Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                

Si John von Neumann (play /vɒn ˈnɔɪmən/; 28 Disyembre 1903 – 8 Pebrero 1957) ay isang Amerikanong matematiko at polymath na ipinanganak sa Hungary. Siya ay nakagawa ng mga malalaking ambag sa iba't ibang larangan [1] kabilang sa matematika(pundasyon ng matematika), functional analysis, teoriyang ergodiko, heometriya, topolohiya, at numerical analysis), pisika (quantum mechanics, hydrodynamika, at dinamikang pluido), economika (teoriya ng laro), agham pangkompyuter (arkitekturang Von Neumann, pagpoprogramang linyar, kumokopya sa sariling makina, pagkukwentang stokastiko), at estadistika.[2]

John von Neumann
Von Neumann noong mga 1940
Kapanganakan
Neumann János Lajos

28 Disyembre 1903(1903-12-28)
Kamatayan8 Pebrero 1957(1957-02-08) (edad 53)
NasyonalidadHanggarya at Amerikano
NagtaposUnibersidad ng Pázmány Péter
ETH Zürich
Kilala sa
ParangalBôcher Memorial Prize (1938), Enrico Fermi Award (1956)
Karera sa agham
LaranganAgham pangkompyuter, economika, matematika, pisika
InstitusyonUnibersidad ng Berlin
Unibersidad ng Princeton
Institute for Advanced Study
Site Y, Los Alamos
Doctoral advisorLipót Fejér
Academic advisorsLászló Rátz
Doctoral studentDonald B. Gillies
Israel Halperin
Bantog na estudyantePaul Halmos
Clifford Hugh Dowker

Siya ay pangkalahatang itinuturing na isa sa pinakadakilang mga matematiko ng modernong panahon.[2][3][4][5] Siya ay ipinanganak sa Budapest sa parehong panahon nina Theodore von Kármán (b. 1881), George de Hevesy (b. 1885), Leó Szilárd (b. 1898), Eugene Wigner (b. 1902), Edward Teller (b. 1908), at Paul Erdős (b. 1913).[6]

Si Von Neumann ay isang pionero ng paglalapat ng teoriyang operador sa quantum mechanics sa pagpapaunlad ng functional analysis. Isa siyang pangunahing kasapi ng Manhattan Project at Institute for Advanced Study sa Princeton (bilang sa ilan sa mga orihinal na hinirang) at isang mahalagang pigura sa pagpapaunlad ng teoriya ng laro[1][7] at mga konsepto ng cellular automata,[1] ang universal constructor at dihital na kompyuter. Ang pagsisiyasat na matematikal ni Von Neumann ng istruktura ng replikasyon sa sarili ay nauna sa pagkakatuklas ng istruktura ng DNA.[8] .

Si Von Neumann ay sumulat ng mga 150 inilimbag na papel sa kanyang buhay, 60 sa purong matematika, 20 sa pisika, at 60 sa nilalapat na matematika.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 Ed Regis (1992-11-08). "Johnny Jiggles the Planet". The New York Times. Nakuha noong 2008-02-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Glimm, p. vii
  3. Dictionary of Scientific Bibliography, ed. C. C. Gillispie, Scibners, 1981
  4. Glimm, p. 7
  5. Blair, pp. 89–104.
  6. Doran, p. 2
  7. Nelson, David (2003). The Penguin Dictionary of Mathematics. London: Penguin. pp. 178–179. ISBN 0-14-101077-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Rocha, L.M. "Lecture Notes of I-585-Biologically Inspired Computing Course, Indiana University" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2015-09-07. Nakuha noong 2013-05-07. {{cite web}}: |contribution= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)