IOER International Multidisciplinary Research Journal, 2021
Isang kasanayan na dapat malinang sa bawat mag-aaral ang epektibong pagpapahayag ng kaniyang sari... more Isang kasanayan na dapat malinang sa bawat mag-aaral ang epektibong pagpapahayag ng kaniyang sariling opinion, saloobin, at ideya sa anyong pasulat gamit ang sariling wika. Kaugnay nito, ang gawain ng guro sa proseso ng pagpapayabong ng kaalaman ay hindi mapapasubalian, kaya’t upang makamtan ang pinakamataas na pagpapabuti nito ay nangangailangang siya ay maging edukado at maging bahagi ng komunidad ng pag-aaral. Kaya naman kinakailangang maging maingat at mahusay sa pagpili ng angkop na estratehiya o metodo na gagamitin sa pagtuturo sapagkat nakasasalalay sa guro ang mabisang pagkatuto ng mga mag-aaral. Sinasabing ang kooperatib-kolaboratib ay isa sa mabibisa o epektibong istratehiya na kinakailangang pag-ukulan ng pansin. Isinagawa ang pag-aaral na ito upang mabatid ang mga sumusunod: (1) ano ang pananaw ng mga tagasagot sa mga elemento ng mga pangkatang pagdulog; (2) ano ang kasanayan sa malikhaing pagsulat ng mga mag-aaral batay sa pagbuo ng pamagat ng kuwento, pagbabago ng katangian ng tauhan, at pagbuo ng sariling pamagat; at (3) kung may makabuluhang pagkakaugnayan ba ang pangkatang pagdulog sa pagtuturo ng panitikang Filipino at kasanayan sa malikhaing pagsulat ng mga mag-aaral. Ginamit sa pag-aaral na ito ang deskriptibong pamamaraan upang madaling makuha at mailarawan ang mga datos na kailangan ng pag-aaral. Batay sa pag-aaral na isinagawa ng mananaliksik, natuklasan na ang mga mag-aaral ay sumasang-ayon na ang pangkatang pagdulog sa pagtuturo ng panitikang Filipino ay nakatutulong upang mas mahasa ang kanilang kasanayan malikhaing pagsulat sapagkat nakakuha itong kabuuang mean ito na 4.4. Sa kabuuan ng pag-aaral, napatunayan na ang pananaw ng mga mag-aaral sa harapang interaksyon at interpersonal at maliit na pangkat na pangkasanayan ay may mahalagang kaugnayan sa kasanayan sa malikhaing pagsulat. Samantala, ang isahang pananagutan, positive interdependence at prosesong pangkatan naman ay walang makabuluhang kaugnayan. Kaya naman ipinapayo na kapag maayos na ang sitwasyon at wala na ang pandemya ay isaalang-alang at gamitin sa pagtuturo ang pangkatang pagdulog sa pagtuturo ng panitikang Filipino sapagkat ito ang maglulundo sa interaktibong pagganap, pakikisangkot, at kooperasyon ng mga mag-aaral sa klase na siyang kailangan upang matamo ang kasanayang nililinang lalo’t higit sa kasanayan sa malikhaing pagsulat ng mga magaaral. Mas mainam rin na isaalang-alang ang karanasan at interes ng mga mag-aaral sa pagpili ng estratehiyang gagamitin sa pagtuturo sapagkat mas kinawiwilihan, nagiging aktibo, nagiging interesado at ginaganahan sila sa klase kung sila ay nasisiyahan sa kanilang ginagawa.Iminumungkahi ng mananaliksik na ipagpatuloy ang paggamit ng pangkatang pagdulog sa pagtuturo ng panitikang Filipino at magsaliksik pa ng mga bagong pamamaran ng pagtuturo na aangkop sa interes at istilo ng mga mag-aaral nang sagayo’y maging matagumpay ang pagkatutong minimithi. Sa huli, iminumungkahi rin na patuloy na magsagawa ang mga guro nang mas malawak at malalim na pag-aaral hinggil sa paglinang ng kasanayan sa kasanayan sa malikhaing pagsulat.

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa audio-recorded ng masining na pagsasalaysay ng ilang piling ta... more Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa audio-recorded ng masining na pagsasalaysay ng ilang piling tagpo ng Noli Me Tangere sa kasanayan sa pagsulat ng reflective journal ng mga mag-aaral.Sinagot sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na katanungan: Una, ano ang pananaw ng mga tagasagot sa audio-recorded ng masining na pagsasalaysay ng ilang piling tagpo ng Noli Me Tangere batay sa nilalaman estilo,organisasyon,kalidad ng audio?Ikalawa,ano ang kasanayan ng mga tagasagot sa pagsulat ng reflective journal batay sa nilalaman, organisasyon ng mga ideya, mekanismo sa pagsulat, paggamit ng malaki at maliit na titik, paggamit ng bantas, paghahati ng salita at wastong gamit ng mga kataga o salita? At ikatlo, may makabuluhang kaugnayan ba ang pagsasa-radyo sa ilang mahahalagang tagpo ng Noli Me Tangere sa kasanayan sa pagsulat ng reflective journal ng mga mag-aaral? Ang mga tagatugon ng pag-aaral ay ang limampung (50) mag-aaral ng ikasiyam na baitang ng Sta. Catalina National High School.Ginamit ang talatanungan upang matukoy ang pananaw ng mga mag-aaral sa audio- recorded ng masining na pagsasalaysay ng ilang piling tagpo ng Noli Me Tangere samantalang gumamit naman ng pamantayan upang mataya ang kasanayan sa pagsulat ng reflective journal ng mga mag- aaral.Ang audio-recorded ng masining na pagsasalaysay ng ilang piling tagpo ng Noli Me Tangere,pagpapasagot sa talatanungan ,at pagpapasulat ng reflective journal sa mga ,mag-aaral ay isinagawa noong buwan ng Abril 2021.Pagkatapos makuha ang mga datos tungkol sa pag-aaral ,gumamit ang mananaliksik ng Mean at Standard Deviation para sa pagsusuri at interpretasyon,gayundin ang Pearson r para sa pagtukoy ng ugnayan ng mga baryabol.Lubos na sumasang-ayon ang mga tagasagot hinggil audio-recorded ng masining na pagsasalaysay ng ilang piling tagpo ng Noli Me Tangere batay sa nilalaman,estilo,organisasyon at kalidad ng audio.Nasa Napakahusay na lebel ng kasanayan ang mga mag-aaral sa pagsulat ng reflective journal batay sa nilalaman,organisasyon ng mga ideya,mekanismo ng pagsulat,pagbaybay/ispeling, paggamit ng malaki at maliit na titik, paggamit ng bantas, pahahati ng salita at wastong gamit ng kataga o salita. Walang makabuluhang ugnayan ang Audio-recorded ng masining na pagsasalaysay ng ilang piling tagpo ng Noli Me Tangere batay sa Nilalaman,Estilo,Organisasyon at Kalidad ng Audio sa kasanayan sa pagsulat ng reflective journal batay sa nilalaman,organisasyon ng mga ideya,mekanismo ng pagsulat,pagbaybay/ispeling, paggamit ng malaki at maliit na titik, paggamit ng bantas, pahahati ng salita at wastong gamit ng kataga o salita. Batay sa sa naging resulta ng pag-aaral, walang makabuluhang kaugnayan ang audio-recorded ng masining na pagsasalaysay ng ilang piling tagpo ng Noli Me Tangere sa kasanayan sa pagsulat ng reflective journal ng mga mag-aaral.

