Buwaya
Mga buwaya | |
---|---|
Nile crocodile (Crocodylus niloticus) | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Hati: | Reptilia |
Orden: | Crocodilia |
Pamilya: | Crocodylidae Cuvier, 1807 |
Tipo ng espesye | |
Crocodylus niloticus Laurenti, 1768
|
Ang mga buwaya (Malayo: buaya) o kokodrilo (Kastila: cocodrilo) ay isang reptilia na kabilang sa pamilya Crocodylidae (minsan ay nauuri bilang subpamilya Crocodylinae). Tinatawag ding buwaya ang mga kabilang sa orden ng Crocodylia gaya ng mga kabilang sa pamilya Alligatoridae (alligator at caiman) at pamilya Gavialidae (gharial).
Ang mga buwaya ay malalaking reptiliang naninirahan sa mga matubig na lugar. Matatagpuan sila sa malaking bahagi ng Tropikal na rehiyon ng Asya, Aprika, ng mga Amerika, at Australya. Nahihilig na manirahan ang mga buwaya sa mga ilog na mabagal ang agos. Maaari silang kumain ng iba't ibang uri ng buhay at patay na mga mammal at isda. Ang ilang uri, kilala dito ang Crocodylus porosus (Saltwater Crocodile) ng Australya at ng mga pulo sa Pasipiko, ay napag-alamang nakikipagsapalaran at tumatawid ng mga dagat.
Iba't ibang tawag
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang buwaya ay tinatawag na dapi, dapu sa (Kapampangan), krokodilyo (Espanyol: cocodrilo), at vaya sa (Ibanag)
Sa wikang Tagalog, parehong tinatawag na Buwaya ang mga miyembro ng Crocoylidae (crocodile) at Alligatoridae (aligator).[1] Sa Bibliya, tinagurian itong isang leviatan.[2]
Taksonomiya ng Crocodylidae
[baguhin | baguhin ang wikitext]Karamihan sa mga uri ng buwaya ay napapabilang sa sari ng Crocodylus. Ang ibang sari sa loob ng pamilyang ito ay monotipiko: Osteolaemus at Tomistoma.
- Sari Crocodylus:
- Sari Osteolaemus:
- Sari Tomistoma:
- Tomistoma schlegelii
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Copewithcytoknes.de[patay na link]
- ↑ Abriol, Jose C. (2000). "Leviatan, Job 40:25, "buwaya", ayon kay Jose C. Abriol". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Hayop ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.