Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                

Guam

di-ingkorporadong teritoryo ng Estados Unidos

Ang Guam (Tsamoro: Guåhån), o ang Teritoryong Amerikano ng Guam (Ingles: U.S. Territory of Guam), ay isang pulo sa kanlurang Karagatang Pasipiko at isang organisadong hindi-inkorporadong teritoryo ng Estados Unidos. Ang mga naninirahang tao doon ay ang mga Chamorro, na unang nanirahan sa pulo may 6,000 taon na ang nakakaraan. Ang mga eksperto ay nagteteoriya na ang mga unang tao ay nagibang-bayan mula sa paroroonang nagsasangkot sa mga maagang daang pang-kalakalan, pero, ang iba ay nag-iisip na ang mga tao ay baka mula sa timog-silangang Asya, kasama ang Indonesia, Malaysia at Pilipinas. Marami sa mga maagang Chamorro ay kaparis ang itsura ng mga tao mula sa paroroonang iyon, pero sa kasalukuyan, ang mamamayan ng Guam ay nagiging mas magkakahalo sa lahi.

Teritoryo ng Guam
Guåhån
Watawat ng Guam
Watawat
Eskudo ng Guam
Eskudo
Salawikain: Where America's Day Begins
(Ingles: Kung Saan Nagsisimula ang Araw ng Amerika)
Awiting Pambansa: Fanohge Chamorro
Location of Guam
KabiseraHagåtña
Pinakamalaking lungsodDededo
Wikang opisyalIngles, Tsamoro
PamahalaanTeritoryo ng Estados Unidos
• Pangulo
Joe Biden
Kasarinlan 
wala (teritoryo ng Estados Unidos)
Lawak
• Kabuuan
543.52 km2 (209.85 mi kuw) (Ika-192)
• Katubigan (%)
neglihible
Populasyon
• Pagtataya sa Hulyo 2006
170,000 (Ika-186)
• Densidad
307/km2 (795.1/mi kuw) (Ika-37)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2000
• Kabuuan
$3.2 bilyon (Ika-167)
• Bawat kapita
$21,000 (taya noong 2000) (Ika-35)
SalapiDolyar ng Estados Unidos (USD)
Sona ng orasUTC+10
• Tag-init (DST)
(walang DST)
Kodigong pantelepono1-671
Kodigo sa ISO 3166GU
Internet TLD.gu

Ito ang pinakamalaki at pinakatimog na pulo sa Marianas. Hagåtña, ang kabisera nito na dating Agaña. Turismo ang pangunahing sumusuporta sa ekonomiya ng Guam. Karamihan sa mga turista ay galing sa Hapon, Timog Korea, Republikang Popular ng Tsina at mga base ng hukbong sandatahan ng Estados Unidos. Ang Komite ng Nagkakaisang Bansa sa Dekolonisasyon ay sinama ang Guam sa tala ng mga bansang hindi-sariling-nagmamahalaan ng Nagkakaisang Bansa.

Heograpiya

baguhin

Ang Guam ay makikita sa 13.5°N Latitud at 144.5°E Longhitud. Ang Guam ay pinapaligiran ng isang reef. Ito ay ang pinakamalaking pulo sa kapuluang Marianas at ang pinaka-timog sa lahat. Patag ang bandang hilagang bahagi ng pulo, at halos bulubundukin ang bandang timog.

Kasaysayan

baguhin

Pinaniniwalaang unang natagpuan ang pulo ng Guam ng mga manlalayag-dagat na nagmula sa bandang timog-silangang Indonesia noong 2000 BKP. Halos lahat ng kaalaman ukol sa sinaunang mga Chamorro, o ang mga katutubong tao roon, ay nagmula mula sa mga alamat at kuwento, ebidensyang arkeolohiko, sa ulat ng mga paring Heswita at mga obserbasyon ng mga dumadayong mga dalubhasa katulad nina Otto von Kotzebue at Louis de Freycinet.

Noong panahon nang unang pagdating ng mga Yuropeo sa Guam, ang pamayanang Chamorro ay nahahati sa tatlong antas: ang mga matua na siyang pinakamataas, mga achaot sa gitna, at mga mana'chang na ang mababang uri. Naninirahan ang mga matua sa mga pook na nasa tabing-dagat, at ang ibig sabihin nito ay sila ang maaring mangisda sa pinakamagandang mga fishing grounds. Ang mababang uri, ang mga mana'chang, ay nakatira sa bandang loob ng pulo. Ang dalawang pangkat ay halos walang komunikasyon sa isa't isa, at ang mga achaot ang pumamapagitan sa dalawang grupong ito. Ang kanilang mga "shaman" ay ang mga makana, na naninilbihan bilang magagaling na mangagamot. Ang paniniwala sa mga kaluluwa ng mga sinaunang na kung tawagi'y mga "Taotao Mona" ay isang paniniwalang nalalabi mula sa panahong ito. Naitala ng mga Yuropeo ang mga matutuling mga bangka ng mga Chamorro, na siyang ginagamit sa pagkalakal sa ibang mga pulo sa Mikronesiya.

Sa Kalakalang Galyon (Galleon Trade) noong ika-18 dantaon, ang Guam ay ang katangi-tanging regular na himpilan sa Karagatang Pasipiko na nasa pagitan ng Maynila at Mexico mula taong 1565 hanggang 1815 at noong naging malaya ang Pilipinas, ang pinakamalayong teritoryong sakop ng Estados Unidos at ang pinakamalaking pulo sa pagitan ng Kyushu at New Guinea, at sa gitna ng Pilipinas at Hawaii.

Ang mga "Batong Latte", o "Latte stones" ay nagsilbing mga pundasyon ng mga tahanan ng mga sinaunang Chamorro, at ito'y may dalawang bahagi. Isa rito ay ang ulo, at ang pangalawa ay ang haligi.

Galerya

baguhin

Mga kawing panlabas

baguhin

13°30′N 144°48′E / 13.500°N 144.800°E / 13.500; 144.800