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang malaman ang pananaw sa paggamit ng panitikan ng Mauban sa... more Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang malaman ang pananaw sa paggamit ng panitikan ng Mauban sa pagtuturo ng komunikasyon at pagpapayaman ng talasalitaan ng mga mag-aaral na may kabuuang bilang na animnapung tagasagot mula sa unang taon ng Pambayang Kolehiyo ng Mauban na binubuo ng tatlong pangkat. Nilalayong sagutin sa pag-aaral na ito kung ano ang pananaw ng mga mag-aaral sa paggamit ng panitikan ng Mauban sa pagtuturo ng komunikasyon batay sa layunin, nilalaman, paggamit ng mga salita, at disenyo at pagkakabuo. Ninais ding malaman ang antas ng pagpapayaman ng talasalitaan batay sa paggamit ng context clues at idyomatikong pagpapahayag. Inalam din sa pag-aaral kung may makabuluhang kaugnayan ang pananaw sa paggamit ng panitikan ng Mauban sa pagtuturo ng komunikasyon at ang antas ng kanilang pagpapayaman ng talasalitaan. Binigyang kasagutan din kung ano ang naging mahalagang pagkakaiba ng antas ng pagpapayaman ng talasalitaan batay sa naging resulta ng pre-test at post-test ng mga mag-aaral. Ginamit naman sa pag-aaral ang eksperimental at deskriptibong pamamaraan upang madaling makalap ang mahahalagang datos at impormasyon na kinakailangan sa panananaliksik. Pinili ang mga tagasagot sa pamamagitan ng stratified random sampling. Ang istatistikal na pamamaraan na ginamit ay ang weighted mean at standard deviation upang masuri ang pananaw sa paggamit ng panitikan ng Mauban sa pagtuturo ng komunikasyon. Ginamit naman ang frequency percentage upang mabatid ang antas ng pagpapayaman ng talasalitaan batay sa paggamit ng context clues at idyomatikong pagpapahayag. Upang malaman mahalagang ugnayan ng pananaw sa panitikan ng Mauban at antas ng pagpapayaman ng talasalitaan ng mga mag-aaral ay ginamit Pearson r. Gumamit din ng t-test upang makita kung may mahalagang pagkakaiba ang antas ng pagpapayaman ng talasalitaan bago at pagkatapos gamitin ang panitikan ng Mauban. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, natuklasan na sumasangayon ang mga mag-aaral sa mga layunin at mga salitang ginamit sa akda at lubos na sumasang-ayon sa nilalaman at ginamit na disenyo at pagkakabuo nito. Napatunayan rin na maraming bilang ng mga magaaral ang may mataas na antas ng pagpapayaman ng talasalitaan batay sa paggamit ng context clues at idyomatikong pagpapahayag. Lumalabas rin na walang makabuluhang kaugnayan ang pananaw sa paggamit ng panitikan ng Mauban at ang antas ng pagpapayaman ng talasalitaan. Samantala, nagkaroon naman ng mahalagang pagkakaiba ang antas sa pagpapayaman ng talasalitaan bago at pagkatapos gamitin ang mga akda. Mula sa naging resulta ng pag-aaral, napatunayan na ang mga mag-aaral ay may mataas na antas ng pagpapayaman ng talasalitaan subalit kailangan pa rin silang sanayin upang lalong mapaunlad ito. Napatunayan rin na mahalaga ang paggamit ng mga akdang lokal at kontekstwal tulad ng panitikan ng Mauban sa pagtuturo ng komunikasyon dahil ito ay nakatulong upang lalo pang tumaas ang antas ng pagpapayaman ng talasalitaan ng mga mag-aaral.

Ang panahon ng Covid-19 pandemic ang nagpabago ng kalagayan sa buong mundo lalong lalo na sa sist... more Ang panahon ng Covid-19 pandemic ang nagpabago ng kalagayan sa buong mundo lalong lalo na sa sistema ng edukasyon. Ang tradisyunal na harapan o face-to-face na pagtuturo ay hindi pinapayagan kung kaya kinakailangang gumawa ng paraan, mag-isip ng mga inobatibong modality ng pagkatuto para maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga mag-aaral sa tersyarya na naiiba ang sitwasyon. Ang paghahatid ng edukasyon sa flexible learning sa kolehiyo ay isang pagsubok na hinarap ng mga guro at mag-aaral, kung kaya, hinangad ng pag-aaral na ito na mabatid ang pananaw ng mga mag-aaral sa modality mode ng pagkatuto sa flexible learning sa pagtuturo ng asignaturang Fildis batay sa synchronous online, asynchronous online at E-learning offline. Nilayon din na matukoy ang antas ng pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral batay sa Pangunawang Literal, Pang-unawang Inferensyal, at Pang-unawang Kritikal. Gayundin, inalam kung may makabuluhang kaugnayan ba ang mga modality mode ng pagkatuto sa flexible learning sa pagtuturo ng asignaturang Fildis sa antas ng pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral. Ang mananaliksik ay gumamit ng disenyong deskriptibo o palarawang pamamaraan at ang mga naging tagasagot ay may kabuuang bilang na 118 mula sa unang antas ng Kriminolohiya ng College of Criminal Justice Education ng Laguna State Polytechnic University, San Pablo City Campus na ginamitan ng purposive sampling. Kinuha ng mananaliksik ang average mean at standard deviation, frequency at percentage, at Pearson r product moment correlation coefficient para sa pananaliksik na ito. Lumabas sa pag-aaral na ang mga tagasagot ay sumasang-ayon sa tatlong modality mode ng pagkatuto sa flexible learning. Nakita rin na marami ang mga mag-aaral ang nakakuha ng pinakamahusay na antas ng pag-unawa sa pagbasa batay sa pang-unawang literal, pang-unawang inferensyal at pang-unawang kritikal. Gayundin, lumabas na may makabuluhang kaugnayan ang synchronous modality sa Kritikal na pag-unawa sa pagbasa at ang e-learning offline modality sa literal at kritikal na antas ng pag-unawa sa pagbasa. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, lumalabas na may makabuluhang kaugnayan ang modality mode ng pagkatuto sa flexible learning sa pagtuturo ng asignaturang Filidis sa antas ng pagunawa sa pagbasa ng mga mag-aaral.

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang magamit at malaman ang antas ng pagtanggap sa Brochure Bi... more Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang magamit at malaman ang antas ng pagtanggap sa Brochure Bilang Suplemental na Kagamitang Babasahin at makita ang makabuluhang kaugnayan sa antas ng Malikhaing Pagsulat ng mga mag-aaral na may kabuuang bilang na apatnapung (40) tagasagot mula sa ikawalong grado ng Col. Lauro D. Dizon Memorial Integrated High School. Nilayong sagutin sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na katanungan: (1) Ano ang antas ng pagtanggap ng mga tagasagot sa brochure bilang suplemental na kagamitang babasahin batay sa Layunin, Nilalaman, Gawain at Pagtataya?, (2) Ano ang antas ng malikhaing pagsulat ng mga tagasagot bago at pagkatapos gamitin ang brochure bilang suplemental na kagamitang babasahin, (3) May makabuluhang pagkakaiba ba ang antas ng malikhaing pagsulat ng mga tagasagot bago at pagkatapos gamitin ang brochure bilang suplemental na kagamitang babasahin? at (4) May makabuluhang kaugnayan ba ang paggamit ng brochure bilang suplemental na kagamitang babasahin sa antas ng malikhaing pagsulat? Ginamit sa pag-aaral ang eksperimental na pamamaraan upang madaling makuha ang mga datos at ang ugnayan ng mga baryabol. Mula sa bawat iskor na nagpapakita ng antas ng malikhaing pagsulat ng mga tagasagot bago at pagkatapos gamitin ang brochure bilang suplemental na kagamitang babasahin, napatunayan sa resulta na may makabuluhang pagkakaiba ang antas ng malikhaing pagsulat sa bahagi lamang ng Pagsulat ng Alamat sa Nilalaman na may .049 lebel na signipikant at Pagsulat ng Nobela sa Nilalaman na may .016 lebel na signipikant at Mekanismo ng Pagsulat na may .040 lebel na signipikant. Samantala, walang makabuluhang pagkakaiba sa hindi nabanggit na mga baryabol. Napatunayan naman sa resulta ng pag-aaral na may makabuluhang kaugnayan ng mga sumusunod: Pagsulat ng Alamat (Kaugnayan ng Paksa) sa Nilalaman (.383*), Pagsulat ng Maikling Kwento (Kaisahan) sa Nilalaman (.324*), Pagsulat ng Nobela (Kaisahan) sa Layunin (.361*), Pagsulat ng Nobela (Kaisahan) sa Gawain (.453**), Pagsulat ng Nobela (Kaisahan) sa Pagtataya (.334*) at Pagsulat ng Nobela (Kaugnayan sa Paksa) sa Gawain (.345*). Subalit, ang ibang baryabol ay hindi kinakitaan ng makabuluhang kaugnayan. Matapos maanalisa ang mga nakalap na datos, nabuo ng mananaliksik ang mga sumusunod na konkulusyon batay sa kinalabasan ng pagaaral. 1) Natuklasan na may mataas na pagtanggap sa brochure bilang suplemental na kagamitang babasahin batay sa Layunin, Nilalaman, Gawain at Pagtataya nito. 2) May makabuluhang pagkakaiba ang antas ng malikhaing pagsulat bago at pagkatapos gamitin ang brochure sa Pagsulat ng Alamat (Nilalaman) at Paghsulat ng Nobela (Nilalaman at Mekanismo ng Pagsulat) subalit, walang makabuluhang pagkakaiba sa iba pang baryabol. 3) may kaugnayan ang brochure bilang supplemental na kagamitang babasahin at malikhaing pagsulat sa PAgsulat ng Alamat (Kaugnayan sa Paksa)- Nilalaman, Pagsulat ng Maikling Kwento (Kaisahan)- Nilalaman, Pagsulat ng Nobela(Kaisahan)-Layunin, Pagsulat ng Nobela(Kaisahan)- Gawain, Pagsulat ng Nobela (Kaisahan)- Pagtataya at Pagsulat ng Nobela (Kaugnayan sa Paksa)- Gawain. Subalit, walang makabuluhang kaugnayan sa iba pang baryabol.

