Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Skip to main content
i PAUNANG SALITA "Kasabay ng pag-unlad ng bayan ang pag-unlad ng kaniyang mamamayan, sa lahat ng aspeto ng buhay" Tugon sa pag-unlad at pagbabago sa bawat sulok ng mundo ang pagyakap at pakikipagsabayan sa agos na ito ng Panitikang... more
i PAUNANG SALITA "Kasabay ng pag-unlad ng bayan ang pag-unlad ng kaniyang mamamayan, sa lahat ng aspeto ng buhay" Tugon sa pag-unlad at pagbabago sa bawat sulok ng mundo ang pagyakap at pakikipagsabayan sa agos na ito ng Panitikang Pilipino. Ang pagpapalit-anyo nito at pagbibihis mula sa makalumang panitikan hanggang sa kasalukuyan upang manapay maipabatid sa karamihan, lalo't higit sa mga kabataan ang kayamanang angkin ng Panitikang natatangi, ang Panitikang Pilipino. Alinsunod sa pagbabago ng kurikulum, ang pagbuo sa mga kagamitang panturo at pampagkatuto upang makaagapay sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa Asignaturang Filipino. Pinaglaanan ng mahuhusay at makabagong pamamaraan upang higit na maiangkop sa uri ng mga mag-aaral ang mga gawain sa modyul na ito. Sapagkat naniniwala ang Kagawaran ng Edukasyon na ang mahusay at kalidad na edukasyon ay makakamtan ng bawat isang Pilipinong mag-aaral mula ngayon at sa mga susunod pang henerasyon.