Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30  

Ang Hunyo ay ang ikaanim na buwan ng taon sa mga kalendaryong Huliyano at Gregoryano. May haba ito na 30 araw. Nasa Hunyo ang soltisyo ng tag-init sa Emisperyong Hilaga, ang araw na may pinakamaraming oras na sumisikat ang araw, at ang soltisyo ng tagniyebe sa Emisperyong Katimugan, ang araw na may pinakakaunting oras na sumisikat ang araw (maliban sa mga rehiyong polar sa parehong kaso). Ang Mayo sa Emisperyong Katimugan ay ang katumbas na panahon ng Disyembre sa Emisperyong Hilaga at ang kabaligtaran nito. Sa Emisperyong Katimugan, nag-umpisa ang tagniyebeng meteorolohikal sa Hunyo.[1]

Etimolohiya at kasaysayan

baguhin
 
(Umaapoy na Hunyo) Flaming June (1895) ni Lord Leighton

Ang pangalang Latin ng Hunyo ay Junius. Nag-aalok si Ovidio ng maraming etimolohiya ng pangalan sa Fasti, isang tula tungkol sa kalendaryong Romano. Ang unang etimolohiya ng Hunyo ay ipinangalan sa diyosang si Huno, ang diyosa ng kasal at ang asawa ng kataasan-taasang diyos na si Hupiter; ang ikalawang etimolohiya ay nagmula sa salitang Latin na iuniores, na nangangahulugang "mga nakakabata", salungat sa maiores ("mga nakakatanda") kung saan ipinangalan ang nakaraang buwan na Mayo (Maius).[2] May isa pang sanggunian ang sinasabing ipinangalan ang Hunyo kay Lucius Junius Brutus, tagapagtatag ng Republikang Romano at ninuno ng Romanong gens Junia.[3]

Noong sinaunang Roma, tinuturing ang panahon mula kalagitnaan ng Mayo hanggang kalagitnaan ng Hunyo na hindi katanggap-tanggap para sa pagpapakasal. Sinabi ni Ovidio na kinunsulta niya si Flaminica Dialis, ang mataas na saserdotisa ni Hupiter, tungkol sa pagtatakda ng petsa sa kasal ng kanyang anak na babae, at pinayuhan na maghintay hanggang pagkatapos ng Hunyo 15.[4] bagaman, ipinahiwatig ni Plutarko, na ang buong buwan ng Hunyo ang mas kanais-nais para sa mga kasal kaysa Mayo.[5]

Mga simbolo

baguhin
 
Mga hibla ng perlas
 
Bahagyang tapyas ng alehandrita
 
Binabaligtad-baligtad na piedad de luna
 
Gaujard na Rosas
 
Grandilya

Ang mga birthstone o batong-kapanganakan ng Hunyo ay perlas, alehandrita at pieded de luna. Rosas at granidilya ang mga bulaklak-kapanganakan ng Hunyo. Ang mga senyas ng sodyak ng Hunyo ay Gemini at Cancer (mula Hunyo 21 pataas). Ang parehong petsa ito ay para sa Estados Unidos (Eastern Daylight Time o Oras ng Liwanag ng Araw sa Silangan). Para sa UT/GMT na petsang pang-mundo, ang mga petsa ay 19–20.[6][7]

Mga pagdiriwang

baguhin

Buong buwan

baguhin
  • Buwan ng Banal na Puso ni Jesus (tradisyong Katoliko)
  • Buwan ng Kamalayan sa LGBTQ+ at buwan ng Pagpapahalaga sa Sarili (o Pride month)

Iba't ibang petsa

baguhin
  • Araw ng Ama (Ikatlong Linggo ng Hunyo sa Pilipinas)

Nakapirmi

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Holidays and Lore, Spells, Rituals and Meditations ISBN 978-0-738-72159-0 p. 111 (sa Ingles)
  2. Ovid, Fasti VI.1–88; H.H. Scullard, Festivals and Ceremonies of the Roman Republic (Cornell University Press, 1981), p. 126. (sa Ingles)
  3. Almanach général de Saint-Domingue, pour l'année 1790, http://gallica.bnf.fr/ark:/12148/bpt6k1203334d/f27, Mozard, p. 13, 1791 (sa Ingles)
  4. Scullard, Festivals and Ceremonies, p. 126. (sa Ingles)
  5. Karen K. Hersch, The Roman Wedding: Ritual and Meaning in Antiquity (Cambridge University Press, 2010), p. 47. (sa Ingles)
  6. Dadaan ang Daigdig sa pinagsangahan ng mga senyas sa 21:43 UT/GMT Hunyo 20, 2020, at dadaan muli sa 03:32 UT/GMT Hunyo 21, 2021.
  7. "Astrology Calendar", yourzodiacsign. (sa Ingles) Mga senyas nsa UT/GMT para sa 1950–2030.
Mga buwan at araw ng taon
Enero 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Pebrero   1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Marso 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Abril   1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30
Mayo 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Hunyo 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30
Hulyo 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Agosto 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Setyembre 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30
Oktubre 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Nobyembre 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30
Disyembre     1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31