Binigyang-diin sa pag-aaral na ito ang Pictographs ng mga Salitang Tayabasin at Pagpapakahulugang... more Binigyang-diin sa pag-aaral na ito ang Pictographs ng mga Salitang Tayabasin at Pagpapakahulugang Denotasyon at Konotasyon. Isinagawa ito sa pamamagitan ng pagbuo at pagbabalideyt ng pictographs ng mga salitang Tayabasin at pagsasagawa ng pauna at panapos na pagtatayang pagsusulit sa pagpapakahulugang denotasyon at konotasyon sa mga mag-aaral. Gumamit ang mananaliksik sa pag-aaral na ito ng correlational at eksperimental na pamamaraan upang mabatid kung may makabuluhang kaugnayan ba ang pictograps ng mga salitang Tayabasin at pagpapakahulugang denotasyon at konotasyon at gayundin ang makabuluhang pagkakaiba ng antas ng pagpapakahulugan ng mga mag-aaral bago at pagkatapos na pagsusulit. Upang mataya ang kaalaman ng mga mag-aaral sa pagpapakahulugang denotasyon at konotasyon, gumamit ang mananaliksik ng talatanungan gamit ang Google Form. Isinagawa ang stratified random sampling upang pillin ang mga tagasagot na mag-aaral mula sa tatlong strand na ABM, HUMSS at STEM ng Grade 11. Ginamit ng mananaliksik ang mean at standard deviation sa pag-alam sa antas ng pagtanggap ng mga tagasagot sa pictorgraphs ng mga salitang Tayabasin at frequency percentage para sa antas ng pagpapakahulugan ng mga mag-aaral sa denotasyon at konotasyon at 0.1 na lebel ng significance para sa pagkuha ng makabuluhang pagkakaiba at ugnayan ng mga baryabol. Gayundin, ginamit ng mananaliksik ang pearson r upang malaman ang mahalagang kaugnayan ng pictographs ng mga salitang Tayabasin at pagpapakahulugang denotasyon at konotasyon ng mga mag-aaral. Ayon sa kabuuang resulta ng pag-aaral, lumabas na ang pictographs ng mga salitang Tayabasin ay walang makabuluhang kaugnayan sa pagpapakahulugang denotasyon at konotasyon.

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang mapagtibay ang Replektibong Dulog sa Pagtuturo at Kasanay... more Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang mapagtibay ang Replektibong Dulog sa Pagtuturo at Kasanayan sa Pagbigkas ng Talumpati. Sa pag-aaral na ito binibigyang katugunan ang mga sumusunod na katanungan: Ano ang pananaw ng mga tagasagot sa Replektibong Dulog sa Pagtuturo batay sa pag-aalala, paghihinuha at pageebalweyt; Ano ang Kasanayan sa Pagbigkas ng Talumpati ng mga tagasagot batay sa tono, pagpapalutang ng damdamin, kalinawan at kawastuhan ng bigkas, pagbibigay ng diwa o emphasis at sapat na kaalaman sa piyesa; May makabuluhang kaugnayan ba ang paggamit ng Replektibong Dulog sa Pagtuturo at Kasanayan sa Pagbigkas ng Talumpati ng mga mag-aaral?; Ang pamamaraang palarawan ang ginamit ng mananaliksik upang makalap ang mahalaga at makatotohanang impormasyon na kinakailangan sa pag-aaral. Ang istatistikal na pamamaraan na ginamit sa pagsasaliksik ay weighted mean at standard deviation para sa pananaw ng mga tagasagot sa Replektibong Dulog ng Pagtuturo at Kasanayan sa Pagbigkas ng Talumpati ng mga tagasagot. Upang maipakita ang kaugnayan ng paggamit ng Replektibong Dulog sa pagtututuro at Kasanayan sa Pagbigkas ng mga mag-aaral ay ginamit ng mananaliksik ng Frequency at Colleration (Pearson r) Sa naging pag-aaral lumabas ang mga sumusunod na mean: Para sa pananaw ng mga tagasagot sa Replektibong Dulog batay sa pag-aalala (3.61), paghihinuha (3.56), pageebalweyt (3.59) at ang kinalabasan ng resulta sa Kasanayan sa Pagbigkas ng Talumpati batay sa tono, pagpapalutangng damdamin, kalinawan at kawastuhan ng bigkas, pagbibigay ng diwa o emphasis maging ang sapat na kaalaman sa piyesa ay nagkaroon ng frequency na 60 at may kabuoang 100 na porsiyento.Bilang pangkalahatang pagsusuri sa pananaw ng mga tagasagot sa Replektibong Dulog sa Pagtuturo tunay na may malaking tulong ang realisasyono repleksiyonat pagsasaalang-alang ng kaalaman hango sa sariling karanasan atinteres sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa antas ng Kasanayansa Pagbigkas ng Talumpati ng mga mag-aaral batay sa pagbibigay ng diwa o empasis at sapat na kaalaman sa piyesa ay kinakailangan pa ng ibayong paghahanda. Samantalang ang mga kasanayan na tono, pagpapalutang ng damdamin kasama ng kalinawan at kawastuhan ng pagbigkas bagamat nasa interpretasyong magaling ay nangangailangan pa din ng ibayong gabay,nangangahulugang angpagtuturoat angkasanayan sapagbigkas ay may magandangdulot sa pagtatamo ng kaalaman ng mga mag-aaral. Batay sa sa naging resulta ng pag- aaral, walang makabuluhang kaugnayan ang Replektibong Dulog sa Pagtuturo at Kasanayan sa Pagbigkas ng Talumpati.

Ang pananaliksik ay isinagawa upang makalap ang mga kailangang impormasyon, kaalaman, tugon at pu... more Ang pananaliksik ay isinagawa upang makalap ang mga kailangang impormasyon, kaalaman, tugon at puna tungkol sa pagsasakomiks ng alamat ng pitong lawa sa pagtuturo ng panitikan at kasanayan sa pagsulat ng buod. Nabigyang kasagutan ang pag-aaral na ito sa pamamagitan ng mga sumusunod na katanungan; pananaw ng mga tagasagot sa pagsasakomiks ng mga alamat ng pitong lawa sa pagtuturo ng panitikan at ang kasanayan sa pagsulat ng buod batay sa layunin, nilalaman, disenyo, tibay, at kakayahang magamit, antas ng pagtanggap ng mga tagasagot sa pagsasakomiks ng mga alamat ng pitong lawa sa pagtuturo ng panitikan at ang kasanayan sa pagsulat ng buod batay sa kalinawan, kaangkupan at hikayat, at ang kasanayan sa pagsulat ng buod ng mga tagasagot batay sa nilalaman, kaisahan at mekanismo. Nabuo ang pananaliksik na ito ayon sa obserbasyon na mababa ang interes at pagkatuto ng mga mag-aaral kung pawang mga teksto lamang ang kanilang binabasa samantalang mas higit na napupukaw ang kanilang kawilihan sa paggamit ng iba’t ibang kagamitang pampagtuturo kagaya ng komiks. Ang pag-aaral na isinagawa ay ginamitan ng pagsusuri na may patnubay na tanong sa walumpung (80) mag-aaral ng ikapitong grado ng Col. Lauro D. Dizon Memorial Integrated High School = na nasa pangangalaga ng mananaliksik. Ang mga datos ay sinuri at sinukat sa pamamagitan ng sagot ng mga mag-aaral. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral nabuo ang konklusyon na may makabuluhang kaugnayan ang pananaw ng mga tagasagot sa kasanayan sa pagsulat ng buod ng alamat kung kaya’t nabuo ang rekomendasyon ayon sa sumusunod; magkaroon ng karagdagang gawain tulad ng mga tanong na sasagutan ng mga mag-aaral sa bawat alamat upang mas lumalim pa ang pagkaunawaat pagkatutong mga mag-aaral sa kalipunanng mga alamat ng pitong lawa na isinakomiks at higit na palawakin ang kaalaman ng mga mag-aaral sa pagbabasa sa pamamagitan ng paggamit ng mas malalaki, makukulay at kawili-wiling mga larawan na bubuhay sa imahinasyon at pupukaw sa kanilang interes upang makabuo ng isang mas makabuluhan at katangi- tanging awtput mula sa binasa.
International Journal of Social Sciences and Humanities Invention, 2022
Most high school graduates in the Philippines immediately enrolled in college after summer vacati... more Most high school graduates in the Philippines immediately enrolled in college after summer vacation. On the other hand, not everyone is cut out for the collegiate life following high school. For some, the school has become a chore or a source of frustration. Others haven't found it to their liking. A sabbatical before going back to school full-time may be an option for those who have completed their degree. Because of financial constraints, some high school graduates opt to work rather than complete their education. This study aims to ascertain the extent to which manifestations affect senior high school graduates' perceived skills and employability. This study surveyed 324 senior high school graduates from San Pablo City, Laguna, Philippines. Multiple regression analysis was utilized to identify significant predictors of the employability of SHS graduates. The findings indicate that respondents showed a high manifestation of cognitive, technical, and emotional skills. Simil...
