyon ng Pilipinas sa mapa?
A. 4°23’ at 21°25’ hilagang latitud at 116°00 at 127°00 silangang longhitud
B. 2°43’ at 25°31’ hilagang latitud at 161°00 at 172°12 silangang longhitud
C. 1°32’ at 15°21’ hilagang latitud at 131°00 at 151°10 silangang longhitud
D. 3°23’ at 20°29’ hilagang latitud at 121°14 at 148°25silangang longhitud
3. Bakit tinawag na arkipelago ang bansang Pilipinas?
A. Ito ay nakaharap sa Karagatang Pasipiko.
B. Ito ay binubuo ng tatlong malalaking pulo.
C. Ito ay napapalibutan ng mga mayayamang bansa.
D. Ito ay binubuo ng maliliit at malalaking kapuluan na napapalibutan ng tubig o
dagat.
4. Anong karagatan ang matatagpuan sa silangan ng Pilipinas?
A. Karagatang Indian
B. Karagatang Atlantiko
C. Karagatang Pasipiko
D. Karagatang Arktiko
5. Ang mga sumusunod ay mga bansang nakipagkalakalan sa bansa MALIBAN sa isa. Alin dito?
A. India
B. Indonesia
C. Saudi Arabia
D. Tsina
6. Anong isla ang hinahanap ng mga Europeo na naging daan para matuklasan ang Pilipinas?
A. Kiribati
B. Micronesia
C. Moluccas
D. Palau
7. Mga istrukturang itinayo ng mga Amerikano para gawing sanayan ng mga sundalo at imbakan o arsenal
ng mga kagamitang pandigma nila.
A. base militar
B. opisina
C. paaralan
D. palaruan
8. Bilang isang bansang nasakop ng Espanya, ano ang naging pinakamalaking pamana ang kanilang iniwan sa
Pilipinas?
A. edukasyon
B. ekonomiya
C. relihiyon
D. sandatahang lakas
9. Ang mga sumusunod ay ang tuwirang epekto ng lokasyon ng ating bansa sa paghubog ng
kasaysayan MALIBAN sa isa. Ano ito?
A. nagkaroon ng kalakalan sa mga karatig bansa
B. napadali ang paglipat o migrasyon ng mga katutubo
C. naging kalaban ng Pilipinas ang lahat na mga karatig bansa nito.
D. nadiskubre ng mga mananakop ang estratehikong lugar ng Pilipinas
10. Bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiya o lokasyon ng isang bansa?
A. para maging sikat ang isang bansa
B. para malaman kung iilan ang naninirahan sa bansa
C. para makilala kung sino-sino ang mga kilalang tao sa bansa
D. para maunawaan kung paano nahubog ang iba’t ibang aspeto ng kultura,
ekonomiya, pamahalaan at relihiyon ng isang bansa.
11. Ito ang tawag sa malaking masa ng kalupaang may 240 milyong taon na ang nakalipas.
A. Asthenosphere
B. Kontinente
C. Pangaea
D. Tectonic
12. Teoryang nagsasabing nagmula ang Pilipinas sa malalaking tipak ng lupain sa daigdig na
naghiwa-hiwalay ilang daang milyong taon na ang nakalipas.
A. Land Bridges o Tulay na Lupa Theory
B. Pacific Theory o Teorya ng Bulkanism
C. Continental Drift Theory
D. Tectonic Plate
13. Teoryang nagpapaliwanag na dating karugtong ang Pilipinas ng Timog - Silangang Asya.
A. Teorya ng Continental Drift
B. Teorya ng Tulay na Lupa
C. Teorya ng Ebolusyon
D. Teorya ng Bulkanismo
14. Ayon sa teoryang ito, nabuo ang mga kalupaan ng Pilipinas mula sa pagputok ng mga bulkan
sa ilalim ng karagatan.
A. Teorya ng Tulay na lupa
B. Teorya ng Ebolusyon
C. Teorya na Continental drift
D. Teorya ng Bulkanismo
15. Siya ang naghain ng teoryang nabuo ang kalupaan ng daigdig mula sa isang Supercontinent.
A. Alfred Einstein
B. Alfred Wegener
C. Bailey Willis
D. Charles Darwin

16-25.
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag.Isulat ang T kung ito ay batay sa teoya; M kung ito ay batay sa
Mitolohiya at R kung itoy batay sa Relihiyon.
16. Nilikha ng Diyos ang sanlibutan kasama ang bansang Pilipinas.
17. Ang continental shelf ay mga tipak na lupa sa ilalim ng karagatan.
18. Nilikha ni Melu ang daigdig ayon sa paniniwala ng mga Badjao.
19. Dahil sa tatlong higanteng naglabanan gamit ang bato at dakot ng lupa nabuo ang bansang Pilipinas.
20. Pinaniniwalaan ng mga Manobo na ang daigdig ay nilikha ng kanilang diyos mulas sa mga kuko nito
21. Isa sa mga dahilan kung bakit madaling kumalat ang mga Austronesyano sa bansa ay ang
pakikipagkalakalan.
22. Si Peter Bellwood ay naniniwalang ang mga Austronesyano ay nagmula sa Timog-Tsina at Taiwan .
23. Si Adan at si Eba ang unang pinagmulan ng mga tao ayon sa Banal na Aklat ng mga Kristiyano at Muslim.
24. Nailuwal sa mundo ang tao sa pamamagitan ng kawayan.
25. Si Malakas at Maganda ang pinagmulan ng mga tao..

You might also like