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa Kalipunan ng mga Salitang Umusbong sa Panahon ng Pandemya bil... more Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa Kalipunan ng mga Salitang Umusbong sa Panahon ng Pandemya bilang Kagamitan sa Pagtuturo sa Filipino at sa Antas ng Malikhaing Pag-unawa sa Pagbasa na may layuning mapataas ang antas ng pagka-unawa sa paraang malikhain batay sa orihinalidad ng mga salita, konotasyon, at imahinasyon ng mag-aaral. Dahil bahagi ng mga pinag-aaralan sa panitikang Filipino na na punong-puno ng mga tanong at pagbibigay ng interpretasyon na kailangang gamitan malikhaing pag-unawa. Ginamit ng mananaliksik ang eksperimental na paraan, ang mga naging tagasagot ay may kauoang 100 ng baitang 12 SHS na mga mag-aaral ng Dr. Panfilo Castro National High. Bago gamitin ang Kalipunan ng mga Salitang Umusbong sa Panahon ng Pandemya, ang antas ng malikhaing pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral batay sa orihinalidad ay 2.00 o 2% lamang mula sa 100 na mga mag-aaral ang nasa pinakamahusay at 65 o 65% mula sa 100 ang nasa hindi nakamit ang inaasahan. Batay naman sa konotasyon ay 1.00 o 1...
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang mabatid ang Kamalayan sa mga piling Alamat sa bayan ng Pa... more Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang mabatid ang Kamalayan sa mga piling Alamat sa bayan ng Pagbilao at Kasanayan sa pagsulat ng buod ng mga mag-aaral.Sinikap na sagutin sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na katanungan:1.) Ano ang profayl ng mga tagasagot batay sa edad,kasarian at tirahan;2.)Ano ang kamalayan ng mga tagasagot sa mga piling alamat sa bayan ng Paagbilao batay sa: Nilalaman; Kasaysayan,Pangyayari at Diwang-taglay;3.) Ano ang kasanayan ng mga tagasagot sa pagsulat ng buod batay sa:Kaisahan;Kaugnayan at Mekanismo ng Pagsulat batay sa paggamit ng malaki at maliit na titik,paggamit ng bantas,pagbabaybay o ispeling at paghahati ng salita;4. May makabuluhang kaugnayan ba ang profayl ng mga tagasagot sa kasanayan sa pagsulat ng buod ng mga mag-aaral;5.)May makabuluhang kaugnayan ba ang kamalayan sa mga piling alamat sa bayan ng Pagbilao sa kasanayan sa pagsulat ng buod ng mga mag-aaral?Ginamit ng mananaliksik ang deskriptibong pamamaraan upang madaling makuha at mailara...
Ang pag-aaral na ito ay tungkol paggamit ng Peer-editing sa pagtuturo ng asignaturang Filipino at... more Ang pag-aaral na ito ay tungkol paggamit ng Peer-editing sa pagtuturo ng asignaturang Filipino at kasanayan sa pagsulat ng textong argumentatibo ng mga mag-aaral sa ika-11 baitang mula sa istand ng Humanities and Social Sciences ng Malvar Senior High School. Sinikap na alamin ng pag-aaral na ito ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng textong argumentatibo batay sa nilalaman, kaisahan, kaangkupan sa paksa at mekanismo bago at pagkatapos gamitin ang estratehiyang Peer-editing sa pagtuturo. Nilayon ring malaman sa pag-aaral ang mean score ng mga tagasagot batay sa nilalaman, kaisahan, kaangkupan sa paksa at mekanismo sa pagsulat bago at pagkatapos gamitin ang estratehiyang Peer-editing. Minabuti ring inalam ng naisagawang pag-aaral ang makabuluhang pagkakaiba ng antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pauna at panapos na pagsusulit batay sa nilalaman, kaisahan, kaangkupan sa paksa at mekanismo sa pagsulat. Ginamit ang disenyong eksperimental upang malaman ang epekto ng h...
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa Kontekstuwalisadong Learning Activity Sheet at Antas ng Pagba... more Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa Kontekstuwalisadong Learning Activity Sheet at Antas ng Pagbasa. Naniniwala ang mananaliksik na makakatulong sa pagtaas ng antas ng pagbasa ang Kontekstuwalisadong Learning Activity Sheet Bilang Kagamitang Panturo sa asignaturang Filipino. Nilayon ng pag-aaral na matugunan ang sumusunod na katanungan: Ano ang antas ng pagtanggap ng mga tagasagot sa Kontekstuwalisadong Learning Activity Sheet batay sa layunin, nilalaman, pagsasanay/gawain at pagtataya.Ano ang antas ng kasanayan sa pagbasa ng mga tagasagot bago at pagkatapos gamitin ang Kontekstuwalisadong Learning Activity Sheet?May makabuluhang pagkakaiba ba ang antas ng kasanayan sa pagbasa ng mga tagasagot bago at pagkatapos gamitin ang Kontekstuwalisadong Learning Activity Sheet? May makabuluhang kaugnayan ba ang antas ng pagtanggap ng mga tagasagot sa Kontekstuwalisadong Learning Activity Sheet at antas ng kasanayan sa pagbasa?Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang masukat ang antas ng pagtan...
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang malaman ang antas ng pagtanggap ng mga mag-aaral sa pagga... more Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang malaman ang antas ng pagtanggap ng mga mag-aaral sa paggamit ng modyul ng nga suplemental na babasahin bilang kagamitang pampagtuturo ng nobela at pagpapatalas ng talasalitaan ng mga mag-aaral na may kabuuang bilang na isandaan tagasagot mula sa ika-sampung baitang ng Lucena City National High School. Sa pag-aaral na ito binibigyang katugunan ang mga sumusunod na katanungan: Ano ang profayl ng mga tagasagot batay sa edad, at kasarian; antas ng pagtanggap ng mga tagasagot sa paggamit ng mga modyul ng mga suplemental na babasahin bilang kagamitang pampagtuturo ng nobela batay sa layunin, nilalaman, disenyo ng materyal at dating sa gagamit; pananaw ng mga tagasagot sa modyul ng mga supplemental na babasahin bilang kagamitang pampagtuturo ng nobela batay sa layunin, nilalaman, disenyo ng materyal at dating sa gagamit; kakayahan ng mga tagasagot sa pagpapayaman ng talasalitaan batay sa kahulugang idyomatiko at patambis; May makabuluhang kaugnayan b...
Sinasabing isa sa pinakamaimpluwesyang instrumento sa pagpapalaganap ng wika ay tinatawag na dyar... more Sinasabing isa sa pinakamaimpluwesyang instrumento sa pagpapalaganap ng wika ay tinatawag na dyaryo o pahayagang tabloid. Hindi ito maikakaila dahil sa dami ng mga tabloid at lawak ng sirkulasyon nito. Ngunit kapansin-pansing iilan na lamang sa kasalukuyang panahon ang mga kabataang nagbabasa ng pahayagang tabloid at nawiwili na lamang sa pagbabasa ng wattpad, paglalaro ng ML, paggamit ng social media tulad ng fb, twitter, at instagram. Kung kaya't nilayon na pag-aralan ang profayl ng mga tagasagot batay sa kasarian at edad, matukoy ang pananaw ng mga tagasagot hinggil sa varayti ng wika sa mga pahayagang tabloid batay sa: balbal, kolokyal, lalawiganin, bulgar at jargon, matukoy ang kasanayan sa pagsulat ng posisyong papel batay sa: nilalaman, kaisahan, kaangkupan sa tema, wastong gamit ng salita/kataga, at mekanismo sa pagsulat batay sa: paggamit ng malaking titik, paggamit ng maliit na titik, paggamit ng bantas, pagbabaybay/ ispeling at paghahati ng salita, matukoy ang kakayah...
Ang pananaliksik na ito na pinamagatang "Iba't ibang Dulog sa Pagsusuri ng mga Akdang Pa... more Ang pananaliksik na ito na pinamagatang "Iba't ibang Dulog sa Pagsusuri ng mga Akdang Pampanitikan at Kasanayan sa Pagsusuri ng mga Piling Tula ni Jose Corazon de Jesus ay isinagawa upang malaman ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsusuri ng tula gamit ang iba't ibang dulog at ipakita sa mga mambabasa na ang Panitikang Filipino ay maaring maging tanglaw sa pagsusuri at pagpapahalaga ng mga tula. Hinanap sa pamamagitang ng masuring pagsusuri ang mga kasagutan sa mga sumusunod na baryabol; pananaw sa mga tagasagot hinggil sa iba't ibang dulog sa pagsusuri ng mga piling akdang pampanitikan at kasanayan ng mga tagasagot sa pagsusuri ng mga piling tulang ni Jose Corazon de Jesus. Ang mga tagasagot ay may kabuuang (100) mag-aaral ng ikasiyam na baitang ng San Antonio National High School na pinili sa paraang simple ramdom sampling. Ang mananaliksik ay gumamit ng paraang diskriptibo sa pagpapaliwanag at pag- aanalisa ng mga kaisipang napapaloob sa mga tula. Batay sa resul...
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa audio-recorded ng masining na pagsasalaysay ng ilang piling ta... more Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa audio-recorded ng masining na pagsasalaysay ng ilang piling tagpo ng Noli Me Tangere sa kasanayan sa pagsulat ng reflective journal ng mga mag-aaral.Sinagot sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na katanungan: Una, ano ang pananaw ng mga tagasagot sa audio-recorded ng masining na pagsasalaysay ng ilang piling tagpo ng Noli Me Tangere batay sa nilalaman estilo,organisasyon,kalidad ng audio?Ikalawa,ano ang kasanayan ng mga tagasagot sa pagsulat ng reflective journal batay sa nilalaman, organisasyon ng mga ideya, mekanismo sa pagsulat, paggamit ng malaki at maliit na titik, paggamit ng bantas, paghahati ng salita at wastong gamit ng mga kataga o salita? At ikatlo, may makabuluhang kaugnayan ba ang pagsasa-radyo sa ilang mahahalagang tagpo ng Noli Me Tangere sa kasanayan sa pagsulat ng reflective journal ng mga mag-aaral? Ang mga tagatugon ng pag-aaral ay ang limampung (50) mag-aaral ng ikasiyam na baitang ng Sta. Catalina National High School.Ginamit ...
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang mabatid ang pananaw ng mag-aaral sa paggamit ng mga saril... more Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang mabatid ang pananaw ng mag-aaral sa paggamit ng mga sariling komposisyon ng panitikang pambata at antas ng pang-unawa. Sa pag-aaral na ito binibigyang katugunan ang mga sumusunod na katanungan: Ano ang pananaw ng mga tagasagot sa paggamit ng mga Sariling Komposisyon ngPanitikang Pambata bataysa nilalaman,layunin,disensyo/istilo, kasanayan/gawain; Ano ang antas ng pang-unawa ng mga tagasagot sa paggamit ng mga Sariling Komposisyon ng Panitikang Pambata batay sa Pang-unawang Literal at Pang-unawangKritikal; May makabuluhang kaugnayan ba ang pananaw ng mag-aaral sa paggamit ng mga Sariling Komposisyon ng Panitikang Pambata at Antas ng Pang- unawa sa Pagbasa; Ang pamamaraang palarawan-correlation ang ginamit ng mananaliksik upang makalap ang mahalaga at makatotohanang impormasyon na kinakailangan sa pag-aaral. Ang istatistikal na pamamaraan na ginamit sa pagsasaliksik ay weighted mean at standard deviation para sa pananawng mga tagasagot sa Mga Sa...
Ang pananaliksikna ito ay gumamitng descriptive-correlational na pamamaraanng pananaliksiksapagka... more Ang pananaliksikna ito ay gumamitng descriptive-correlational na pamamaraanng pananaliksiksapagkat kinilala ng pag-aaral na ito ang ugnayan ng booklet ng mga piling Akdang Pampanitikan bilang kagamitang panturo at pagsulat ng mga mag-aaral sa ikasiyam na baitang ng paaralang Prudencia D. Fule Memorial National High School. Gumamit ang mananaliksik ng booklet, mga talatanungan at rubrik o pamantayan sa pagsulat ng maikling kwento upang maisakatuparan ang mga layunin ng pag-aaral na ito. Ang mga nakalap na datos ay inilahad sa pamamagitan ng mga talahanayan at binigyan ng interpretasyon sa pamamagitan ng paggamit ng Mean, SD, at Pearson-r upang masagot ang mga sumusunod na tanong: Una, ano ang antas ng pagtanggap ng mga magaaral sa booklet ng mga piling Akdang Pampanitikan. Ikalawa, ano ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pag sulat ng maikling kwento bago gamitin ang booklet. Ikatlo, ano ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pag sulat ng maikling kwento pagkatapos gamitin ...
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang malaman ang antas ng pagtanggap ng mga mag-aaral sa pagga... more Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang malaman ang antas ng pagtanggap ng mga mag-aaral sa paggamit ng estratehiyang raft at pagpapaunlad ng pagsulat ng sanaysay ng mga mag-aaral na may kabuuang bilang na animnapung tagasagot mula sa ika-siyam na baiting ng Janopol Oriental National High School. Sa pagaaral na ito binibigyang katugunan ang mga sumusunod na katanungan: Ano ang antas ng pagtanggap ng mga tagasagot sa paggamit ng estratehiyang Raft batay sa role audience format topic; Ano ang mga Kasanayan sa Pagsulat ng Sanaysay bago gamitin ang estratehiyang Raft batay sa nilalaman, organisasyon ng ideya at istruktura ng pangungusap; Ano ang mga Kasanayan sa Pagsulat ng Sanaysay pagkatpos gamitin ang estratehiyang Raft sa batay sa nilalaman, organisasyon ng ideya at istruktura ng pangungusap; May makabuluhang kaugnayan ba ang antas ng pagtanggap ng mga tagasagot sa paggamit ng Estratehiyang RAFT at kasanayan sa pagsulat ng sanaysay; May makabuluhang pagkakaiba ba ang paggamit ng est...

Yaman ng isang bansa ang pagkakaroon ng kabataang may ganap na literasi sapagkat sila ang huhubog... more Yaman ng isang bansa ang pagkakaroon ng kabataang may ganap na literasi sapagkat sila ang huhubog at mangunguna sa tunguhin ng bansa sa hinaharap. Ang kakayahang magbasa (at magsulat) ay nangangahulugan ng kakayahang makasabay sa kasalukuyang panahon, makapagsagawa ng epektibong komunikasyon at makaunawa ng mga isyung humuhubog sa ating daigdig. Sa maraming pagkakataon sinasabing napakahalaga ng pagbabasa sa buhay ng tao ngunit hindi ang pagbabasa kundi ang komprehensyon ang nagbibigaykatuturan sa pagbabasa. Sa ikasampung grado, pinaigting ang pag-aaral ng panitikan sapagkat nakatuon ang pag-aaral sa mga pandaigdigang panitikan ngunit naglalaman ang mga saling-akdang pandaigdig ng mga terminolohiya at salitang hindi pamilyar sa mga mag-aaral na nagiging hadlang sa kanilang pag-unawa. Bilang pagtugon sa layuning maiangat ang antas ng pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral sumentro ang pananaliksik na ito sa paggamit ng IlustrasyongGlosaryo ng mga Salitang Nakapaloob sa Ilang Piling Pa...
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang malaman ang pananaw sa paggamit ng panitikan ng Mauban sa... more Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang malaman ang pananaw sa paggamit ng panitikan ng Mauban sa pagtuturo ng komunikasyon at pagpapayaman ng talasalitaan ng mga mag-aaral na may kabuuang bilang na animnapung tagasagot mula sa unang taon ng Pambayang Kolehiyo ng Mauban na binubuo ng tatlong pangkat. Nilalayong sagutin sa pag-aaral na ito kung ano ang pananaw ng mga mag-aaral sa paggamit ng panitikan ng Mauban sa pagtuturo ng komunikasyon batay sa layunin, nilalaman, paggamit ng mga salita, at disenyo at pagkakabuo. Ninais ding malaman ang antas ng pagpapayaman ng talasalitaan batay sa paggamit ng context clues at idyomatikong pagpapahayag. Inalam din sa pag-aaral kung may makabuluhang kaugnayan ang pananaw sa paggamit ng panitikan ng Mauban sa pagtuturo ng komunikasyon at ang antas ng kanilang pagpapayaman ng talasalitaan. Binigyang kasagutan din kung ano ang naging mahalagang pagkakaiba ng antas ng pagpapayaman ng talasalitaan batay sa naging resulta ng pre-test at post-test ng mg...
Ang Asignaturang Filipino ay kabilang sa K to 12 Curriculum na idinisenyo ng mga eskperto sa Kaga... more Ang Asignaturang Filipino ay kabilang sa K to 12 Curriculum na idinisenyo ng mga eskperto sa Kagawaran ng Edukasyon upang mapalawak ang kaalaman ng bawat Filipino patungkol sa sariling wika at ang mga kagamitan nito. Sa kasalukuyan, maraming mag-aaral ang nahihirapan sa Asignaturang Filipino at maging pagpapahayag ng kanilang mga ideya at saloobin sa paraang pasulat ay apektado. Kapansin-pansin na nawawalan sila ng kawilihan, kadalasang hindi pinakikinggan ang mga aralin at kinatatamaran ang pagsulat kung nakasusulat man ay kulang sa kasanayan. Kaya't ninais ng mananaliksik na gumamit ng ibang estratehiya na maaaring makatulong sa pagpapaunlad ng kasanayan sa pagsulat ng sanaysay ng mga magaaral, ang Cloze Passage bilang estratehiya sa pagtuturo ng Filipino. Ginamit sa pananaliksik ang eksperimentalna disenyo, Pauna at Panghuling Pagsulat ng Sanaysay (Pre-test& Post-test) upang matamo ang mga layunin ng pag-aaral: (1) Ano ang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay ng mga mag-aaral ba...
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang malaman ang eklektik na metodo sa pagtuturo ng dalumatfil... more Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang malaman ang eklektik na metodo sa pagtuturo ng dalumatfil at ang kasanayan sa pagsulat ng reaksyong papel ng mga mag-aaral na may kabuuang bilang na siyamnapu'pitong tagasagot mula sa ikalawang antas sa kolehiyo ng College of Arts and Sciences ng Laguna State Polytechnic University San Pablo City Campus. Sa pag-aaral na ito binibigyang katugunan ang mga sumusunod na katanungan: Ano ang profayl ng mga tagasagot batay sa edad, kasarian, kinawiwilihan tulad ng panonood?; Ano ang pananaw ng mga tagasagot sa eklektik na metodo sa pagtuturo ng dalumatfil batay sa; prosesong metodo at metakognitibong metodo?; Ano ang kasanayan sa pagsulat ng reaksyong papel batay sa nilalaman, kaisahan at mekanismo sa pagsulat?; May makabuluhang kaugnayan ba ang propayl ng mga tagasagot sa kasanayan sa pagsulat ng reaksyong papel? May makabuluhang kaugnayan ba ang eklektik na metodo sa pagtuturo ng dalumatfil sa kasanayan sa pagsulat ng reaksyong papel. Ang pamam...
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang magamit at malaman ang antas ng pagtanggap sa Brochure Bi... more Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang magamit at malaman ang antas ng pagtanggap sa Brochure Bilang Suplemental na Kagamitang Babasahin at makita ang makabuluhang kaugnayan sa antas ng Malikhaing Pagsulat ng mga mag-aaral na may kabuuang bilang na apatnapung (40)tagasagot mula sa ikawalong grado ng Col. Lauro D. Dizon Memorial Integrated High School. Nilayong sagutin sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na katanungan: (1) Ano ang antas ng pagtanggap ng mga tagasagot sa brochure bilang suplemental na kagamitang babasahin batay sa Layunin, Nilalaman, Gawain at Pagtataya?, (2) Ano ang antas ng malikhaing pagsulat ng mga tagasagot bago at pagkatapos gamitin ang brochure bilang suplemental na kagamitang babasahin, (3) May makabuluhang pagkakaiba ba ang antas ng malikhaing pagsulat ng mga tagasagot bago at pagkatapos gamitin ang brochure bilang suplemental na kagamitang babasahin? at (4) May makabuluhang kaugnayan ba ang paggamit ng brochure bilang suplemental na kagamitang babasahin s...
Ang pagbasa ay isang kritikal na aspeto na karapat-dapat bigyan ng pansin at pagpapahalaga sapagk... more Ang pagbasa ay isang kritikal na aspeto na karapat-dapat bigyan ng pansin at pagpapahalaga sapagkat ito ang nagsisilbing pundasyon ng mag-aaral sa paglipas ng panahon. Layon ng pag-aaral na ito na mabatid ang kaugnayan ng paggamit ng Phono-syllabic na kagamitan sa pagtuturo ng Filipino at ang kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral tulad ng pagkilala ng letra, pagbigkas ng tunog at pormasyon ng pantig. Ang mga respondente ay may kabuuang bilang na apatnapung (40) mag-aaral na magmumula sa Mababang Paaralan ng Bayanan Unit 1 sa Muntinlupa City. Gumamit ng cluster random sampling ang mananaliksik sa pagpili ng mga respondenteupang maging madali ang pagsasagawang pag-aaral at pangangalapng datos dulot ng pandemya. Ang disenyong eksperimental ang ginamit ng mananaliksik sa pag-aaral na ito upang malaman ang kaugnayan ng hindi malayang baryabol sa malayang baryabol ng naisagawang pag-aaral. Nagsagawa ng pauna at panapos na pagsusulit upang makalap ang mga marka sa kasanayan sa pagbasa ng m...
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang mapagtibay ang Replektibong Dulog sa Pagtuturo at Kasanay... more Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang mapagtibay ang Replektibong Dulog sa Pagtuturo at Kasanayan sa Pagbigkas ng Talumpati. Sa pag-aaral na ito binibigyang katugunan ang mga sumusunod na katanungan: Ano ang pananaw ng mga tagasagot sa Replektibong Dulog sa Pagtuturo batay sa pag-aalala, paghihinuha at pageebalweyt; Ano ang Kasanayan sa Pagbigkas ng Talumpati ng mga tagasagot batay sa tono, pagpapalutang ng damdamin, kalinawan at kawastuhan ng bigkas, pagbibigay ng diwa o emphasis at sapat na kaalaman sa piyesa; May makabuluhang kaugnayan ba ang paggamit ng Replektibong Dulog sa Pagtuturo at Kasanayan sa Pagbigkas ng Talumpati ng mga mag-aaral?; Ang pamamaraang palarawan ang ginamit ng mananaliksik upang makalap ang mahalaga at makatotohanang impormasyon na kinakailangan sa pag-aaral. Ang istatistikal na pamamaraan na ginamit sa pagsasaliksik ay weighted mean at standard deviation para sa pananaw ng mga tagasagot sa Replektibong Dulog ng Pagtuturo at Kasanayan sa Pagbigkas ng Talu...
Ang pananaliksik ay isinagawa upang makalap ang mga kailangang impormasyon, kaalaman, tugon at pu... more Ang pananaliksik ay isinagawa upang makalap ang mga kailangang impormasyon, kaalaman, tugon at puna tungkol sa pagsasakomiks ng alamat ng pitong lawa sa pagtuturo ng panitikan at kasanayan sa pagsulat ng buod. Nabigyang kasagutan ang pag-aaral na ito sa pamamagitan ng mga sumusunod na katanungan; pananaw ng mga tagasagot sa pagsasakomiks ng mga alamat ng pitong lawa sa pagtuturo ng panitikan at ang kasanayan sa pagsulat ng buod batay sa layunin, nilalaman, disenyo, tibay, at kakayahang magamit, antas ng pagtanggap ng mga tagasagot sa pagsasakomiks ng mga alamat ng pitong lawa sa pagtuturo ng panitikan at ang kasanayan sa pagsulat ng buod batay sa kalinawan, kaangkupan at hikayat, at ang kasanayan sa pagsulat ng buod ng mga tagasagot batay sa nilalaman, kaisahan at mekanismo. Nabuo ang pananaliksik na ito ayon sa obserbasyon na mababa ang interes at pagkatuto ng mga mag-aaral kung pawang mga teksto lamang ang kanilang binabasa samantalang mas higit na napupukaw ang kanilang kawilihan...
Uploads
Conference Presentations by Imelda Carada
opinion, saloobin, at ideya sa anyong pasulat gamit ang sariling wika. Kaugnay nito, ang gawain ng guro sa
proseso ng pagpapayabong ng kaalaman ay hindi mapapasubalian, kaya’t upang makamtan ang
pinakamataas na pagpapabuti nito ay nangangailangang siya ay maging edukado at maging bahagi ng
komunidad ng pag-aaral. Kaya naman kinakailangang maging maingat at mahusay sa pagpili ng angkop na
estratehiya o metodo na gagamitin sa pagtuturo sapagkat nakasasalalay sa guro ang mabisang pagkatuto
ng mga mag-aaral. Sinasabing ang kooperatib-kolaboratib ay isa sa mabibisa o epektibong istratehiya na
kinakailangang pag-ukulan ng pansin. Isinagawa ang pag-aaral na ito upang mabatid ang mga sumusunod:
(1) ano ang pananaw ng mga tagasagot sa mga elemento ng mga pangkatang pagdulog; (2) ano ang
kasanayan sa malikhaing pagsulat ng mga mag-aaral batay sa pagbuo ng pamagat ng kuwento, pagbabago
ng katangian ng tauhan, at pagbuo ng sariling pamagat; at (3) kung may makabuluhang pagkakaugnayan
ba ang pangkatang pagdulog sa pagtuturo ng panitikang Filipino at kasanayan sa malikhaing pagsulat ng
mga mag-aaral. Ginamit sa pag-aaral na ito ang deskriptibong pamamaraan upang madaling makuha at
mailarawan ang mga datos na kailangan ng pag-aaral. Batay sa pag-aaral na isinagawa ng mananaliksik,
natuklasan na ang mga mag-aaral ay sumasang-ayon na ang pangkatang pagdulog sa pagtuturo ng
panitikang Filipino ay nakatutulong upang mas mahasa ang kanilang kasanayan malikhaing pagsulat
sapagkat nakakuha itong kabuuang mean ito na 4.4. Sa kabuuan ng pag-aaral, napatunayan na ang pananaw
ng mga mag-aaral sa harapang interaksyon at interpersonal at maliit na pangkat na pangkasanayan ay may
mahalagang kaugnayan sa kasanayan sa malikhaing pagsulat. Samantala, ang isahang pananagutan,
positive interdependence at prosesong pangkatan naman ay walang makabuluhang kaugnayan. Kaya
naman ipinapayo na kapag maayos na ang sitwasyon at wala na ang pandemya ay isaalang-alang at gamitin
sa pagtuturo ang pangkatang pagdulog sa pagtuturo ng panitikang Filipino sapagkat ito ang maglulundo sa
interaktibong pagganap, pakikisangkot, at kooperasyon ng mga mag-aaral sa klase na siyang kailangan
upang matamo ang kasanayang nililinang lalo’t higit sa kasanayan sa malikhaing pagsulat ng mga magaaral. Mas mainam rin na isaalang-alang ang karanasan at interes ng mga mag-aaral sa pagpili ng
estratehiyang gagamitin sa pagtuturo sapagkat mas kinawiwilihan, nagiging aktibo, nagiging interesado at
ginaganahan sila sa klase kung sila ay nasisiyahan sa kanilang ginagawa.Iminumungkahi ng mananaliksik
na ipagpatuloy ang paggamit ng pangkatang pagdulog sa pagtuturo ng panitikang Filipino at magsaliksik
pa ng mga bagong pamamaran ng pagtuturo na aangkop sa interes at istilo ng mga mag-aaral nang sagayo’y
maging matagumpay ang pagkatutong minimithi. Sa huli, iminumungkahi rin na patuloy na magsagawa ang mga guro nang mas malawak at malalim na pag-aaral hinggil sa paglinang ng kasanayan sa kasanayan sa
malikhaing pagsulat.
Noli Me Tangere sa kasanayan sa pagsulat ng reflective journal ng mga mag-aaral.Sinagot sa pag-aaral na
ito ang mga sumusunod na katanungan: Una, ano ang pananaw ng mga tagasagot sa audio-recorded ng
masining na pagsasalaysay ng ilang piling tagpo ng Noli Me Tangere batay sa nilalaman
estilo,organisasyon,kalidad ng audio?Ikalawa,ano ang kasanayan ng mga tagasagot sa pagsulat ng reflective
journal batay sa nilalaman, organisasyon ng mga ideya, mekanismo sa pagsulat, paggamit ng malaki at
maliit na titik, paggamit ng bantas, paghahati ng salita at wastong gamit ng mga kataga o salita? At ikatlo,
may makabuluhang kaugnayan ba ang pagsasa-radyo sa ilang mahahalagang tagpo ng Noli Me Tangere sa
kasanayan sa pagsulat ng reflective journal ng mga mag-aaral? Ang mga tagatugon ng pag-aaral ay ang
limampung (50) mag-aaral ng ikasiyam na baitang ng Sta. Catalina National High School.Ginamit ang
talatanungan upang matukoy ang pananaw ng mga mag-aaral sa audio- recorded ng masining na
pagsasalaysay ng ilang piling tagpo ng Noli Me Tangere samantalang gumamit naman ng pamantayan
upang mataya ang kasanayan sa pagsulat ng reflective journal ng mga mag- aaral.Ang audio-recorded ng
masining na pagsasalaysay ng ilang piling tagpo ng Noli Me Tangere,pagpapasagot sa talatanungan ,at
pagpapasulat ng reflective journal sa mga ,mag-aaral ay isinagawa noong buwan ng Abril 2021.Pagkatapos
makuha ang mga datos tungkol sa pag-aaral ,gumamit ang mananaliksik ng Mean at Standard Deviation
para sa pagsusuri at interpretasyon,gayundin ang Pearson r para sa pagtukoy ng ugnayan ng mga
baryabol.Lubos na sumasang-ayon ang mga tagasagot hinggil audio-recorded ng masining na
pagsasalaysay ng ilang piling tagpo ng Noli Me Tangere batay sa nilalaman,estilo,organisasyon at kalidad
ng audio.Nasa Napakahusay na lebel ng kasanayan ang mga mag-aaral sa pagsulat ng reflective journal
batay sa nilalaman,organisasyon ng mga ideya,mekanismo ng pagsulat,pagbaybay/ispeling, paggamit ng
malaki at maliit na titik, paggamit ng bantas, pahahati ng salita at wastong gamit ng kataga o salita. Walang
makabuluhang ugnayan ang Audio-recorded ng masining na pagsasalaysay ng ilang piling tagpo ng Noli Me
Tangere batay sa Nilalaman,Estilo,Organisasyon at Kalidad ng Audio sa kasanayan sa pagsulat ng reflective
journal batay sa nilalaman,organisasyon ng mga ideya,mekanismo ng pagsulat,pagbaybay/ispeling,
paggamit ng malaki at maliit na titik, paggamit ng bantas, pahahati ng salita at wastong gamit ng kataga o
salita. Batay sa sa naging resulta ng pag-aaral, walang makabuluhang kaugnayan ang audio-recorded ng masining na pagsasalaysay ng ilang piling tagpo ng Noli Me Tangere sa kasanayan sa pagsulat ng reflective
journal ng mga mag-aaral.
pagtuturo ng komunikasyon at pagpapayaman ng talasalitaan ng mga mag-aaral na may kabuuang bilang
na animnapung tagasagot mula sa unang taon ng Pambayang Kolehiyo ng Mauban na binubuo ng tatlong
pangkat. Nilalayong sagutin sa pag-aaral na ito kung ano ang pananaw ng mga mag-aaral sa paggamit ng
panitikan ng Mauban sa pagtuturo ng komunikasyon batay sa layunin, nilalaman, paggamit ng mga salita,
at disenyo at pagkakabuo. Ninais ding malaman ang antas ng pagpapayaman ng talasalitaan batay sa
paggamit ng context clues at idyomatikong pagpapahayag. Inalam din sa pag-aaral kung may
makabuluhang kaugnayan ang pananaw sa paggamit ng panitikan ng Mauban sa pagtuturo ng
komunikasyon at ang antas ng kanilang pagpapayaman ng talasalitaan. Binigyang kasagutan din kung ano
ang naging mahalagang pagkakaiba ng antas ng pagpapayaman ng talasalitaan batay sa naging resulta ng
pre-test at post-test ng mga mag-aaral. Ginamit naman sa pag-aaral ang eksperimental at deskriptibong
pamamaraan upang madaling makalap ang mahahalagang datos at impormasyon na kinakailangan sa
panananaliksik. Pinili ang mga tagasagot sa pamamagitan ng stratified random sampling. Ang istatistikal
na pamamaraan na ginamit ay ang weighted mean at standard deviation upang masuri ang pananaw sa
paggamit ng panitikan ng Mauban sa pagtuturo ng komunikasyon. Ginamit naman ang frequency
percentage upang mabatid ang antas ng pagpapayaman ng talasalitaan batay sa paggamit ng context clues
at idyomatikong pagpapahayag. Upang malaman mahalagang ugnayan ng pananaw sa panitikan ng Mauban
at antas ng pagpapayaman ng talasalitaan ng mga mag-aaral ay ginamit Pearson r. Gumamit din ng t-test
upang makita kung may mahalagang pagkakaiba ang antas ng pagpapayaman ng talasalitaan bago at
pagkatapos gamitin ang panitikan ng Mauban. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, natuklasan na sumasangayon ang mga mag-aaral sa mga layunin at mga salitang ginamit sa akda at lubos na sumasang-ayon sa
nilalaman at ginamit na disenyo at pagkakabuo nito. Napatunayan rin na maraming bilang ng mga magaaral ang may mataas na antas ng pagpapayaman ng talasalitaan batay sa paggamit ng context clues at
idyomatikong pagpapahayag. Lumalabas rin na walang makabuluhang kaugnayan ang pananaw sa
paggamit ng panitikan ng Mauban at ang antas ng pagpapayaman ng talasalitaan. Samantala, nagkaroon
naman ng mahalagang pagkakaiba ang antas sa pagpapayaman ng talasalitaan bago at pagkatapos gamitin
ang mga akda. Mula sa naging resulta ng pag-aaral, napatunayan na ang mga mag-aaral ay may mataas na
antas ng pagpapayaman ng talasalitaan subalit kailangan pa rin silang sanayin upang lalong mapaunlad ito.
Napatunayan rin na mahalaga ang paggamit ng mga akdang lokal at kontekstwal tulad ng panitikan ng Mauban sa pagtuturo ng komunikasyon dahil ito ay nakatulong upang lalo pang tumaas ang antas ng
pagpapayaman ng talasalitaan ng mga mag-aaral.
ng malikhaing pagsulat ng mga tagasagot bago at pagkatapos gamitin ang brochure bilang suplemental na
kagamitang babasahin, (3) May makabuluhang pagkakaiba ba ang antas ng malikhaing pagsulat ng mga
tagasagot bago at pagkatapos gamitin ang brochure bilang suplemental na kagamitang babasahin? at (4) May
makabuluhang kaugnayan ba ang paggamit ng brochure bilang suplemental na kagamitang babasahin sa
antas ng malikhaing pagsulat? Ginamit sa pag-aaral ang eksperimental na pamamaraan upang madaling
makuha ang mga datos at ang ugnayan ng mga baryabol. Mula sa bawat iskor na nagpapakita ng antas ng
malikhaing pagsulat ng mga tagasagot bago at pagkatapos gamitin ang brochure bilang suplemental na
kagamitang babasahin, napatunayan sa resulta na may makabuluhang pagkakaiba ang antas ng malikhaing
pagsulat sa bahagi lamang ng Pagsulat ng Alamat sa Nilalaman na may .049 lebel na signipikant at Pagsulat
ng Nobela sa Nilalaman na may .016 lebel na signipikant at Mekanismo ng Pagsulat na may .040 lebel na
signipikant. Samantala, walang makabuluhang pagkakaiba sa hindi nabanggit na mga baryabol. Napatunayan
naman sa resulta ng pag-aaral na may makabuluhang kaugnayan ng mga sumusunod: Pagsulat ng Alamat
(Kaugnayan ng Paksa) sa Nilalaman (.383*), Pagsulat ng Maikling Kwento (Kaisahan) sa Nilalaman (.324*),
Pagsulat ng Nobela (Kaisahan) sa Layunin (.361*), Pagsulat ng Nobela (Kaisahan) sa Gawain (.453**), Pagsulat
ng Nobela (Kaisahan) sa Pagtataya (.334*) at Pagsulat ng Nobela (Kaugnayan sa Paksa) sa Gawain (.345*).
Subalit, ang ibang baryabol ay hindi kinakitaan ng makabuluhang kaugnayan. Matapos maanalisa ang mga
nakalap na datos, nabuo ng mananaliksik ang mga sumusunod na konkulusyon batay sa kinalabasan ng pagaaral. 1) Natuklasan na may mataas na pagtanggap sa brochure bilang suplemental na kagamitang babasahin
batay sa Layunin, Nilalaman, Gawain at Pagtataya nito. 2) May makabuluhang pagkakaiba ang antas ng
malikhaing pagsulat bago at pagkatapos gamitin ang brochure sa Pagsulat ng Alamat (Nilalaman) at Paghsulat
ng Nobela (Nilalaman at Mekanismo ng Pagsulat) subalit, walang makabuluhang pagkakaiba sa iba pang
baryabol. 3) may kaugnayan ang brochure bilang supplemental na kagamitang babasahin at malikhaing
pagsulat sa PAgsulat ng Alamat (Kaugnayan sa Paksa)- Nilalaman, Pagsulat ng Maikling Kwento (Kaisahan)-
Nilalaman, Pagsulat ng Nobela(Kaisahan)-Layunin, Pagsulat ng Nobela(Kaisahan)- Gawain, Pagsulat ng Nobela (Kaisahan)- Pagtataya at Pagsulat ng Nobela (Kaugnayan sa Paksa)- Gawain. Subalit, walang makabuluhang
kaugnayan sa iba pang baryabol.
Denotasyon at Konotasyon. Isinagawa ito sa pamamagitan ng pagbuo at pagbabalideyt ng pictographs ng
mga salitang Tayabasin at pagsasagawa ng pauna at panapos na pagtatayang pagsusulit sa
pagpapakahulugang denotasyon at konotasyon sa mga mag-aaral. Gumamit ang mananaliksik sa pag-aaral
na ito ng correlational at eksperimental na pamamaraan upang mabatid kung may makabuluhang
kaugnayan ba ang pictograps ng mga salitang Tayabasin at pagpapakahulugang denotasyon at konotasyon
at gayundin ang makabuluhang pagkakaiba ng antas ng pagpapakahulugan ng mga mag-aaral bago at
pagkatapos na pagsusulit. Upang mataya ang kaalaman ng mga mag-aaral sa pagpapakahulugang
denotasyon at konotasyon, gumamit ang mananaliksik ng talatanungan gamit ang Google Form. Isinagawa
ang stratified random sampling upang pillin ang mga tagasagot na mag-aaral mula sa tatlong strand na
ABM, HUMSS at STEM ng Grade 11. Ginamit ng mananaliksik ang mean at standard deviation sa pag-alam
sa antas ng pagtanggap ng mga tagasagot sa pictorgraphs ng mga salitang Tayabasin at frequency
percentage para sa antas ng pagpapakahulugan ng mga mag-aaral sa denotasyon at konotasyon at 0.1 na
lebel ng significance para sa pagkuha ng makabuluhang pagkakaiba at ugnayan ng mga baryabol. Gayundin,
ginamit ng mananaliksik ang pearson r upang malaman ang mahalagang kaugnayan ng pictographs ng mga
salitang Tayabasin at pagpapakahulugang denotasyon at konotasyon ng mga mag-aaral. Ayon sa kabuuang
resulta ng pag-aaral, lumabas na ang pictographs ng mga salitang Tayabasin ay walang makabuluhang
kaugnayan sa pagpapakahulugang denotasyon at konotasyon.
Pagbigkas ng Talumpati. Sa pag-aaral na ito binibigyang katugunan ang mga sumusunod na katanungan: Ano
ang pananaw ng mga tagasagot sa Replektibong Dulog sa Pagtuturo batay sa pag-aalala, paghihinuha at pageebalweyt; Ano ang Kasanayan sa Pagbigkas ng Talumpati ng mga tagasagot batay sa tono,
pagpapalutang ng damdamin, kalinawan at kawastuhan ng bigkas, pagbibigay ng diwa o emphasis at sapat na
kaalaman sa piyesa; May makabuluhang kaugnayan ba ang paggamit ng Replektibong Dulog sa
Pagtuturo at Kasanayan sa Pagbigkas ng Talumpati ng mga mag-aaral?; Ang pamamaraang palarawan ang
ginamit ng mananaliksik upang makalap ang mahalaga at makatotohanang impormasyon na kinakailangan sa
pag-aaral. Ang istatistikal na pamamaraan na ginamit sa pagsasaliksik ay weighted mean at standard
deviation para sa pananaw ng mga tagasagot sa Replektibong Dulog ng Pagtuturo at Kasanayan sa
Pagbigkas ng Talumpati ng mga tagasagot. Upang maipakita ang kaugnayan ng paggamit ng Replektibong
Dulog sa pagtututuro at Kasanayan sa Pagbigkas ng mga mag-aaral ay ginamit ng mananaliksik ng
Frequency at Colleration (Pearson r) Sa naging pag-aaral lumabas ang mga sumusunod na mean: Para sa
pananaw ng mga tagasagot sa Replektibong Dulog batay sa pag-aalala (3.61), paghihinuha (3.56), pageebalweyt (3.59) at ang kinalabasan ng resulta sa Kasanayan sa Pagbigkas ng Talumpati batay sa tono,
pagpapalutangng damdamin, kalinawan at kawastuhan ng bigkas, pagbibigay ng diwa o emphasis maging ang
sapat na kaalaman sa piyesa ay nagkaroon ng frequency na 60 at may kabuoang 100 na porsiyento.Bilang
pangkalahatang pagsusuri sa pananaw ng mga tagasagot sa Replektibong Dulog sa Pagtuturo tunay na may
malaking tulong ang realisasyono repleksiyonat pagsasaalang-alang ng kaalaman hango sa sariling karanasan
atinteres sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa antas ng Kasanayansa Pagbigkas ng Talumpati ng mga mag-aaral
batay sa pagbibigay ng diwa o empasis at sapat na kaalaman sa piyesa ay kinakailangan pa ng ibayong
paghahanda. Samantalang ang mga kasanayan na tono, pagpapalutang ng damdamin kasama ng kalinawan
at kawastuhan ng pagbigkas bagamat nasa interpretasyong magaling ay nangangailangan pa din ng ibayong
gabay,nangangahulugang angpagtuturoat angkasanayan sapagbigkas ay may magandangdulot sa pagtatamo
ng kaalaman ng mga mag-aaral. Batay sa sa naging resulta ng pag- aaral, walang makabuluhang kaugnayan
ang Replektibong Dulog sa Pagtuturo at Kasanayan sa Pagbigkas ng Talumpati.
tungkol sa pagsasakomiks ng alamat ng pitong lawa sa pagtuturo ng panitikan at kasanayan sa pagsulat ng
buod. Nabigyang kasagutan ang pag-aaral na ito sa pamamagitan ng mga sumusunod na katanungan;
pananaw ng mga tagasagot sa pagsasakomiks ng mga alamat ng pitong lawa sa pagtuturo ng panitikan at ang
kasanayan sa pagsulat ng buod batay sa layunin, nilalaman, disenyo, tibay, at kakayahang magamit, antas
ng pagtanggap ng mga tagasagot sa pagsasakomiks ng mga alamat ng pitong lawa sa pagtuturo ng panitikan
at ang kasanayan sa pagsulat ng buod batay sa kalinawan, kaangkupan at hikayat, at ang kasanayan sa
pagsulat ng buod ng mga tagasagot batay sa nilalaman, kaisahan at mekanismo. Nabuo ang pananaliksik na
ito ayon sa obserbasyon na mababa ang interes at pagkatuto ng mga mag-aaral kung pawang mga teksto
lamang ang kanilang binabasa samantalang mas higit na napupukaw ang kanilang kawilihan sa paggamit ng
iba’t ibang kagamitang pampagtuturo kagaya ng komiks. Ang pag-aaral na isinagawa ay ginamitan ng
pagsusuri na may patnubay na tanong sa walumpung (80) mag-aaral ng ikapitong grado ng Col. Lauro D.
Dizon Memorial Integrated High School = na nasa pangangalaga ng mananaliksik. Ang mga datos ay sinuri
at sinukat sa pamamagitan ng sagot ng mga mag-aaral. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral nabuo ang
konklusyon na may makabuluhang kaugnayan ang pananaw ng mga tagasagot sa kasanayan sa pagsulat ng
buod ng alamat kung kaya’t nabuo ang rekomendasyon ayon sa sumusunod; magkaroon ng karagdagang
gawain tulad ng mga tanong na sasagutan ng mga mag-aaral sa bawat alamat upang mas lumalim pa ang
pagkaunawaat pagkatutong mga mag-aaral sa kalipunanng mga alamat ng pitong lawa na isinakomiks at higit
na palawakin ang kaalaman ng mga mag-aaral sa pagbabasa sa pamamagitan ng paggamit ng mas malalaki,
makukulay at kawili-wiling mga larawan na bubuhay sa imahinasyon at pupukaw sa kanilang interes upang
makabuo ng isang mas makabuluhan at katangi- tanging awtput mula sa binasa.
Papers by Imelda Carada